You are on page 1of 11

Pagsulat ng

M-etodolohiya
DISIFIL 2020-2021
Module 5C -Part 2
Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
7. Kuwentong Buhay (Life Story)
•Pokus ang kwento ng mga tao partikular sa aspekto ng kanilang
personal na karanasan (lived experiences) ( kamatayan, pagkabaog, pag-
abuso sa droga, depresyon at iba pa) (Etherington, 2009).
•maaaring tingnan bilang komplemento sa mga prosesong institusyunal o
estruktural (dinamikong proseso at nagbabagu-bago rin ayon sa galaw at
partisipasyon ng mga tao)
•magagamit ang KB bilang “touchstone” o batayan ng pagsubok, pagpuna
o pagpapatatag ng mga konsepto, proposisyon o teorya (Becker, 1970)
•“Clearly, individual’s actions are reflected in their life histories and those
of others, but equally, individual’s life experiences reflect the structural
facts which impinged upon them and moulded or constrained their
experiences and actions.” (Dex, 1989, p.2)
Dex, S. (1989). Life and Work History Analyses. The Sociological
Review, 37(1_suppl), 1–19. doi:10.1111/j.1467-954x.1989.tb03335.x 
Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
7. Kuwentong Buhay (Life Story)
•Tinatawag ito ni Brunes (1989) na naratibong kaalaman batay sa mga
kwentong ibinabahagi ng mga tao mula sa kanilang personal na
karanasan at ang aral o kahulugan ng mga karanasang ito sa kanilang
buhay
Ano ang Kuwentong Buhay?
•Mga ordinaryong mamamayan sa lipunan, mga kababaihan, mga
nakatatanda, mga may kapansanan at iba pang marhinalisadong sektor
ng lipunan (layunin: mabigyan sila ng puwang at tinig)
•Tinitignan hindi bilang iisang depinitibong paglalahad, kundi bilang mga
kuwentong naglalahad ng panlipunang pagpapakahulugan o social
constructs.

Etherington, K..(2009). Life story research: A relevant methodology for counsellors and
psychotherapists. Counselling and Psychotherapy Research, 9(4): 225233
Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
Ano ang Kuwentong Buhay? Cont….

•Layunin: mapalutang ang pananaw ng mga nagbabahagi, at makita ang


kaugnayan ng pagdaloy ng kanilang buhay, sa konteksto ng mga
pagbabago sa lipunan.
•Metodolohikal na puntong binibigyang pansin: pagbibigay konsiderasyon
sa sariling opinyon ng nagbabahagi ng maaaring pagbabagu-bago ng
paglalahad, sa kanyang kilos at galaw
•Maselang gawain ng mananaliksik: ang integrasyon ng mga paglalahad
ng nagbabahagi at ng karagdagang datos mula sa ibang tao

.
Duxbury, N. (2015). Cultural mapping as cultural inquiry.Researchgate. https://bit.ly/2ZMKSuM
Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
8. Arkibong pananaliksik (archival research)
•Paggamit ng mga primaryang sanggunian na nasa isang arkibo,
espesyal na koleksyon ng silid-aklatan o isang repository
•Maaaring sa anyo ng mga manuskrito, dokumento, record ( kasali ang
elektronikong record), bagay, tunog o awdyo-biswal na material at iba
pang material
•Itinuturing na pag-aaral ng mga historical na dokumento na nalikha
noong unang panahon upang magkaroon tayo ng akses (Ventresca &
Morr, 2002)
9. Pagtataya ng impak (impact assessment)
•Ginagawa upang tayain o sukatin ang kinalabasan ng isang proyekto,
polisya o programa
Ventresca, M.J. & Morr, J.W. (2017). Archival Research methods. Wilet Online
Library.. https://bit.ly/3e8PAYX
Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
10. SWOT analysis
•Kumakatawan sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at banta
•Inaanalisa ang panloob at panlabas na salik
•Ang pagtukoy sa kalakasan at kahinaan ay tumutukoy sa panloob na
salik
•Ang pagsusuri naman ng panlabas na kapaligiran, pagtukoy sa panlabas
na salik na maaaring magbigay ng banta o maaaring magbigay ng
oportunidad

