You are on page 1of 5

REVIWER IN FILDIS

Modyul 6

PANGUNAHING METODO SA PANANALIKSIK-PANLIPUNAN

ETNOGRAPIYA

• Ang mananalksik o etnograper ay nakikipamuhay sa mismong komunidad na


kaniyang sinasaliksik.
• Sa pagpapaliwanag ni SChwandt (2015: sa Ravitch at Carl, 2016), pinag-uugnay
ng etnograpiya ang mga proseso at produkto kasama ng fieldwork at sulat na
teksto.

KUWENTONG BUHAY

• Ito ay kilala sa tawag na “Narrative Inquiry” na maaaring tumutukoy sa isang


ispesipikong metodo na ginagamit sa imbestigasyon ng isang penomenon.
Isinusulat at inilarawan ang buhay ng isa o higit pang indibidwal.
• Isinasagawa ang ganitong pag-aaral sapagkat naniniwala sina Connelly at
Clandinin (1990) na ang tao ay likas na mananaysay at ang bawat isa ya may
personal o panlipunang karanasan sa buhay.

EKSPERIMENTASYON

• Ito’y proseso ng pag-aaral ng dalawang baryable. Ang kontrolado o


pinanatiling constant at ang isa naman ay manipulado. Inilalapatan ng
interbensyon. Ang manipuladong baryabol o tinatawag ding eksperimental na
grupo ay nilalapatan ng kaukulang tritment para tingnan ang pagkakaiba nito
sa kontroladong grupo. Sa pagsasagawa nito, makikita ang pagkakaiba, kung
mayroon o kawalan ng pagkakaiba ng dalawang grupong pinag-aaralan.

Mga yugto sa pagsasagawa ng eksperimentasyon (Naval et al 2010)

1. Pagtukoy ng isyu o suliranin

2. Pormulasyon ng haypotesis

3. Pagpapakahulugan sa mga termino at baryabol

4. Pagpili ng grupong eksperimental

5. Pagbuo ng planong eksperimento

6. Pagsasakatuparan sa eksperimento

ARAL-KASO

• Tumutukoy sa pag-aaral ng isang napapanahon kaso o mga kaso ng tunay na


buhay. Limitado ang kaso sa mga salik tulad ng lugar at oras (Yin, 2009). Sa pag-
aaral- kaso, detalyadong inilalarawan ang sitwasyon ng isang tao, bagay, lugar,
pangyayari openomenon at iba pa upang maging batayan ng mga katulad na
pag-aaral sa mga kaugnay na kaso sa hinaharap.

ACTION RESEARCH

• Binigyan ito kahulugan ni Stinger (2014) sa kanayang aklat na Action Research


bilang isang sistematikong pag-iimbestiga upang makahanap ng solusyon sa
mga suliraning kinakaharap sa pang-araw-araw na buhay ng mga tao.

Mga yugto sa pagsasagawa ng Action Research (McTaggart, 1992)

1. Pagpaplano

2. Implementasyon
REVIWER IN FILDIS

3. Obserbayon

4. Pagmumuni

PAGMAMAPA

• Ito ay isang rebyu nga mga pagkakaugnay-ugnay o linkages. Nakatuon sa mga


nakalimbag nang pag-aaral at iba pang midya tulad ng aklat. Tinitingan sa
proseso ng pagmamapa ang pagtukoy kung saan ang lokasyon ng pag-aaral,
kailan isinagawa, o kung ano ang pokus ng pag-aaral (Cooper, 2016).

PAMAMARAAN SA PAGTITIPON NG DATOS VIDEO DOCUMENTATION

Mga uri nga Video Documentation:

Tuluyang VD

• Tuluy-tuloy na pagkuha ng bidyo sa isang pangyayari, halimbawa ng isang


interbyu o isang phenomenon, at kalauna’y magiging sors ng mga datos na
kailangan sa pag- aaral.

Segmental na VD

• Kombinasyon mga maiikling bahagi at kalauna’y makabubuo ng isang


mahusay na istorya. Kadalasang ginagamit sa pagawa ng isang dokumentaryo.

LITERATURE REVIEW

Pamamaraan ng paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa nais gawing pag-


aaral.

• Mapangkukuhanan ng magandang paksa.


• Ginagamit sa pagpapalawak sa paksang napili
• Nagsasaad ng pagkakatulad, implikasyon at resulta ng iba’t- ibang pag-aaral:

Pamamaraan sa Pagsuri ng mga Literatura

A. HISTORIKAL

• Inilalahad ang mga nabasang literature batay sa Timeline o panahon ng


pagkakagawa.

B. LOKALIDAD

• Sa pamamaraang ito, sinusuri ang mga sanggunian at paghihiwalay ang mga


ito batay sa sa lokasyon ng pag-aaral.

C. TEMATIK

• Paraan ng pagkakategorya at sa ilalim ng mga kategoryang ito. Tatalakayin


ang mga impormasyon nakuha sa mga sanggunian.
REVIWER IN FILDIS

INTERBYU O PAKIKIPANAYAM

• Isahang pakikipag-usap ng mananaliksik sa importante upang makakalap ng


mahalagang impormasyon na ipinalalagay ng mananaliksik na pinakamahusay
na maibibigay ng napiling impormante.

