You are on page 1of 107

Pangkat 2

1. Ang Batayang Antas


ANG MGA TEKNIK
SA PAGBASA
Sa Aban at Cruz, patern o uri ng pagbasa ang tawag sa
mga teknik ng pagbasa.Anupaman ang maging
katawagan dito, basta iisa lamang ang tinutukoy na
kahulugan, ang mga paraan ng pagbasa. Maaring isagawa
ang pagbasa ng malakasan tulad sa publikong pagbasa ng
tula, kaya’y ng matahimik tulad sa pagbasa sa loob ng
laybrari. Maari rin namang magbasa nang mabilisan tulad
sa pagbasa ng dyaryo sa umaga o sa pagbasa ng mg sub-
title ng isang foreign film na ipinalalabas,
kaya’y nang mabagal tulad sa pagbasa ng anumang
librong pansiyensya na napakahihirap tunghayan dahil
masyadong mga sayantiko at teknikal ang mga
ginagamit na termino.

Nadiditermina ang ibat-ibang teknik ng pagbasa ayon sa


layunin ng bumabasa. Nagbabasa ba ang isang tao para
makakuha lamang ng mga informasyon para
mapalawak ang pang unawa? Para maglibang ba,
magpalipas ng oras, o para matuto?
Ang saklaw ng atensyon na maitutuon ng isang bumabasa sa
materyal na binabasa at ang rato ng takbo ng paningin dito ay
maitatakda lamang ng motibo sa pagbasa at ng materyal na
babasahin dahil may materyal na madali, magaan, at
maganyak basahin dahil pang araw-araw at kumbersasyunal
ang istilong pagkakasulat kaya pamilyar at kawili-wili ang
paksa, samantalang mayroon din nmang mahirap, o mabigat
basahin dahil masyadong demanding ang formalisado at
akademikong dating ng istilo, at malayo sa interes ang paksa
kaya nakababagot o nakakaantok.
Ang mga sumusunod
ang pinakakaraniwang
gamiting teknik sa
pagbasa:

ISKIMING
Isang teknik ito ng pagbasa nang madalian para
magkaroon lamang ng impresyon sa materyal kung
dapat o di-dapat basahing mabuti. Gayundin, Kung
hangad makakuha ng pangkalahatang ideya hinggil sa
nilalamang informasyon ng materyal na magagamit sa
isinasagawang proyekto na siyang nilalayon sa pagbasa.

Sa pagbasang ito, ang focus ay wala sa detalye kundi sa


pangkalahatang kaisipan.
ANG MGA
HAKBANGIN SA
PAG-IISKIM:

A. PREBYUWING
Pag-iisip ito bago magbasa ng mga inaasahang isyu
tungkol sa paksang sasaliksikin. Pagsasaisip ito ng
mga opinion tungkol sa materyal na babasahin,
kasama ang pagtataya sa pansariling interes at
kaligiran ng paksa. Isinasaalang-alang din dito ang
antas ng pag unawa na kakailanganin para mabigyang
kasiyahan ang layunin sa pagbasa at ang pagtataya sa
panahong mailalaan sa epektibong pagbasa sa
materyal.
Sa pagpiprevyu, napagtataya ang bahaging
naglalaman ng hinahanap na impormasyon,
gayundin, ng lahat ng kinakailangang informasyon
mula sa isang babasahin. Sa pamagat na pamagat pa
lamang, matutukoy na kung nagtataglay nga ang
materyal o hindi ng paksang sinasaliksik, gayundin
sa mga sub-title.
B. SARVEYING AT
OVERVYUWING
Pagtingin sa ibat-ibang bahagi ng aklat ang
pagsasarvey para madetermina kung may kaugnayan
o wala ang nilalaman ng materyal sa sinasaliksik na
paksa, sa gayon, masinsin itong basahin sakaling
mayroon.Pagbubuod nman ang overvyuwing.
Dagliang pagsasabukod ito ng mga kaisipang
natunghayan sa ginagawang pangkalahatang survey.
Sa hakbang na ito, binabasa ang mga sumusunod ang
deskripsyon ng nilalaman ng aklat na
karaniwang natatagpuan sa jaket na isinagawa ng
pabliser,ang ilang tala tungkol sa awtor kung
awtorativo o hindi na magagamit bilang pangunahing
hanguan o referensya, ang mga komentaryo ng mga
nagrevyung kritik ang paunang salita dahil
karakaraka itong tumatalakay sa nilalaman ng
materyal o dili kaya, ang intruduksyon, ang talaan ng
nilalaman na maingat na iniisa-isa para mapag-alaman
ang mga tinatalakay na paksa,
Hindi rin dapat palagpasin sa pansin ang mga kalakip
ang mga kapsyon nito, ang mga tsart, graf, atb, na
naglalarawan sa mga tinatalakay na nilalaman. Sa
hakbang na ito, binabasa ang mga sumusunod ang
deskripsyon ng nilalaman ng aklat na Sa hakbang na ito,
ang index sa mga huling pahina ng aklat kung saan
magagaygayan ng mga terminong pinapaksa kalakip ang
pahinang katatagpuan nito para malaman ang saklaw ng
pagkakatalakay rito, ang kasaysayan ng pagkakalimbag
na karaniwang natatagpuan sa likod ng pahina ng
pamagat para malaman ang petsa ng mga
pagkakalathala, sa gayon, madaling mapagwawari kung
obsolit na ang libro o ap-deyted. Saka buklat-buklatin
na ang bawat kabanata para mabasa ang mga una at
huling pahina lalo na ang mga una at huling talata
sapagkat ditto karaniwang isinasabuod ang talakay ng
paksa.
ISKANING
Tulad ng iskiming, isa rin itong mabisang teknik ng pagbasa na
naglalayong makuha agad ng kasagutan sa ispisipikong
katanungan,kaya’y matagpuan kaagad ang susing salita, kung hindi
naman, ang mensahe ng isang babasahin .Ispisifikong information tungkol
sa isang babasahin ang particular na hinahanap sa pag-iiskan. Madaling
nagagawa ito Kung maikli lamang, malalaki ang tipo ng pagkakalimbag, at
familiar ang materyal, bagamat mahirap naman Kung mahaba, pagkaliliit
ng tipo ng pagkalimbag at bago sa kaalaman ang nilalaman.

