You are on page 1of 3

Group 1 Radio Script

Villareal: Umagang-umaga na mga kababayan tayo'y gumising na dahil mag


uulat na ang radyong rocesian dito lang iyan sa rrc Radyong
Rocesian sa 99.9 .(Opeing fx)

Viajedor: Time check 8 AM

Sa ulo ng balita:(Heading fx.)


Villareal P5.6 milyong halaga ng ilegal na droga nakuha sa hotel sa BGC
Viajedor Guro na nagpalabas ng maselang video sa klase, Nagresign na!
Villareal Mga truck na nag ilegal parking hinatak ng MMDA
Sue ramirez nananawagan tungkol sa nawawalang alaga!
Viajedor Showbiz:Anne Curtis , apo ang regalo sa ina!
Villareal Para naman sa balitang sports: PH sports Commission
Viajedor nagulantang sa halaga ng SEA games couldron!

Pero bago ang lahat magbabalik kami pagkatapos ng ilang


Villareal:
patalastas!

Villareal: Kami ay nagbabalik nakatutok sa 99.9 RRC Radyong Rocesian!

Mabajen: Hindi bababa sa P5.6 milyong halaga ng ilegal na droga ang


natagpuan ng mga awtoridad sa isang safety deposit box sa
lobby ng isang hotel sa Taguig madaling araw Sabado. Humigit
kumulang 2,700 ecstasy tablets, 200 gramo ng hinihinalang
cocaine at 14 na vial ng vape liquid ang nakita ng mga
awtoridad sa loob ng isang safety deposit box na iniwan umano
ng isang Domingo Uy, ani Joel Plaza, Regional Director ng
Philippine Drug Enforcement Agency - National Capital
Region.Si Uy ang pinakamalaking supplier umano ng droga sa
mga bar sa Bonifacio Global City, ani Plaza.Nahuli siya ng mga
awtoridad noong Mayo matapos makuha ang P8.5 milyon na
halaga ng droga sa kaniyang inuupahang kuwarto sa naturang
hotel.Nakikipag-ugnayan na ang PDEA sa mga hotel at iba
pang katulad na establisimyento sa lugar upang labanan ang
pagkalat ng droga.

(Next news fx)


Mamansag Nag-resign na ang guro ng isang paaralan sa Ajuy, Iloilo na
nagpalabas ng malaswang video sa kaniyang Grade 10 students.
Isasailalim naman sa counselling ang mga estudyante pati ang
kanilang mga magulang.

(Next news fx)


(Next news fx)

Reginaldo: Hinatak at tinikitan ng Metropolitan Manila Development Authority


(MMDA)  ang nasa 120 sasakyan na  lumabag sa batas trapiko tulad ng
traffic obstruction at illegal parking sa isinagawang clearing operation
kahapon sa area ng Maynila.Ayon kay MMDA Task Force Commander
Bong Nebrija, katuwang aniya nila ang  Manila Traffic and Par-king
Bureau (MPTB), Manila Police District (MPD) at Traffic Enforcement
District  nang ikasa nila ang clearing operation sa area ng Tayuman,
Dagupan, Jose  Abad Santos at  Rizal Avenue.Sabi ni Nebrija, nasa 33
sasakyan kabilang ang 30 tricycles ang hinatak ng accredited tow
truck ng MMDA dahil lumabag ito sa tricycle ban sa  national
highways.

(Next news fx)

Abadjano: (Read sue ramirez sue paper)

(Next news fx)

Villareal: (Read Anne Curtis Paper)


(Next news fx)

Viajedor: Nalula si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Butch Ramirez nang
matuklasang aabot sa P45 milyon ang ginastos ng pamahalaan sa gagamiting
cauldron sa 30th Southeast Asian Games (SEA Games)."Hindi namin alam na ganun
kamahal 'yong cauldron... [H]indi rin namin alam na magiging isyu 'yan," ani
Ramirez.Ipinaubaya na ni Ramirez sa Commission on Audit (COA) ang paghusga
kung kalabisan ang ipinagawang cauldron."I don't want to comment . . . I have high
respect to the leadership of the organizing committee. [W]e will leave it to COA to
appreciate whether it is excessive or extravagant," ani Ramirez. Gayunpaman,
dumipensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging gastos sa cauldron, na disenyo ng
National Artist for Architecture na si Francisco Mañosa.'Product of the mind':
Duterte defends P45-M SEA Games cauldron"There can never be corruption in that
situation because you commissioned a national artist... Si Mañosa was commissioned
by the government to create 'yung nakita mo 'yung kaldero ngayon. It is the product
of the mind. You cannot estimate na lugi ka because it is the rendition of the mind of
the creator," paliwanag ni Duterte. Nakahanda naman si Ramirez na humarap sa
ano mang imbestigasyon para malaman ng mga Pilipino ang katotohanan ukol sa
kontrobersiyal na cauldron.

(Next news fx)


Renz Balitang weather : (Balitang weather fx)

PUMASOK na ng Philippine Area of Responsibility(PAR) ang bagyo na may


international name na Kammuri at pinangalanan na itong Tisoy, kasabay nito ay
inilagay na sa Storm Signal No 1 ang Eastern at Northern Samar.Ayon
sa Philippine Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services
Administration (PAGASA) napanatili ng bagyo ang lakas nito pagpasok ng bansa,
taglay nito ang lakas ng hangin na 150 kph, bugso na 185kph at kumikilos sa bilis
na 15kph. Huli itong namataan 1,165 kilometers East ng  Virac, Catanduanes.

Sinabi ng Pagasa na sa Disyembre 2, Lunes ng hapon o sa Disyembre 3, Martes, ng


umaga magla-landfall ang bagyo sa Bicol.Sa forecast ng Pagasa, makararanas ng
malakas at madalas na pag-uulan sa December 2 ang BicolEastern Samar,
Northern Samar, Samar, Biliran.Madalas subalit katamtaman na ulan naman sa
Romblon,Marinduque at Quezon.Sa Disyembre 3 ay tuloy-tuloy at malakas na
pag-uulan at mararanasan sa Metro Manila, Bicol Calabarzon, Occidental
Mindoro, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Zambales, Bataan, Pampanga
at Bulacan.Nagbabala ang Pagasa na may dalang malakas na hangin ang bagyo
kaya inaasahan ang pinsala gayundin ay asahan ang malalakas na paguulan na
maaaring magdulot ng flashfloods at landslide kaya pinapayuhan ang mga
naninirahan sa mga low lying areas at malapit sa mga bundok na maging handa
sa paglikas.

Villareal: At iyan ang mga balita natin ngayung araw. Ito po si Mharianne
Villareal

Viajedor: At ito po si Jeferson Viajedor 

Villareal and Naghahatid ng sariwang balita nasan ka man


Viajedor anupaman dito lng sa 99.9 rrc Radyong Rocesian!
(Closing FX)
Viajedor: Time check 7:08 AM

You might also like