You are on page 1of 14

RKPL

• Ang rebyu ng kaugnay na literature ay nagsusuri ng mga aklat, iskolarling artikulo at iba pang
sanggunian kaugnay ng isang tiyak na usapin, pananaliksik o teorya kung saan nagbibigay ito ng
paglalarawan, buod, at kritikal na ebalwasyon ng mga gawain (sangguniang) ito tungkol sa
paksang ginagawaan ng pananaliksik (Fink,2014)

• Idinesenyo ang kaugnay na pag-aaral upang magbigay ng pagbubuod sa mgs sangguniang


sinaliksik at upang ipakita sa mga mambabasa kung paano umaakma ang pananaliksik mo sa
mas malawak na larang ng pananaliksik (Fink,2014)

Layunin

a. Maipwesto ang bawat akda sa konteksto ng kontribusyon nito sa pag-unawa ng suliranin ng


pananaliksik na ginagawan ng pag-aaral

b. Mailarawan ang ugnayan ng bawat akda sa isa’t isa

c. Matukoy ang mga bagong paraan ng pagbibigay intepretasyon sa mga nauna nang pag-aaral

d. Maipakita ang anumang “gap” o puwang na mayroon sa mga literaturang binabasa

e. mabigyang solusyon ang anumang salungatan mayroon sa mga naunang pag-aaral

f. Matukoy ang mga unang pananaliksiik upang maiwasan ang duplikasyon

g. Matukoy ang paraan upang matugunan ang pangangailangan sa karagdagan / bagong pag-aaral

h. Mahanap ang sariling pananaliksik sa konteksto ng kasalukuyang literature (napakahalaga)

-mula kay Fink,2005 binanggit sa Research


Guides ng USC Library

Sanggunian ng rkpl

• Libro, ensayklopedia, almanak at iba pang kaparehong referensya.

• Artikulo sa mga propesyunal na dyornal, magasin, peryodiko, at iba pang publikasyon.

• Ang mga batas at konstitusyon sa kabuuan ng bansa.

• Rekord ng paaralan, partikular ang mga report ng kanilang mga programa at gawain.

• Report at papeles mula sa mga pang edukasyong seminar at kumprensya.

• Lahat ng uri ng opisyal na report ng pamahalaan, pang edukasyon, panlipunan, pang-ekonomiya,


siyentipiko, teknolohikkal atbp.

• Mga tesis at disertasyon


• Kopya ng mga pananaliksik mula sa mga pang-edukasyong journal.

Kahalagahan

• Tinutulungan ang mga mananaliksik na mas malalim na maunawaan ang kanyang paksa.

• Makakasiguro na walang duplikasyon ng ibang nagawa ng pananaliksik. May duplikasyon kung


ang pananaliksik ay naisagawa na sa kaparehong lokal na may pagkakapareho sa mga
respondate.

• Tinutulungan at ginagabayan ang mga mananaliksik na makahanap ng iba pang pagkukunan ng


mahahalagang impormasyon.

• Malaki ang naiaambag sa mga mananaliksik upang ikumpara ang resulta ng pag-aaral ng
dalawang pananaliksik na siyang magiging daan upang higit na maunawaan ang mga suliranin n
tinalakay sa paksa at ang mga rekomendasyon na maaaring maibigay dito.

Katangian ng material

• Ang materyal na gagamitin kung maaari ay makabago at napapanahon.

• Naisulat ng di hihigit sa sampung taon na ang nakakaraan.

• Ang materyal ay kinakailangan ay obhetibo at walang bias.

• Ang materyal ay kinakailangang may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral.

• Ang mga materyal ay nararapat na nakabase sa makatotohanang impormasyon at may


kredibilidad ang sangguniang ginamit.

• Ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay hindi nararapat masyadong marami o kakaunti.

Dokumentasyon:talang parentetikal

• Isang mahalagang pangangailangan sa pananaliksik ang maingat na pagkilala sa pinagmulan ng


mga hiniram na ideya, datos o impormasyon.

• Kailangang mabatid at magamit ng mananaliksik ang iba’t ibang paraan ng pagkilala sa mga
ginamit na hanguan sa pagsulat ng pamanahong-papel.

• Ito ang tinatawag na dokumentasyon.

