You are on page 1of 69

PAGBASA AT

PAGSUSURI NG IBA’T
IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
PANALANGIN
Panginoon naming Diyos, patnubayan mo po ang araw na ito sa aming lahat
upang magampanan namin ang aming sariling tungkulin. Bigyan mo kami ng
gabay at pagkalinga sa pagtupad ng aming mga gawain. Bigyan mo kami ng
tulong sa aming mga desisyong ginagawa. Pagpalain mo ang aming mga guro
sa matiyagang paghahatid sa amin ng mga leksyon sa araw-araw. Pagpalain mo
rin ang aming mga magulang sa patuloy na pagsuporta sa amin. Maraming
salamat po, Panginoon sa lahat ng biyayang inyong ibinibigay sa aming lahat.
Ikaw po ang aming sandigan at kalakasan. Amen.
MAGANDANG
ARAW!
TUKLASIN
Panuto: Suriin ang larawan at sagutin
ang mga sumusunod na tanong.

1. Paano maiiugnay ang larawan na


ito sa ating aralin sa pananaliksik?
2. Saan nanggaling ang mga
magagandang paru-paro?
LAYUNIN 1.Naipaliliwanag 2.Napahahalagahan ang
ang mga gamit ng sanggunian sa
Naiisa-isa ang mga paraan at tamang pamamaraan ng
proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik pagbuo ng pananaliksik
pagsulat ng
sa Filipino batay sa layunin, gamit, metodo,
tentatibong
at etika ng pananaliksik
sanggunian
F11PU – IVef – 91

3. Nakapag-aayos ng tamang
bibliograpi sa susulating
pananaliksik
TALAKAYIN NATIN!
Sa modyul na ito tatalakayin natin kung saan ba natin
nakukuha ang mga datos na ating ginamit upang mabuo ang
ating pananaliksik. Dapat ba natin itong banggitin pa sa ating
pananaliksik? Mahalaga ba na ating mabanggit kung sino ang
sumulat ng mga datos na ating ginamit sa pananaliksik?
TALAKAYIN NATIN!
Sa paghahanap ng datos tungkol sa paksa, ang karaniwang
nagagamit na sanggunian ay mga aklat, pahayagan, journal,
magasin, mga computer data base, at mga aklat pananaliksik,
na inaayos na paalpabeto. Matatagpuan dito ang pangalan ng
awtor na nauuna ang apelyido, pamagat ng aklat/magasin,
TALAKAYIN NATIN!
artikulo, pangalan ng magasin/pahayag, lugar ng
pinaglimbagan,taon ng pagkalimbag, at pahina.
Ang talasanggunian o Bibliograpiya ay bahagi ng isang
pananaliksik o maging ng aklat na kakikitahan ng talaan ng
mga aklat, jornal, pahayagan, magasin, website na
pinagsanggunian o pinagkuhaan ng impormasyon.
REFERENSYAL NA
PAGSULAT
Sa gawaing pagsulat, lalong higit ang pananaliksik,
nangangailangan ito ng mahusay, mabisa, at tiyak na
referensya o sors para sa pagtalakay sa isang paksa.
Sa pangangalap ng datos, huwag kalimutan ang talaan ng
sanggunian: Magkaroon ng magkakabukod na talaan para sa
iba’t ibang sanggunian.
Mga Paraan ng Referensyal na Pagsulat
o Dokumentasyon
A. Sistemang talababa-bibliografi. Sa sistemang ito,
ang mga impormasyon ng pinaghanguan ng datos ay
inilalagay o isinusulat sa ibaba ng pahina.

Halimbawa:
Anderson, Neil J. (1999). Exploring Second
Language Reading: Issues and Strategies. Boston:
Heinle and Heinle.
Mga Paraan ng Referensyal na Pagsulat
o Dokumentasyon
B. Parenthetical citation o sistemang parentetikal ay
mahalagang aytem na ginagamit sa akademikong
pagsulat. Taglay nito ang pangalan ng may-akda at
taon ng pagkakalimbag ng aklat. Patunay ito na ang
mananaliksik ay nakakalap ng iba't ibang basis o sors
ng impormasyon para sa isang tiyak na paksa sa
pananaliksik.
Talang Parentetikal/Dokumentasyong Parentetikal

