You are on page 1of 8

30 MINUTONG PAGBABALITA

RADYO AKTIBO BALITA DXRV


HULYO 7, 2022
PAHINA 1 NG 8

THEME MUSIC FADES UP…FADES UNDER…


ANCHOR 1 (PAOLA): Magandang Hapon Laguna, Magandang hapon Pilipinas, DXRV 5-12-7
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
ANCHOR 2 (RAFAEL): Hatid ay balitang lehitimo’t garantisado
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
ANCHOR 1 (PAOLA): Mga issue sa lipunan, Punto por puntong aaksyunan
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
ANCHOR 1 & 2 (Paola & Rafael): Radyoooo Aktibo Balitaaaa
ANCHOR 2 (Rafael): Maasahan, mapagkakatiwalaan, DXRV Uno Dose Siyete. Ang oras ngayon ay
hatid sa inyo ng Magic Suyod
Kyla: Wag kamot nang kamot at iwasan ang pagkayamot. Tignan mo yang mukha mo, bumubusangot!
Sa halagang sampung piso, tanggalin ang asungot. at gumamit ng magic suyod! Tigil
kamot, goodbye asungot!
Music Fades in… Fades out
ANCHOR 1 (Paola): Oras... ikalawa ng hapon araw ng Sabado.
ANCHOR 2 (Rafael): Magandang araw Luzon, Visayas at Mindanao. Ngayon ay Ika- siyam (9) ng Hulyo
taong dalawang libo’t dawampu't dalawa. Kami ang inyong tagapaghatid balita. Ako si
John Rafael Cortez.
ANCHOR 1 (Paola): Ako naman si Maria Paola Consignado
ANCHOR 1 & 2: At kayo'y nakikinig sa Radyo Aktibo Balitaaaa.
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
ANCHOR 1: Sa ulo ng mga nagbabagang balita!
THEME MUSIC FADES UP…FADES UNDER…
ANCHOR 2: Sa unang cabinet meeting ng unang administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos,
pagbabalik ng full face to face classes inanunsyo

MUSIC FADES IN… FADES OUT…


ANCHOR 1: Inflation Rate sa bansa sumipa sa 6.1 percent nitong hunyo. Pagtaas ng bilihin posible pang
masundan ayon sa Philippine Statistic Authority
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
ANCHOR 2: Deadly U.S mass shooting
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
30 MINUTONG PAGBABALITA
RADYO AKTIBO BALITA DXRV
HULYO 7, 2022
PAHINA 2 NG 8

Achor 1: Israel, nag-alok ng tulong sa mga undocumented, at overstaying na mga Filipino na


boluntaryong aalis sa kanilang bansa.
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
ANCHOR 2: Gilas panalo kontra India sa huling window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
Anchor 1: Queen of All Media Kris Aquino, pumanaw na nga ba?
MUSIC FADES IN… FADES OUT…
ANCHOR 1: Ito ang Radyo Aktibo Balita!
ANCHOR 2: Nananatiling Una
ANCHOR 1: sa inyong mga radyo! DXRV active news center
ANCHOR 1: Sa buong pwersa ng
ANCHOR 1&2: DDX (Effect) DXRV singko dose syete
ANCHOR 1: hatid sa inyo'y totoong mga issue ng bayan
ANCHOR 2: mula sa probinsya ng Laguna! aktibo ang mga balita, san mang sulok ng bansa DXRV
ANCHOR 1: Tutukan ang pamamayagpag ng malayang pamamahayag
ANCHOR 2: Mula sa bulwagang pambalitaan ng DXRV 5-12-7
ANCHOR 1: Ang (Effect – mahaba at matigas)
ANCHOR 1&2: Radyo aktibo balita
Rose Anne: Myembro ng KBP. Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas
Music Fades In... Fades out...
ANCHOR 1: Para sa detalye ng mga maiinit na balita .... Sumentro sa pagpapalakas ng ekonomiya at
ang kinakaharap na problema ng bansa ang kauna-unahang cabinet meeting ng administrasyong
Marcos. Kabilang sa inanunsyo ang planong pagbabalik ng full face-to-face classes simula Nobyembre.
Para sa karagdagang detalye live mula riyan sa Maynila si Rafael Cortez.
MUSIC FADES IN… FADES OUT

