You are on page 1of 11

MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

PAALALA:
 Upang manatiling nasa inyo na ang MODYUL. Aking hinihiling na sundin lamang ang panuto na aking
ipinagagawa. Sikaping masagutan ang bawat LAS o Learning Activity Sheet.
 Ang Learning Activity Sheet o LAS na lamang ang iyong ibabalik sa paaralan. Salamat sa iyong malawak
na pag-unawa.
 Asahang hindi makakabalik ng maaga ang inyong modyul.

MGA HAKBANG SA PANANALIKSIK


May mga sinusunod na mabisang hakbang upang ang nagsasagawa ng
pananaliksik ay magkaroon ng isang maayos at masistemang paraan:
1. PAGPILI NG TAMANG PAKSA. Dito ay isinasaalang-alang ang interes ng
mananaliksik. Sinusuri kung ang paksang napili ay napapanahon. Makabuluhan,
at kailangan ng mananaliksik nito o ng higit na malaking kliyente- ang lipunan o
ang bansa sa kabuoan. Gayundin, kailangan niyang mabatid kung paano
lilimitahan o gagawing tiyak ang isang napakalawak.
2. PAGHAHANDA NG BALANGKAS- Dito ay ibihahanda ang ekstruktura ng buong
organisasyon ng gagawing pananaliksik.
3. PAGHAHANDA NG BIBLIYOGRAPIYA- Dito ay masusing isinasagawa ng
mananaliksik ang pagpili at pangangalap ng aklat, magasin, journal at iba pang
mga mapagkukunan ng datos para sa gagawing pananaliksik.
4. PANGANGALAP NG MGA KINAKAILANGANG DATOS AT MATERYAL- Dito
ay binabasa ang nilalaman ng mga aklat, magasin at journal na binanggit sa itaas.
Pinagpapasiyahan ng mananaliksik kung aling mga datos dito ang mahalagang
makuha at maisama sa gagawin niyang ulat.
5. PAG-OORGANISA NG NILALAMAN BATAY SA BALANGKAS- Aayusin ng
mananaliksik ang mga nakalap na datos ayon sa uri ng paglalahad o batayang
gagamitin sa ulat.
6. PAGSULAT NG PANANALIKSIK- Maayos na isinasagawa ang pasulat na ulat
batay sa mga naunang ginawang preparasyon ng mananaliksik. Kadalasan, ito ay
inaabot ng isa o higit pang lingo depende sa uri ng pananaliksik na isinasagawa.
7. PAGRERESERBA NG PAPEL- Dumaraan ang unang draft ng isinulat sa masusing
editing upang matiyak na may kawastuhan sa paggamit ng wika at estilo.
8. PAGSULAT NG PINAL NA PAPEL- Sa kabuoan, narito ang karaniwang balangkas
ng isang ulat pananaliksik/ tesis/ disertasyon.

TALAAN NG NILALAMAN
Pagpapakilala sa Pangkat/ Awtor/ Mananaliksik
Tagubilin para sa Pagsusulit na Oral
Dahon na Pagpapatibay
Paghahandog
Pasasalamat

Facebook: aaribe@facebook.com 1
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Talaan ng Talahanayan
KABANATA I- Suliranin at Sanligan ng Pag-aaral
KABANATA II-Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

PANIMULA
Saligang Pangkasaysayan
Balangkas Konseptuwal/Teoritikal
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw ng Delimitasyon
Katuturan ng Terminolohiyang Ginamit

KABANATA III- Pamaraan


Sa Pilipinas
Sa Ibayong Dagat
Sintesis

KABANATA IV- Paglalahad at Pagsususri ng Datos


KABANATA V- Paglalagom ng mga Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon
Lagom ng mga Natuklasan
Kongklusyon
Rekomendasyon
Bibliyograpiya
Apendiks
Tala sa Buhay ng Mananaliksik

BIBLIYOGRAPIYA
Ito ay isang kasanayang susunok sa sipag, tiyaga at katapatan ng isang
mananaliksik. Layunin nito na mapagaan ang Gawain ng mga mananaliksik at mabigyan
ng tamang kredito ang pinagmulan ng mga impormasyon. Tanging gagawin ay ilalagay
ang mahahalagang datos na kakailanganin katulad ng may-akda, pamagat ng
sanggunian, taon ng publikasyon (kung ito ay nakalimbag), tono bilang at pahina.
May iba’t ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang
sumusunod:
 APA o American Psychological Association
 MLA o Modern Language Association
 Chicago Manual of Style

Facebook: aaribe@facebook.com 2
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

PAGSULAT NG PINAL NA BIBLIYOGRAPIYA


Pagkatapos mong mangalap ng mga impormasyon para sa iyong pananaliksik at
isulat ang pansamantalang bibliyograpiya sa mga note card o index card, ngayon ay
isusulat mo na ang pinal na bibliyograpiya. Sa puntong ito, natanggal mo na ang mga
sangguniang hindi mo na gagamitin at naidagdag mo na rin ang ilan pang gagamitin
mo. Aayusin lamang sa paraang paalpabeto ang pangalan ng mga may-akaada ng
sangguniang ginamit. Matatagpuan ang bibliyograpiya sa huling bahagi ng sulating
pananaliksik.