Halimbawa:
• Pagtingin sa dyaryo tungkol sa gusto mong makitang balita tungkol sa
paborito mong artista
• Paghahanap ng mga susi na salita
KASWAL
Kung ang layunin na pagbasa ay palipasin
lamang ang oras habang naghihintay nang
hindi mainip, ito ang karaniwang pagbasang
isinasagawa. Hindi man kinasanayan ang
pagbasa, hindi man palagian itong ginagawa,
pansumandali, napipilitan ang sariling
samantalahin ang pagkakataong magbasa
kaya magaan lamang, hindi pinakadidibdib
ang pagbasa.

10
0 Series 1 Series 2 Series 3
KOMPREHENSIV
Intensivo o matiim na pagbasa ang teknik na ito. Iniisa-
isa ang bawat detalye, walang pinalalampas sapagkat
maituturing na isang malaking kawalan. Inuunawa rito
ang bawat kaisipan o mensahe. Maingat, masinsin,
matalino, itong pagbasa sapagkat mahalaga sa lubos na
pagkatuto. Pangkarunungan, hindi pangkaalaman
lamang ang pagbasang ito. Sinusuri, pinupuna, at
pinahahalagahan ang binabasang materyal.
Kinukwestyon, binibugyang opinion,tinatala, binubuod,
binabalangkas, sinusukat, dinidisisyunan,
lahat-lahat na maaring gawing paghimay sa
materyal para lamang maintindihang mabuti.
Masyadong matrabaho, mapanghamon ng
kakayahan. Mapamiga ng isip.Nakakalugod.
Gayumpaman, hindi matatawaran ang sukling
karunungan nito. Ito ang teknik na
nakakaapekto sa akademikong pagbasa.
KRITIKAL
Tinatawag ding malikhain ang teknik na ito. Hindi
sapat dito ang makuha at maunawaan ang kahulugan
ng binabasa sapagkat layunin dito ang maging
mapanlikha , ang makatuklas ng panibagong konsepto
at magawan ito ng bagong forma na maiuugnay sa
kapaligirang sosyal at kultural. Tinitingnan dito ang
katunayan at kawastuan ng konsepto na maisasanib sa
sarili, sa buong pagkatao para maiplay ang
karunungan sa asal at gawi, at maisabuhay nang may
pananagutan.
PAMULING-
BASA
May mga babasahing materyal na hindi naiibsan ang
mapupulot na kahulugan. Napakalawak ng naibibigay na
antas ng interpretasyon nito na hindi agad nakukuha sa
minsang pagbasa. At habang mulit muli itong binabasa, may
bagong mahalagang bagay na natutuklasan. Kapag ganito
ang materyal, maituturing itong dakila. Mga halimbawa
nito ang tinatawag na klasikong akda gaya ng mga akda
nina DANTE ALEGHIERI, WILLIAM SHAKESPEARE, JOSE
RIZAL, ang bibliya, ang munting prinsipe atbp.
SA unang pagbasa, mahirap man itong intindihin o
madali gawa ng uri ng pananalita o paraan ng
pagpapahayag, may lalabas at lalabas pa ring hiyas ng
diwa, kaya hindi pagsasawaang ulit-uliting basahin.
Sa pananaliksik, dinedetermina sa pagbasa ang
kapaniwalaan sa mga inilalahad na opinion. Para
mapagtagumpayan at mapaunlad pa ang kakayahan sa
pagbasa, kailangang mataya ang katumpakan ng mga
katunayan sa basta lamang mga pala-palagay.
Naisasagawa ito sa pamamagitan ng pauli- ulit na
pagbasa at pagbusisi sa mga katibayan. Gayundin,
dapat maunawaang mabuti ang intension at atityud ng
may-akda sapagkat Kung hindi, mamimisinterprita
ang materyal. Sa pamamagitan lamang nito mahahango
ang tiyak at tumpak at kongklusyon.
BASANG -
TALA
Teknik ito ng pagbasa na sinasabayan ng pagsulat.
Pag may nasusumpungang mahahalagang kaisipan o
konsepto, itinatala ito, kaya’y minamarkahan para
sakaling kailangang muli ang informasyon, madali
itong Makita o makuha.
Isang paraan ang pagtatala o pagmamarka sa
materyal ng pag-angkin sa binasa o pagpapakita ng
kaugnayan ng bumabasa sa babasahin o isang
ekspresyon ng pagsang-ayon o pagsalungat sa awtor.
Sinasabi ring ekspresyon itong nagpapakita ng
pinakamataas na paggalang na maisusukli sa awtor ng
bumabasa… “The highest respect you can pay him”
(ADLER &VAN DOREN, 1972).
Ang “PANALANGIN NG ISANG
JOURNALIST” ay nagpapahiwatig nang
tamang paguugali, at kababaang loob,
iwasang maging mapagmataas at mapag
malaki sa kapwa.
Ang iyong kakayahan at katalinuhan ay
mabuting gamitin sa tamang paraan, sa
iyong pamilya at sa pagtulong sa kapwa.
Wag mapagtanim ng sama ng loob sa
kapwa o maging salawahan,ito ay isa
lamang gabay sa tamang panuntunan sa
buhay pati na sa pakikisalamuha sa iba
higit sa lahat sa iyong pamilya, iwasan
ang mga makamundong kagustuhan
iwasang masilaw sa karangyaan
,kapangyarihan o mag hangad ng higit
saiyong kakayahan.
BASANG-TALA
Ulat ni: Sheena Alejandro
• Teknik ito ng pagbabasa na sinasabayan ng
pagsusulat. Pag may nasusumpungang
mahahalagang kaisipan o konsepto,itinatala ito,
Kaya’y minamarkahan para sakaling kailangang
muli ang impormasyon, madali itong makita o
makuha.
• Isang paraan ang pagtatala o pagmamarka sa
materyal ng pag-angkin sa binasa o pagpapakita
ng kaugnayan ng bumabasa sa babasahin o isang
ekspresyon ng pagsang-ayon o pagsalungat sa
awtor
ANG MGA KASANGKAPAN
SA PAGTATALA
1. Ang pagsalungguhit ay nagpapakita ng
mahalagang pangunahing punto o mapuwersang
pahayag.
2. Ang mahahalagang pahayag ay maaring ipaloob
sa vertikal na guhit sa gilid ng marjin na
puwedeng minsan o dalawa bilang indikasyon na
binibigyang-diin and sinalungguhitang punto o
mga linya ng pahayag kaya lang masyadong
mahaba ito para punuin ng salungguhit
3. Minsan lamang gawin ang asteriko bilang indikasyon
sa pagbibigay-diin sa isandosenang
pagkaiimportanteng pahayag. Maari ing tupiin ang
isang kanto ng pahina. Sa pamamagitan nito, madaling
buklatin sa pahinang iyon ang libro para makita agad
ang impormasyon.
4. Pagpapakita naman ng paunlad o pagkakasunod-
sunod ng ideya ng awtor ang numero sa marjin.
5. Isinusulat naman ang bilang ng ibang pahina sa
marjin para ipakita kung saan pang pahina
matatagpuan ang kaganoon o kaugnay na
imporamsyon na kahit magkahiwalay ang mga
pahinang kinapapalooban, magkasama ito’t iisa ang
tinutukoy. Di kaya’y isulat lamang ang simbolong Cf na
nangangahulugan ng bilang ng pahina , ibig sabihin,
‘ihambing’ o ‘tinukoy sa’.
6. Tulad sa pagsasalungguhit, binubilugan ang susing
salita o parirala para ipakita ang kahalagahan nito.
7. Ang pagtatala sa marjin, sa itaas o sa ibaba ng
