You are on page 1of 5

M: Balitang walang pinapanigan

J: Himpilan at sandigan ng Bayan

Y: Balitang Kakampi sa katotohanan

Lahat: Ito ang M.Y.J. Balita

M: Isang mapagpalang hapon pilipinas!

J: Kami ang inyong tagapagbantay

Sr. Jocelyn

Yvonne

Marjorie

Lahat: Tagapagbantay ng Bayan...Naglilingkod ng tapat at Tunay

J: at Para sa ulo ng nagbabagang balita:

 Mga pinoy,nakikiisa sa notting hill carnival para sa charity work


 State emergency sa Srilanka, binawi na
 Solar power system hatid sa paaralang matagal nang walang kuryente sa Sulu
 DOH nagbabala sa pagbabalik ng polio dahil sa takot sa bakuna
 Buy Bust operation sa Mambaling, Halagang P9.1 milyon ang nakuhang shabu
 Barko tumagilid sa Cebu; 4 ang sugatan
 Labi ng Binata na natagpuan sa Sulo, inilibing na
 Estudyanteng pinoy na natagbuan patay sa London nailibing na
 Gilas walas Pang-sorpresa sa FIBA WORLD CUP sa taong ito
 DeMarcus Cousins, maaring hindi na makalaro sa 2019-2020 NBA season dahil sa Injury
 Bea Alonzo,dedma kay Julia; wala ring paki sa ina ni Gerald
 Janine Berdin may buwelta sa kanyang mga bashers

At ngayon, ilalahad na namin ang detalye ng aming Nakalap na Balita, Mga pinoy,nakikiisa sa
notting hill carnival para sa charity work. Balitang tinututukan mula sa London ni Marjorie
Agusan, Marge

Maraming salamat, Marge Samantala, Labi ng Binata na natagpuan sa Sulo, inilibing na. Mula sa
Sulo nakatututok si Yvonne Canete

Maraning salamat Yvonne… DOH nagbabala sa pagbabalik ng polio dahil sa takot sa bakuna

Tinututukan ngayon ng Department of Health (DOH) ang posibleng pagbabalik ng sakit na


polio, na huling naitala sa Pilipinas noong 2000.Kasunod ito ng pagbaba ng bilang ng mga
nabakunahan kontra sa sakit. Nakakahawang sakit ang polio, na dulot ng poliovirus na
nakakaapekto sa utak at spinal cord ng isang indibidwal. Kadalasan ding biktima ng sakit ang
mga kabataan. Ayon kay Health Sec. Francisco Duque na noong nakaraang taon, animnapu’t
anim na bahagdan ang nabakunahan na mababa sa siyamnapu’t limang bahagdan na target ng
DOH para masigurado ang kaligtasan ng lahat laban sa polio.Naipapasa ang sakit kapag
nahawakan ang dumi ng isang taong mayroon nito.Dahil dito, nagsagawa ng synchronized polio
vaccination sa mga batang edad 5 pababa ang DOH.

Sinimulan ito sa Maynila noong Agosto 19 hanggang 31. Gagawin ito sa buong Metro Manila at
sa iba pang mga rehiyon sa Oktubre at Nobyembre.Ani DOH assistant secretary Maria Rosario
Vergeire, tinatayang nasa 6.8 milyong kabataan ang plano nilang bakunahan.Nanawagan din
ang DOH na panatilihing malinis ang kapaligiran at ang kanilang pangangatawan.

Para sa ating balitang pampalakasan…. Gilas walas Pang-sorpresa sa FIBA WORLD CUP sa
taong ito

Maraning salamat Yvonne

Susunod:

 Solar power system hatid sa paaralang matagal nang walang kuryente sa Sulu
 State emergency sa Srilanka, binawi na
 DeMarcus Cousins, maaring hindi na makalaro sa 2019-2020 NBA season dahil sa Injury
 Bea Alonzo,dedma kay Julia; wala ring paki sa ina ni Gerald

Ilalahad ang Balitang Yan sa aming Pagbabalik…

COMMERCIAL: CAPOTO’S TURMERIC TEA

Ang balitang ito ay hatid ng Caputo’s turmeric tea…para iwasan ang Sakit..don tayo sa natural

At ang detalye ng iba pa naming mga Balita…. Solar power system hatid sa paaralang matagal
nang walang kuryente sa Sulu

Isang pampublikong paaralan sa Sulu na ilang taon nang nagtitiis na walang kuryente ang
nahatiran ng tulong ng isang fraternity mula sa University of the Philippines (UP).
Isang rooftop solar power system, computer, sound system, wide-screen projector at multi-
media learning center ang ibinigay ng Upsilon Sigma Phi sa Kagay Elementary School sa bayan
ng Talipao, Sulu.
Pinangunahan ni Energy Undersecretary Felix William "Wimpy" Fuentebella, na miyembro rin ng
nasabing fraternity, ang pag-turn over sa mga gamit.
Ayon sa principal na si Reckmar Abdong, malaking tulong ang ibinigay na multi-media learning
center ng fraternity dahil mas magiging interesado ang mga bata na matuto.
Nauna nang nagbigay ng solar power system ang Department of Education para magkailaw at
electric fan sa mga silid-aralan ng paaralan.
Higit 300 mag-aaral din ang nabigyan ng libreng bag at school supplies.
Inamin naman ng ilang guro sa Kagay Elementary School na nakatatanggap sila ng banta sa
kanilang seguridad mula sa mga bandido.
Ayon kay Lt. Gen. Cirilito Sobejana, commander ng Western Mindanao Command, tinutugunan
na nila ang problema.
Nangako naman ang pamahalaang lokal ng Talipao na prayoridad nila ang pagbabantay sa
seguridad ng mga paaralan.
Ayon kay Talipao Mayor Nivocadnezar Tulawie, may barangay peacekeeping action team silang
binuo na siyang tumutulong para masiguro ang seguridad sa mga paaralan.
 Para sa ating Balitang Pandaigdig: State emergency sa Srilanka, binawi na
Nakatututok mula sa London si Marjorie Agusan, Marj….

