You are on page 1of 4

JRJ JARA

Scriptwriting and Broadcasting

January 27, 2019

(Malakas na bagsak ng tunog at biglang hihina)

Station ID: JRJ JARA! Mata ng bayan, boses ng katotohanan.

JRJ JARA, otso otso sa palapihitan ng inyong mga radio

Anchor 1: Musa Racman

Anchor 2: Musa Raisah

News Presenter: Nasser Johairah , Adelaidah Pandapatan

Showbiz Balita: Jamaliah Pumbaya

Technical Application: Rohaila Marandacan

Infomercial: Jamaliah Pumbaya

(Torrend effects malakas)

Voice: Mula sa bulwagan ng mga nag-aapoy, nagliliyab at naglalagadlab na balita, Radyo JARA Otso otso,
Radyong Mas mabilis pa sa Alas-Otso.

Anchor 1: Mga kaganapang nakalap sa loob at labas ng bansa.

Anchor 2 : Mga isyung tinututukan.

(Sounds TING)

Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas ______ ng ______ , araw ng
Lunes ,ika dalawampot Siete ng Enero taong dalawang libo dalawampo at isang Maganda, masigla at
kaaya ayang Umaga, Lugar Ng marantao.

(Sounds magpapalit)(Background music lively)

Anchor 1: Isang Mapagpalang Araw Marantao.

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Musa Raisah

Anchor 1: At inyong kaagapay, Musa Racman

Anchor 1&2: At kayo’y nakikinig sa... SINGKO BALITA !

(Sound lalakas)
Voice: Para sa ulo ng nag babagang balita.

Anchor 1: Shabu sa pan de coco, nasabat sa dalaw

Anchor 2: Lolo na nangangalakal, nagawang ibigay ang ₱2,000 na ipon para sa mga biktima ng Taal

Anchor 1: Celebs, netizens nagulantang sa hiwalayang James, Nadine

Anchor 2: Joshua, nadisgrasya sa shooting

(dagling pagputol ng kanta)

Anchor 2: Para sa mga detalye

(Continue ng Background sound)

(Sounds Malakas mag papalit)

Anchor 1: Shabu sa pan de coco, nasabat sa dalaw... Kasingko Johairah, Ibahagi Mo...

News Presenter: Nagmistulang K-9 dog ang isang pulis makaraang madiskubre nito ang shabu na
inilagay sa loob ng tinapay na balak na ipuslit ng isang babaeng dalaw sa loob ng custodial faci-lity ng
Lucena Police Station sa Barangay 5, sa lungsod, kamakalawa ng gabi. Nakapiit na ngayon at sinampahan
ng kasong paglabag sa RA 9165 ang suspek na si Irene Lat, alyas Mommy, 49, ng Brgy. Malabanban
Norte, Candelaria, Quezon. Ayon kay P/Lt. Col. Romulo Albacea, dadalaw ang suspek sa kaibigang babae
na nakapiit dahil din sa kasong may kaugnayan sa droga.Nang rekisahin ni P/SSgt. Lustado dakong alas-
7:30 ng gabi ang dalang pan de coco ng suspek na nakalagay sa plastic ay napansin nito ang tila balisang
pagkilos ng babae at nang buksan ang isang tinapay ay roon na tumambad ang isang plastic sachet ng
hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.66 gramo. Itinanggi naman ng suspek na sa kanya ang iligal na
droga at sinabing ipinapa-kisuyo lamang ito sa kanya na ibigay sa kaibigang babae na nakakulong.
Magbabalik sainyo Kasingko.

Anchor 1: Lolo na nangangalakal, nagawang ibigay ang ₱2,000 na ipon para sa mga biktima ng Taal ,
kasingko Adelaida.. ibahagi mo...