Maaaring bumuo ng mga tanong sa kwalitatibong interbyu:

• Experience and Behavior Questions. Nakatuon sa mga nagawa na, ginagawa,


o gagawi
pa lamang ng kinakapanayam.
• Opinion and Values Questions. Mga katanungang nakatuon sa pananaw at
paniniwala ngkinakapanayam ukol sa isang paksa, karanasan, phenomenon, o
kaganapan at kung paano niya pinahalagahan ito.
• Feelings Questions. Nakatuon sa kasalukuyang pakiramdam at sa pakikiramdam
sa isang karanasan ng kinakapanayam
• Knowledge Questions. Mga katanungang humahango ng mga impormasyon at
kaalamang taglay ng kinakapanayam ukol sa paksang pinag-aaralan.
• Background/ Demographic Questions. Mga katanungang sinasagot ng
lokasyon, identidad at iba pa.

Focus Group Discussion (FGD)

• Elisitasyon ng mahahalagang impormasyon, particular na pananaw at imbak na


karunungan. Halos katulad ng ordinaryong interbyu.

OBSERBASYON AT PARTICIPANT OBSERVATION

Ang obserbasyon ay isang proseso ng masuring pagmamasid at pagtatala ng


mananaliksik sa kanyang mga nasaksihan sa loob ng isang partikular na lugar,
pangyayari, kaganapan o sitwasyon.

• Passive- limitado lamang ang interaksyon ng observer sa kontekstong pinag-


aralan.
• Participant Observation- isang aktibong proseso, sa naunang nabanggit na
porma ng obserbasyon.

ARCHIVAL RESEARCH

• Isa ito sa pinakaunang paraan ng pagkalap ng impormasyon para sa mga


isinasagawang pananaliksik. Tumutukoy ito sa paghango ng mga pangunahing
sanggunian sa mga nakaimbak na sanggunian sa mga arkibya.

PAGSAGAWA NG SARBEY

• Ito ay ginagamit kung may kalakihan ang bilang ng mga respondent o


tagatugon at halos hindi kakayaning makausap sa pamamagitan ng interbyu o
focus group discussion, makukuha ang mga datos sa pamamagitan ng sarbey.

TRANSAKRIPSYON

Isinasagawa ang prosesong ito sa paglikha ng tekstwal na anyo ng audio o audio-

visual na sanggunian.

• Raw Transcription- tumutukoy sa non-edited na bersyon ng isang audio file.


• Polished Transcription- tumutukoy ito sa isinaayos na bersyon ng raw transcription
na siyang ginagamit para sa pag-analisa, paglalahad at paglilimbag.
REVIWER IN FILDIS

PAMAMARAAN SA PAGSURI NG DATOS

• Strengths, Weaknesses, Oppurtunities and Threats Analysis – isang pamamaraan


sa pagtukoy sa kalakasan, kahinaan, oportunidad at mga bantang maiuugnay
sa isang proyekto, polisiya, at iba pang Gawain. Isang mahalagang
pamamaraan ito sa pagtataya sa feasibility ng isang tunguhin.

DISCOURSE ANALYSIS

• Ang pagsusuri sa mga diskurso ay nakatuon sa proseso ng pagsusuri sa


paggamitng wika sa loob ng panlipunang konteksto.
• Wika at konteksto ang dalawang mahahalagang elemento sa pagsusuri ng
diskurso. May dalawang mahalagang element sa pagsusuri ng diskurso , Wika at
konteksto.

Mahahalagang punto sa paggawa ng analisis:

1. Tiyakin ang konteksto.

2. Galugarin ang proseso ng produksyon ng diskurso.

3. Suriin ang estruktura ng diskurso

4. Tipunin at analisahin ang mga diskursibong pahayag.

5. Tukuyin kung mayroong reperensyang kultural.

6. Tukuyin ang mga ginagamit na mekanismong linggwistik.

DOCUMENT ANALYSIS AT CONTENT ANALYSIS

• Ang Document Analysis ay isang proseso ng pagsusuri ng anyo ng istruktura at


nilalaman ng mga dokumento upang makapagbigay ng tinig at kahulugan sa
isang paksa ayon kay Bowsen (2009).

May tatlong uri ng dokumento ayon kay O'Leary (2014).

a) Pampublikong tala

b) Personal na tala

c) Pisikal na ebidensiya

POLICY REVIEW AT IMPACT ASSESSTMENT

• Ito ay isang pamamaraan ng pagsuri umiiral na patakaran upang matukoy kung


ito ay mabisa o kapaki-pakinabang.
• Sa pagsasagawa nito maaring gamitin ang SWOT analysis upang malaman
angkalakasan at kahinaan nito, kasama narin ang panganib at oppurtunidad
na kalakipnito.

Impact Assesstment

• Halos katulad din ito ng Policy Review. Ang pagkakaiba lamang ay hindi
lamang polisiya maaring gamitin ang Impact Assesstment, pati na rin sa iba
pang pagkakataon tulad ng proyekto, programa, pananaliksik iniimplementa,
at natukalasan solusyon at iba pa.
REVIWER IN FILDIS

COMPARATIVE ANALYSIS

• Paraan ng pagsuri kung saan inilalahad ang detalyadong pagtatala ng


pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang aytem. Ginagamit ito
upang makita ang kakulangan at kahigitan ng isa sa iba upang magamit sa
paglinang at pagpapabuti nito.

You might also like