ANCHOR 2: 15 minuto bago ang takdang oras sa kanyang kauna-unahang cabinet meeting sinimulan na
ni President BBM ang pulong. Sa pangbungad pa lang nilinaw niya na ang direksyon ng pulong. Kabilang
sa mga dumalo ang cabinet secretary kabilang na si VP at Sec. of Education na si Sara Duterte na isa sa
nakapagprisinta ng plano at siyang nanguna ng opening prayer. Target daw ng DEPED ang full face-to-
face classes pagdating ng Nobyembre at sa press conference na pinangunahan mismo ng Pangulo sa
cabinet meeting ibinahagi niya ang plano, Rafael Cortez para sa aktibo balita.
MUSIC FADES IN… FADES OUT

ANCHOR 1: Samantala... Umakyat na sa 6.1 percent ang naitalang inflation rate o bilis ng pagmahal ng
mga bilihin at serbisyo nitong Hunyo sa bansa. Ang sabi ng Philippines Statistics Authority posible pang
masundan ang mga taas presyo lalo't wala pang kasiguraduhan kung bababa na ang petrolyo……. para
sa detalye nakatutok si Vianney Soria.

Music Fades In... Fades Out

NP 1 (VIANNEY): Mula Pebrero ngayong taon pabilis nang bilis ang naitatalang inflation rate o pagbilis
ng pagmahal ng mga presyo sa bansa at sa pinakahuling datos nitong Hunyo pumalo pa ang inflation sa
6.1%, Nobyembre 2018 huling naitalang ang ganitong kabilis na inflation rate sa bansang Pilipinas ayon
30 MINUTONG PAGBABALITA
RADYO AKTIBO BALITA DXRV
HULYO 7, 2022
PAHINA 3 NG 8

sa PSA sa 13 accommodity groups nga raw na binabantayan 9 ang tumaas na presyo noong Hunyo at
naoobserbahan sa 17 rehiyon. Vianney Soria para sa aktibo balita.
Music Fades In... Fades Out

ANCHOR 1: Magbabalik ang balitaan pagkatapos ng paalalang ito...

Music Fades In... Fades Out

INFOMERCIAL (Cortez)

(Katok ng Pinto)
Anak: Tay nandito na po ako!
Tatay: Lintek ka! Bakit may lipstick ka sa labi?
Anak: Ah Tay, hindi po. Kumain lang po ng lollipop
Tatay: Halika ka nga ditong bat ka!
Anak: Halika nga ditong bata!

(Tunog ng sampal at kalabog)

Tatay: Wala akong anak na bakla, tandaan mo yan! Walanghiya ka lumayas ka rito!
Anak: (Umiiyak) Tay wag po! Tay wag po! Anak niyo rin naman po ako!

Anchor 1: Patas na pagtrato ay pairalin


Cortez: Ang paalalang ito ay hatid sa inyo ng GDP
Anchor 1: Radyo Aktibo balita

Music Fades In ... Fades Out

Anchor 2: Oras, tatlongpung minuto bago mag alas tres ng hapon

Music Fades In... fades out

Anchor 1: Balik sa maiinit na balita ... radyo aktibo balita

Music Fades In... Fades Out

ANCHOR 2: Para sa balitang Pandaigdig


Deadly U.S mass shooting
Nabulabog ang Fourth of July parade sa Illinois kasunod ng walang habas na pamamaril ng isang
lalaki..Para sa iba pang detalye live mula riyan sa Estados Unidos si Caila Pille.

Music Fades In... Fades Out

NP 2 (Caila): Nagkumahog ang mga tao para makahanap ng ligtas na pagtataguan lalo na ang may
kasamang mga bata. Sa kasamaang palad, 6 ang nasawi sa pamamaril at 24 ang sugatan kabilang na
ang mga bata at mga senior citizens. Mabilis namang pinalibutan ng mga pulis ang lugar upang matugis
ang gunman. Batay sa inisyal na imbetigasyon namaril ang suspek mula sa bubong at High riffle ang
ginamit. Natukoy ang gunman matapos makuha ang plate number ng sasakyan na ginamit. Kinilala
siyang si Robert “Bubby” Crimo III, 22 taong gulang. Naaresto ito matapos ang ilang oras na pagtugis. Sa
30 MINUTONG PAGBABALITA
RADYO AKTIBO BALITA DXRV
HULYO 7, 2022
PAHINA 4 NG 8

umaga ng July 5, ay wala pang inilalabas na detalye tungkol sa kanyang posibleng motibo. Sa kabutihang
palad ay wala namang mga Pilipino ang nasawi o nasugatan sa pangyayari. Caila Pille live mula rito sa
Estados Unidos.

