You are on page 1of 23

PANANALIKSIK

-sistematiko at siyentipikong
proseso ng
pangangalap,pagsusuri,pag-
aayos,pag-oorganisa at
pagpapakahulugan ng mga datos
tungo sa paglutas ng
suliranin,pagpapatotoo ng
prediksyon at pagpapatunay sa
imbensyon na gawa ng tao.
Mga Hakbang
at
Kasanayan sa
Pananaliksik
Pagpili at
Paglilimita ng
Paksa
Ayon kina Atienza at iba pa,
mahalaga na sa simula pa
lamang ay limitahan na ang
napiling paksa upang hindi
masyadong masaklaw ang
pag-aaral at pagtalakay na
gagawin dito.
Mga Batayan sa
Paglimita ng Paksa:
Panahon
- dapat na maging malinaw sa
mananaliksik ang saklaw ng panahon
ng pag-aaral sa paksang napili.

Edad
- isaalang-alang ang edad ng
populasyon o tagatugon na
gagamitin sa paksang pg-aaralan
upang magkaroon ng direksyon sa
pananaliksik.
Kasarian
- ang kasarian ng mga tagatugon
ay nakakaapekto sa resulta ng
pananaliksik kung kaya dapat ito ay
maging tiyak at tama.
Pangkat na Kinabibilangan
- dapat isaalang-alang ang pangkat
na kinabibilangan ng populasyon at
ang kalagayang pang-ekonomiko ng
mga taong pagtutuunan ng pansin.
Anyo/Uri
- kailangang tukuyin ang uri o genre
na susuriin sa pag-aaral. Maaaring ito
ay sanaysay, tula, nobela, dula at iba
pa.
Perspektibo
- ito ay tumutukoy sa iba’t ibang
pagtingin o pananaw sa pag-aaral.
Lugar
- ang lugar o pook na napiling
gamitin ay binabanggit din sa
pananaliksik. Dapat puntahan ang
lugar na gagamitin upang magmasid.
Paggamit ng
Iba’t

ibang Sistema
ng
Napakahalaga ng
dokumentasyon sa sulating
pang-akademiko gaya ng
pananaliksik. Ang pagkuha ng
ideya o impormasyon sa isang
sanggunian ay dapat kinikilala
bilang paggalang sa mga
manunulat na pinagkunan ng
mga tala.
amit ng Dokumentasyon
1. Pagkilala sa pinagkunan ng
datos o impormasyon.

2. Paglalatag ng katotohanan ng
ebidensya.

3. Pagbibigay ng cross-reference
sa loob ng papel.

4. Pagpapalawig ng ideya
Mga Sistema ng
Dokumentasyon
A. Sistemang Talababa
Bibliograpiya
• Ito ay isinasagawa sa pagbabanggit ng
impormasyong bibliograpikal sa talababa
at bibliograpiya.
• Tinatawag rin itong sistemang Tala-
Bibliograpiya kung ang mga talababa ay
isusulat sa dulo ng papel.
• Ginagamit ito sa pananaliksik sa larangan
ng humanidades at agham panlipunan.

Pormat ng
Talababa
nang Pagbanggit ng
anggunian

 Dito binabanggit ang kumpletong


impormasyong bibliograpikal.

Mga Karaniwang isinasama sa Sanggunian

1. Kumpletong pangalan ng awtor 6. Bilang


ng tomo
2. Pamagat ng aklat 7.
Editor o tagasalin
3. Edisyon 8.
Tagapaglimbag
4. Lungsod o bansa ng publikasyon 9.
Muling Pagbanggit ng
anggunian
1. Ginagamit ang masmaikling pormat na binubuo
ng huling pangalan ng awtor at pahina.
2. Kung may dalawa o higit pang sangguniang
ginamit na nagmula sa iisang awtor,
binabanggit ang huling pangalan ng awtor,
pinaikling pamagat at pahina.
3. Kung walang pangalan ng awtor, gamitin na
lamang ang pamagat ng artikulo at pahina.
4. Kung higit sa 1 ang awtor, banggitin ang
hanggang tatlong pangalan. Kung apat o higit
pa, ilagay ang unang pangalan at isunod ang
et. al. sa susunod na pagbanggit.
5. Kung may awtor na magkakatulad ang huling
pangalan , banggitin ang unang pangalan o
inisyal ng mga susunod na pagbanggit.
6. Kung ang babanggitin ay akdang may
Pagdadaglat na Latin
 Ibid. - ginagamit ito sa magkasunod
na banggit ng iisang sanggunian.

 Op. cit. – ginagamit ang op.cit. kung


babanggitin muli ang isang
sanggunian.

