You are on page 1of 13

Mga Pamantayan

sa Pagsulat ng
Rebyu
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
Rebyu
Si Pautassao (2013) ay nagbigay ng sampung
pamantayan sa pagsulat ng rebyu ng literatura. Ito ay ang
mga sumusunod:

1. Tukuyin ang paksa at ang inaasahang magbabasa nito.


Ang isang paksa ay nararapat na
(1) malapit sa iyo;
(2) mahalagang aspekto ng iyong pinagpapakadubhasaan;
(3) natutukoy ang mahahalagang isyu o usapin.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
2. Rebyu
Manaliksik at patuloy na manaliksik ng mga literatura.
Ilang mahahalagang payo bilang gabay upang mabigyan ng
kabuluhan ang aspektong ito ng rebyu ng literatura:
a. Subaybayan ang mga sinaliksik na sanligan upang
mabalikan ito para paulit-ulit na basahin;
b. Gumawa ng tala ng papel na PDF na hindi madali ang
pagtukoy. Kailangan itong gawin upang makagawa ng
alternatibong estratehiya sa tamang pagbabasa at pagsipi
ng mahalagang babasahin na ito;
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
c.
Rebyu
Tukuyin nang maaga sa proseso ang pamantayan sa
pagtanggal ng mga walang kaugnayan sa papel;
d. Sumangguni sa mga nakaraang rebyu hindi lamang sa
sangay na nais mong gawan ng pag-aaral;
e. Maaaring may ibang indibidwal na nakapag-aral sa paksa
na nais mong pag-aralan. Hindi ito dapat na maging
hadlang upang ipagpatuloy ang iyong pag-aaral at rebyu
sapagkat maaari ka namang magsagawa ng sariling rebyu;
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
3. Rebyu
Magtala habang nagbabasa. Ang mga sumusunod ay
mahalagang paalala sa pagtatala:
a. Ang mga naitalang impormasyon ay nangangailangan ng
muling pagsulat (rewriting), muling pagsasaayos
(restructuring), at muling pag-iisip (rethinking) upang
makuha ang teksto sa maayos nitong pangangatwiran.
b. Gumamit ng sipi o quotation mark kung kinokopya nang
hayag (verbatim) ang literatura. Makabubuti na ipaiwanag
ang sipi gamit ang sariling wika sa pinal na papel.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
c. Rebyu
Maging maingat sa paglalagay ng notasyon ng mga
sanggunian upang maiwasan ang maling pagkilala
(misattributions).
d. Maaari ding gumamit ng software para sa paglalagay ng
sanggunian upang makatipid sa oras at panahon.

4. Piliin ang uri ng rebyu na nais mong talakayin


5. Panatilihin ang pokus sa paksa ng pagtalakay subalit
gawin ito na higit na malawak na interes.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
6.
Rebyu
Maging mapanuri at konsistent. Matapos ang pagbabasa
ng literatura, ang magbabasa ay dapat na magkaroon ng:
a. kaalaman sa sangay ng naging paksa ng rebyu;
b. pangunahing sangay ng pagtatalo; at
c. mga natatanging katanungang para sa paanaliksik.

7. Maghanap ng lohikal na istruktura. Maaaring gamitin ng


mga mag-aaral ang sumusunod na ideya sa pagbuo ng
rebyu:
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
a.
Rebyu
Paggamit ng iskema o balangkas. Makatutulong ito pang
lohikal na maisaayos ang mga detalye ng rebyu at
maiugnay ito sa iba pang mga pag-aaral. Ang maingat na
pagpili ng diagram at mga pigura na may kaugnayan sa
paksa na nirebyu ay makatutulong nang malaki sa pagbuo
ng istruktura ng teksto.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
b.
Rebyu
Magpasya sa istilo ng paglalagay ng sanggunian.
Karaniwan na ipinagagamit sa mga mag-aaral ang American
Psychological Association (APA) na porma subalit
makabubuting sumangguni muna sa dalubguro kung ano ang
porma o istilo na nais niyang ipagamit.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
Rebyu
Ang istilo sa citation ang nagdidikta ng
impormasyon na kinakailangan sa citation, paano inilalahad
ang impormasyon, kasama ang bantas, at ibang
pamamaraan sa pagporma. May iba’t ibang pamamaraan sa
paglalagay ng citation para sa pananaliksik. Karaniwan itong
nakabatay sa disiplina ng pag-aaral na kasangkot.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
a. Ang
Rebyu
APA (American Psychological Association) ay
ginagamit sa Edukasyon, Sikolohiya, at Agham;

b. Ang MLA (Modern Language Association) ay ginagamit


sa Humanidades; at

c. Ang Chicago/Turabian na istilo ay ginagamit sa


Kalakalan, Kasaysayan, at Sining.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng
Rebyu
8. Isaalang-alang ang feedback o tugon.

9. Isama ang iyong kaugnay na pag-aaral subalit maging


obhektibo sa gagawing ito.

10. Maging makabago subalit huwag talikdan ang luma o


mga nakaraang pag-aaral
Thank You
Any
question?

You might also like