You are on page 1of 4

Magsaliksik tungkol sa mga napapanahong Isyung Lokal at Nasyonal

 
a. Korapsyon
Korapsyon, ito ay isa sa suliraning kinakaharap ng Pilipinas. Kahit sino man
ang manungkulan bilang Presidente ay laganap pa din ito. Madami ng
sumubok na tapusin ang isyung ito ngunit bigo pa din ang mga ito hanggang
ngayon. Ang korapsyon ay hindi basta basta na mareresolba sa saglit na
panahon dahil likas na ito sa mga tao na pawang naging normal na lamang sa
kanila ang gawaing ito. Maaari sigurong mabawasan ang korapsyong
nagaganap ngunit hindi ito mawawala ng tuluyan, 100%. Isa sa halimbawa
nito ay ang napapanahong isyung kinakaharap ng Pilipinas, ang korapsyon
na nangyayari sa loob ng PhilHealth. Nais umano na matuldukan ang isyung
ito ngunit magpasahangang ngayon ay isyu pa din ito, hindi pa din siya
masolusyunan ng gobyerno. Alam naman natin na ang PhilHealth ay
malaking tulong para sa mga Pilipinong manggagawa dahil ito ay malaking
kabawasan sa mga Pilipinong nagkakasakit na walang mambayad sa ospital
kung sila man ay magkasakit. Ngunit dahil ang mga tao sa PhilHealth ay
masyadong makasarili ay nagawa pa din nilang mangurap sa taong bayan.
Dahil sa pagsabog ng balitang ito ay nais ng Presidente na matuldukan ang
diumanong nangyayaring korapsyon sa PhilHealth. Ayon sa balita ng ABS-
CBN news, madaming tao ang natuwa ng malamang aaksyunan ng ating
Presidente ang isyung ito sa pamamagitan ng kanyang rekomendasyon na
magkaroon ng isang task force na pinangunahan ng Department of Justice na
siyang mangunguna sa pagsugpo nito na kasuhan ang mga taong nasa likod
ng korapsyong naganap. Ayon sa kanila ay inaprubahan ni Presidente
Duturte ang pagsampa ng kaso laban sa dating PhilHealth President Ricardo
Morales at sa iba pang mga taong pinanangalan din na sangkot umano sa
korapsyon. Sinasabing kung sila daw ay hindi naman talaga sangkot sa
korapsyong naganap ay panahon na para mapatunayan ang sinasabi nila sa
pamamagitan ng imbestigasyon. Sa ngayon ay patuloy pa din ang kanilang
pag iimbestiga patungkol sa isyung ito at sana ay magkaroon na agad ng
resulta dahil para rin ito sa ikabubuti ng ating bansa. Ang isyung ito ay isang
malaking suliranin na dapat talagang masolusyunan dahil lahat ng tao ay
apektado dito lalo na ang mga manggagawang dito lang umaasa kapag sila
ay nagkaroon ng emergency. Dapat mapanagot ang ang mga taong
nagkasala dahil masyadong mabigat ang kanilang nagawa, buong bansa ang
apektado lalo na’t may kinakaharap din tayong pandemya.
 