Kahalagahan/tungkuin

• Manipestasyon ito ng katapatan ng isang mananaliksik.

• Nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na kanyang ginamit.

• Nagiging lubos na kapani-paniwala ang mga datos o impormasyong


•  Ginagamit sa pagtatatag ng katotohanan ng ebidensiya

• Ginagamit sa pagbibigay ng cross reference sa loob ng papel

• Mahalaga sa pagpapalawig ng ideya

Sistema

A. Sistemang talababa-bibliyograpiya (footnote-bibliography)

• ang mga impormasyon tungkol sa pinagkukunang datos (na tinatawag na impormasyong


bibliyograpikal ay inihahanay sa talababa (footnotes) at bibliograpiya

• kung minsan ayaw na nating isulat pa sa baba ang impormasyong bibliograpikal kaya
pinagsasama-sama ito sa hulihan ng papel

• sa Ingles tinatawag itong endnotes, sa Filipino, mga tala

B. Sistemang parentetikal-sanggunian(parenthetical-reference list)

• sistemang ito, ang mga impormasyong bibliyograpikal ay inilalagay sa parenthesis

• ang parentesis (panaklong) ay nakapaloob sa teksto mismo

• ang katapat nito sa likod ay listahan ng mga sanggunian (list of references) o mga sanggunian
(references) na matatagpuan sa dulo ng sulating pananaliksik

• nakabatay ito sa Modern Language Association Handbook for Research Papers o MLA na
gumagamit ng estilong awtor-pahina

• iba pang estilo sa sistemang parentetikal-sanggunian ang American Psychological Association


(APA) na gumagamit ng awtor-petsa

• estilo ng mga siyentipikong disiplina ang gumagamit ng awtor-numero

tuntunin apa

Para sa parapreys at buod

Banggitin ang apelyido ng awtor at ang taon ng publikasyon sa unahan ng sipi o kaya ay sa loob ng
panaklong sa huli ng sipi

• Hal: Ayon kay Aguila (2005), isa sa pinakamaimpluwensyang behikulo sa pagpapalaganap ng


wika ang tabloid.

Para sa Direktang Sipi (maigsi)

Banggitin ang apelyido ng awtor at taon ng publikasyon kasunod ang pahina (p.) o bilang ng talata
(tal.). Nakakulong din sa “panipi” ang tekstong sinipi o kinopya mula sa akda/sanggunian
• Hal: “Sa kasalukuyan, lumalawak ang pakikilahok ng mga Pilipino sa tsismis dahil na rin sa mga
batas na pumoprotekta sa malayang pamamahayag” (Dela Cruz, 2014, p.14)

Para sa mahabang sipi: (talata)

• Ilagay ang mahabang sipi na naglalaman ng 40 salita pataas sa hiwalay na talata at alisin na ang
panipi. Simulan ang sipi sa panibagong linya na may kalahating pulagada mardyin mula sa
orihinal na mardyin ng dokumento. Ang pagbanggit ay inilalagay pagkatapos na panapos na
bantas ng pangungusap.

Kung mayroong dalawang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawang awtor sa simula ng pahayag o
pagkatapos ng pahayag sa loob ng panaklong.

Hal:

Direktang sipi:

Ayon kina Abad at Santos (2005), “isa sa mabibigat na gawain ng mga guro bago magsimula ang
semestre sa pamantasan ang repasuhin ang syllabi " (p.21).

Parapreys:

Pagsasaayos ng syllabi ang isa sa mahihirap na gawain ng guro bago magsimula ang pasukan sa kolehiyo
(Abad & Santos,2005).

2. Kung mayroong tatlo hanggang limang bilang ng awtor, banggitin ang lahat ng pangalan ng awtor sa
unang pagkakataon na tutukuyin ang sanggunian. Ginagamit ang “at “ kapag nasa loob ng teksto at
ampersand (&) naman kapag nasa loob ng panaklong.

Hal:

Ayon kina Lartec, Nacin, Recorba, at Tanawan (2003), “mahalagang layunin ng pagbasa ang
pagkakaroon ng kaalaman sa kahit anong larangan. Limitado ang kaalamang matututuhan ng isang tao o
ng mag-aaral kung ang aasahan lamang niya ay ang sariling karanasan”(p. 6).