a. APA a. APA
American Psychological Association,
Ang estilong APA ay kadalasang
mahalagang itala nito sa
ginagamit sa mga siyentipikong
pamamagitan ng pagbanggit ng
pananaliksik sa larangan ng
referensya upang makabuo ng
sikolohiya, medisina, agham
listahan ng mga sanggunian sa
panlipunan, at iba pang mga
katapusan ng papel.
teknolohikal na larangan.
Talang Parentetikal/Dokumentasyong Parentetikal

b. MLA b. MLA
Modern Language Association,
mahalaga ring sundin ang tuntunin o Ang estilong MLA ay karaniwang
paraan ng pagbanggit ng referensya ginagamit sa mga akademiko at
na kakailanganin para sa isang tiyak iskolarling papel sa malalayang
na paksa. sining o liberal arts at sa disiplina ng
Humanidades.
Dalawang Uri ng Pagtatala ng mga
Impormasyon o Datos
Tuwirang Sipi - Ito ay eksakto o kompletong
pagsipi ng bahagi ng orihinal na teksto. Maaaring
1. ito ay isa o higit pa sa isang salita, parirala,
pangungusap, o talata.

Pabuod - Ang orihinal na teksto ay kailangang ibuod


sapagkat may mga tekstong mahahaba. Kailangang
2. maisagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng sariling
pananalita ng mananaliksik. (Paraphrasing ang tawag
dito)
A. APA - American Psychological
Association

Tandaan: Ang pagbanggit ng referensya ay nagtataglay lamang


ng apelyido ng may-akda at ang petsa ng pagkakalimbag. Kapag
ito ay direct quotation, ang bilang ng pahina ay isinusulat din.
A. APA - American Psychological
Association

Sa basic format for a quotation karaniwang ipinapakilala ang


quotation sa isang signal phrase na kasama ang apelyido ng
may-akda kasunod ang petsa ng pagkakalimbag sa loob ng
panaklong. Isinusulat din ang bilang ng pahina pagkatapos ng
letrang “p” sa loob ng panaklong sa hulihan o pagkatapos ng
quotation.
A. APA - American Psychological
Association

Halimbawa:
Ayon kay Capinding (2005), “Hindi ka lilituhin ng Wikang
Filipino. Makakaasa kang hindi ka pagtataksilan nito sa mga
patakaran” (p. 3).
A. APA - American Psychological
Association

Sa basic format ng summary o paraphrase. Karaniwang


isinusulat ang apelyido ng may-akda at petsa ng pagkakalimbag
bago isulat ang signal phrase o kaya ay sa loob ng panaklong sa
hulihan.
A. APA - American Psychological
Association
Halimbawa:
Ayon kay Gonzales (2010), kapag wikang Filipino ang
ginagamit ng mga artista sa pelikula, madaling nailalabas ang tunay
na damdamin nito para sa manonood.

Kapag wikang Filipino ang ginagamit ng mga artista sa


pelikula, madaling nailalabas ang tunay na damdamin nito para sa
manonood (Gonzales, 2010).
A. APA - American Psychological
Association

• Isinusulat lamang ang apelyido at inisyal ng unang


pangalan ng lahat ng may-akda. Kapag higit sa dalawa
ang may-akda, gumamit ng simbolong "&” (ampersand),
hindi ang salitang “at".
A. APA - American Psychological
Association

• Isang estilo ng pagsulat ng bibliograpiya o pagbanggit sa loob


ng papel na karaniwang ginagamit ng mga mananaliksik sa
disiplina ng agham at mga pang-akademikong papel.
• Nagagawa nitong maging tuloy-tuloy ang daloy ng teksto sa
pagbasa.
A. APA - American Psychological
Association

• Hindi nilalagyan ng quotation marks ang pamagat ng


artikulo; isinusulat din sa malaking letra ang unang salita ng
pamagat at sab-pamagat at maging ang lahat ng
pangngalang pantangi.
A. APA - American Psychological
Association
• Sa paggamit ng APA, pagkatapos banggitin ang
“paraphrase” kailangang sundan ito ng apelyido ng awtor at
ng petsa kung kailan ito nailathala o nabanggit ng awtor.
• Mahalaga ang maingat na pagkilala sa pinagmulan ng hiram
na ideya, datos, o impormasyon.
Halimbawa: sa huling talata: (Mabilin, 2010)
sa simulang talata: Mabilin (2010)
A. APA - American Psychological
Association
• Kung nabanggit na ang pangalan ng awtor sa mismong
teksto, taon na lamang ng publikasyon ang isulat sa loob ng
parenthesis.
• Kung dalawa ang awtor, banggitin ang apelyido ng dalawa
at ang taon ng publikasyon.
A. APA - American Psychological
Association

