You are on page 1of 3

Sirib Radio Express

Scriptwriting and Broadcasting


(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)
Station ID: Sirib radyo express, unang- una t bagong-bago sa inyong radyo!
Radyo ng masa, boses ng bansa namamayagpag sa pagbabalita. Sirib radyooo express!
Anchor 1: Luis Navarro
Anchor 2: Nathalie Joy B. Dadulla
Anchor 3: R-Bhine Jethroune Bajo
News Presenter:
Local: Kristelle Macoco
National: Jamaica Cabuyadao
International: Aaliyah Lacro
Sports Reporter: Franz Oliver Aquino
Showbiz Reporter: Allyssa Mei Lacusong
Weather Reporter: Ian Bagasol
Scriptwriter: Nathalie Joy B. Dadulla
Technical Application: Klyzha Graehl Maculam
Commercial: R-bhine Jethroune Bajo,
(Sounds effects na malakas)
Voice: Sirib Radyo Express Balita!!!
Anchor 1: Magandang Hapon Pilipinas, narito na ang mga nagbabagang balita sa oras na ito.
Anchor 2; (Headlines)
Anchor 3: Ito ang Sirib express Balitaaaa!
Voice:Unang una…
bagong bago sa inyong Radyo!
Sa buong pwersa ng Sirib Radyo news Information Center.
Ito ang Sirib 24/7!
Daluyan ng tapat, at totoong issue ng bayan, mula sa Turod city, naghahatid sa inyo ng
nagbabagang balita saan mang sulok ng bansa.
Sirib Radyo Express!
Pinatapang, pinalawak, pinalakas ang, Sirib Radyo Express Balita!
Voice: Miyembro ng KBP, Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas!
(Sound effect)
Anchor 1: Robredo tinanggal bilang co-chair ng anti-drug body, Para sa detalye ng
nagbabagang balita, nariyan si Stelle Macoco,
News Presenter Kristelle: Tinanggap ni VicePresident Leni Robredo ang pagiging co-chair ng
Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, para matigil ang pagpatay sa mga inosente at
para labanan ang ilegal na droga. Pormal na itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo
sa posisyon sa pamamagitan ng isang sulat para sa bise president. Ngunit wala pa itong tatlong
lingo tinanggal na siya ni Pangulong Rodrigo Duterte mula sa posisyon nito bilang co-
chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs.Hindi pa nagbibigay ng dahilan ang
Palasyo kung bakit sinibak sa puwesto si Robredo , Ito si Kristelle Macoco nagbabalita sa Sirib
Radyo Express!
Anchor 2; Samantala, Maja Salvador bilib sa kanyang pamangkin na si Janella Salvador,
para sa detalye nakatutok si Radyo express Jam Cabuyadao
News Presenter Jamaica: Sorpresang dumalo noong gabi ng Martes si Maja sa premiere ng "The
Heiress" para ipakita ang kaniyang suporta sa kamag-anak at co-star sa primetime serye na "The
Killer Bride."
"Noong nag-start nga kami ng 'The Killer Bride,' may mga workshop kami together, parang kung
ano 'yong napag-usapan namin doon, nakikita ko 'yong resulta," ani Maja sa panayam ng ABS-
CBN News. Ito si Jam cabuyadao para sa Radyo express Balita.
Anchor 3: Sa ibang balita naman, Germany nangangailangan ng pinoy nurses, Radyo express
Iyah Lacro para sa detalye.
News Presenter Aaliyah: Ang bansang Germany ay nangangailangan ng 350 na Pilipino nurses,
ang ilan sa mga trabaho ay geriatric care, nursing home at elderly care. Aabot sa €2,000 o
P118,000 kada buwan ang sahod na alok nila. Ayon sa POEA administrator Bernardo Olalia,
walang babayarang recruitment fee o placement fee ang aplikante dahil "government-to-
government" ang pagkuha. Nagpaalala ang POEA na sila lamang ang magpoproseso ng mga
aplikasyon at hindi kailangang dumaan sa mga recruitment agency. Nakatakdang hanggang ika-
pito ng hunyo lamang ang huling araw na pagpasa ng mga requirements. Iyah Lacro para sa Sirib
Radyo express Balita!
Anchor 1: Magbabalik ang balitaan matapos ang paalala na ito.
(Commercial)
Voice: Sirib Radyo Express Balita!
Oras: _________
(Sound effect)
Anchor 2 : Nagbabalik ang balita sa oras na ito. Gazini Ganados nasa LA , Aiza Lacusong i-
chika mo na ito.
Showbiz Reporter Allyssa: Nilike ng libo libong netizens ang portrait ni Miss Universe Gazini
Ganados sa facebook. Lagpas 125 thousand likes na ito sa official facebook page ng miss
universe. Pumunta sa los angeles california sa amerika si Gazini para mag quality time bago
sumabak sa International pageant. Nakapagpapicture pa siya suot ang two piece ensemble sa
hollywood sign. Nasa atlanta Georgia na si Gazini kung saan gaganapin ang coronation night sa
December 08, 2019. Kung anong in and trending andun ko walang ending, Aiza lacusong para
sa showbiz balita!
Anchor 3: Samantala, sa weather news update, Pareng Ian Ibalita mo!
Weather reporter Ian: Heto na po at nagbabago na ang klima ng ating panahon, wala namang
inaasahan na bagyo na darating at inaasahan na magiging maaliwalas ang pagsalubong natin sa
darating na pasko. inaasahang lalamig ang ating klima kaya yung mga walang jowa, hanap hanap
na kayo ng mga bagay na magpapainit sa inyo. Nagbabalita para sa sirib radio express balita, Ian
Bagasol!
Anchor 1: sa balitang sports,
(sound effect)
Anchor ;3 Mula sa buong pwersa ng Sirib Radyo Express Balita, Iyan po ang mga balita sa oras
na ito.
Anchor 1 : Ako po si Luis Navarro
Anchor 2: Nathalie Dadulla
Anchor 3: at R-bhine Bajo!
ALL: Maraming salamat sa inyong pagsubaybay!
(Sound effect)

You might also like