pahina ay nagpapakita ng katanungan o kasagutang
isinaisip hinggil sa kababasang pahayag, sa gayon,
hindi ito basta makalimutan. Maraming espasyong
matatagpuan sa libro,maaring pagsulatan ang mga
ito. Halimbawa’y ng balangkas, ng maikling buod, ng
mahahalagang termino, ng mga komentaryo, ng
simpleng sipi, atb. Tungkol sa binasang talata,
pahina o kabanata.
ANG TATLONG URI NG
PAGTATALA
Istruktural. Karaniwan ito sa pagbasang
inspeksyunal. Inilalagay ito kung hindi sa pamagat,
sa lugar na kinatagpuan ng inpormasyon. Siyempre
pa, may kinalaman ito sa organisasyon o
pagkakasaayos ng libro, hindi ng nilalaman nito.
Kung paano ito sa tala ng larawan.
Konseptwal. Sa pagbasa rin itong inspeksyunal
na may kinalaman ang pagtatala sa mga
kaisipang inisa-isa ng awtor sa binasang
materyal, gayundin, ng sariling kaisipan ng
bumabasa nito. Mga kaliwanagan o insight
itong nakuha sa pagbasa tungkol sa paksa,
kaya’y mga pahayag o kasagutan ito sa mga
naisaisip na katanungan hinggil sa
kahalagahan ng binasa.
Dayalektikal. Karaniwan ito sa pagbasang sintopikal.
Kung sa konseptwal na pagtatala isinusulat ang bilang
ng pahina sa marjin na kinatagpuan ng kaugany na
inpormasyon sa ibang pahina ng gayun ding aklat, dito
sa dayalektikal, itinatala naman ang bilang ng mga
pahina na kinatagpuan ng kaugnay na inpormasyon
mula sa ibang libro. Pagtatala ito tungkol sa anyo o
paraan ng pagtatalakay sa mga kaisipan ng awtor.
SURING- BASA O
REVYU
• Ayon kay Fufino Alejandro(1948) , “isang pagpapakilala”
ang suring-basa o rebyu. Pagpapakilala hindi ng isang
personalidad kundi ng isang akda. Aniya pa, isa itong
maikling kritikal na naglalaman ng pagsusuri at
pamumuna ng isang akda o aklat para pahlagahan ang
kabuuang forma’t nilalaman nito sa layuning maipabatid
sa mga mambabasa ang taglay nitong kalidad, tuloy,
mairekomenda nang itangi at basahin ng iba, kaya’y
maibasura dahil walang kuwenta sapagkat maaring hindi
tumutugon sa panlasa ng pangkalahatang mambabasa.
• Para epektibong magampanan ang
pagsusuring-basa, maingat at masinsinang
busisiin ang buong akda, wika nga’y “cover to
cover” nang mapag-alaman nang husto.
Basahin at muling basahin ito.
ANG MGA
HAKBANGIN SA
PAGSUSURING-
BASA
Dalawang proseso ang napapaloob sa gawang pagsusuring-
basa: pagbasa at pagsulat. Sa bahaging pagbasa, ang mga
sumusunod amg hakbangin:
1. Habang nagbabasa, mahalagang nagrerekord-
log.
2. Uriing mabuti ang akda kung fiksyon o hindi.
3. Tiyaking nauukol ang pamantayan sa genre.
4. Alamin ang layunin ng may-akda.
5. Isaalang-alang ang pamagat, gayundin,kung may
ikalawang pamagat dahil nagpapahiwatig na ito ng
kahugulugan ng akda.
6. Magtala ng anumang inakalang mahahalagang
pahayag na makatutulobg kalaunan sa pagsusuri.
7. Magsipi ng mga tinatayang mapupuwersa o
mahihinang pahayag o pangungusap na magagamit
sa pagpapatunay sa revyu.
8. Isinasabuod nang maikli lamang ang buong nilalaman ayon
sa sapaf na kinakailangan saka bigyan ito ng reaksyon.
Gayundin, ang mga katunayang bumabagabag. Sa madaling
sabi, malaki ang maitutulong ng pagrerekord-log, isang talaan
itong sinusulatan ng mga reaksyon sa binabasa. Lahat ng nga
natutuklasan – pagkaisipan, pandamdamin, at pangkaasalan-
sa binabasa, mva nakulektang kaliwanagan o insayt, mga
detalyeng pampagpapalawak, mgaklasikong taludtod o
pahayag., mga personal na katanungan at mga reaksyon,
mga nakakagulat na kaisipan, at iba pang karagdagang
informasyon ba mapagsisilbing referensya sa mabisang revyu.
9. Kilalanin ang may-akda.
10. Magbasa ng nay kauganayang literatura, mga
aklat o arimtikulong tumatalakay sa uwi ng akdang
rinirevyu.
11. Isaalang-alang ang tema at tiyaking mahalaga
ito ay dipenido sa pamamaksang pangungusap na
maiintindihan ang mga salitang gagamitin.
12. Konsultahin ang record-log
13. Planuhing mabuti ang isasagawang
pagsusuring-basa.
PAGBASA NG GRAF,
TALAHANAYAN AT
TSART
GRAF
Ito ay mapamaraang ilustrasyon ng mga data na istatistkal
na may layuning ipakita ang ugnayan ng mga guhit at
tambilang sa paksang tinatalakay. Ito rin ay sistematikong
paglalarawan ng mga datos na istatistikal. Layunin nitong
ipakita sa madaling paraan ang mahahalagang kaisipan o
ideya.
PIKTOGRAF
Ginagamit upang ipakita nang malinaw ang
halaga o bilang ng aytem.
Halimbawa:
BAR GRAF
Ginagamit sa paghahambing ng mga sukat
at halaga ng aytem.
Halimbawa:
PASIRKULONG GRAF O
PIE GRAF
 Ginagamit upang mahusay na maipakita ang
relasyon ng bahagi sa kabuuan sa pamamagitan
ng porsiyento, proporsyon o fraksyonal.
Halimbawa:
LINYA GRAF
 Ginagamit upang makita ang mga pagbabago at
pagsulong. Binubuo ng dalawang dimensyon:
- Linyang Vertikal- nagpapakita ng bilang o halaga
- Linyang Horisontal- nagpapakita ng taon o ibang
faktor.
Halimbawa:
TALAHANAYAN
Maikling paraan ito ng paglalahad ng mga kaugnay na
impormasyong tambilang. Ang mga paksa at bilang ay
maayos na inihahayag sa kolum upang mabilis na mabasa
at makagawa ng paghahambing.
ANG MGA URI NG TSART
 TSART NG ORGANISASYON- binubuo ng mga kahon na pinag-
uugnay ng mga linya. Ang mga kahon ay nakahanay mula sa itaas
pababa. Ang kahon na nasa itaas ay karaniwang nag-iisa lamang at
kumakatawan sa pinakamataas na posisyon. Ang mga
magkakasamang kahon sa isang hanay ay nagpapakita ng
pagkapantay-pantay ng posisyon.
 FLOW CHART- ipinapakita rito ang iba’t-ibang paraan ng paglalahad
ng proseso. Maaaring gumamit ng larawan simbolo o kaya ng kahon.
Ginagamitan ng arrow upang ipakita ang daloy ng proseso. Sa bawat
kahon o larawan ay may nakasulat na paliwanag upang ganap na
maunwaan ang proseso. Karaniwang ginagamit ito sa mga plantang
industriyal.
Mga Babasahing Akademik at
Propesyunal
 Tekstong Akademik –
 Tumutukoy ang mga tekstong akademik sa mga akda o
babasahing ginagamit sa pag-aaral tulad ng teksbuk. Sa
pagbabasa ng ganitong uri ng disiplina, nadadagdagan
ang kaalaman ng estudyante at nalilinang ang kaniyang
kaisipan upang mapahusay ang kaniyang kaalaman.