Music Fades In... Fades Out

ANCHOR 1: Para sa iba pang napapanahong balitang Pandaigdig


Israel, nag-alok ng tulong sa mga undocumented, at overstaying na mga Filipino na boluntaryong aalis sa
kanilang bansa. Para sa iba pang detalye, Jerick Roxas, ibalita mo.
NP 3 (JERICK): Sinabi ng Philippine Embassy sa Israel sa isang advisory na ang mga Pilipinong iligal na
naninirahan sa Israel ay makakatanggap ng mga benepisyo kung sila ay kusang aalis sa bansa.
“Maaring maabisuhan na ang mga mamamayang Pilipino na ilegal na naninirahan/sobra sa pananatili sa
Israel, at gustong bumalik sa Pilipinas ng kusang-loob, ay maaaring mag-avail ng repatriation at
reintegration benefits,” sabi nito. Ayon sa Embahada, nakikipagtulungan ito sa Israels' Population,
Immigration, and Border Authority (PIBA) para sa isang “makatao at maayos” na pagpapauwi ng mga
undocumented Filipino na gustong bumalik sa Pilipinas. Ang mga concerned Filipinos na mag-a-avail ng
Voluntary Repatriation Program ay tatanggap ng airport assistance at livelihood development assistance,
at iba pa.
Live mula rito sa Israel, Jerick Roxas para sa Radyo Aktibo Balita.

Anchor 2: Mas pinalawak at pinatapang na balitaan sa pagbabalik ng aktibong radyo

Music Fades In... Music Fades Out


KANTA (BLECZY & PAOLA)
Ang wika ko’y makatao
Taglay namin ang pagkakaisa
Pilipino’y handang lumaban
Sa ano mang hagdan ng buhay

Pagpapala'y ating tinatamasa


Pilipino’y unti-unting aangat
Wika’y ipagbunyi
Tagumpay ay narito naaaaaa
Narito na

Music Fades In… Fades Out

ANCHOR 1: Para sa balitang sport, nagbabalik ang radyo aktibo balitaaa ... para sa mga detalye narito si
Earold Asendido.

Music Fades In... Fades Out


Kapos man sa player, nagawa pa rin ng Gilas Pilipinas na kunin ang panalo sa kanilang huling laro sa
Window 3 campaign ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sumandal ang Philippine squad sa tambalan nina Dwight Ramos at Kiefer Ravena, upang lampasan ang
Indian squad sa 79-63 panalo dahilan para makuha ang 2 nd spot sa Group A.

Tinapos ng Gilas ang unang round na may 2-2 record habang pinapanatili ang India na winless.
30 MINUTONG PAGBABALITA
RADYO AKTIBO BALITA DXRV
HULYO 7, 2022
PAHINA 5 NG 8

Ang panalo ay magandang bounce-back para sa Pilipinas na lumuhod sa Australian Tall Blacks noong
Biyernes sa Auckland matapos tambakan ng 46 points.

Ibinagsak ni Ramos ang siyam sa 21 puntos ng Gilas sa opening quarter na nagbigay sa host ng 11
puntos na kalamangan.

Napigilan ng depensa ng Gilas ang kanilang mga bisita sa second frame na humantong sa 45-24 halftime
lead.

Pinangunahan ni Ramos ang Gilas na may 21 puntos, limang rebound, apat na steals, at dalawang assist
habang si Ravena ay nagdagdag ng 12 puntos sa 5-of-8 shooting mula sa field na may apat na assist,
dalawang steals, at dalawang rebound.
: Earold Asendido para sa Radyo Aktibo Balita.

