You are on page 1of 20

Kailangan ba ng

Sikolohiyang Pilipino ng
sarili nitong Kasaysayan?

Rogelia E. Pe-Pua

Introduksyon
Sa mga kanluraning aklat tungkol sa kasaysayan
ng sikolohiya, laging sinasabing ang sikolohiya ay
nagmula sa mga Griyegong pilosopo.
Socrates
Plato Aristotle
Mula sa kanila, lumago nang lumago, dumami nang
dumami ang mga teoryang pilosopikal at sikolohikal.
Mula rito nabuo ang sikolohiya bilang isang agham.

Edukasyon
- Ito ang handog ng mga Amerikano sa mga Pilipino
ng dumating sila sa Pilipinas upang makaagapay sa
hinihingi ng sibilisasyon.
Psychological Association of the Philippines
Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
Isaalang-alang na ang Sikolohiya sa Pilipinas ay dapat
ipag-iba sa Sikolohiyang Pilipino.

Psychology is a new discipline for the Filipinos


(Enriquez 1976), dahil ang tinutukoy niya ay ang
sikolohiyang nanggaling at pinagyaman sa
Kanluran.
Sa paggamit ng mga sinasabing obhetibong
pamamaraan, inaakalang ang mga kinasapitan at
ang mga paliwanag sa mga natuklasan ay obhetibo
narin.

Sa madaling sabi, naitatago ng


siyentismo ang pagiging Kanluranin ng mga
konseptot pag-iisip na napapaloob sa
sikolohiyang nagmumula sa Kanluran.
Habang kinikilala at itinatanghal na ang
kanilang sikolohiya ay unibersal, lalong
tumitibay ang kanilang dominanteng posisyon.

Ang sikolohiyang
Ipinangalandakan
Ang mga teoryang ito ay unibersal.
Lahat ng tao ay nananaginip sapagkat mayroon silang
mga tinatagong pagnanasa.
Ang WAIS ay panukat ng talino.
Ang bata daw kapag lagi mong binibigyan ng kendi
kapag nakakuha ng mataas na grado ay lalong
magsisipag sa pag-aaral.

Hindi lamang ang teorya ang hindi angkop, kundi


ang mga metodo rin.
Halimbawa:
Ipinipilit ng Kanluraning pananaw na ang pagiinterbyu ay kailangang isa-isa lamang,
privately at one-to-one ika nga.
Ang Pilipino ay hindi sanay sa mga
eksperimentasyon sapagkat itoy hindi
katutubo.

Ang surbey ay sasagutin nang matino lamang


kung siya ay may interes sa pananaliksik, o may
simpatiya sa mananaliksik.
Masasampal ka siguro ng isang Pilipino kung
tatangkain mong bayaran ang pagkakasagot niya sa
iyong palatanungan.
Isang maling natutuhan natin ay ang pagtingin sa
anumang mula sa Kanluraning kultura bilang superyor.

Bakit nagkaganito?
Ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas ay handog
ng Amerika. Nagpadala pa ng mga Pilipino sa ibang
bansa upang mapag-aral at magpakadalubhasa sa
pamamagitan ng mga scholarship. Ang bait ng
Amerika! Kaya lang, nakakalungkot ang konklusyon
na misedukasyon pala ito (Constantino 1977).

Ang edukasyon ang nagsilbing napakalakas


na sandata ng pananakop ng Amerika. Hindi ito
tuwirang pananakop, ito ay sa pamamagitan ng
paghuli at pagsakop sa iyong kaisipan.
Istandard nila ang natutuhan nating batayan ng
pagsusuri at pagsukat. Natawag tuloy tayong
Little Brown Americans na nagaangking ng
kaisipang kolonyal.

Pagtakda ng Sariling
Kasaysayan ng
Sikolohiya

May Dahilan kung bakit Kailangan ang Sariling


Kasaysayan ng Sikolohiya

Ang kasaysayan ng Sikolohiyang Kanluranin


ay hindi natin kasaysayan.
Mayroon tayong sariling sikolohiya na dapat
linangin, kung kayat dapat gunitain ang
sariling kasaysayan ng Sikolohiyang Pilipino.

Ang Sikolohiyang Pilipino ay sikolohiyang


bunga ng katutubong karanasan, kaalaman na
batay sa maka-Pilipinong pananaw (Enriquez
1975, 1976).
Iba ang Sikolohiyang Katutubo - Isa pang
dahilan kung bakit hindi natin maaaring
angkinin ang sikolohiyang Kanluranin ay
sapagkat iba tayo, iba ang ating kultura.

Landas tungo sa Pag-unlad ng Bansa


- Isa pang dahilan kung bakit
sariling kasaysayan ng Sikolohiyang Pilipino
ang kailangan nating linangin ay sapagkat ito ay
landas patungo sa pag-unlad ng bansa.

Patutunguhan ng Sikolohiyang Pilipino


ng Kasaysayan Nito

Sa pagtala ng kasaysayan ng sikolohiyang Pilipino,


kailangang linawin muna ang oryentasyon at
perspektibong gagamitin.
Unang-una, Pilipino ang dapat gamiting wika.
Pangalawa, hindi kinakailangang kumiling sa pagkaunibersal o pagka-partikular nang ganoon kaistrikto.

Pangatlo, kailangan ang mas malawakang


perspektibo at interdisiplinaryong pananaw sa
pagsuri ng penomena.
Pang-apat, kailangang magkaroon ng makaPilipinong pananaw at perspektibong mula sa
Ikatlong Daigdig.

Enriquez (1975)
Inilarawan niya ang kalakaran
sikolohiyang sa Gitna at Hilagang Pilipinas.

ng

Sa pagtatakda ng kahulugan ng isang paksa


ng pag aaral, ang depinisyon ng problema ay
kailangang mag-ugat sa kulturang
pag-aaralan at hindi batay sa isang modelong
banyaga.

Sa metodolohiya, ang iminumungkahi ay ang


mga pamamaraang katutubo, mula sa mga
kaugalian at karanasan ng mga Pilipino sa
eksperimentasyon na hindi naman natural sa
kanilang pamumuhay.
Sa pagtalakay ng metodolohiya, mali rin
naman kung tuluyan nang itaboy ang mga
kanluraning modelo porke itoy kanluranin.

Ang problemang kinakaharap ng sikolohiya ay


higit na napapasalimuot ng iba pang problemang
konektado dito, mga suliranin ng lipunan.
Ang kasaysayan ay hindi itatakda ng mga
pagnanais at pagsusumikap ng mga taong may
tamang oryentasyon lamang, kundi pati na rin
ng mga puwersa sa lipunan na makapangyarihan,
na di natin maiiwasan.

Ana Mae J. Petate


Alexandra Marie Tolentino
BSP 412

You might also like