Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DZRX PATROL!
Ang mga sumusunod ay ang mga nakalap na kaganapan sa loob ng ating bansa.
Mga isyung tinututukan.
- Water interruption sa NCR, Cavite posibleng tumagal buong tag-init: Maynilad.
- Higit kalahati ng langis na karga ng MT Princess Empress, tumagas na.
- Init ng panahon posibleng tumindi pa.
- Pasahero sa PITX, inaasahang dodoble simula Marso 31.
Magandang araw, Luzon, Visayas at Mindanao.
(With background music)
UNANG BALITA
- Water interruption sa NCR, Cavite posibleng tumagal buong tag-init: Maynilad.
Ipinatutupad na ng Maynilad ang malawakang water service interruption sa ilang bahagi ng
Metro Manila simula ngayong Martes at simula naman sa Miyerkoles sa Cavite. Ito'y bilang
paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño. Tinatayang nasa isang milyong kostumer ang
apektado.
IKALAWANG BALITA
- Higit kalahati ng langis na karga ng MT Princess Empress, tumagas na.
Higit kalahati na ng 800,000 litro ng langis na karga ng lumubog na MT Princess Empress ang
tumagas na, ayon sa Philippine Coast Guard. Umalma naman ang mga mangingisda sa Oriental
Mindoro sa pahayag ng insurance company ng barko na walang matatanggap na danyos ang
mga magsasampa ng kaso.
(Advertisement)
Dysmenorrhea? Dysmenorrhea? Dysmenorrhea?
Toothache? Toothache?
Headache? Headache?
Dysmenorrhea? Toothache? Headache?
Oh, di ba wala na nga!?
Walang pain pain pain with Dolfenal.
With PGE2 blockers than help stop pain from its source.
Walang pain.
Good vibes lang.
Wag ng humanap ng iba.
Dolfenal na.
(Radio Sound Effect)
IKATLONG BALITA
- Init ng panahon posibleng tumindi pa.
Posibleng tumindi pa ang nararanasang init, ayon sa state weather bureau na PAGASA. Kaya
naman may paalala ang mga doktor, partikular sa mga may aktibong lifestyle.
IKA-APAT NA BALITA
- Pasahero sa PITX, inaasahang dodoble simula Marso 31.
Inaasahang dodoble ang bilang ng pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange
simula Biyernes pa lang, Marso 31. Kaya naglatag na ng ilang hakbang ang mga awtoridad
para sa maayos at ligtas na biyahe ngayong Semana Santa.
At yan po ang aming mga nakalap na balita ngayong araw.
Mata ng Bayan, Boses ng Katotohanan
Ito ang inyong tagapagbantay, _______
At lagi niyong kaagapay, ______
Bilang tapat.
Bilang sapat.
Lahat ng ilalantad, sa inyo’y nararapat.