 Tekstong propesyunal
 Ang tekstong propesyunal ay yaong mga teksto na nagdaan
sa mabalasik na pagreresirts at ito ay para sa mga taong
gustong pag-aralan ang mga bagay na makkatulong upang
maging malawak ang kanilang kaalaman gaya ng mga
abogasya at medisina dahil ito ay nakakatulong upang
kanilang malaman ang mga bagay na mga patunay o
pinatutunayan ng mga akda.
Sosyolohiya ng Literatura
Myrna A. Torreliza, PhD

 Buod:
Mahiwaga ang buhay ng tao. Mula sa
pagsilang hanggang sa kamatayan patuloy
siyang nakikibaka sa mga sakit at hirap na
nararanasan sa interaksiyong panlipunan.
Nilalang siyang may kakayahang makipag-
ugnayan sa iba.
Sa ganitong pananaw tatalakayin ang
sosyolohiya ng literatura.
 Sosyolohiya ang pag-aaral ng kinakalabasan ng
patuloy na paghahanap ng tao ng tiyak na
katugunan tungkol sa likas niyang pagkatao.
Kasama rin dito ang pag-aaral sa pamilya,
problemang pampopulasyon, panrelihiyon,
personal, subersyon, mga alitan at krimen,
kahirapan, kawalan ng trabaho, at ugnayang pang
sosyal.
 Masasalamin sa panitikan ang mahigpit na
ugnayan ng manunulat at lipunan.
 Ang kabuluhang sosyolohikal ng pag-aaral ng
literatura ay nakabatay sa kakanyahan nitong
makatulong sapagpapalinaw sa kahulugan ng
kamalayang popular.
 Ginagamit ang panitk sa paglalarawan ng realidad, pagbibigay-
aliw at aral sa buhay.

 Sa malaking bilang ng akda sa ating panitikan, lubhang


pinahahalagahan ang konsepto na ilang likhang-isip na naka-ugat
sa mga pangyayari at sitwasyon sa lipunan.

 Dahil sa ganitong pagpapahalaga sa dimensiyong sosyo-political


ng akda madalas na pinaiikot ang mga akda sa katotohanan ng
piyudalismo sa mga makapangyarihang Sistema at institusyong
tumutulong sa pamamayani ng ganitong Sistema.
 Sa mga panitikang nalimbag, nobela man o maikling kwento,
naipapamalas ang iba’t ibang sosyal, espiritwal at ekonomik na
elementong nakakaapekto sa pakikipag-interaksyon ng tao sa
kapwa bilang social being.
Bayan ko, Ipaglalaban ko
Marie Grace P. Abot
 INTRODUKSYON (INTRODUCTION)
 May dalawang pamilya na magkapatid ang turingan palibhasa’y
magkapitbahay. Ito ay ang mga Valderama at Santos. May maliit
na bukirin ng mga prutas at gulay ang mga Valderama
samantala’y naghahayupan naman ang mga Santos. Nagkasundo
sina Mang pedring at Mang Tomas na pagkakitaan ang kanilang
mga alaga. Nagtayo sila ng maliit na palengke.