Maraming salamat, Marge… DeMarcus Cousins, maaring hindi na makalaro sa 2019-2020 NBA
season dahil sa Injury…balitang tinututukan ni Yvonne Canete

Maraning salamat Yvonne

At para sa ating showbiz balita CHIKA MINUTE… Bea Alonzo,dedma kay Julia; wala ring paki sa
ina ni Gerald…. balitang tinututukan ni Marjorie Agusan

Maraming salamat, Marge

Susunod:

 Buy Bust operation sa Mambaling, Halagang P9.1 milyon ang nakuhang shabu
 Estudyanteng pinoy na natagbuan patay sa London nailibing na
 Barko tumagilid sa Cebu; 4 ang sugatan
 Janine Berdin may buwelta sa kanyang mga bashers

Ilalahad ang Balitang Yan sa aming Pagbabalik…

COMMERCIAL: Skelan

Ang balitang ito ay hatid ng Skelan..may bilis bisa formula para palaging ayos ang buto..Mabibili
sa lahat ng drugstore nationwide

 At ang detalye ng iba pa naming mga Balita…. Buy Bust operation sa Mambaling,
Halagang P9.1 milyon ang nakuhang shabu

Apat na tao ang nahuli kasama ang tagamaneho ng pedicab sa buy bust operation kung saan
nakuha ang siyan na milyon isang libong peso na halaga ng shabu sa Sitio Viking, Barangay
Mambaling, Cebu City sa madaling araw ng Agosto 23, 2019.

Sa nakalipas na 44 na araw, naitala ng Cebu City Police Office na 83 milyong peso halaga na
druga ang nakuha ng kapulisan. Sa buy bust operation na ito, sina Benerando Gemperoso. 27
taong gulang; Joven Gemperoso, 29 taong gulang; Beverlyn Gemperoso Medina, 26 taong
gulang and Regie Medina, 29 taong gulang, ang mga naaresto ng mga operatiba sa kapulisan
ng labangon, Drug enforcement unit ang city intelligence Branch.

Ayon kay Gemma Vinluan, director ng Cebu City Police Office na si Benerando talaga ang
puntirya ng naturang operasyon na kasama sa Central Visayas Unified Drug watchlist.
Pinaliwanag din niya pag-aresto ng iba pang tatlo na tao sapagkat nahuli ito kasama si
Benerando at susuriin pa ang mga ebidensyang nakuha laban sa kanila. Naniwala siya na ilang
beses na nagkaroon ng transaksyon ng druga sa bahay ni Benerando bago ito nahuli.

Tikom pa rin ang bibig ni Benerando nang tanungin siya ng mga pulis sa kanyang mga
kasabwat lalo na ang tagapagtustos sa kanya ng druga.

Kasong Violation of the Comprehensive Dangerous act of 2002 ang isampa laban sa mga
naaresto.
Samantala, Estudyanteng pinoy na natagbuan patay sa London nailibing na..Nakatutok mula sa
London si Yvonne Canete, yes Yvonne

Maraning salamat Yvonne….. Barko tumagilid sa Cebu; 4 ang sugatan

Tumagilid ang isang barko matapos ito mawalan sa balanse sa isang pantalan sa San Franciso,
Camotes Islands sa Cebu noong ika-31 ng Agosto taong dalampu’t labing siyam.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nagbababa ng mga kargamento ang M/V Mika Mari 8 na
pagmamay-ari ng Jomalia Shipping Corporation bago ito tumagilid.

Nailigtas naman ang 149 na pasahero at 18 crew ng barko habang dinala sa ospital ang 4 na
pasaherong nasugatan sa aksidente.

Binigyan ng Philippine Coast Guard ng isang araw ang kapitan ng barko upang makapagsubmit
ng marine protest.

At para sa ating showbiz balita CHIKA MINUTE… Bea Alonzo,dedma kay Julia; wala ring paki sa
ina ni Gerald…. balitang tinututukan ni Marjorie Agusan

Maraming salamat, Marge

J: iyan po ang Balitang nakalap sa aming malawak na pagbabantay

M: Mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang totoo

Y: Kundi balitang tumatak sa inyong diwa at puso

J: Muli. Kami ang iyong tagapagbantay ng bayan na nagssabing:

M: Magbasa

Y: Makinig

J: Makialam

Lahat: para sa ikaunlad ng Bayan

Ito ang MYJ Balita

You might also like