• Kung ang babanggitin ay bahagi ng akdang may higit sa


isang volume, banggitin ang bilang ng volume kasunod ang
pangalan ng awtor o mga awtor, ngunit tutuldok (:) ang
gagamiting bantas upang paghiwalayin ang unang entry sa
taon ng publikasyon.
A. APA - American Psychological
Association
• Kung tatlo o higit pa ang awtor at hindi nabanggit ang
pangunahing awtor sa mismong teksto, banggitin na lamang
ang unang awtor sa loob ng panaklong at sundan ng et al. bago
ang taon ng publikasyon.
• Isinusulat ang pinaikling “p” (o “pp.” para sa dalawa o higit
pang bilang ng pahina) bago ang bilang ng pahina ng magasin
at artikulo sa pahayagan at aklat.
B. MLA - Modern Language
Association
Karaniwang ginagamit sa mga akademiko at iskolarling papel sa
malalayang sining o liberal arts sa disiplina ng Humanidades.
Halimbawa:
Isang awtor: (Mendillo, 2010)
Higit sa dalawang awtor: (Mabilin at Mendillo, 2010)
Higit pa sa dalawang awtor: (Mendillo et al.)
B. MLA - Modern Language
Association

Karaniwan nang isinusulat ang bahagi ng akda na babanggitin


(signal phrase) kasama ang pangalan ng may-akda. Kailangang
maikli lamang ngunit buo ang laman ng signal phrase. Sa ganito
madaling makilala at makita ng babasa ang sors na pinagmulan.
B. MLA - Modern Language
Association

Halimbawa:
Naniniwala si Jordan Culla na ang pananaliksik ay “isang
masalimuot na gawain at nangangailangan ng sapat na panahon
upang kapakipakinabang ang kalalabasan ng pananaliksik” (26).
B. MLA - Modern Language
Association
Sa kabilang dako, kapag hindi kasama o isinulat ang pangalan
ng may-akda sa signal phrase, ganito naman ang anyo o porma.
Halimbawa:
Ang pananaliksik ay isang masalimuot na gawain at
nangangailangan ng sapat na panahon upang kapakipakinabang
ang kalalabasan ng pananaliksik (Culla 26)
B. MLA - Modern Language
Association
Tandaan na hindi dapat na maglagay ng pananda sa pagitan ng
pangalan ng may-akda at pahina.
Kapag ang sors ay may dalawa o tatlong may-akda, isulat o
isama ang pangalan nila sa signal phrase.
Kapag ang sors ay may apat o higit pang may-akda, isulat o
isama lamang ang unang may-akda kasunod ang “et al.”
(salitang Latin - “at iba pa”) sa signal phrase.
Mga Hakbang sa Pagtatala ng Sanggunian
o Bibliograpiya
1.Istilong APA (American Psychological Association)
Makikita sa ibaba ang mga istandard na anyo sa paglalatag ng
listahan ng bibliografi alinsunod sa APA pormat.
Istilong APA (American Psychological
Association)

a. Aklat na isa lamang ang may-akda


Cowper, E. (1992). A Concise Introduction to Syntactic
Theory. Chicago: The University of Chicago Press.
Istilong APA (American Psychological
Association)

b. Aklat na dalawa ang may-akda


Grinder, J., & Elgin H. (1973). Guide to Transformational
Grammar: History, Theory, Practice. New York: Holt, Rinehart
and Winston.
Istilong APA (American Psychological
Association)

c. Aklat na tatlo o higit ang may-akda


Garcia, Lakandupil C. et al. (2012). Paradaym: Pananaliksik sa
Wikang Filipino (Intelektwalisasyon, Disiplina at Konsepto),
Malabon City: Jimcsy Publishing House.
Istilong APA (American Psychological
Association)

d. Kapag ang may-akda ng referensya ay isang ahensya o


entity ng pamahalaan o isang samahan o organisasyon na
nagtataglay ng mahabang pangalan, isinusulat ang buong
pangalan nito at isinusulat sa loob ng braketa ang pinaikling
pangalan nito.
Istilong APA (American Psychological
Association)

Sa unang pagbanggit:
(National Institute for Mental Health [NIMH], 2003)
Subalit sa ikalawa at sa susunod pang pagbanggit:
(NIMH, 2003)
Istilong APA (American Psychological
Association)
e. Kapag ang hanguang walang awtor o editor
• Simulan sa pamagat ng akda at tuldukan, taon ng
pagkasulat, lugar ng pinaglimbagan, publisher na
nagsagawa ng paglilimbag