 Loc. Cit. – ginagamit ang loc,cit kung


babanggitin muli ang isang
sanggunian at pahina.
B. Parentetikal-sanggunian

Isinasagawa ito sa pamamagitan ng


paglalagay ng mga impormasyong
bibliograpikal sa loob ng parentesis na
nasa teksto mismo. Kakambal nito ang
isang alfabetisadong listahan ng
sanggunian sa katapusan ng papel.
Karaniwang ginagamit ito sa larangang
agham ngunit ginagamit na rin sa
humanidades at agham panlipunan.
Pormat ng
Talang
Parentetikal

Ang bibliograpikal na datos sa sistemang ito ay


ipinapaloob sa parentesis at inilalagay sa loob
mismo ng teksto pagkatapos ng salita o ideyang
hinalaw. Kumpara sa talababa o mga tala, limitado
ang binabanggit na impormasyon dito: (1)
apelyido ng awtor o (pinaikling) pamagat at (2)
pahina. Matipid ang impormasyong bibliograpikal
na inilalagay sa parentesis upang hindi makasira
sa daloy ng teksto at sa pagbabasa.
A l i t u n t u n i n t u n g ko l s a g a m i t n g
Pa r e n t e t i k a l - s a n g g u n i a n
1. Pahina na lamang ang banggitin kung nabanggit
na ang awtor sa teksto.
2. Kung higit sa 1 ang awtor(ngunit hindi sobra sa
tatlo), banggitin lahat.
3. kung higit sa apat ang awtor. Banggitin lang ang
apelyido ng unang awtor at sundan ng et.al. at
pahina.
4. Kung may babanggiting dalawa o higit pang awtor
na pareho ang huling pangalan.
5. Kung pamagat lamang ang naibigay, banggitin
ang pinaikling bersyon ng pamagat at sundan ng
pahina.
6. Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may
higit sa isang tomo, banggitin ang tomo:tutuldok
ang maghihiwalay sa bilang ng tomo at pahina.
Posisyon at
Pa g b a b a n t a s
1. Inilalagay ang T.P. pagkatapos ng salita o ideyang hinalaw.
2. Ipinoposisyon ito bago ang iba pang bantas tulad ng
tutuldok, tandang pananong, kuwit, kolon at semi-kolon.
3. Gayunpaman, kung babanggitin ang talang parentetikal
pagkatapos ng isang maikling tuwirang sipi(at kung gayon
ay gagamit ng panipi), inilalagay ang talang parentetikal.
4. Sa mahabang tuwirang sipi naman, ang talang
parentetikal ay inilalagay pagkatapos ng tuldok sa
tuwirang sipi.
Dalawang espasyo ang naghihiwalay sa
talang parentetikal at sa tuldok at
hindi na nilalagyan ng anumang
bantas pagkatapos nito.
Pagsulat

Ng

Burador
Ang mananaliksik ay handa nang magsulat ng uang burador
ng sulating pananaliksik kung ang mga datos at mga
materyales ay kumpleto na. Isaalang – alang ang ss. na
paalala:

1. Ihanda ang mga talaang pinagsulatan ng mga


mahahalagang ideya o konsepto na hango sa mga
kaugnay na literatura.
2. Isaayos ang mga datos na nakuha sa tagatugon na
ginamit sa paksang pinag- aralan.
3. Suriing mabuti ang mga datos na nakuha at bigyan ito ng
interpretasyon.
4. Itala ang mga ideya o konseptong natuklasan sa
isinagawang pananaliksik.
5. Itala ang mga hakbang na ginamit sa pananaliksik.
6. Sundin ang ginawang balangkas sa pagsulat ng sulating
pananaliksik.
7. Sa pagsulat, hayaan lamang na lumabas na lumabas ang
mga ideyang naiisip at huwag munang pansinin ang mga
kamaliang nagagawa.
8. Balikan at basahing muli ang ginawang sulating
Pagsulat ng

Pinal na

Pananaliksik
Ang Pagsulat ng burador ay paghahanda pa lamang sa
aktwal at totoong pagsulat ng sulating pananaliksik.
Narito ang ilang gabay sa pagsulat ng pinal na
pananaliksik.
1. Pag-isipang mabuti ang mga ideya o konsepto na
kailangan isama sa sulating pananaliksik.
2. Balikan at basahing muli ang nilalaman ng sulating
pananaliksik para matiyak na tama ang mga
impormasyong nakapaloob dito.
3. Pormat ng sulating pananaliksik. Ayusin at baguhin
ang pormat kung inaakalang hindi ito nasunod.
4. Suriin ang mga ginamit na pangungusap kung
inaakalang hindi ito gaanong maayos gayundin ang
mga bantas nito.
5. Bilang panghuli, basahing mabuti ang buong sulating
pananaliksik at gumawa ng pangwasto sa mga
kamalian pang makikita.
6. Gumawa ng bibliograpiya sa mga ginamit na
sanggunian sa pagbuo ng sulating pananaliksik.
MARAMING
SALAMAT
SA
PAKIKINIG 
JULIET SABERDO NICOL SIBAY
Prepared by:

You might also like