You are on page 1of 3

BALITANG PANGRADYO SCRIPT

HOST 1: MAGANDANG HAPON SA ATING MGA TAGAPAKINIG ,NARITO


PO TAYO SA RADYO ASENSO PARA MAGHATID NANG MGA BALITANG TOTOO.

HOST 2: MGA MAIINIT NA IMPORMASYON DAPAT N’YONG MALAMAN AT


PAKATUTUTKAN.

HOST 1 : NGAYON AY IKA-LIMA NG DISYEMBRE (oras) . AKO SI (PANGALAN),


KAAGAPAY N’YO SA BUHAY.

HOST 2: AT AKO SI PANGALAN, TAGAPAGHATID IMPORMASYON SA INYONG


MAINIT NA HAPON.

HOST 1: Casanova Cup susulong na

HOST 2: Duterte may napili nang bagong hepe ng Philippine Army

Host 1: TULOY ang Casanova Cup 2019 Rapid Chess Championship sa Disyembre 8
sa Padre Garcia Municipal Gymnasium sa Padre Garcia, Batangas. Ang 20 minuto plus
5 seconds delay time control format ay hinati sa tatlong dibisyon, non-master 1900 and
below, elementary at high school division. Kabilang sa mga nauna ng nagpatala ay ang
mga mag-aaral ng Holly Family Academy na kinabibilangan nina Julia Aeryelle,
Jiosanina Angellie, Jaira Annika, Johann Aristotle Perez at Gail Remo Lina.

HOSE 2: May napili na si Pangulong Rodrigo Duterte na susunod na hepe ng Philippine


Army. Kinumpirma ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na si Lt. Gen. Gilbert Gapay,
commander ng Southern Luzon Command, ang papalit sa kasalukuyang Philippine
Amry Chief na si Lt. Gen. Macairog Alberto. Si Alberto ay nakatakda nang magretiro sa
Biyernes, December 6, dahil maaabot na niya ang kanyang retirement age na 56. Si
Gapay ay dating nagsilbi bilang deputy commander ng Eastern Mindanao Command at
commander rin ng Mechanized Infantry Division.
HOST 1: AT MULI MAG BABALIK PAG KALIPAS NG ILANG MINUTO

(COMMERCIAL)

HOST 3: AT MULI NAG BABALIK TAYO SA RADYO QUATRO NA ANG BALITA AY


MABILIS PA SA ALAS QUATRO

HOST 3: Mga Programang Pangkabuhayan Inilunsad sa General Trias, Cavite

HOST 4: Gazini Ganados, nakasama sa special swimsuit pictorial ng Miss Universe

HALINA AT PAKATUTUKAN

HOST 3: Pinangunahan ni Mayor Luis “Jon-Jon” Ferrer IV ang paglulunsad sa


dalawang programang pangkabuhayan ng lokal na pamahalaan sa dalawang
magkahiwalay na okasyon. Ang una sa mga programang ito ay ang pamamahagi ng
limangpung “Nego-Food Kart” sa mga beneficiaries mula sa iba’t-ibang barangay ng
General Trias katuwang ang Department of Labor and Employment (DOLE), Region IV-
A. Ayon kay Mayor Ferrer, layon ng mga programang ito na mabigyan ng magandang
oportunidad ang mga Gentriseño sa pamamagitan ng pagkakaroon nila ng sariling
negosyo at suporta’t gabay mula sa lokal na pamahalaan.

HOST 4: Kasama si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados sa 10 kandidata


para sa espesyal na swimsuit pictorial na naganap nitong Martes. Sa pictures, todo-
emote si Gazini at 'di papatalbog sa mga kasamang napili. Sa social media post, sinabi
ng beauty queen na hectic ang kinalabasan ng Day 5 activities na magkakasamang
rehearsals, pictorials, at bonding sa kanyang Miss Universe sisters. Ang coronation
show ng Miss Universe ay mapapanood Disyembre 9 ng umaga, oras dito sa Pilipinas.

(COMMERCIAL)
AT MULI MAGBABALIK ANG BALITANG WALANG INUURUNGAN

HOST 5 : bagyong Tisoy nagdulot ng sari-saring pinsala sa ilang lalawigan

HOST 6 : Venice paralisado dahil sa baha, mga turista at Pinoy apektado

HOST 5 : NAGA CITY — Walang kuryente at pahirapan pa rin ang linya ng


komunikasyon sa Camarines Sur matapos manalasa doon ng bagyong Tisoy.
Naramdaman sa Camarines Sur ang lakas ng ihip ng hangin na may kasamang ulan
madaling araw ng Martes. Tapos na ang kalamidad bandang umaga pero nagbagsakan
sa kalsada ang mga poste ng kuryente at telco. Buong araw din ng Martes ay walang
linya ng komunikasyon pero naibalik na ito Miyerkoles ng umaga. Ayon sa Provincial
Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ng CamSur, patuloy ang
monitoring at pagkumpirma nila sa iba pang naiulat na biktima ng bagyong Tisoy. May
mga nagsiuwian na pagkatapos manalasa ng bagyo, pero hiling ng mga nasalanta ay
mabigyan sila ng construction materials para muling maitayo ang kanilang mga bahay.
Humihingi rin sila ng relief goods.

HOST 6 : Muling binaha ang historic center ng Venice sa Italy kung saan umabot ng
190 centimeters o anim na talampakan ang lalim ng tubig bunsod ng high tide, Martes
ng gabi. Lubog sa tubig ang main tourist attractions gaya ng St. Mark’s Square na
nagmistulang lawa dahil sa mataas na tubig. Sarado rin ang mga tindahan at
restaurants at kanselado ang water transport system. Suspendido ang mga klase sa
lahat ng antas at nagdeklara na ng state of emergency sa lugar. Isa sa mga
naapektuhan ng pagbaha ay ang mag-asawang Aida at Rolly Gutierrez. Halos tatlong
dekada na silang naninirahan sa Venice at ito na anila ang pinakamatinding pagbahang
kanilang naranasan.

You might also like