 PAPATAAS NA AKSYON (RISING ACTION)


 Sa simula, mahina ang kanilang benta, ngunit sa katagalan, naging
mabili na rin at laong dumami nang dumami ang kanilang suki.
Katulong ni Mang Tomas sa pagbebenta ng mga gulay si Aling
Binang at ang kanilang dalawang anak na sina Leann at Bitoy.
Ganun din ang mga pangyayari kay Mang Pedring.
 Ang buhay ng mga taga-Dasmariñas ay unti-unting umunlad.
Nagkaroon ng ilang eskwelahan, ospital at dumami ang kabahayan
gayun na rin ang mga sasakyan.
 Dumagsa ang mamimili kung kaya’t nagkaroon na rin ng katulong
ang dalawang pamilya.
 RUROK (CLIMAX)
 Nagbago ang lahat paglipas ng ilang taon. Si mang Tasyo, ang Mayor ng
lugar ay nakita ang pag-unlad ng palengke. Dala ng kasakiman, gusto
niyang kamkamin lahat ng bagay na mayroon ang taong bayan. Pinatupad
niya ang batas ng pangnungurakot na na tinutulan ng karamihan at walang
nagawa ang taumbayan sa lakas ng kapangyarihan nito. Isang araw sa
palengke, may dumating na mga armadong lalaki na ginagambala ang
isang tindera dahil ‘di umano’y magbigay daw ng pera. Hindi ito pinalagpas
nina Mang Pedring at Tomas. Napalayas nila ang mga kalaban.

 BUMAGSAK NA PAGKILOS (FALLING ACTION)


 isang araw, dumating ang mga tauhan ng mayor sa bahay nila Mang Tomas
at Pedring at sinabing pinapapunta sila ng mayor at may pag-uuspaang
mga bagay-bagay. Hindi pumayag sila Mang pedring bagkus sinabihan ang
mga tauhan na ang mayor ang pumunta sa kanila kung sila ang may sadya
dito. Nainis ang mayor kung kaya’t nagbigay siya ng otorisasyon na walang
magtatrabaho sa Kadiwa hangga’t hindi sila nagmamakaawa. Hindi
nagpaapi sila Mang Pedring at Mang Tomas at sila’y lumaban. Sa huli’y
marami ang naging sugatan at patay na nang sinugod sila Mang Pedring at
Tomas sa ospital.
 KATAPUSAN (DENOUMENT)
 Hindi
rin nagtagal ay nilisan nila aling Binang at aling Pilar ang
Dasmariñas at binigay ang pamamahala sa Kadiwa kay
mang Sinon. Naging kakaiba ang kadiwa paglipas ng taon.
Naging marumi, mabaho at maingay dahil sa hindi
magandang pamamahala, ngunit sa kabila nito’y patuloy na
nagtitiis ang mamimili rito. Marami pa rin sa mga mamimili
ang nagrereklamo sa pagtaas ng mga bilihin at ilang
pandaraya ng ilang tindera.
Paninda
Ma. Celeste M. Molina

 Ang pagtitinda ay isang mahalagang pagnenegosyo


na sumasagot sa pangangailanagan ng mga mamimili.
 Ayon kay Philip Kotler, isang amerikano, ang pagtitinda
ay isang “Gawain ng tao upang maihatid ang
pangangailangan at kagustuhan ng mga mamimili sa
pamamagitan ng proseso ng palitan.”
 Depende sa lokasyon ng mga konsyumer, ang mga
produkto o serbisyo ay ay dumadaan pa rin sa ibang
mga tindero para masabing nangyari ang pagtitinda.
 4 na konsepto na mahalaga sa pangangalakal
 Produkto o serbisyo- bagay na dumaan sa proseso ng planta,
pagsasaka o Pangingisda.
 Presyo- perang halaga na siyang ibinabayad ng konsyumer
sa prodekto o serbisyo.
 Promosyon- paggamit ng iba’t ibang pamamaraan para
makilala ng mga konsyumer na pinupuntirya ng manininda.
 Lugar- lokasyon kung saan makikita ang produkto o
makakamit ang serbisyo. Tinatawag ding “channels of
distribution”

 Binabanggit sa planong pagtitinda:


