You are on page 1of 3

Villanueva, Czarae Jana D.

Ma’am Luwalhati Briones


BS Psychology 3-A Sikolohiyang Pilipino

2. ANO ANG KONSEPTO NG GINHAWA NG MGA PINOY SA PANAHON NG PANDEMYA?

Ang biglaang paglitaw ng nakakamatay na virus sa buong mundo ay nagpabago sa buhay ng


nakararami. Kasabay ng mabilisang pagkalat ng COVID-19 ay ang pag-usbong ng samo’t saring
problema gaya ng kawalan ng trabaho, kahirapan, pagbagsak ng ekonomiya, pagkalubog sa utang ng
bansa at ang pagkamatay ng mahal sa buhay ng iilan. Isabay na rito ang stress, anxiety, depression,
breakdown, atbp. na naranasan at patuloy na nararanasan ng nakararami dahil na rin sa banta sa
kalusugan ng nakakamatay na sakit.

Gayunpaman, sa kabila ng unos na patuloy nating nararanasan, marami pa ring konsepto ng


ginhawa ang mga pinoy sa panahon ng pandemya. Isa na rito ay kapag nakatanggap ng ayuda galing
sa gobyerno o yung tinatawag na Social Amelioration Program (SAP). Ito ay base sa Republic Act
11469 o Bayanihan to Heal as One Act (DOLE, 2021). Batay sa aming personal na karanasan, ang
tulong na ito ng gobyerno ay malaking bagay na para mairaos namin ang pang araw-araw. Bagama’t
hindi lahat ay nabibigyan ng SAP, may mga relief goods o mga food packs pa rin namang
ipinamamahagi. Maliit na bagay man sa iilan, pero malaking bagay na iyon sa nakararami. Isa pang
konsepto ng ginhawa ng mga pinoy ay ang pagkakaroon ng free swab test at vaccine na alam naman
nating napakamahal ng bayad noong nag-uumpisa pa lamang ang pandemya. Ginhawa ang dulot nito
lalo na sa mga taong walang kapasidad na mag-bayad para sa swab test na kadalasan ay requirement
para makapag-trabaho. Speaking of trabaho, ginhawa rin para sa ibang pinoy ang pagkakaroon ng
maayos na trabaho sa kabila ng pandemya, dahil simula pa lamang ng lockdown, libo-libong tao ang
nawalan ng trabaho at isa na ron ang aking tatay. Laking pasasalamat nalang dahil stable ang trabaho
ng aking nanay kaya kahit papaano ay maginhawa pa rin ang aming buhay.
Bilang karagdagan, ginhawa rin para sa mga pinoy kapag nakarinig ng balita na bumaba na ang
cases ng covid at bilang ng mga nasawi. Bagaman hindi consistent ang ganitong balita, malaking
bagay pa rin makarinig ng positivity lalo na sa mga nawawalan ng pag-asa. Isa sa pinaka-mahalagang
bagay na nagbibigay ginhawa sa mga pinoy ay kapag ligtas ang buong pamilya at walang tinamaan ng
virus. Base sa World Health Organization, 16,529 tao na ang nasawi dahil sa COVID-19 hanggang
ngayong araw at bawat isa sa mga yon ay may pamilyang naiwanan. Iba ang takot na binibigay ng
pandemyang ito sa bawat isa kaya malaking ginhawa kapag wala ni isa sa pamilya ang nahawaan ng
virus. At ang pinakabago, ang pagkakaroon ng community pantry para sa mga pilipinong kapos at
talagang nangangailangan ng dagdag na ihahain sa hapag kainan ay napakalaking ginhawa ang dulot
(CNN Philippines, 2021). Isama na rito ang pagkakaroon ng mabubuting kababayan na hindi
nagdadalawang isip na magbigay kahit na sila rin mismo ay kapos. Hindi lamang ginhawa ang bigay
nila sa mga taong mas nangangailangan, ngunit pati na rin inspirasyon sa lahat na ang simpleng
kabutihan ng puso ay makapagbabago ng buhay ng iba.

Marami pang bagay ang nagbibigay ginhawa sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya. Maraming
simpleng bagay gaya ng paglabas ng bahay na nakalimutan magsuot ng faceshield o kaya facemask at
hindi nahuli ng barangay. Maliit na bagay pero malaking ginhawa ang bigay. Dagdag pa rito kapag
nakakumpleto ng 8 hours na tulog at may almusal sa umaga. Kapag buo ang pamilya at ang bawat isa
ay malusog, masaya, at masagana. Isama na rin kapag may kaibigan na nangangamusta at kamag-
anak na hindi nagsasawang sumuporta.At ang pagkakaroon ng libangan sa social media apps gaya ng
tiktok na nakapagbibigay saya, kahit sa kaunting segundo lang ay nakakalimutan ang problema.

Sa lahat ng hirap ay may ginhawang kapalit. Kung nag-positive ka man sa COVID-19, ang pag-
galing ay isang napakalaking ginhawa Hirap man ang nakararami ngayong pandemya, basta’t may
pagbabayanihan, pagdadamayan, at pagtutulungan, makakaraos ang lahat. Tanda lamang na hindi
dahilan ang pandemya sa kawalan ng pag-asa ng mga Pilipino, bagkus ito ay naging pundasyon sa
pagkakaroon ng matibay na relasyon sa pamilya at mahal sa buhay. Gayunpaman, hindi pa rin
mawawala ang mga taong makasarili at walang pagmamalasakit sa kapwa. Kaya sana, in this world full
of greedy people, be the kind one.
MGA SANGGUNIAN:

CNN Philippines (2021). What community oantry movement means for Filipinos. CNN Philippines.
httpswww.cnnphilippines.gov.ph

Department of Labor and Employment (2021). Social Amelioration Program (SAP). https://dole.gov.ph-
social-amelioration-program/department-of-labor-and-employment

World Health Organization (2021). COVID-19 in the Philippines. World Health Organization Philippines.
https://worldhealthorganization.gov.ph

You might also like