Paalala: Sa mga susunod na tala (citation), banggitin lamang ang pangalan ng unang awtor at sundan
ng et al. ( at iba pa )

Hal: Ayon kina Lartec et al., (2003) kailangang magkaroon ng kaalaman sa iba’t ibang larangan ang isang
tao sapagkat hindi lamang niya makukuha ang lahat ng kaalaman sa kanyang karanasan.

3. Kung mayroon namang anim o higit pang awtor, banggitin na lamang ang apelyido ng unang awtor na
sinusundan ng et al. sa lahat ng sipi.

Hal:
Tinalakay nina Martinez et al. (2016) and iba’t ibang mga teorya ng pananaliksik at kung paano ito
makapag-aambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino.

5. Organisasyon bilang awtor

Kapag ang awtor ay isang organisasyon, gamitin ang pangalan ng organisasyon sa simula ng sipi at kung
may pamilyar na daglat ng samahan ay isulat ito sa loob ng braket sa unang sipi at gamitin na lamang
ang daglat sa mga susunod na sipi.

Hal: Unang pagbanggit: (Center for Disease and Control Prevention [CDC], 2009)

Ikalawang pagbanggit: Ayon sa CDC (2009),….

6. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor na pareho ang apelyido, banggitin ang inisyal ng
mga awtor bago ang kani-kanilang apelyido at sundan ng taon ng publikasyon.

Hal.

Ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop at kontroladong sitwasyon para sa layunin ng
prediksyon at eksplanasyon (E. Trece & J.W. Trece, Jr., 1977).

o kaya

Ayon kina E. Trece at J.W. Trece, Jr., (1977), ang pananaliksik ay pangangalap ng mga datos sa masinop
at kontroladong…..

7. Elektronik na Sanggunian

Para sa sipi ng teksto na mula naman sa web, sundin ang awtor/taon na pormat, kung ang awtor at
petsa ay nakasaad. Para sa direktang sipi, ilagay ang pahina at kung walang pahina ay gumamit ng tal.
(daglat ng talata).

Direktang sipi:

"Allergies may be caused by dust, dust mites, pollen, or mold" (Kendal, 2000, tal. 4).

Parapreys:

People with allergies are usually affected by dust, pollen, or mold (Kendal, 2000).

8. Sangguniang hindi tiyak ang awtor

Kapag walang awtor ang sanggunian, banggitin ang unang dalawang salita  mula sa pamagat. Gumamit
ng panipi kapag “pamagat ng artikulo”, “kabanata”, “webpage”. Gawing italisado naman kapag
pamagat ng pahayagan, libro o ulat.

Malnutrisyon ang isa sa pangunahing suliranin ng bansa kung saan ang hindi tamang paglaki ay makikita
sa mga kabataang mahihirap (“Malnutrition in children”, w.p.)
Lumala ang korapsyon sa bansa sa taong 2019 sa pwesto nitong 113 sa 180 bansa ( Inquirer ,2020)

9. Sipi para sa panayam at personal na komunikasyon

• Ang mga personal na panayam at komunikasyon ay hindi binabanggit sa listahan ng mga


sanggunian ngunit sila ay dapat na banggitin sa papel.

• Para sa personal na komunikasyon, ibigay ang buong pangalan ng awtor (pangalan, at inisyal at
sinusundan ng apelyido), uri ng komunikasyon at sinusundan ng petsa ng komunikasyon.

Hal:

Ang mga nakaligtas sa aksidente ay nagpasalamat sa grupo ng mga sinanay na aso sa kanilang pagliligtas
( K.L. Myers, panayam, Abril 18, 1994).

O kaya

Dapat na alam ng mga magulang kung ano ang takdang aralin ng kanilang mga anak ( T. Geoffreys,
email, Setyembre 18,2000).

10. Dalawa o higit pang sanggunian sa isang panaklong

• Kapag ang talang parentetikal ay gagamit ng  dalawa o higit pang talang parentetikal,isulat ang
sanggunian nang paalpabeto at pinaghihiwalay ng tuldok-kuwit (;)

Hal: Bago pa man ang pananakop may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ang
nakakaraming Pilipino (Bernales et al.,2016;  

Bisa et al., 1983  & Martinez et al., 2019).