 Pinupuntiryang mamimili
 Kakompetensiya
 Badyet sa pagtitinda
 promosyon
MINSAN MAY BABANGONG
HIGIT PA SA PAG-IBIG
NI ALOHA T. REYES
MINSAN MAY BABANGONG HIGIT PA SA PAG-IBIG
TAUHAN: TAGPUAN:
Anita- Ina ni Mario at dating kasintahan ni Anton Ospital
Anton- dating kasintahan ni Anita at ama ni Mario
Pabrika
Marissa- kumara ni Anita
Mario- anak ni Anita Sampaloc
Loida- kaibigan ni Anita at tumatayong magulang ni Dasmarinas, Cavite
Mario
Liza- kaibigan ni Anita Palengke
Guwardiya- guwardiya ng pabrikang pina
tatrabahuhan ni Anton
Matandang kustomer- barat na kustomer ni Anita.
Buod:
Si Anita ay isang babaeng iniwan ng kaniyang kasintahang si Anton matapos
nitong magkaroon ng anak. Hindi ginampanan ni Anton ang kaniyang pagiging
ama sa kanilang anak na si Mario at tinangging siya ang ama ng anak ni anita na
si Mario. Galit at kalungkutan ang naramdaman ni Anita matapos silang itaboy ni
Anton, kaya naman ay pinangako niyang kalimutan at mamuhay ng wala si
Anton. Si Anita ay nag tungo sa Cavite upang mag sumikap na buhayin at bigyan
ng magandang buhay ang kaniyang anak. Sa tulong ng kaniyang kaibigan na si
Loida, ay naging maayos ang pamumuhay nilang mag ina. Lumipas ang mga
taon, si Mario ay lumaki na at tumungtong na sa unang baitang ng elementarya
ng walang ama. Kasabay nito ang pag balik ni Anton sa mag ina, ngunit siya ay
pinaalis ni Anita dahil sa ginawa nito sa kanila at upang matupad ang kaniyang
binitiwang salita kay Anton.
Sa Kabila ng Lahat (Buod)
Ni Theresa Carmet
Masaya kaming namumuhay noon. Simple lamang ang aming buhay, ngunit kuntento kami
sapagkat buo ang aming pamilya. Magkakasama kami ng aking asawa at mga anak. Nakatira kami sa
isang barung-barong sa may bukid. Maganda doon, tahimik, maaliwalas, at sariwa ang hangin.
May dalawa kaming anak, parehong babae. Sila ay mabait, masunurin, magalang, masipag at
hindi maluho. Kahit naman mayroon kaming kahirapan sa buhay, marangal naman ang aming
hanapbuhay at maaari naming itong ipagmalaki. Ang asawa ko ay isang traysikel drayber. Hindi sa
amin ang pinapasada niyang traysikel, inuupahan laamang niya ito tuwing lalabas siya. Kaayusan lang
naman ang kita niya, sapat nang pambili ng aming makakain sa araw-araw. Alam ko ng mahirap rin ang
trabaho ng aking asawa lalo na at may sakit din siya sa puso ngunit hindi niya ito hinahayaang maging
sagabal sa kanyang trabaho sapagkat gusto niyang kumite at suportahan kaming mag-anak.
Anim na taon ang tanda sa akin ng asawa ko. Nagmula siya dati sa may kayang pamilya,
nagkakilala kami noon dahil sa nagtitinda ako sa palengke noon at niligawan niya ako. Ngunit dahil sa
mahirap lamang ako noon ay ayaw sa akin ng pamilya niya, ngunit hindi niya ito pinakinggan. Pinili niya
ako at nagpakasal kami. Alam kong masakit sa kanya ang itakwil ng sariling pamilya kaya naman
sinisikap kong maging isang mabuting asawa sa kanya. Nagkaanak kami at sa awa ng Diyos ay
nalamapasan naming lahat ng pagsubok.
Noong kami palang dalawa at wala pang anak ay naranasan kong mamuhay at tumira sa magarang
bahay, ngunit di nagtagal ay isinilang ko ang una naming anak, unti-unti naming naramdaman ang
karalitaan at saka lumipat sa pangkaraniwang tirahan. Balewala naman ito sakin dahil sanay naman ako
sa hirap. Ang inaalala ko ay siya dahil maganda ang posisyon niya nuon bilang isang manedyer sa isang
malaking kumpanya at sapat lang ang kinikita niya upang pambayad at panggastos namin. Nanatili ako
sa bahay, hindi ako nagtrabaho at inalagaan lamang ang aming anak na panganay na si Reesa-Ann,
isang magandang bata. Matangos ang ilong, mapula at manipis ang labi, mapungay ang mga mata,
maputi, manang mana sa kanyang ama. Sinikap ko siyang mapalaki ng magalang.
Di nagtagal, nasundan ng isa pa uling babae ang panganay naming anak at pinangalanan naming
isyang Mareesa. Maganda rin naman, nagmana siya sa akin. Tatlong taon ang pagitan nila kaya sila ay
magkasundung-magkasundo. Sinikap kong punan lahat sa mga anak namin kung anuman ang mga
pagkukulang sa aking ng aking magulang noon.
(Kring. . . Kring . . .)
“Hello, sino ‘to?”
“Hello sila po ba si Mrs. Maawac?”
“Oo, eto nga, ano po ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?”
Ako po si Dr. Geronimo ng St. John Hospital. Nais ko lang po ipaalam sa inyo na nasa aming
pangangalaga ang inyong asawa.
Nabigla ako sa narinig ko at doon ko lang nalaman ang sakit niya sa puso. Pinakiusap ko sa doctor
na huwag ito ipaalam sa aking asawa sapagkat ayokong alalahanin pa niya ito. Pagkatapos ng
pangyayaring iyon ay napilitan kaming lumipat sa ibang tirahan. Di na tulad ng dati ang aming
pagsasamahan. Madalas na kaming magtalo sapagkat ayaw niya akong magtrabaho dahil ayoko naman
na lagi nalang akong aasa sa kanya.
Ewan ko ba kung bakit, noon nagkataong ako ang nagtatrabaho ay nawalan naman siya ng trabaho.
Hinayaan naman niya ako sa aking desisyon ngunit naging miserable ang buhay namin. Bagamat
miserable ay masasabi ko pa ring masaya kami dahil mahal naming ang bawat isa. May kaliitan lang ang
sahod ko noon kay naman napilitan kaming makitira sa tiyahin ko na may bakanteng lote. May tatlong
taon na rin kaming naninirahan doon at dahil sa nahihiya kami sa tiyahin ko ay inalok ko siya na uupa
kami sa kanya buwan-buwan. Pagtagal-tagal ay lumipat na naman kami, at ito ang tirahan naming
ngayon, sa bukid.
Simula nang napatira kami ditto ay natigil na rin ako sa pagtatrabaho at inasikaso nalang ulit ang
aming mga anak. Napalipat man sila sa pampublikong paaralan mula sa pribado ay wala kaming narinig na
anumang reklamo mula sa kanila. Dito sa bukid ay nagsimula akong magtanim ng halaman at iba’t ibang
uri ng gulay na siyang pinagkakakitaan naming ngayon bukod sa pamamasada ng aking asawa. Gaano
