You are on page 1of 9

https://rmn.

ph/mga-tindero-at-tindera-posibleng-maipit-sa-price-freeze-sa-baboy-at-manok/

Mga tindero at tindera, posibleng maipit sa price freeze sa baboy at manok


Febraury 4, 2021

Nag-aalala si Senator Risa Hontiveros na ang mga maliliit na tindero at tindera


ang ituturo at maiipit sa pagpataw ng price freeze sa baboy at manok.

Paliwanag ni Hontiveros, kawawa ang mga tindero at tindera kung ang hindi
makatwriang pagtaas sa presyo ng baboy at manok ay nangyari bago pa ito
ibagsak sa kanila.

Kumbinsido si Hontiveros na maganda ang layunin ng moratorium sa price


increase sa mga bilihin pero kailangang siguraduhin na hindi maiipit at
mapagdidiskitahan ang mga nagtitinda sa palengke.

Sa tingin naman ni Senator Imee Marcos, baka mahirapang sumunod sa price


freeze ang mga pobreng tindera sa mga palengke ng Metro Manila.

Paliwanag ni Marcos, paano nila ibebenta ng P250 kada kilo ang karne ng
baboy at manok kung binili ito sa trader at byahero sa halagang P320 kada
kilo.

Naniniwala naman si Senate President Pro Tempore Ralph Recto na baka sa


halip maging solusyon ay mas palalain pa ng price freeze ang problema sa
mataas na presyo ng manok at baboy.

Giit ni Recto, ang tamang solusyon ay ang pataasin ang supply o produksyon
ng nabanggit na mga produkto.
Mga tindahan sa Pasig Mega Market, dalawang buwan nang walang supply ng NFA;
presyo ng bigas, bahagyang tumaas

Naniniwala ang mga tindera ng Pasig Mega Market na kakaunti lamang ang ani ngayong taon
kaya tumaas ng piso hanggang dalawang piso ang presyo ng bigas sa ilang tindahan.
Umaangal na ang mga mamimili dahil ang presyo ng regular-milled rice na dating ₱34 hanggang
₱35 kada kilo bago ang Luzon lockdown, ngayon ₱36 hanggang ₱38 na.

Habang ang well-milled rice na dating ₱36 hanggang ₱40, ngayon ay ₱37 hanggang ₱43 na ang
bentahan kada kilo depende sa kalidad.
Ayon kay Ernesto Tuazon, rice vendor sa naturang palengke, maliban sa nahirapan sa pagbiyahe
ng mga bigas mula sa mga probinsya, kakaunti lang ang ani ngayong may COVID-19.
Samantala, dalawang buwan naman nang walang suplay ng NFA rice sa Pasig Mega Market.
Sa mga munisipyo na kasi ibinabagsak ng mga supplier ang mga NFA rice para magamit sa
pamimigay ng ayuda sa mga mahihirap.
Dahil dito, ang ilang mga namamalengke, nauuwi sa pagbili ng pinakamurang bigas na makikita
nila.
Eksakto lang umano ang budget sa pamamalengke at kailangan nila itong pagkasyahin.
Umaasa naman ang mga tindero at tindera ng bigas sa Pasig Mega Market na kapag mas
lumuwag na ang community quarantine ay babalik na ang supply ng NFA sa kanila dahil ito ang
mas mabenta sa mga mamimili.

DoLE profiles 274,924 child laborers

“This is indeed unfortunate. This is why we had to work doubly hard to arrest the
situation,” Labor Secretary Silvestre Bello III said in a statement Sunday.

Children and young workers are considered among the most vulnerable as the
health crisis persists to affect the livelihood of mostly poor families in urban and
rural areas.
The Labor department also reported assisting nearly 340,000 minors, along with
their families, in an intensified implementation of the government’s child labor
prevention and elimination program amid the COVID-19 pandemic.

According to DoLE, 293,318 were referred for assistance while more than 47,000
were removed from child labor.

“Along with our campaign to protect the vulnerable workers, we also stepped up our
efforts to eliminate the worst forms of child labor,” Bello said, citing DoLE’s
mandate under Republic Act No. 9231 or the Special Protection of Children against
Child Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.

He noted that the pandemic has drawn children of poor families into some worst
forms of child labor. 

Underscoring DoLE’s effective child labor prevention and elimination program, Bello
cited the recent experience of one of the young beneficiaries as a good example.

“Joseph” (not his real name), 14, from San Fernando, Romblon, is an orphan living
with his grandmother. He used to gather and sell firewood and worked extra as a
baggage boy for fish traders.

In a report to Bello, DoLE-Mimaropa Director Joffrey Suyao said Joseph was


awarded a P30,000 “sari-sari” (community convenience) store package along with
his grandmother. They made good on their assistance and Joseph is now enrolled
as a first-year student at the Romblon State University taking up Bachelor of Science
in Business Administration. 