11. Dalawa o higit pang sangguniang pareho ang awtor sa parehong taon

• Gumamit ng maliit na titik (a,b,c, ) katabi ng taon katulad ng kung paano ito makikita sa talaan
ng bibliyograpiya.

Hal: Ayon sa pananaliksik ni Sapitula (2013a), "ang debosyon ay may maigiting na lapit sa loob at
pansariling buhay ng deboto" (p.129).

12. Hindi direktang sanggunian

Kapag gumamit ng sanggunian na ginamit sa isa pang sanggunian (secondary source), kilalanin ang orihi
nal na awtor sa iyong sipi. 

Itala ang sekondaryang sanggunian (pinagkunan)
at banggitin ito sa talang parentetikal na pinangungunahan ng salitang “binanggit ni”

Hal: Inilarawan ni Dr. Paquito Badayos na “ ang tao ay nagbabasa tungo sa isang partikular na layunin”


(binanggit ni Lakandupil, 2010, p.167).
13. Sangguniang walang petsa

Kapag walang petsa, gamitin ang daglat na n.d. para kumatawan sa no date

Hal: Ang pag-aaral ay nagpapakita na  …(“Pananaliksik”, n.d.).

14.  Sangguniang walang pahina

Kung ang isang elektronikong sanggunian ay walang pahina, gamitin ang bilang talata sa pagbanggit ng
sipi

Hal : Several medications were classified by Drug Enforcement Administration ( Hall,  2008, tal. 5). 

Metodolohiya

• Sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan at proseso ng imbestigasyoin na


ginagamit sa pangangalap ng datos

Methodus- patakaran

Logia- larangan ng pag-aaral

• Organisadong larangan ng pag-aaral ng mga pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas


ng bagong kaalaman

Ano ang pagkakaiba ng disenyo at pamamaraan ng pag-aaral?

• Disenyo- kabuuang balangkas at pagkakaayos ng pananaliksik

• Pamamaraan- kung paanong mabibigyang katuparan ang disenyo

- estratehiya para maisagawa ang plano/disenyo

Pamamaraan(kwalitatib)

1. Sarbey

• pangangalap ng datos sa sistematikong paraan sa isang tiyak na populasyon o sampol

• gumagamit ng pagtatanong kung saan ilalarawan ang kilos o gawi ng tao

2. Panayam o interbyu
• Pagkuha ng impormasyon sa isang kalahok na may awtoridad o personal na pagkaunawa sa
paksa

• Naglalayong makakuha ng malalim at malawak na impormasyon

• Maaring nakabalangkas (structured), bahagyang nakabalangkas (semi structured) o hindi


nakabalangkas/walang estruktura (unstructured)

2. Panayam o interbyu (kasunod)

a. Structured o nakabalangkas na pakikipanayam kung saan tiyak ang pagtatanong at hindi na


binabago sa oras ng panayam. Wala ring “follow-up” na tanong

• Madaling analisahin ang mga sagot sapagkat konsistent ang mga tanong na ginamit sa bawat
partisipant

b. Semi structured o bahagyang nakabalangkas nagbibigay kontrol sa mananaliksik sa magiging daloy ng


panayam

• Ginagamitan lamang ng gabay na tanong upang maging maayos at sistematiko ang daloy ng
panayam

• Hindi istrikto sa pagsunod at nagpapaubaya sa pagpapalalim batay sa impormasyong ibinibigay


ng kinakapanayam

2. Panayam o interbyu (kasunod)

b. semi-structured na panayam/bahagyang binalangkas (cont…)

Maaring magbigay ng “follow-up” na tanong upang mas magalugad ang detalye at paliwanag mula sa
partisipant

c. Unstructured o walang estruktura ang pakikipanayam

• Galugarin ang nararamdaman ng kalahok tungkol sa paksa ng panayam

• Walang paghahanda kaya impormal ang paraan ng pagtatanong

• Matagal isagawa sapagkat walang tiyak na tanong na ginamit

3.Nakabalangkas na obserbasyon o pakikisalamuhang obserbasyon

• Field study¹

• Pagmamasid sa kalahok habang sistematikong itinatala ang kilos, interasyon at pag-uugali