man kami kahirap ay hindi ko hahayaang maapektuhan ang pag-aaral ng aming mga anak. Di bale na ako
ang maghirap huwag lang ang pamilya ko. Ngunit hindi rin nasunod ang pangarap ko para sa kanila nang
iwan kami ng kanilang ama.
Madalas kong sisihin ang sarili ko noon dahil nilihim ko ito sa kanya. Nalaman niya ito nung
pangalawang beses na inatake siya at nang pangatlo ay hindi na niya kinaya. Mula noon ay sinikap kong
igapang sa karalitaan ang aking dalawang anak. Noong mga panahong iyon, gusto ko na mawalan ng pag-
asa at tiwala sa Diyos ngunit inisip ko ang aking mga anak. Ipinangako ko sa asawa ko na di ko sila
pababayaan. Ano man ang mangyari, patatapusin ko sila ng pag-aaral.
Naisipan ko ulit bumalik kung saan ako napulot ng aking asawa, sa palengke- bilang isang tindera ng
gulay. Araw-araw gumigising ako ng maaga upang asikasuhin ang aking mga anak at ang aking mga
paninda. Malaki na ang aking mga anak, nasa hayskul na sila, isang first year at isang fourth year. Ganoon
pa rin sila, masusunurin, magagalang at masisispag. Hindi nila kinakahiya ang maing pamumuhay. Kung
minsan ay sumasama sila sa akin sa palengke para magtinda kung wala silang pasok.
May kalayuan ang palengke sa amin kaya maaga akong umaalis para makaiwas sa traffic at wala
din akong permanenting pwesto, kaya’t kung saan-saan lang ako nakikipuwesto. Sa awa naman ng
Diyos ay nakakaraos kaming mag-iina. Maayos naman ang kita ko sa pagtitinda ng gulay , kaya lang
naaapektuhan kami pag minsan talagang napakainit ng panahon o di kaya naman pag bumabagyo.
Siyempre sagabal ito sa pananim. Kapag hindi naman ako nakakapagtinda sa palengke ay naglalako
ako ngunit hindi nga lang masyadong mabili dahil may kanya-kanya din silang pananim na gulay sa
bawat bakod nila.
Sa palengke naman bukod sa puwesto ang problema, minsan ang problema ay mga tindera. Yung
iba akala mo kung sino kung makapagpaalis nakung minsan ay sinisigawan pa kami na para kaming
hayop. Ayoko na nga lang ng gulo kaya hindi ko na iniintindi ang ganitong pangyayari. Ang mga
mamimili naman, ayos lang. minsan may mabait, pag minamalas, barat, masungit na bastos pa. sanay
na ako sa ganitong buhay. Pitong taon palang ako noon ay sumasama na akong magtinda ng gulay.
Madals, lumiliban ako sa klase dahil sa pagtitinda. Balewala sa akin noon ang pag-aaral basta busog
ang aming tiyan. Ni minsan hindi sumaling sa isip ko na hanggang doon nalang ako. Masasabi kong ang
pinakamasayang nangyari sa akin ang pagkakakilala ko sa aking asawa.
Dahil sa kanya naranasan ko ang mamuhay kahit saglit ng kaginhawaan, ang hindi amoy palengke,
may magandang bahay, nasa modang kasuotan, nakahiga sa kutson at hindi sa matigas na papag.
Kaay ako ganito ngayon dahil sa asawa ko. Siya ang nagahon sa akin sa kahirapan at hindi ko siya
sinisisi kung bakit nandito ulit ako ngayon sa palengke. Tama na ang saglit na luho na pinatikim niya
sakin nung nabubuhay pa siya. Siya ang aking inspirasyon kung bakit ko tinitiis ang lahat ng hirap na
dinadanas ko ngayon.
Ilang buwan nalang ay matatapos na sa hayskul ang panganay naming. Masaya ako ngunit natatakot
dahil ngayon pa nga lang na hasykul sila ay hindi ko na kinakaya, paano pa kaya ang kolehiyo. Minsan
lumapit sakin si Reesa-Ann. Nabanggit niya sa akin an titigil nalang siya sa pag-aaral pagkatapos niyang
grumadweyt at tutulong nalang siya sa akin. Hindi ako pumayag at napaluha dahil gusto ko talaga silang
makatapos ng pag-aaral at ayokong matulad sila sa akin na walang narating.
Nakagradweyt ang anak ko at nalaman ko nalang na nakahanap na pala siya ng trabahosa isang
restawran bilang isang serbidora. Noong una, nagalit ako sa kanya ngunit nauunawaan ko rin siya at
pinabayaan dahil alam kong ginagawa niya lang iyon dahil gusto niyang matupad ang pangarap ko para
sa kanya- ang makapagtapos ng kolehiyo.
Sa dalawang buwan niyang pagtatrabaho, nakaipon siya ng pangmatrikula at nakapasok. Hindi pa rin
siya tumigil sa pagtatrabaho kahit alam kong nahihirapan siya dahil gusto niyang kumite. Gusto ko siyang
pigilan ngunit Malaki na ang naitutulong niya. Siya na minsan ang nagbibigay ng baon sa kapatid niya at
madalas ay di na niya ako pinagtitinda. Tiwalang-tiwala ako sa kanya at ipinagmamalaki nang husto
ngunit iba ang sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya. Masakit ang naririnig ko ngunit di ko sila
pinakinggan. Sinasabi ko na inggit lang sila dahil wala silang anak na kagaya ng anak ko.
Hanggang isang araw kinausap ko siya at tinanong ang totoo. Hindi siya sumagit at bigla niya akong
niyakap at sinabing totoo ang sinasabi tungkol sa kanya. Nagbebenta siya ng katawan gabi-gabi upang
makatapos ng pag-aaral at maiahon kami sa kahirapan.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Gusto kong magalit sa kanya ngunit hindi ko nagawa. Sinabi
ko nalang na uunawain ko siya. Simula noon ay pinatigil ko na siya sa pagtatrabaho at nagsikap ako ng
doble para suportahan sila. Gusto kong sisihin ang sarili ko sa lahat ng nangyari ngunit alam ko rin naming
ginawa ko ang lahat para sa kanila. Inisip ko nalang na kalimutan ang lahat ng nangyari at simulang
bumangon sa pagkakadapa.
Ngayon, mas masaya na kami, sa kabila ng aming mga problema at kasawian sa buhay. Nag-aaral pa
rin ang dalawa kong anak at namumuhay kami ng simple at tahimik. Kahit gulay lang ang aming hanap
buhay, marangal naman at ang importante sa lahat, sama-sama kami. Hindi ako nawalan ng pag-asa sa
Diyos. Alam kong nakita niya ang aming paghihirap, alam kong hindi niya kami pababayaan.
PAGSUSURI SA TATLONG
BERSYON NG TATARIN NI
NICK JOAQUIN
INIHANDA NI: KIM PAULA S. BOLINQUIT
BSPSYCHOLOGY A1-1EVE
I. INTRODUKSIYON

