You are on page 1of 1

Ang pagiging ganid sa pera at kapangyarihan ay ang ugat ng lahat ng kasamaan.

Hindi lingid sa ating kaalaman na ang ating bansa ay nangunguna sa larangan


ng korapsyon.

Walang sektor sa ating lipunan ang hindi nasasangkot sa mga anomalya tungkol
sa pera at iba pang hindi kanais-nais na mga gawain.

Marami ang pinagkakakitaan ang ating pamahalaan. Sa larangan ng turismo, sa


medikal na pagpapaganda, sa mga natural na yaman at maging sa
pakikipagkalakalan pang-labas, malaki ang naiaambag ng mga ito sa kabang-
bayan ng ating bansa.

Ang mga buwis na lamang ay sapat na sana para makatulong sa


pangangailangan ng ating mga kapuspalad na mga kababayan, ngunit sa
pagiging gahaman ng mga ilan ay nauuwi ito sa kanilang pansariling kapakanan
lamang.

Kung ating susuriin hindi kahirapan ang ating pangunahing suliranin sa ating
lipunan. Ang ugat nito ang siyang dahilan, at ito ay ang korapsyon. Malawak at
malala ang suliraning korapsyon.

Masyadong maluwag ang ating batas kapag korapsyon na ang pinag-uusapan.


Bakit? Kasi ang gumagawa ng batas tungkol dito ay sila din mismo ang mga
pangunahing gumagawa ng katiwalian.

Sa aking pananaw ay wala ng solusyon ang korapsyon, bagkus ito ay lalong


lumalala. Mayroong kinikilingan ang ating batas. Kapag ordinaryong tao ang
sangkot, mabilis itong umusad, ngunit kapag maimpluwensyang tao ang
sangkot, nauuwi lamang ito sa pagdismiss ng mga kaso sa kinalaunan.

Hanggang hindi mababago ang sistema ng ating pamahalaan ay habang buhay


nating pasanin sa ating mga balikat ang epekto ng korapsyon sa ating bansa.

Masakit man aminin na kahit anong gawin natin na pagpupursigi ay mahirap


tayong maka-angat sa buhay dahil sa uri ng bansa na ating ginagalawan, na
kung saan ay ilan lamang ang pinagpapala.

You might also like