Music Fades In... Fades Out


ANCHOR 2: Para sa showbiz na balita ... Margel Baylon ichika mo na

Music Fades In... Fades Out

NP 5 (Margel): Inilahad ni Kris Aquino ang kakaibang sakit na tumama sa kanya na naging dahilan daw
ng pagbagsak ng kaniyang timbang at pabago-bago sa kaniyang blood pressure at iba pang
nararamdaman at sa isang Instagram post sinabi ng doctor ni Kris na tinatamaan siya ng EGPA isang
sakit na ayon sa medical journalist ay dahil sa inflammation o pamamaga ng ilang cells sa dugo o tissues.
Sinubukan daw nilang bigyan ng steroid nitong Mayo ngunit nagkaroon daw ng adverse reaction taliwas
sa dapat na naging epekto ng steroids, allergic din siya sa maraming klase ng gamot dahil dyan
nirecommend sa kanya na sumailalim sa treatment ang new calla at gagawin ito sa US Texas, pagdating
niya ay isasailalim siya sa iba't-ibang pagsusuri bago sumailalim sa gamutan. Posible daw abutin ng 2
taon bago masabi na umepekto sa kanya ang gamutan. Nagpasalamat naman si Kris sa lahat ng taong
nagdadasal para sa kanya, bahagi ng message niya sa caption "Sana raw ay kayanin ng kanyang
katawan".
Margel Baylon updated sa showbiz happening.

Music Fades In... Fades Out

: Mula sa buong istasyon ng DXRV yan ang maiinit na balita sa mga oras na ito
Anchor 1: Ako si ...
Achor 2: at ako naman si ...
Maraming salamat sa inyong walang sawang pakikinig
Anchor 1&2: Magandang Hapon sa inyong lahat!

Music Fades In... Fades Out


COMMERCIAL (Kyla):
Badtrip ka na naman ba?
Naiinitan ka rin ba?
Hussle diba?
Pagod, pawis, uhaaaaw! At tuyot... Ang lalamunan!
30 MINUTONG PAGBABALITA
RADYO AKTIBO BALITA DXRV
HULYO 7, 2022
PAHINA 6 NG 8

Mag 2big ka na!


Ang tubig na iniibig, 2big!
Mahalagang paalala:
Kanta (Abakada)
Kaming mga Pinoy ay may wikang ginagamit
Na nakakarating kahit saan mang panig
Kaming mga Pinoy ay may sariling alpabeto
Atin ngang kantahin, sabayan niyo ako
Chorus:
A ba ka da E ga ha I la ma nga o pa ra sa ta u wa ya( 2x)
INTRO: Nakakakilig, Nakakaiyak, Nakakabitin, Nakakaaliw…..Dear LaTin
RADIO DRAMA:
Dear LaTin,
Hello po Ella C and Kristine, and hi/hello sa mga listeners ninyo. Ako nga pala si Thalia but you
can call by my nick name na lang which is Lala. Isa po akong second year college sa LSPU Sta.Cruz
Laguna. Fan na fan po kami ng nanay kong si Mama bi ng Dear Latin, kasi po this year sumali ako sa
drama club kaya sabi ng nanay ko kumuha ako ng inspirasyon sa inyong programa.
Ngunit, subalit, datapwat Ella C at Kristine... naisipan kong sumulat sa inyo kasi meron po akong
unforgettable experiences nung freshmen pa ako. Honor student po ako simula elementary kaya nung
college e sinumpa ko na magpopokus pa rin ako sa pag-aaral. I promise to the heaven's and above that I
will NEVER EVER have a boyfriend. Ni magkaroon ng crush hindi ko babalakin. Isa pa, sawang sawa na
akong marinig kay mama na bawal akong magboylet kasi baka pagchismisan ako. E buong buhay ko Ella
C at Kristine may mga momment talaga na kahit anong iwas ko sa mga marites e gagawa at gagawa
talaga ang tadhana ng paraan para mangyari ito.
Sigurado akong marami ang makakarelate sa kwento ko lalo na ang mga taong walang ginawa
simula umaga, tanghali, miryenda at GABI kundi CHUMISMIS! Kaya para sa mga kamorkadang katulad
ng mga kapitbahay ko, eh ilakas niyo na ang mga radyo n'yo at itag n'yo na rin ang mga chismosa dyan
sa lugar niyo para mapakinggan tong kwento ko na sila ang magiging bida ngayon ng bonggang bongga!
At sa kwento ko ngayon, tatlo sa kapitbahay ko ang bibida dahil sila ang numero unong chismosa sa
lugar namin! Ito ay walang iba kundiiii sinaaa
(Radio Drama)
Ella at Kristine, gulat na gulat ako sa mga paratang nina aling beth, neth at pat sa akin. Hindi ko
akalain na ang panibagong umaga ay magiging isa palang kahiya hiyang iskandalo. Matapos nga noon
ay umiwas na kami sa tatlong yon. Binalaan sila ng nanay ko na kapag patuloy nila kaming
pinagchismisan ay sasampahan na sila ng kaso. Kaya kahit kapitbahay namin sila ay wala kaming choice
kundi balaan sila. Nangako naman silang magbabago na.
30 MINUTONG PAGBABALITA
RADYO AKTIBO BALITA DXRV
HULYO 7, 2022
PAHINA 7 NG 8

