You are on page 1of 1

Mass Testing Ngayon Na!

Sa aking mahal na mga kababayan, magandang araw at sa aking mga masasayahin at kooperatibong
kapwa kabataan, naway sa maikling sandali ay hayaan ninyong hiramin ko ang inyong mga taynga. Ako ay
may isang sadyang katanungan sa aking isip, sa tingin niyo, ano ang pinakamalalang problema ng ating
lipunan sa ngayon? Marahil ang isasagot ng karamihan ay ang digmaang di makita ng ating mga mata na
kumitil na ng milyon milyong buhay na kung tawagin ay COVID-19. Sa aking matagal at masinsinang
pagninilay-nilay, aking napagtanto na napakahalaga talaga na magsagawa ng isang Mass Testing sa ating
bansa. Ano nga ba ang Mass Testing? Bakit pinapahalagahan ko ito? Bakit kailangan nating isaalang-alang
ang ating mga Frontliners at hindi ang mga may pribileheyo lamang?
Noong nakaraang ika-30 ng Enero unang naitala ang kaso ng COVID-19 sa ating bansa, at ika-1 ng
Pebrero naglabas ng balita ang Pilipinas paukol sa kauna-unahang pasyenteng namatay sa labas ng bansang
Tsina. Kung ating susuriin sa datos na ating nababalitaan araw-araw, tuloy-tuloy ang lumulobong bilang ng
mga Pilipinong nagkakaroon ng malubhang karamdaman dahil sa COVID-19. Ang Mass Testing ay hindi
nangangahulugang pangkalahatang pagsusuri, ito ay testing para lamang sa lahat ng mga PUI (Persons
Under Investigation), PUM (Persons under Monitoring), Frontliners partikular na ang mga Health workers at
lahat ng mga taong madaling kapitan ng virus tulad ng mga matatanda, buntis at mga may sakit. Bakit
kailangan nating magasagawa ng isang Mass Testing? Dahil sa tumataas na bilang ng kaso ng COVID-19 sa
ating bansa. Patuloy na dumadami ang nahahawaan ng malubhang virus na ito at kung patuloy pa itong
tataas ay maari itong magdulot ng pagbagsak ng ating healthcare system. Idadahilan ko na rin ang mga
pulitikong pailalim na nakikipag-ugnayan sa ating mga healthworkers upang maisailalim ang kanilang mga
sarili kabilang na rin ang kanilang buong pamilya sa isang COVID-19 test na kung saan maraming buhay
sana ang maililigtas sa bingit ng kamatayan kung sila lamang ay nabigyan ng pagkakataong sumailalim sa
pag-susuri ngunit ang mga pa-VIP na kung tawagin ay marangyang nakakatanggap ng COVID-19 tests.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 9,000 katao ang apektado ng COVID-19 sa buong bansa at patuloy
pa itong tataas kung hindi magsasagawa ng Mass Testing. Isang halimbawa ng mabuting maidudulot ng
pagkakaroon ng mass testing ay ang bansang South Korea, mabilis nilang nasuri ang mga maaring tagapag-
dala ng malubhang virus. Dahil sa agarang pagpapatupad ng Mass Testing sa buong bansa ay mabilis nilang
nakontamina ang virus at higit na naprotektahan ang kanilang mga kababayan. Ayon sa Bloomberg.com,
ang South Korea ay isa sa mga bansang lubos na naapektuhan ng COVID-19 na kung saan may humigit
kumulang sa 10,000 katao ang nagpositibo sa virus na ito, ngunit dahil sa agarang paglutas ng kumakalat na
pandemya, mabilis rin nilang napigilan ang pagkalat ng sakit. Hindi pa ba sapat na makita ang
pagpapabuting isinigawa ng ibang bansa upang mahikayat ang ating gobyerno upang magsagawa ng mass
testing? Kung atin ring babalikan ang isang senador na naging isyu dahil sa pamumulitika sa kapanahunan
ng krisis na kung saan siya ay sumailalim sa dalawang COVID-19 tests na sana’y ginamit sa mga mas
nangangailangan, ay isang patunay na sa panahon ngayon, mas angat ang may kapangyarihan at talo ang
mga mahihirap sa palakasan.
Ako bilang isang kabataan, ay may layuning gagawin ang aking makakaya upang makapag-batid ng
impormasyon at hindi maituturing na pabigat lamang sa aking lipunan. Habang ang iba sa ating kapwa
Pilipino ay nagugutom, ang iba sa ating mga politiko ay nagiging makasarili para lamang mabuhay sa
pandemyang ito. Nawawalan ng saysay ang pagiging makabayan ng isang taong may kinauukulan sa
pamahalaan sa oras na isinialang-alang nila ang kanilang sarili at hindi ang kapwa Pilipino. Nasilayan ko
kung paano tayo namumuhay sa pandemyang ito, gutom, kamatayan at sakripisyo ang araw-araw na
nararanasan ng bawat isa. Walang may kagustuhan sa krisis na ito, lahat ay lumalaban at lahat ay nagnanais
na bawasan at pahintuin ang bilang ng kaso ng COVID-19. Mamarapatin pa ba natin ang mamuhay ng may
limitasyon kung maari namang bigyan ng tuldok ang problema sa pamamagitan ng Mass Testing?

You might also like