AKLAT:
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian
ay aklat:
 Tala tungkol sa mag-akda
 Tala tungkol sa pamagat
 Tala tungkol sa publikasyon
 Tala tungkol sa taon ng publikasyon

Narito ang mga paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya:

CHICAGO APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng  Ihanay ang tatlog pangkat ng
impormasyon (may-akda, impormasyon (may-akda,
pamagat at tala ng publikasyon) pamagat at tala ng publikasyon)
 Unahin ang apelyido ng may-  Unahin ang apelyido at sunda
akda ng initials ng may-akda
 Isulat nang buo ang pamagat ng  Isulat ang taon ng publikasyon
aklat maging ang subtitle sa loob ng parenthesis
 Paghiwalayin ang tuldok ang  Isulat nang buo ang pamagat ng
tatlong pangkat ng aklat maging ang subtitle
impormasyon  Paghiwalayin ng tuldok ang
 Paghiwalayin ng tutuldok ang tatlong pangkat ng
lugar ng publikasyon at impormasyon
publisher  Naka-italicize ang pamagat ng
 Paghiwalayin ng kuwit ang aklat
publikasyon at publisher  Ginagamitan ito ng hanging
 Paghiwalayin ng kuwit ang indention
publisher at taon ng publikasyon
 Naka-italicize ang pamagat ng
aklat
 Ginagamitan ito ng hanging
indention

Facebook: aaribe@facebook.com 3
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Kung isa lamang ang may-akda:


CHICAGO APA
Dayaf, Alma M. Lakbay ng Lahing Pilipino Dayag, A. M. (2014) Lakbay ng Lahing
3. Quezon City: Phoenix Publishing House, Pilipino 3. Quezon City. Phoenix Publishing
2014. House.

Kung dalawa ang may-akda:


CHICAGO APA
Julian, Ailene. At Nestor S. Lontoc. Lakbay Julian, A.B. & N.S. Lontoc (2015) Lakbay ng
ng Lahing Pilipino 4. Quezon City: Phoenix Lahing Pilipino 4. Quezon City: Phoenix
Publishing House, 2015. Publishing House.
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang
pangalan ay isinusulat nang buo at nauuna pangalan ay nauuna na ang initials ng
na ang pangalan kaysa sa apelyido. panglan kaysa sa apelyido.

Kung higit sa dalawa ang may-akda:


CHICAGO APA
Dayag, Alma M., Ailene Baisa-Julian, Mary Julian, A. B. & Lontoc N.S. (2015)
Grace del Rosario, at Nestor S. Lontoc, Pinayamang Pluma 4. Quezon City:
Pinayamang Pluma 4. Quezon City: Phoenix Publishing House
Phoenix Publishing House, 2015.
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang
pangalan ay isinusulat nang buo at nauuna pangalan ay nauuna na ang initials ng
na ang pangalan kaysa sa apelyido. panglan kaysa sa apelyido.

Kung hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page,
ang pamagat na lamang ng aklat ang isinusulat sa bibliyograpiya. Ang pamagat ang
ginagamit sa alpabetisayon.
CHICAGO APA
The Plight of Filipino Teachers. Cavite City: The Plight of Filipino Teachers (1998)
Grayson Publishing House, 1998. Cavite City: Grayson Publishing House

PERYODIKAL- Tumutukoy ito sa anumang publikasyon na lumalabas nang regular.


Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian
ay peryodikal:
 Tala tungkol sa may-akda
 Tala tungkol sa pamagat ng atikulo
 Tala tungkol sa publikasyon na kinabibilangan ng:
- Pangalan ng peryodiko
- Bilang ng bolyum
- Bilang ng isyu

Facebook: aaribe@facebook.com 4
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

- Petsa
- Mga pahina ng buong artikulo
Narito ang mga paraan ng pagsulat ng bibliyograpya para sa peryodikal:
CHICAGO APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng  Ihanay ang tatlong pangkat
impormasyon (may-akda, (may-akda, pamagat, at tala ng
pamagat, at tala ng publikasyon) publikasyon)
 Unahin ang apelyido ng may-  Unahin ang apelyido at sundan
akda ng intials ng may-akda
 Paghiwalayin ang tuldok ang  Isulat ang taon ng piblikasyon sa
tatlong pangkat ng loob ng parentesis
impormasyon  Isulat nang buo ang pamagat
 Ilagay sa panipi ang pamagat ng  Paghiwalayin ng tuldok ang
artikulo tatlong pangkat ng
 Naka-italicize ang pamagat ng impormasyon
peryodikal  Naka-italicize ang pamagat ng
 Nakaparentesis ang taon at peryodikal
petsa. Inilalagay rin ang tomo o  Inilagay rin ang tomo o volume
volume at bilang ng isyu. Kung at bilang ng isyu at paghiwalayin
minsan hindi nakalagay ang ito ng kuwit
tomo o bilang  Ginagamitan ito ng hanging
indention

JOURNAL- Ito ang peryodikal na lumalabas sa akdemikong komunidad


CHICAGO APA
Del Rosario, Mary Grace G. “Wikang Del Rosario, M. G. (2010) Wikang Filipino.
Filipino.” EJ Forum 4 (Agosto 2010): 1-16. EJ Forum 4 , 1-16

MAGASIN- Ito ang peryodikal para sa publiko


CHICAGO APA
Bennet, Dahl. “Coming Clean” Working Bennet, D.D. (2012, October) Coming
Mom, October 2012, 107 Clean, Working Mom, 107.