Swot analysis. (n.d.).Research Methodology. https://bit.ly/2W0Htr4


Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
11. Comparative analysis
•Paghahambing at kontrast sa dalawang bagay
•Maaaring ang maging reperensya ay ang ideya, tema, tanong, suliranin o
teorya, grupo ng magkakatulad na bagay, o historikal na impormasyon
•Ang mga batayan ay mainam na manggaling sa mga ispesipikong
sanggunian sa halip na sariling obserbasyon
•Ang ispesimen sa isang komparatibong pananaliksik ay magkatulad sa
isang aspekto ngunit magkaiba sa ibang bahagi o aspekto na siyang
magiging batayan sa pagsusuri o eksaminasyon

Esser, F. & Vliegenthart,R. (2017). Comparative research method. Wiley Online


Library. https://bit.ly/2O5vDb5
Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
12 Focus group discussion (FGD)
•Diskusyong ginagabayan ng tagapagpadaloy ayon sa inihandang tuntunin ng
panayam
•Isinasagawa ang fgd sa group na binubuo n 8-10
•Ang hangganan ng diskusyon ay 60-90 minuto lamang
•Nagagawang masukat sa FGD ang reaksyon ng maliit na bilang ng target na
awdyens sa isang kontrolado at malayang talakayan na pinamumunuan ng
fasiliteytor
•Mabuting paraan ng pagsasama-sama ng mga taong may magkakatulad na
karanasan upang talakayin ang isang tiyak na paksa
•Ang tagapagpadaloy ang siyang nagbibigay ng tiyak at maliwanag na tanong
upang makakuha ng tugon na siyang pagsisimulan ng diskusyon
•Layuning makakuha ng sapat na impormasyon at impormasyon

Mishra, L.(2016). Focus group discussion in qualitative research. TechnoLEARN, 6 (1)p 1-


5. https://bit.ly/2ZNj5u9
Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo

13 Observational research
•Pagmamasid sa kostumer o mga tao sa kanilang aktwal na kilos o gawi
•Halimbawa nito ay ag pagmamasid sa mga mamimili habang sila ay
namimili sa isang shop
•Sa pamamagitan ng pagmamasid, magbubunsod ito sa mas tuwirang
anyo ng pananaliksik na hindi makikita sa fgd o panayam

Observational Research. (n.d.). Atlasti. https://bit.ly/2ZaPHil


Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
14. Case studies
•Malalimang pagsusuri sa isang tao, grupo, pangyayari o komunidad kung
saan ang datos ay matatamo mula sa obserbasyon o panayam
•Kadalasang biyograpikal ang impormasyong ibinibigay at iniuugnay sa mga
nakaraang pangyayari sa kaniyang buhay gayundin ang mga mahahalagang
pangyayari sa kasalukuyan
•Pagmamasid kung ano ang mangyayari o pagbubuo ng “case history” ng
isang partisipant o grupo
•Pag-iimbestiga sa isang paksa na mas higit na detalyado kaysa sa pagtuon
sa higit na bilang ng partisipant
•Gumagamit ng bahagyang nakabalangkas na panayam, nakikiugaling
pagmamasid, diary, liham, larawan o mga opisyal na dokumento tulad ng mga
clinical record na siyang inaanalisa

McLeod, S. (2019). Case study method. Simply Psychology. https://bit.ly/3eco1hi


Pamamaraan ng Pananaliksik na Kwalitatibo
15. Transcription
•Integral na proseso ng kwalitatibong analisis ng datos pangwika at
ginagamit sa mga pananaliksik sa iba’t ibang disiplina
•Pasulat na representasyon ng isang panayam na kadalasang verbatim o
detalyadong pahayag mula sa mga indibidwal na kinapanayam
•Proseso ng pagbibigay interpretasyon o pagsasalin sa pasulat na paraan
ng awdio at video na record para apg-aralan at gawaan ng koda (code),
(Davidson,2009).
•Ginagamit upang makapamili ng mga pahayag na siyang magiging
batayan ng pagsusuri at igugrupo ayon sa tema sa pamamagitang coding
at saka aanalisahin ang nilalaman

Churcher, K. M. A. (2017). Data Transcription. The International Encyclopedia of


Communication Research Methods, 1–2. doi:10.1002/9781118901731.iecrm0061 

You might also like