• Bahagi ng tala ang lahat ng pangyayaring namamasid

• Mahalaga ang pakikisalamuha at pakikipagpalagayang-loob


4. Dokumentaryong pagsusuri (document analysis)²

Kumalap ng impormasyong susuporta o magpapatibay sa datos ng pananaliksik sa pamamagitan ng


analitikal na pagbasa sa mga nasusulat na dokumento o komunikasyon

4. Dokumentaryong pagsusuri (cont…)

• Mga pampublikong rekord tula ng transcripts, taunang ulat, manwal

• Personal na dokumento tulad ng mensahe, scrapbook, online journals, Facebook posts,


obligation logs, occurrence reports, reflections/diaries at daily papers

• Pisikal na dokumento tulad ng flyers, publikasyon, plano, handbook and training materials.

5. Pagmamapang Kultural (cultural mapping)

• Paglalarawan at pagsasalaysay ng mga yaman ng isang komunidad o lugar

• Mula sa salitang pagmamapa na tumutukoy sa pag-uugat o pagtukoy sa kalinangang mayroon


ang isang pangkat

5. Pagmamapang Kultural (cultural mapping) cont…..

• Ang kalinangan naman ay tumutukoy sa identidad na maaring personal, pampangkat o


asosasyon.

• Tumutukoy sa uri ng pamumuhay ng isang pangkat na kinpapaloooban ng kanilang


ugaliin,gawain, paniniwala, pagpapahalaga at tradisyon

• Ang kultura naman ay kaparaanan ng buhay ng tao

• Kaya pag pinagsama ang pagmamapang kultural ay pag-uugat sa kaparaanan ng pamumuhay


kinabibilangan ng kanilang ugaliin,gawain, paniniwala, pagpapahalaga at tradisyon ng isang
pangkat mula sa nakaraan hanggang sa kasalukuyang panahon

• Tunguhin nito ang preserbasyon ng pagkakaiba-iba ng kultura

5. Pagmamapang Kultural (cultural mapping) cont…..

• Nauugnay ito sa identidad ng tao na maaring nakikita o di nakikita (tangible at intangible asset)

• Halimbawa ng pagmamapa sa nakikita ay pagtukoy sa kagamitan, estruktura, bagay, pagkain,


pananamit na may kaugnayan sa pamumuhay ng isang pangkat

• Ang halimbawa naman ng pagmamapang di nakikita ay ukol sa wika at paggamit nito, pagsulat o
ortograpiya, literature o anumang pasalitang gawain ng isang pangkat

6. Nakikiugaling pagmamasid (partisipant observation)


• Sistematikong paglalarawan ng mga pangyayari, gawi at artipak sa isang kalagayang panlipunan
(Marshall & Rossman, 1989)

• Ang pagmamasid o pag-oobserba ay nakatutulong sa mananaliskik na mailarawan ang


kasalukuyang sitwasyon gamit ang limang pandama kung saan nagkakaroon ka ng pasulat na
larawan sa sitwasyong pinag-aaralan (Erlandson, Harris, Skipper, & Allen, 1993)

• Proseso kung saan nagagawa ng mga mananaliksik na mapag-aralan ang gawain ng tao na paksa
ng pananaliksik sa natural nitong kapaligiran sa pamamagitan ng pagmamasid at pakikisali sa
kanilang gawain.

• Nagsasagawa ng “fieldwork” at nakikiugaling pagmamasid (participant observation)

Ginagamitan ng probability sampling na nangangahulugang bawat bahagi ng populasyon ay may pantay


na pagkakataong maging bahagi/mapili ng/bilang sample

1. Simple Random

• Lahat ng bahagi ng populasyon ay may pagkakataong mapili; kabuuang miyembro ng


populasyon ang pagpipilian

2. Systematic

• Katulad ng simple random, ang pagkakaiba lamang ay mayroong nakatakdang bilang sa bawat
miyembro ng populasyon at pinipili ayon sa nakatakdang interval

3. Stratified

• Angkop gamitin kapag ang sampol na populasyon ay may iba’t ibang katangian at nais
siguraduhin na bawat katangian ay may representasyon bilang bahagi ng sampol

Hal: hahatiin ang sub-group (strata) batay sa edad, kasarian, braket ng kita, posisyon sa trabaho