“The boy has been freed from hazardous work. We hope that this simple livelihood
assistance help him attain his dreams,” Suyao said in his report. 

Joseph vowed to make the most out of the livelihood package, and promised to do
his best with the opportunity to get a better education, the report added.

The DoLE child labor prevention and elimination program consists of “Project: Angel
Tree,” which provides an array of social services for the child laborers and their
families, and the H.E.L.P. M.E. program, which stands for health services and
medical assistance; education and training; livelihood opportunities to parents of
child laborers; prevention, protection, and prosecution; monitoring; and evaluation.

The Labor department also implements the Child Labor-Free Establishments, Sagip
Batang Manggagawa, and Philippine Program against Child Labor.

DOLE nangangamba sa pagtaas ng ‘child labor’


MANILA, Philippines — Dahil sa nararanasang mahabang pandemya sa buong mundo ay
nagpahayag ng pangamba si  Department of Labor and Employment (DOLE) Bureau of
Workers with Special Concerns (BWSC) Director Ma. Karen Trayvilla sa posibleng
pagtaas sa datos ng ‘child labor’ sa Pilipinas na maaaring mapuwersa na maghanap-
buhay ang mga kabataan sa halip na mag-aral dahil sa nararanasang kahirapan.
Hindi naman umano nagpapabaya ang DOLE at patuloy na hinahanap ang mga batang
napupuwersang magtrabaho ngunit nagkakaroon sila ng balakid dahil sa mga
panuntunan ukol sa ‘quarantine’.
Nitong 2017, tinatayang nasa 2.1 milyong bata ang sangkot sa ‘child labor’ at nasa
275,000 sa kanila ang nai-profile na ng pamahalaan. Target ng ahensya na mabawasan
sana ang ‘child labor’ ng 30 porsyento o 630,000 pagsapit ng taong 2022.

Mga bagong anyo ng child labor binabantayan

MAYNILA — Binabantayan ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE)


ang mga umano'y bagong anyo ng child labor.

Kasama sa mga bagong anyo ng child labor ay ang own-use production, ayon kay Bureau
of Workers with Special Concerns (BWSC) Director Karen Trayvilla.

"Ibig sabihin, ultimately, 'yong pino-produce ng bata... ay for the consumption of the
household," ani Trayvilla.

Binabantayan din ang mabibigat na trabaho na maaaring matagpuan sa unpaid training


work gaya ng work immersion at volunteer work.

Ang child labor ay ano mang uri "ng trabaho [o] economic activity na puwedeng i-subject
sa abuse o exploitation ang bata, at nakakasama sa kaniyang safety," ani Trayvilla.
Sinabi rin ni Trayvilla na huwag magdalawang-isip na lumapit sa kanilang ahensiya kung
may kakilalang child laborer na nangangailangan ng tulong.

Malaki ang pasasalamat ng dating child laborer na si Naomi Geronimo sa tulong na


natanggap noon.

"Huwag nilang sayangin ang tulong na binibigay kasi isa 'yon sa mga stepping stone para
magbago 'yong buhay nila," ani Geronimo.

Bukod sa suporta sa pag-aaral, maaaring magbigay ng kabuhayan ang BWSC sa pamilya


ng child laborer.

May 2.1 milyong kabataan ang nagtatrabaho, ayon sa datos ng Philippine Statistics
Authority (PSA) noong 2011.

Dalawang milyong kabataang nasa edad 5 hanggang 17 ay nasa "hazardous working


condition" o mga delikadong trabaho, ayon sa PSA.

