You are on page 1of 1

Villanueva, Czarae Jana D.

Ma’am Luwalhati Briones


BS Psychology 3-A Sikolohiyang Pilipino

Kailangan ba ng Sikolohiyang Pilipino ng sarili nitong kasaysayan?

Tulad nga ng aking opinyon sa naunang asignatura tungkol sa Sikolohiyang Pilipino, masasabi
ko na nararapat lamang na magkaroon ng sariling kasaysayan ang Sikolohiyang Pilipino dahil may
sarili tayong kultura, paniniwala, kaugalian, at karanasan na hindi nakasaad sa unibersal na sikolohiya.
Ang kasaysayan ng ibang bansa ay iba sa kasaysayan natin kaya hindi dapat natin itong angkinin. Ang
unibersal na sikolohiya ay nabuo sa lugar na sentro ng mga eksperimento at pag-aaral na naging
pundasyon sa pagkakabuo ng sikolohiya, ang sikolohiyang kanluranin. Hindi ito bunga ng pag-aaral sa
lahat ng bansa at sa lahat ng kulturang nakapaloob sa mga ito, bagkus ito ay nakabase sa kultura at
kasaysayan lamang ng kanluranin.

Ang sikolohiyang nabuo sa ibang bansa ay maaaring hindi umangkop para sa iba pang mga
bansa gaya ng sa Pilipinas. May mga parte ng pag-aaral sa sikolohiya na hindi maiuugnay sa kultura at
mga karanasan natin bilang isang Pilipino. Dahil dito, mahalagang magkaroon ng sariling kasaysayan
ang sikolohiyang nabuo sa loob ng bansa at pag-aralan ang mga teyoryang naaangkop sa totoong
karanasan ng ating bansa. Syempre, upang magkaroon ng sariling kasaysayan ang Sikolohiyang
Pilipino, nararapat lamang na gamitin ang wikang Filipino nang sa gayon ay lubos na maunawaan ng
ating mga kababayan lalo na ng mga katutubo ang tungkol sa konsepto ng Sikolohiyang Pilipino. Ang
pag-gamit ng wikang Filipino bilang medium sa pagpapaliwanag ng sikolohiya ay napakahalaga dahil
maraming mga salitang Filipino ang walang katumbas sa ibang wika na patunay rin na natatangi ang
wika natin. Masasabi kong maraming bagay ang hindi pa nadidiskubre sa larangan ng unibersal na
sikolohiya kaya nararapat lamang na magkaroon ng sariling kasaysayan ang Sikolohiyang Pilipino.

Ang pagkakaroon ng sariling kasaysayan ng Sikolohiyang Pilipino ang siyang patunay na ang
bansang Pilipinas ay natatangi at may sariling pagkakakilanlan. Ito ay nakaugat sa ating kasaysayan at
hindi mabubuo ang sikolohiyang unibersal kung hindi mapag-aaralan ang sikolohiya ng iba’t-ibang
kultura sa iba’t-ibang bansa. Gayunpaman, maaari pa rin naman nating gamitin ang unibersal na
sikolohiya bilang gabay sa paghubog at pagpapalalim ng Sikolohiyang Pilipino at maiugnay ang lahat
ng teorya base sa kasaysayan ng ating bansa..

Sanggunian: Pe-Pua, R. (1982). Sikolohiyang Pilipino (Filipino Psychology). University of the


Philippines Press Printery.

You might also like