4. Cluster

• Hahatiin ang populasyon sa sub-group at bawat sub-group ay may parehong katangian (cluster)
at pipili ng random na sampol sa bawat cluster

3. Stratified

• Angkop gamitin kapag ang sampol na populasyon ay may iba’t ibang katangian at nais
siguraduhin na bawat katangian ay may representasyon bilang bahagi ng sampol

Hal: hahatiin ang sub-group (strata) batay sa edad, kasarian, braket ng kita, posisyon sa trabaho

4. Cluster
• Hahatiin ang populasyon sa sub-group at bawat sub-group ay may parehong katangian (cluster)
at pipili ng random na sampol sa bawat cluster

Paraan ng paglilikom ng datos

• Nilalaman ng bahaging it ang hakbang –hakbang na plano at proseso sa pagkuha ng datos.


Maaring gumawa ng dayagram upang maipakita ang mga hakbang sa pangangalap ng datos o
kaya ay ilahad na lamang ito.

Paraan ng pagsusuri ng datos

• Kung kwantitatibo, nakapaloob sa bahaging ito ang estadistikal na pamamaraan par sa


kompyutasyon at pagsusuri ng datos. Kung kwalitatibo naman madalas tinutukyo kung paano
isasaayos o bubuuin ang mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa mga datos na
nakalap

Nilalaman ng metodolohiya

1. Ano ang disenyo ng pag-aaral?

• Bigyang depinisyon ito at ipaliwanag kung bakit ito ang ginamit na disenyo kaugnay ng paksa ng
pananaliksik)

2. Ano ang paraan ng pangangalap ng datos?

• Talakayin ang sampling na ginamit (non-probability sampling) sa pagpili ng partisipant. Ibigay


ang naging pamantayan o criteria sa pagpili ng mga kalahok sa pag-aaral

3. Paano ang paraan ng pangangalap ng datos?

• Sa bahaging ito ay tatalakayin ang iba’t ibang paraan/metodo na ginamit upang masagot ang
layunin ng pag-aaral

• Gagamit ng panayam ay talakayin kung anong uri ng panayam ang ginamit ( structured,
unstructured o semi structured). Ilarawan ang nilalaman ng tanong na ginamit

• Talakayin din sa bahagin ito ang mga material na ginamit sa pangangalap ng datos

• Gayudin, ipaliwanag sa bahaging ito, bakit ito ang metodong ginamit sa pag-aaral

4. Paano inanalisa ang datos na nakalap?

• Talakayin ang paraan ng interpretasyon ng datos

Pamamaan (kwalitatibo)

16. Etnograpiya
• Pagsasagawa ng obserbasyon at interaksyon ng mananaliksik upang makabuo ng isang
detalyadong record ng isang penomenon sa kanilang natural na kapaligiran ( Reeves, Peller,
Goldman, & Kitto, 2013)

• Nagbibigay ito ng mas malalim na pagtingin sa mananaliksik sa kanilang pakikipagtalastasan sa


target na partisipant o komunidad sa araw-araw

• Maaaring gumagamit ng panayam, direktang obserbasyon, vidyo, larawan o analisis ng artipak

Pamamaraan (kawantitatib)

1. Korelasyon

• Uri ng non-experimental na pananaliksik kug saan sinusukat ng mananaliksik ang dalawang


baryabol at tinataya ang kanilang estatistikal na ugnayan

• Gamit ang iba’t ibang metodong matematikal, tinitingnan ang patern, ugnayan, and trend sa
mga baryabol ng pag-aaral

2. Sarbey

• Pangangalap ng datos sa sistematikong paraan sa isang tiyak na populasyon o sampol

• Gumagamit ng sampling sa pagpili ng representatib ng buong populasyon

• Pangangalap ng impormasyon sa mga respondent gamit ang online polls, online surveys, paper
questionnaires, web-intercept surveys

3. Eksperimental

• Metodo ng pangangalap ng datos kung saan minamanipula ng mananaliksik ang isa o higit pang
baryabol, kinkontrol at sinusukat ang anumang pagbabago sa mga baryabol