6 na hamong hinaharap ng OFW tuwing nasa abroad

MANILA, Philippines — Walang madali sa pagtatrabaho upang kumita. At mas lalong


hindi ito madali kung gagawin sa ibang bansa, malayo sa pamilya.
Pero para sa milyun-milyon nating mga kababayan abroad, susugal sila kung
kinakailangang maitaguyod  ang kanilang mga mahal sa buhay. Sa kabila ng pangako ng
mas maginhawang buhay, may ilang mapapait na realidad na kaakibat ng pagtatrabaho
sa dayuhang bansa.
Baguhan man, beterano, o nagbabalak—lahat ay maraming haharapin kung mag-a-
abroad upang magtrabaho.
Alamin ang ilan sa mga hamong kailangan lagpasan ng isang OFW:
1. Pangungulila sa pamilya
Ito marahil ang pangunahing hamon, kaya marapat lamang na nasa tuktok ng listahang
ito. Kilala ang pamilyang Pilipino sa pagiging malapit sa isa’t isa, at para mawalay ang
isang OFW sa kanyang pamilya ay talaga namang matindi ang emosyonal na epekto.
Mabuti na lamang at napadali na ng teknolohiya ang komunikasyon sa pagitan ng mga
OFW at ng kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng online messaging at video calls,
maiibsan ang pangungulila nila.
Sa pagkakataong magkaiba ang timezones ng mga OFW at ng kanilang pamilya, mainam
na magtakda ng oras ng pagtawag sa isa’t isa.
2. Paglaki ng mga anak
Para sa mga pamilyadong OFW, mahirap at nakalulungkot na hindi niya nababantayan
ang paglaki ng kanyang mga anak, lalo pa’t absent ito sa mga milestones tulad ng mga
birthday, graduation, atbp.  
Gayunpaman, kilala ang mga Pilipino sa pagiging maalaga at mapagmahal, kung kaya’at
gaano man kalayo ang kanilang mga mahal sa buhay, gagawan nila ito ng paraan upang
maiparamdam ang kanilang suporta at pagmamahal.
3. Culture shock
Parte ng pangingibang-bansa ang pagkagulat o dili kaya’y pagkalito sa ilang kagawian ng
mga dayuhan sa kanilang bansa. Dala ito ng kaibhan ng kulturang nakasanayan ng OFW
sa sariling bansa. Bilang mga “dayo,” sila ay kinakailangang mag-adjust at magbigay
respeto sa ibang kultura.
Isang halimbawa din ng pag-a-adjust ay ang paghahanap ng lutong Pilipino. May panlasa
naman kasi talaga ang mga Pinoy na hindi mapapantayan ng kahit ano pa mang luto sa
iba-ibang bansa.
4. Bagong klima
May mga pagkakataon na ang isang OFW ay nadedestino sa bansang ibang-iba rin ang
klima kumpara sa Pilipinas.
Halimbawa ay ang mapadpad sa disyerto, tulad ng mga nasa Middle East kung saan
napakainit tuwing araw, o kaya ay mapunta sa mga bansang may winter tulad ng US o
Canada. Para sa OFW, isa rin ito sa mga bagay na kailangang makasanayan para magawa
niya ng maayos ang kanyang trabaho.
5. Pagkakasakit
Malaki itong abala, lalo na kung mag-isa at walang maaasahang mag-aalaga. Kaya
naman dagdag ingat lagi ang OFW upang mapanatili ang tamang kalusugan.
6. Gulo at kalamidad
Katulad ng pagkakasakit, lubhang maabala rin kapag ang isang OFW ay nadadamay sa
gulo o kalamidad sa ibang bansa, lalo pa’t hindi naman masasabi kung kalian mangyayari
ang mga ito. Marami ring pagkakataong ang kaligtasan ng ating mga kababayang OFW
ay nalalagay sa panganib sa mga bansang may banta ng terorismo.
Mga tunay na idolo
Hindi biro ang lahat ng ginagawa ng mga mahal nating OFW—ang bawat pakikipagsapalaran ay
laging may kasamang hirap at pagsubok.
Pero para sa ikagaganda ng buhay ng kani-kanilang pamilya, handa silang ituloy ang laban.
Maliban dito, malaki rin ang naitutulong ng mga OFW sa ekonomiya ng bansa, dala ng mga
remittances na dumarating.
Sila ang nagsisilbing taga-salba sa atin dahil sila ang nagpapataas ng ating “dollar reserves” na
dahilan upang tayo ay hindi agad maapektuhan ng global na krisis pang-ekonomiya.
Kaya naman sila ay tinaguriang mga bagong bayani.
Batid na batid ito ng MoneyGram.
Kamakailan ay inilunsad muli ng MoneyGram ang taunan nitong MoneyGram Idol Awards
upang gawaran ng parangal ang piling OFWs para sa kanilang hirap at sakripisyo. Ngayong taon,
tinagurian bilang huwarang OFW Idols sina Paul Kristian Alay-ay, Leveliza de Chavez, Ryan
Daroy, Helen Esteban, Marlene Fabro, Emily Gabuat, Farouk Omar, at Joel Padoga.
Sila ay napagkalooban ng P30,000 cash prize, libreng ticket pauwi, at libreng accommodation
para sa kanya at kanyang pamilya sa Conrad Hotel Manila.