News Representer: Sadyang kahanga-hanga ang ginawa ng 71-anyos na si Ben Garcia na tumulong sa
mga biktima ng pagputok ng Taal. Ayon sa GMA news, pangangalakal ang ikinabubuhay ni Mang Ben at
kumakayod pa rin siya para sa anak na may special needs. Nang malaman ni Mang Ben ang kalagayan ng
ilang kababayan na tin na naapektuhan ng pagsabog ng Taal, nadurog daw ang kanyang puso. Kaya
naman ang naitabing ₱2,000 ay pinili niyang ibigay sa mga kababayan natin sa Batangas na lubos na
nangangailangan. Tunay na sa panahon ng pagsubok naipapakita ng mga Pilipino ang pagmamalasakit sa
bawat isa. Tulad ni Mang Ben na bagaman at kinakapos din sa pang-araw araw na pamumuhay, nagawa
pa ring tumulong sa mga biktima ng Taal na mas matindi ang pinagdaraanan ngayon. Balik sainyo
Kasingko.
Anchor 2: Salamat Adelaidah, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang

Anchor 1&2: SINGKO BALITA

(Sandaling pag putol ng sounds)

(Bagong Sound effects)

Infomercial: Boy: Hello!, Ako si Joseph sa umaga, Josephine Sa gabi. Transferi ako dito, Sana
makipagkaibigan kayo huh!! Gurl: Bat naman kami makikipagkaibigan sayo eh bakla ka...bakla bakla
bakla.....
Pantay Pantay na Karapatan ay Pairalin.
Isang Paalaalang hatid sainyo ng CHR at ng Himpilang ito.

(Malakas na pasok ng kanta Papahina)

(Pasok ng bagong kanta)

Anchor: Kayo’y patuloy na nakikinig sa …

Anchor 1&2: SINGKO BALITA.

(Sounds-Mag papalit)

Anchor 1: Para naman sa ating balitang Showbiz, Kasingko Jamaliah , e chika mo.

Showbiz Presenter: Nagulantang ang ilang personalidad at netizens sa pagkumpirmang naghiwalay na


sina James Reid at Nadine Lustre. Pilipinas, agad na nag-trend sina Lustre at Reid, na naghiwalay umano
para tutukan ang sarili. Isa rito si Robi Domingo, na nag-post ng sarili niyang cover ng "On The Wings of
Love." Taong 2014 nang unang magtambal sina Reid at Lustre sa pelikulang "Diary ng Panget" at
sinundan pa ito ng ilang proyekto hanggang sa nabuo ang chemistry ng dalawa sa 2015 teleserye "On
The Wings of Love." At noong Pebrero 2016, kinumpirma ng dalawa na ilang araw na silang
magkarelasyon. Ayun nga lang, pagkatapos nang 3 taon ay nauwi ito sa hiwalayan, na sinabayan ng
samu't saring kontrobersiya gaya na lang nang ibalita ito ng entertainment website na PEP. Bukod sa
pag-trend ng dating magkasintahan, nag-trend ang magkapatid na Issa at Yassi Pressman. Idinadawit
kasi si Issa bilang "third party" umano sa relasyong JaDine. Hiningi ng ABS-CBN ang saloobin ni Yassi sa
direct message sa Instagram, maging ang saloobin ng ilang nakatrabaho ng aktres, pero wala pa itong
sagot.

Kung Anong In , anong trending nandoon ako walang ending. Jamaliah Pumbaya Balitang Showbiz.

(Sound lalakas)

Voice: JRJ JARA! Mata ng bayan, boses ng katotohanan. DZRM


Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mg naghahatid ng balitang sariwa kundi balitang
tumatatak din sa inyong puso at diwa.

Anchor 2: Ito ang inyong tagapagbantay, Musa Raisah

Anchor 1: At lagi nyong kaagapay, Musa , Racman

Anchor 2: Balitang tapat.

Anchor 1: Balitang Sapat .

Anchor 1&2: Lahat ilalantad, Sa inyo’y nararapat

Singko Balita .

Voice: JRJ JARA, Otso otso

You might also like