Sobra talaga akong nasaktan at nagalit sa mga pinapakalat nilang chismis! Ang mas kinagalit ko
pa sa kabila ng mga pangyayari ay patuloy pa rin sila sa pagiging chismosa. Sa totoo nga nyan, halos
linggo-linggo ay may nakakaaway sila sa lugar namin.
Haaaay sakit na ata talaga nila ang pagiging chismosa! Sana nga dumating na ang araw na
magbago na rin sila.
(kanta chorus par lang di tatalon agad)
Dj: Hashtag Dear Marites Buntes
Bleczy: Hashtag inlove pumapag-iiiiibig (kanta)
1-3seconds
Ella: at ayan na nga ang storyang shinare sa atin ni ah... ni Thalia! na merong hashtag marites buntes!
Anyway, well well wishing well. Ayan na nga diba nabuhayan kayo ng ano no ang mga marites
natin ay nabuhayan ng DUGO! Oh nakakarelate kayo! Apir kayo kila kumareng... (inaalala) Ano ngang
pangalan?
Kristine: Sina aling beth, at at neth
Ella: Ayoooon sila aling beth! pangalan palang chismosa na (pabiro) charing
Kristine: Ikaw naman baka maturn off yung mga beth dyan
Ella: Charot lang
Kristine: Ikaw ba Ella? Meron ka bang kakilala na bungangang meron yang mga kapitbahay ni Thalia?
Ella: Sa Pagsanjan! Maraming ganyan
Kristine: (tatawa)
Ella: Oo
Kristine: Iba kasi yung ano diba? Iba yung makwento, iba yung madaldal lang dun sa chismosa. Ang
chismosa, ito yung mga gumagawa ng mga storya na ikasisira ng iba. Yung madaldal, ito yung
pagkanakakakwentuhan mo tungkol sa buhay e yung maraming lang shineshare o kaya hindi nakakasira.
Pero kapag sasabihan ka ng chismosa ka! Ay nakakasira yan.
Ella: Etong ano... Infairness naman sa mga kapitbahay ni Thalia,.. ah ano yon eh.. Parang dalawang
klase sila ng chikador!
Kristine: Ano?
Ella: Kase yung una naman nagrereport sila kung anong nakikita nila diba? Aminin niyo, hindi yon
kasinungalingan kasi nakikita naman talaga nila. Kumbaga firsthand... pero may iba din kasi silang
eksena na dagdag bawas. Dagdag bawas yung chika. Kaya hindi mo ma-clasify to sila kung sila ba ay
reporter? O chismosa?
Kristine: Fixer (HAHAHAHA)
ELLA: Pero kasi may mga bagay na hindi mo na dapat isiwalat pa! Kung may nalaman ka o nakita ka na
hindi ka naman maapektuhan or hindi naman makakaapekto sa maraming tao. Gaya ng pagkasira ng
30 MINUTONG PAGBABALITA
RADYO AKTIBO BALITA DXRV
HULYO 7, 2022
PAHINA 8 NG 8

kalikasan... Eh wag ka nang makielam kasi buhay naman nila yon. Isa pa kung maisipan mong
magkwento, yung totoo lang ng hindi ka makasuhan diba.
Kristine: Tama! Wag tayong ano... Wag tayong manira ng ibang tao para lang mapansin tayo.
Ella: Wag nating gawing libangan o wag nating igugol yung oras natin sa mga taong ginagawang mali.
Imbis na gumagawantayo ng magandang bagay para sa sarili natin wag tayong magpakabusy sa buhay
ng iba. Dahil ang pagiging chismosa ay kapatid ng pakielamera.

You might also like