You are on page 1of 10

Pagsulat ng

I-ntroduksyon
DISIFIL 2020-2021
Module 5A -Part 1
Dokyumentasyon: Talang Parentetikal

• Isang mahalagang pangangailangan sa pananaliksik ang maingat na


pagkilala sa pinagmulan ng mga hiniram na ideya, datos o
impormasyon.
• Kailangang mabatid at magamit ng mananaliksik ang iba’t ibang
paraan ng pagkilala sa mga ginamit na hanguan sa pagsulat ng
pamanahong-papel.
• Ito ang tinatawag na dokumentasyon.

Bernales, R., et al. (2008). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo


sa Pananaliksik. Valenzuela City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.
Kahalagahan at Tungkulin ng Dokumentasyon

• Manipestasyon ito ng katapatan ng isang mananaliksik.


• Nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na kanyang
ginamit.
• Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o impormasyong
• Ginagamit sa pagtatatag ng katotohanan ng ebidensiya
• Ginagamit sa pagbibigay ng cross reference sa loob ng papel
• Mahalaga sa pagpapalawig ng ideya

Bernales, R., et al. (2008). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo


sa Pananaliksik. Valenzuela City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.
2 SISTEMA ng DOKYUMENTASYON
A. Sistemang talababa-bibliyograpiya (footnote-bibliography)

• ang mga impormasyon tungkol sa pinagkukunang datos (na


tinatawag na impormasyong bibliyograpikal ay inihahanay sa
talababa (footnotes) at bibliograpiya
• kung minsan ayaw na nating isulat pa sa baba ang impormasyong
bibliograpikal kaya pinagsasama-sama ito sa hulihan ng papel
• sa Ingles tinatawag itong endnotes, sa Filipino, mga tala

Bernales, R., et al. (2008). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo


sa Pananaliksik. Valenzuela City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.
2 SISTEMA ng DOKYUMENTASYON
B. Sistemang parentetikal-sanggunian(parenthetical-reference list)

•Sa sistemang ito, ang mga impormasyong bibliyograpikal ay inilalagay sa


parenthesis
•ang parentesis (panaklong) ay nakapaloob sa teksto mismo
•ang katapat nito sa likod ay listahan ng mga sanggunian (list of references)
o mga sanggunian (references) na matatagpuan sa dulo ng sulating
pananaliksik
•nakabatay ito sa Modern Language Association Handbook for Research
Papers o MLA na gumagamit ng estilong awtor-pahina
•iba pang estilo sa sistemang parentetikal-sanggunian ang American
Psychological Association (APA) na gumagamit ng awtor-petsa
•estilo ng mga siyentipikong disiplina ang gumagamit ng awtor-numero
Bernales, R., et al. (2008). Kritikal na Pagbasa at Lohikal na Pagsulat tungo
sa Pananaliksik. Valenzuela City, Philippines: Mutya Publishing House, Inc.
Mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng A.P.A.

Para sa parapreys at buod


Banggitin ang apelyido ng awtor at ang taon ng publikasyon sa unahan
ng sipi o kaya ay sa loob ng panaklong sa huli ng sipi
•Hal: Ayon kay Aguila (2005), isa sa pinakamaimpluwensyang behikulo sa
pagpapalaganap ng wika ang tabloid.
Para sa Direktang Sipi (maigsi)
Banggitin ang apelyido ng awtor at taon ng publikasyon kasunod ang
pahina (p.) o bilang ng talata (tal.). Nakakulong din sa “panipi” ang
tekstong sinipi o kinopya mula sa akda/sanggunian
•Hal: “Sa kasalukuyan, lumalawak ang pakikilahok ng mga Pilipino sa tsismis dahil na
rin sa mga batas na pumoprotekta sa malayang pamamahayag” (Dela Cruz, 2014,
p.14)
De Laza,C.S. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Maynila: Rex Book Store.
Mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng A.P.A.

Para sa mahabang sipi: (talata)

•Ilagay ang mahabang sipi na naglalaman ng 40 salita pataas sa hiwalay na


talata at alisin na ang panipi. Simulan ang sipi sa panibagong linya na may
kalahating pulgadang mardyin mula sa orihinal na mardyin ng dokumento.
Ang pagbanggit ay inilalagay pagkatapos na panapos na bantas ng
pangungusap.

De Laza,C.S. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto tungo sa pananaliksik. Maynila: Rex Book Store.
Mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng A.P.A.

APA Formatting And Style Guide (7th Edition). (n.d.).Purdue University.https://bit.ly/2Z6p8uQ


Mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng A.P.A.
1.Kung mayroong dalawang awtor, banggitin ang apelyido ng
dalawang awtor sa simula ng pahayag o pagkatapos ng pahayag
sa loob ng panaklong.

Hal:
Direktang sipi:
Ayon kina Abad at Santos (2005), “isa sa mabibigat na gawain ng mga
guro bago magsimula ang semestre sa pamantasan ang repasuhin ang
syllabi " (p.21).

Parapreys:
Pagsasaayos ng syllabi ang isa sa mahihirap na gawain ng guro bago
magsimula ang pasukan sa kolehiyo (Abad & Santos,2005).
APA Formatting And Style Guide (6th Edition). (n.d.).Purdue University. https://bit.ly/2ZP36fi
Mga pangkalahatang tuntunin sa paggamit ng A.P.A.
2. Kung mayroong tatlo hanggang limang bilang ng awtor, banggitin ang lahat ng
pangalan ng awtor sa unang pagkakataon na tutukuyin ang sanggunian. Ginagamit
ang “at “ kapag nasa loob ng teksto at ampersand (&) naman kapag nasa loob ng
panaklong.
Hal: Ayon kina Lartec, Nacin, Recorba, at Tanawan (2003), “mahalagang layunin ng
pagbasa ang pagkakaroon ng kaalaman sa kahit anong larangan. Limitado ang
kaalamang matututuhan ng isang tao o ng mag-aaral kung ang aasahan lamang niya
ay ang sariling karanasan”(p. 6).

Paalala: Sa mga susunod na tala (citation), banggitin lamang ang pangalan ng


unang awtor at sundan ng et al. ( at iba pa )

Hal: Ayon kina Lartec et al., (2003) kailangang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang
larangan ang isang tao sapagkat hindi lamang niya makukuha ang lahat ng kaalaman
sa kanyang karanasan.
APA Formatting And Style Guide (6th Edition). (n.d.).Purdue University. https://bit.ly/2ZP36fi

You might also like