OFW deployment ban sa Hong Kong binabalak

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan ng Department of Labor and Employment ang


posibilidad na ipatigil ang pagpapadala ng mga overseas Filipino worker sa Hong Kong
dahil sa lumalaking tension sa administrative region na ito ng China.
Sinabi kahapon ni Labor Secretary Silvestre Bello III na pinag-aaralan na ng pamahalaan
ang sitwasyon at maaaring makapaglabas ng desisyon sa loob ng linggong ito kung
ipagbabawal o hahayaang magpatuloy ang pagpapadala ng OFW sa Hong Kong.
Idinagdag ni Bello na, habang isinasagawa ang pag-aaral, nagpalabas na ang DOLE ng
advisory na nagpapaalala sa mga OFW sa Hong Kong na iwasan ang mga lugar na
pinagdarausan ng mga protesta at demonstrasyon doon.
Naunang iniulat ng Department of Foreign Affairs na isang OFW sa Hong Kong ang
inaresto noong Sabado dahil sa umano’y paglahok sa pro-democracy protest.
“Ang totoo, hindi naman siya (OFW) sumama sa kilos-protesta. Pinaghinalaan lang
siyang kasama sa protesta at inaresto siya,” paliwanag ni Bello.
Ang naturang OFW na si Jethro Pioquito ay nakasuot ng itim na t-shirt nang mapadaan
sa isang kilos-protesta  noong Sabado ng gabi nang mapasama siya sa mga inaresto ng
pulisya.
Ayon kay Bello, nagtalaga na ang pamahalaan ng abogado para tulungan si Pioquito.
Tiniyak ng kalihim na patuloy na imomonitor ng gobyerno ang kundisyon ng nadakip na
OFW.
Ikokonsidera rin anya ng DOLE ang kaso ng naturang OFW sa pagdedesisyon kung
ipagbabawal o hindi ang pagpapadala ng manggagawang Pilipino sa Hong Kong.
Iginiit niya ang advisory ng DOLE na nagpapayo sa mga Pilipino na iwasang mapalapit sa
protest areas para maiwasang madakip.

Government Assistance Para Sa Mga Returning OFW


Date Posted: Jun 22, 2020

Isa ka ba sa mga overseas worker na nakabalik na at kasalukuyang nasa quarantine sa inyong


komunidad? O kaya naman ay nakauwi na sa iyong pamilya? Dahil inaasahan na marami pa ang
uuwi dito sa bansa dulot ng COVID-19 crisis, pinagtutuunan ng pansin ngayon ang mga tulong
pangkabuhayan na maaaring ibigay sa mga returning OFW.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang government agencies ay
nagpapatupad ng mga programa na magbibigay ng livelihood, financial, at training assistance.
Narito ang ilan sa mga tulong na maaari mong makuha.

1. Livelihood Program
Sa tulong ng pagbabalik ng Balik Pilipas, Balik Hanapbuhay Livelihood Program na
isang livelihood package assistance ng Overseas Workers Welfare Association (OWWA),
mabibigyan ng halagang P20,000 ang returning member-OFWs na magsisibling
panimulan o pandagdag na kapital para sa iyong nais na negosyo o livelihood project.
Ang programang ito ay may kasama rin Entrepreneurship Development Training (EDT).
Ayon sa OWWA website, ito ang requirements na kailangan:

o Application Form
o Certificate ng Entrepreneurial Development Training
o Business Plan/Proposal na inaprubahan ng RWO Director na nagsasaad ng
sustainability/feasibility ng napiling livelihood project
o Proof of repatriation o pagbalik sa Pilipinas (passport o travel documents, airline
ticket)
2. Financial Assistance
Kasalukuyan pa ring pinapatupad ang programa ng DOLE na Abot-Kamay sa
Pagtulong o AKAP. Ang DOLE-AKAP ay nagbibigay ng one-time financial assistance na
nagkakahalaga ng P20,000 para sa mga OFW na regular o documented, qualified
undocumented, at mga Balik-Manggagawa. Kung nais makakuha ng assistance na ito,
basahin dito ang mga hakbang kung paano makakapag-apply.

3. Transportation
Kung ikaw naman ay stranded sa Metro Manila, inilunsad ang Hatid-Probinsya
Program para tulungang makauwi ang mga OFW, estudyante, at mga turista. Ito ay
isang “short-term” o panandaliang transportation assistance para sa mga taga-
probinsya na hindi makabalik dahil sa kawalan ng public transport sa mga lugar na nasa
ilalim ng community quarantine. Nangangailangan makipag-ugnayan ang mga stranded
na OFWs sa DOLE para mabigyan ng tulong na ito.

4. Free Training
Kung nais kumuha ng free skills online training sa iba’t ibang kurso, mas pinadali na ang
application process sa tulong ng programa ng TESDA na Abot Lahat ng OFWs. Sundin
lamang ang mga sumusunod na instruction:

o I-download ang TESDA Mobile App sa Google Play Store o App Store


o I-click sa app ang button for online registration
o I-fill out ang form
Mahalaga ang mga programang ito para makatulong sa unti-unting pagbangon ng mga OFW
lalo na't patuloy pa ring nakakaapekto ang COVID-19 crisis sa trabaho at kabuhayan ng
maraming tao.

You might also like