b. Konsepto ng bayani
Ang bayani ay ang taong may naiambag para sa kanyang bansa, maaaring
ibinuwis niya ang kanyang buhay upang mailigtas ang bansa kanyang
sinilangan. Isa sa ating pinakamagiting na bayani ay si Dr. Jose P. Rizal kung
saan ay alam naman nating ibinuwis niya ang kanyang buhay upang mailigtas
ang ating bansa sa kamay ng mga dayuhan. Ang konsepto ng bayani ay kung
may isa kang makasaysayang nagawa para sa bansa mo tulad ng ginawa ng
ating bayaning si Dr. Jose P. Rizal. Isa sa halimbawa nito ay ang
kabayanihang ginawa ng ating mga Frontliners sa panahon. Ayon sa ABS-
CBN news, nung nakaraang Araw ng Kagitingan ay nagbigay pugay ang mga
Pilipino sa ating mga Frontliners na walang takot na lumalaban sa COVID-19
upang matulungan ang kapwa nila Pilipino. Madaming mga Pilipino ang
nagbigay ng kanilang pagsaludo at pasasalamat sa mga Frontliners dahil
kung wala sila ay hindi natin alam kung anong mangyayari sa ating bansa.
Alam naman natin kung gaano kadelikado ang pandemyang ito ngunit patuloy
pa din sa kanilang pagbibigay serbiyo na matulungan ang ating bansa kahit
na sila din ay nahihirapan at natatakot na. Ang mga Frontliners ang
tinaguriang bagong bayani sa panahon ngayon kung saan tayo ay
nakakaranas ng pandemya. Alam naman natin na hindi sila tulad ng mga
bayaning ating tinitingala tulad nila Dr. Jose P. Rizal kung saan sila ay
talagang nakipaglaban at nagbuwis ng buhay para sa bansa. Ngunit ang mga
Frontliners ay ang bagong bayaning ating kinikilala dahil sa kanilang
dedikasyon na tulungan ang mga taong nagkakasakit ng COVID-19. Halos
hindi na sila makakain, makatulog at iba dahil sila ay busy sa pag-asikaso sa
mga pasiyenteng may COVID-19. Ang konsepto naman ng bayani ay hindi
lamang nakapokus sa pagbubuwis ng buhay ng isang tao kundi kung ano ang
mabuting naiambag nito para sa kanilang bayan.
 
c. Kalagayan ng serbisyong pabahay, pangkalusugan, transportasyon,
edukasyon at iba pa.

Alam naman natin ngayon na ang pinakakinakaharap ng ating bansa ay ang


COVID-19 kung saan lahat ng antas ay apektado lalo na ang ating
edukasyon. Ayon kay Rainer Allan Ronda ng The Philippine Star news, hindi
inaprubahan ni Presidente Duterte ang face to face classes sa ating bansa,
pribado at pampublikong paaralan ngayong taong 2021-2022. Alam naman
natin na ang ganitong setup ay ating naranasan noong nakaraang taon dahil
sa biglaang paglaganap ng pandemya sa ating bansa. Ngunit hanggang
ngayon ay hindi pa din tapos ang paglaban sa COVID-19, matumataas pa lalo
ito kada araw kaya muling nagdesisyon ang Presidente na hindi na muna
babalik sa face to face classes kundi patuloy pa din ang blended learning
katulad noong nakaraang taon. Ang ilang paaralan sa Pilipinas ay nagsimula
na ng kanilang klase noong Agosto. Ayon kay Education Secretary Leonor
Briones, ang opisyal na muling pagbubukas ng klase kung saan ay blended
learning at hindi face to face ay September 13, 2021 sa buong Pilipinas. Ayon
kay Education Secretary Leonor Briones, hindi pa daw inaprubahan ng
Presidente ang kanilang propsal na pilot testing ng face to face classes sa
100 na paaralan ng Pilipinas. Ang pinal na desisyon ay na kay Presidente
Duterte kung saan isinaalang alang nila ang kalagayan ng mga estudyante.
Isa din sa isyung ating kinakaharap ay ang nanganganip ang ating kalusugan
dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Ayon sa ABS-CBN news,
patuloy na tumataas ang kaso ng COVID-19 kung saan posible itong umabot
ng mahigit 25,000 ayon umano sa mga eksperto. Sinasabing dalawang araw
na magkasunod na na delay ang pagreport ng kaso ng COVID-19 dahil
nagkaroon daw ng technical issue at sinasabihing hindi daw ito ang unang
beses na nangyari ito. Kaya masasabing posibleng umabot ng mahigit 25,000
ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa. At maaring hindi lamang sa susunod
na mga araw dahil alam naman natin ang kalagayan ng ating bansa. Patuloy
pa din ang pagdami ng mga nakakasakit ng COVID-19 kahit na madami na
ang naturukan ng vaccines. Ayon kay Azer Parrocha, ang administrasyong
Duturte ay naglaan ng P240.7 billion na budget sa 2022 para sa paglaban sa
COVID-19 ng Pilipinas, kasama na dito ang P45.3 billion na fund sa booster
shots. Sa serbisyong pabahay naman, ayon sa ABS-CBN news, nitong
nakaraang buwan laman ay lumabas ang isyung pinagkakakitaan daw ang
pabahay ng gobyerno kung saan binalaan ng National Housing Authority
(NHA) ang mga taong nakatira dito na nagpaparenta sa pabahay ng
gobyerno. Ang mahuhuling nagpaparenta ng pabahay ng gobyerno ay
maaaring madisqualify at palitan ito ng mas nangangailangan dahil alam
naman natin na madaming Pilipino pa ang kailangan ang ganitong tulong
mula sa gobyerno. Patungkol naman sa transportasyon sa ating bansa, alam
naman natin na medyo nagluwag na ang pamahalaan sa ating bansa kung
saan pwede ng bumalik sa trabaho ang ilang manggagawa basta masunod
ang mga protocols na kanilang pinatupad. Ngunit may malaking isyu
patungkol dito. Ayon kay Korina Sanchez ng Pilipino Star Ngayon, problema
ang transportasyon ngayon dahil madaming mga manggagawa ang gustong
pumasok ngunit kakaunti lamang ang mga sasakyan. Kung meron man ay
kakaunti lamang ang capasidad ng taong pwedeng makasakay dahil sa social
distancing kaya ang ibang manggagawa ay walang masakyan.