The Personal Promise Pocketbook. (1987). Makati: Alliance


Publishers, Inc.
Istilong APA (American Psychological
Association)
f. Kapag ang referensya ay may una o higit pang edisyon

Ladefoged, P. (1982). A course in Phonetics. (2 nd ed.) New


York: Harcourt Brace Jovanovich, Inc.
Istilong APA (American Psychological
Association)
g. Kapag ang referensya ay mula sa artikulo ng isang dyornal,
paginated by volume

Santos, K. H. Liwanag sa hating-gabi. (1972). Panitik sa


lipunang buhay. Dyornal ng Pag-ibig at Buhay, 26. 62-72.
Istilong APA (American Psychological
Association)
h. Kapag ang referensya ay mula sa artikulo ng isang dyornal,
paginated by issue

Roys, J.C. (1987). Ang mga paraan at batayan ng manunulat.


Dyornal sa malikhaing Pagsulat, 6 (2), 26-36.
Istilong APA (American Psychological
Association)
i. Kapag ang artikulo ay mula sa isang magasin

Jorge, J. P. (1972, May-June). Pakikipag-usap sa mga hayop.


Ang iba’t ibang hayop sa gubat, pp. 12-18.
Istilong APA (American Psychological
Association)
j. Kapag ang artikulo ay mula sa isang pahayagan

Pac, J. P. (1972, May 12). Ang kalayaan para sa mga


komentarista. People’s Tonight, pp. 12-13.
Istilong APA (American Psychological
Association)
k. Tesis/Disertasyon

Edulzhura, Princess. (2017). Epekto ng Social Networking


Sites sa mga Piling Mag-aaral ng SHS in Progressive Di-
nalathalang Tisis. Senior High School in Progressive, Bacoor
City. Bacoor City.
Istilong APA (American Psychological
Association)
l. Mga hanguang elektroniko
• Kung naka-post sa internet ang pangalan ng awtor o
kontribyutor, taon at pamagat, sundin ang tuntunin at isunod
ang sinalungguhitang website o path, tuldok.
• Kung pamagat lamang ang abeylabol, simulan sa pamagat,
tuldukan, at isunod ang website o path na sinalungguhitan.
• Kung hindi abeylabol ang datos pangalan ng awtor at pamagat,
ilagay na lang ang sinalungguhitang website.
Istilong APA (American Psychological
Association)
l. Mga hanguang elektroniko

Aquino, Christine Joy (2018). Mga batayang Kasanayan sa


Paghahanda para sa Papel Mananaliksik. Mula sa
https://www.academia.edu/33481735/PANANALIKSIK

Makepeace, Caroline. (2019). 7 Helpful Tips for Visiting the


Grand Canyon in Winter. Mula sa
https://www.ytravelblog.com/author/cazcraig/
Istilong MLA (Modern Language
Association)
a. Aklat na iisa ang awtor

Mendillo, Benjamin. Namamayaning-Diwa. Manila: PNU


Press, 2010
Istilong MLA (Modern Language
Association)
b. Aklat na dalawa ang awtor

Mendillo, Usher Ben R., at Ben Steward Mendillo. The


Successful Entrepreneur. 2nd Ed. Quezon City, 2012.
Istilong MLA (Modern Language
Association)
c. Aklat na tatlo ang awtor, ginagamitan ng kuwit sa pangalan
ng bawat isa.

Salve, Linda, Romel Gonza, at Petero Astruz. Ang tunay na


babae 1986. Romblom: Biak na Buko, 1999.
Istilong MLA (Modern Language
Association)
d. Aklat na apat ang awtor, isulat ang apelyido kasunod ang
pangalan ng unang may-akda, at isulat ang salitang “et al.”

Signo, Emma, et al. Ang kasaysayan ng Kalookan. 5th Ave.,


Caloocan: Sussie, 1997.
Mga Batayang Impormasyon na kailangang matukoy sa
Talasanggunian
a. Pangalan ng Awtor o mga awtor
b. Pamagat ng libro
c. Lugar ng publikasyon
d. Pablisher o tagalimbag
e. Petsa o Taon ng pagkalimbag
f. Editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Ayon kina Mosura, et al. (1999), ang mga halimbawa ng


hanguang primarya (primary sources) ay ang mga indibidwal o
awtoridad, mga grupo o organisasyo/asosasyon, samahan o
kapisanan, pamilya, mga pampublikong kasulatan, o dokumento
at iba pa. Kabilang din dito ang mga kinagisnang kaugalian
maging mga pampublikong kasulatan o dokumento.
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Samantala, ang mga hanguang sekondarya naman ay: aklat


tulad ng diksyunaryo, ensayklopedya, taunang aklat, jornal,
atlas, almanac. Mga lathalaing artikulo gaya ng magasin,
disertasyon, manuskrito at iba pa.
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