• Eksperimento kung saan sinusukat (test) ang haypotesis

• Adbentahe ang pagiging obhektibo sapagkat nakabatay sa resulta ng eksperiment at walang


puwang ang opinyon ng mananaliksik

Lokasyon at populasyon ng pananaliksik

• Nakasaad sa bahaging ito ang mga batayang impormasyon tungkol sa kalahok sa pananaliksik
tulad ng sino, tagasaan o kung sa anong institusyon may kaugnayan ang kalahok

• Ibinibigay ang batayang impormasyon gaya ng edad, propesyon, kasarian depende sa


pangangailangan ng pananaliksik

• Ipinapawaliwang din sa bahaging ito ang proseso ng sampling at kung ano ang dahilan o
pinagbatayan sa pamimili ng kalahok
• Sa mga pananaliksik na walang kalahok at dokumento ang pangunahing pagkukunan ng datos
maaring hindi na isama ang bahaging ito at sa ahlip ay talakayin na lamang kung ano ang
dokumento, panitikan o pagmumulan ng pagsusuri ang gagamitin

Sampling

• Sapagkat hindi possible na lahat ng kasapi sa isang komunidad ay maging bahagi ng pag-aaral,
pumipili lamang ng sample (bahagi) na siyang kakatawan sa kabuuan.

• Ang layunin ng pag-aaral at ang katangian ng mga magiging kasangkot/partisipant sa pag-aaral


ang tutukoy sa uri ng sampling na gagamitin sa pagpili ng partisipant

• Tatlo ang pinakakaraniwang paraan ng sampling na ginagamit sa kwalitatibong pag-aaral:


purposive sampling, quota sampling, and snowball sampling

1. Purposive sampling

• Pinakakaraniwang sampling na ginagamit kung saan nagkakaroon ng kraytirya sa pagpili ng


partisipant (mga dalagang ina edad 18-21 sa lunsod ng Lipa)

• Walang tiyak na bilang ng partisipant, kadalasan ay naayon sa dami ng mga nakukuhang


partisipant, abeylabiliti at layunin ng pag-aaral

• Kadalasan ang bilang ng partisipant ay depende sa tinatawag na “theoretical saturation” o punto


sa pangangalap ng datos kung saan ang bagong datos na nakalap ay hindi na nagbibigay ng
karagdagang impormasyon kaugnay sa suliranin ng pag-aaral

2. Quota sampling

• Tinuturing ding isang anyo ng purposive sampling

• Pinagdedesisyon kung ilang tao ang magiging partisipant ng pag-aaral batay sa itinakdang
katangian na maaring batay sa edad, lugar ng tirahan, kasarian, propesyon, marital status at iba
pa

• Ang kraytiryang pinipili ay nakapokus sa mga taong sa palagay nila ay nakararanas o may sapat
na kaalaman sa paksa

• Hal: Nais malaman ng isang kompanya ng sigarilyo kung anong brand ng sigariyo ang gusto ng
anong “age group” sa isang partikular na lugar. Sa ganitong paraan gagamit siya ng quota para
sa edad 21-30, 31-40, 41-50, at 51+ .Sa ganitong paraan masusukat niya ang trend ng
paninigarilyo mayroon ang isang partikular na lunsod

• 2. Quota sampling (continuation…)

• Tandaan: Magkapareho ang quota at purposive sampling sa pagkakaroon ng kraytirya sa pagpili


ng partisipant ngunit magkaiba sila sapagkat ang quota sampling ay mayroong tiyak na bilang ng
sample at pagkakahati ng sub-sample batay sa sub-group na gagamitin para magkaroon ng
proporsyon sa bilang ng sample

• Hal.Sub-group Nais malaman ng kompanya ng sigarilyo ang pagkakaiba ng preperensya sa brand


ng sigarilyo ng babae at ng lalaki; ang pagkakahati ng edad ang sub-sample

2. Snowball sampling

• Tinatawag ding chain referral sampling

• Sa ganitong sampling, gamit ang kanilang koneksyon, ang mga partisipant o informant ay
nagmumungkahi/nagsasangguni ng iba pang taong maring maging potensyal na partisipant sa
pag-aaral

• Ginagamit ito sa maghanap o mag-recruit ng “hidden population” o iyong mga partisipant na


mahirap hanapin dahil sensitibo ang paksa o hindi aksesibol sa mananaliksik gamit ang ibang
estratehiya ng sampling

You might also like