TATARIN- Isang paniniwalang ritwal ng


mga sinaunang Pilipino. Dito
puputulin ang tanging kaalaman
tungkol sa kapasidad ng isang babae.
MGA ANYONG LITERATURA

1. Maikling kwento (Summer


Solstice
2. Dula (Tatarin)
3. Pelikula (Tatarin)
II. ANG PAGSUSURI

A. PAMAGAT: Summer Solstice


(maikling kwento) ni Nick Joaquin
Tatarin (dula)
Tatarin (pelikula)
II. ANG PAGSUSURI
B. BALANGKAS NG MGA BAHAGI AT SANGKAP NG KWENTO:
1. Simula
a.) Mga tauhan
 Donya Lupe Moreta- Ang bida sa istorya,ang tipo ng babae na palaging
sumusunod sa lahat ng kagustuhan ng kanyang asawa.
 Don Paeng Moreta- Ang asawa ni Donya Lupe, mababa ang tingin sa
mga babae.
 Amada- Ang naging Tatarin, kusinera ng mga Moreta; palaging
binubugbog ng asawa.
II. ANG PAGSUSURI
 Entoy- Ang drayber ng mga Moreta; asawa ni Amada.
 Guido- ang binatang pinsan ng mga Moreta;namuno sa
prosisyon ng kalalakihan.
 Micaela- dating asawa ng pinsan ni Don Paeng; ina ni Maggie.
Liberal na babae.
 Maggie- anak ni Micaela na kasama nito sa pagbisita sa bansa;
isang liberal na babae.
II. PAGSUSURI
 Juanito Moreta- Panganay na anak ng mag-asawang Moreta,
labintatlong taong gulang at nagpapanggap na ganap ng
binata.
 Tito Moreta at Nonoy Moreta- sumunod kay Juanito; 10 at 8
taong gulang.
 Kikay at Rosa- Mga katulong ng mga Moreta.
 Lolo- Lolo ng mga batang Moreta; ama ni Don Paeng.
 Mga kalalakihan at kababaihan- mga kalahok sa prosisyon.
II. PAGSUSURI
b.) Tagpuan
 sa bahay ng mga Moreta
 sa sabsaban ng mga Moreta
 sa karwahe/kotse ng mga Moreta
 sa may punong Balite
 sa bahay ng lolo nila Juanito
 sa may tapat ng simbahan ng Paco, Maynila
 sa kagubatan at sa ilog
II. PAGSUSURI

c.) Tema
Sulyap sa suliranin- ang kalagayan
ng mga kababaihan noong
panahon na ito. Ang hindi
pagkakapantay ng pagtrato sa
kababaihan.
II. PAGSUSURI
2. Gitna
d.) Saglit na Kasiglahan- Ang pagpapanggap ng
ganap na binata ni Juanito at ang pagtatalo
nina Micaela at Don Paeng.
e.) Tunggalian
PISIKAL- Don Paeng Vs. mga kababaihan sa
Tatarin; Entoy Vs. Amada
II. PAGSUSURI
INTERNAL- Donya Lupe Vs Sarili
VERBAL- Don Paeng Vs. Donya Lupe; Don Paeng Vs.
Micaela
f.) Komplikasyon
Noong nagtatalo si Don Paeng at Donya Lupe dahil
nagpupumilit si Donya Lupe na pumunta sa Tatarin.
Dahil kahit kailangan ay di pa siya nakakapanood nito,
ngunit hindi siya pinayagan ni Don Paeng.
II. PAGSUSURI
g.) Kasukdulan
Pumunta pa rin si Donya Lupe sa kabila ng
kanilang pagtatalo. Tinangkaang pauwiin ni
Don Paeng ang kanyang asawa ngunit
pinagtulung-tulungan siyang bugbugin ng mga
babae sa Tatarin.
II. PAGSUSURI
3. Wakas
h.) Kakalasan
Bumalik si Donya Lupe sa kanilang bahay at nakita ni Don Paeng na
sugatan dahil sa pagkakabugbog sa kanya ng mga kababaihan sa
Tatarin. Nang nakita siya ni Don Paeng, tinanggal nito ang kanyang
sinturon at balak sinturunin si Donya Lupe. Isang paraan niya ito
para makaganti sa mga gumawa ng pambuubugbog sa kanya at
dahil na rin sa kakaibang ikinilos ni Donya Lupe sa prosisyon.
II. PAGSUSURI

i.) Resolusyon
Hindi naituloy ni Don Paeng ang pagsinturon sa kanyang asawa
dahil sa nakaramdam ito ng pagkatakot sa kanyang asawa.
Pinahalik ni Donya Lupe ang kanyang paa sa kanyang asawa at
sinunod naman ito ng Don ng walang alinlangan.
II. PAGSUSURI
j.) Impresyon
DAMDAMIN- Nakaramdam ako ng pagkalungkot at pagkainis sa
sitwasyon ng mga babae noong panahon na naganap ang istorya.
Mangyari, Wala silang tanging kailangang gawin kundi ang
pagsilbihan ang mga lalaki. Hindi pa sila sasambahin ng mga lalaki
Kung hindi pa darating ang pista ni San Juan/Tatarin.
II. PAGSUSURI

ISIP- Makakamit lamang ng kababaihan ang respeto at


pagmamahal na kanilang kailangan Kung ipakikipaglaban nila
ang kanilang mga nararamdaman at kung ipapahayag nila ang
kanilang mga saloobin.
ASAL- Dapat matutong maging matapang upang maihayag ang
mga nasasaloob upang hindi maapi lalo ng kalalakihan.
II. PAGSUSURI
C. BUOD
Taun-taon ipinagdiriwang ng mga tao sa Paco, Maynila ang
pista ni San Juan, iba ang selebrasyon ng mga lalaki sa mga
babae ang Tatarin/Tadtarin, Kung saan magkakaroon ng pag-
aalay ng tatlong babae upang maging masagana ang mga
pagkukunan ng mga pagkain sa buong taon.
III. KONGKLUSYON AT
IMPLIKASYON
Ang Tatarin ni Nick Joaquin ay isang magandang kwento na
nagsisilbing daan upang mamulat sa ritwal na alay, isang
dalaga o birhen; sumunod ay isang babaing may asawa at
panghuli, isang magandang babae. Tuwing ipinagdiriwang
ang Tatarin, nanunumbalik ang pagiging makapangyarihan
ng mga babae na siya namang kalagayan nila noong
panahon.

You might also like