Hanguang Elektroniko o Internet ay maituturing ngayon bilang


isa sa pinakamalawak at pinakamabilis na hanguan ng mga
impormasyon o datos. Ang teknolohiyang ito ay bunga ng
kumbinasyon ng mga serbisyong postal, telepono, at silid-
aklatan. (mga Uniform Resource Locator (URL) na nagtatapos
sa .edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko., .org
organisasyon, .com business o komersyon, .gov.ph
Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos

institusyon o sangay ng pamahalaan o gobyerno ng Pilipinas)


Hanguang Silid-aklatan isang lugar puntahan upang
makapangalap ng mga impormasyon o datos na sasaliksikin.
May tatlong yugto ng pananaliksik sa silid-aklatan
Una, panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang
aklat, bibliograpi, indeks, at hanguang elektroniko o internet.
Pangalawa, pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing,
skimming, at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng
citation mula sa mga babasahin.
Pangatlo, pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay,
artikulo, computer printouts, at iba pang sanggunian.
URI NG KARD KATALOG
A. KARD NG PAKSA - ang dapat hanapin kung ang malinaw
pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin.
B. KARD NG AWTOR - ang kailangang tingnan kung ang
mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na awtoridad sa
kanyang paksa.
C. KARD NG PAMAGAT - ang pinakalapitin ng mga
mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto
nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng
kanilang paksa sa mga librong pamilyar na sa iba.
May mga
Katanungan ba
Pagyamanin
A. Panuto: Isulat sa patlang ang kahulugan ng bawat salita. Gamitin
ito sa pangungusap.

1.Pananda __________________________________
2.May-akda _________________________________
3.Parirala __________________________________
4.Panaklong ________________________________
5.Silid-aklatan _______________________________
Pagyamanin
B. Panuto: Maglista ng limang (5) halimbawa ng istilong APA at
MLA. Aklat mula sa araling Filipino lamang ang dapat na ilista.

APA MLA
Isagawa
Panuto: Gamit ang mga detalye sa ibaba, gumawa ng isang
talasangunian gamit ang istilong APA. Isulat ito sa loob ng
kahon.
1.Mga May-akda: Benjie A. Amarillas, Sharon Rose
L. Mendoza, Jennifer E. Quinto
Pamagat: Edukasyon sa Pagpapakatao
Lugar: Quezon City
Tagapaglathala: St. Bernadette Publishing House
Corporation
Taon: 2017
Isagawa
2. Mga May-akda: Jose, F. S,
Pamagat: Why we are Shallow
Pangalan ng Pahayagan: Philippine Star
Tagapaglathala:
http://www.philstar.com/arts-and-culture/
725822/why-we-are-shallow

Taon: 2012
Isagawa
3. Direktor: Loy Arcena (October, 2017)
Pamagat: Ang Larawan (Pelikula)
Tagapaglathala: Viva Films
Lugar: Pilipinas
Taon: 2017
Tayahin
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.

____1. Ang simbolong “&” ay tinatawag na ampersand.


____2. Ang “et al.” ay salitang Kastila.
____3. Ang referensya ay tala ng mga sanggunian.
____4. Walang pagkakaiba ang APA at MLA.
____5. Modernization of Language Association ang MLA.
Tayahin
____6. Ginagamit ang “et al.” kapag tatlo o higit pa ang may-akda ng
isang aklat.
____7. Ang “&” ay katumbas ng “at” sa Filipino.
____8. Ang parenthetical citation ay mahalaga sa pagsulat ng
pananaliksik.
____9. Isinusulat ang petsa ng pagkalimbag ng aklat sa hulihan, kung
ito ay istilong APA.
____10. Mahalaga ang pagsasaayos ng referensya sa gawaing
pananaliksik.
Pagpapahalaga

Batay sa ating naging talakayan, ano ang iyong nalinang na


kakayahan o “21st century skills” na kalakip sa ating PVMGO?
(Communication, collaboration, creativity, critical thinking,
productivity, leadership and technology literacy). Ipaliwanag.

You might also like