 
d. Kahirapan, malnutrisyon

Ayon kay Angie dela Cruz ng Pilipino Star Ngayon, mas lumala ang kahirapan
ng bansa ngayong 2021. Alam naman natin na may pandemya tayong
kinakaharap at mahirap ang hanapbuhay ngayon dahil sa sitwayong ngayon.
Madami ang bawal, humina din ang mga kompanya, turismo, kainan at iba
dahil sa biglaang pagsarado ng mga to. Ayon kay NEDA director, nais na
mapababa ng pamahalaan ang kahirapan noon pa man bago tumama ang
pandemya ngunit dahil sa pandemya alam naman nating lahat nalala ito dahil
madaming tao ang nawalan ng trabaho lalo na ang mga mangagawang
kailangan na paalisin sa trabaho dahil wala ng maipasweldo ang kanilang
kompanyang pinapasukan. Hindi talaga ito maiiwasan dahil madaming
manggagawa ang nawalan simula ng tumama sa bansa ang pandemya at
ang pagpapatupad ng pabago bagong protocols tulad ng ECQ, MECQ, GCQ
at iba. Lalo na’t bumaba din ang ratings ng ating ekonomya kaya apektado
ang lahat, lalala talaga ang kahirapan ng Pilipinas kung hindi pa din
masosolusyunan ang pandemya. Ayon sa balita, malumubha ang
malnutrisyon rate sa panahon ngayong may pandemya sa ating bansa dahil
alam naman natin na isa sa mga gawain ng Pilipinas ang pagsasagawa ng
feeding program. Kung saan libreng pakain ito sa mga batang kulang ang
nutrisyon o hindi sapat ang kanilang kinakain dahil na din siguro sa kahirapan.
Mas lalala talaga ang malnutrisyon sa panahon ngayon dahil bukod sa hindi
makakapagsagawa ng feeding program ay iniiwasan din ang pagtitipon tipon
dahil baka lalong lumubha ang kalagayan ng bansa. At isa ding dahil nito ay
ang kawalan ng trabaho ng kanilang mga magulang, walang sapat na
pagkaing may nutrisyon ang maipakain sa mga bata dahil walang
hanapbuhay.

You might also like