Ilagay na lamang ang buong petsa ng publikasyon sa halip na tomo at bilang.


PAHAYAGAN- Ito ang peryodikal na araw-araw lumalabas
CHICAGO APA
Beigas, Leifbility. “Publiko kinokondisyon Beigas, L. (2015, October 19) Publiko
na sa disqualification ni Poe?” Bandera, kinokondisyon na sa disqualification ni
October 19, 2015. Poe?. Bandera, p.2

Facebook: aaribe@facebook.com 5
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

REFERENCE
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian
ay reference:
 Pamagat ng artikulo o reference
 Bilang ng edisyon o taon ng publkasyon

DI NAKALATHALANG SANGGUNIAN
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian
ay di nakalathala:
 May-akda
 Pamagat
 Anyo ng manukristo
 Tala tungkol sa pinamulan at lokasyon ng sanggunian
 Petsa ng pagkasulat

MANUKRISTO
CHICAGO APA
Del Rosario, Adrian Paolo. “Harmful Effects Del Rosarion, A.D. (2008) Harmful Effects
of Computer Games to Teenages of Computer Games to Teenages Students
Students.” Di-nakalimbag na manukristo. (Di nakalimbaga na manukristo) De La
Nasa pag-iingat ng may-akda. 2008. Salle University, Dasmariñas.

DI LIMBAG NA BATIS
Makikita sa kabilang pahina ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya
kung ang sangguian ay di nakalimbag na batis:

PELIKULA
 Manunulat, director o prodyuser
 Pamagat
 Pangunahing artista
 Kompanyang nag-prodyos
 Taon ng pagpapalabas
CHICAGO APA
Quintos, Rory B., director. Anak. Kasama Quintos, R.B. (director) (2000). Anak
sina Vilma Santos at Claudine Barreto. Star (pelikula). Philippines: Star Cinema.
Cinema, 2000.

PROGRAMA SA TELEBISYON AT RADYO


 Pamagat ng segment, serye o programa
 Prodyuser, director, manunulat o artista
 Broadcasting corporation
 Petsa

Facebook: aaribe@facebook.com 6
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

CHICAGO APA
Soho, Jessica. “Mathinik na Bulilit.” Kapuso Soho, J. (Writer), & Collado, A. (Direktor).
Mo, Jessica Soho, Jessica Soho, (October 18, 2015) Mathinik na bulilit.
tagapagdaloy ng programa. GMA7, Kapuso Mo, Jessica Soho. Quezon City:
October 18, 2015. GMA.

WEB SITE
 May-akda
 Petsa ng publikasyon
 Pamagat ng artikulo
 Pinanggalingang URL
CHICAGO APA
“The Tragedy of Sorhab and Rostam.” Clinton, J.W. (2014, December 5). The
December 5, 2014, galing sa Tragedy of Sorhab and Rostam. galling sa
http://heritageinstitute.com/zoroastrianism http://heritageinstitute.com/zoroastrianism
/shanameh/ /shanameh/

BLOG
 May-akda (kung hindi nakalagay ang pangalan ng may-akda maaring screen
name lamang ang ilagay)
 Petsa ng publikasyon
 Pamagat ng artikulo (Pansining hindi naka-italicize)
 Pinanggalingang URL

CHICAGO APA
Kahayon, Lisa. “Masbate Travel Diary.” Kahayon, L. (2015, October 14). Masbate
Scenestealer (blog). Octobetr 14, 2015, travel diary.Scenestealer. galing sa
http://www.lissakahayon.com/. http://www.lissakahayon.com/.

Facebook: aaribe@facebook.com 7
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _______________


Baitang at Seksyon: ______________________________

LAS 8
FILIPINO 11
IKAAPAT NA MARKAHAN-MODYUL 6
PANUTO: Ang sumusunod na ay isasama sa bibliyograpiyang matatagpuan sa
katapusan ng pananaliksik. May pagkakamali sa pagkakasulat ang mga ito. Gamit
ang iyong natutuhan sa paggamit ng Chicago Manual of Style, iwasto ang
pagkakamali sa pamamagitan ng pagsulat muli ng mga ito sa mga nakalaang
kahon gamit ang Chicago Manual of Style.

1. Bata, Bata… OPaano Ka Ginawa? Bautista, Lualhati, Carmelo at Baueman Printing


Corp., 1988 at ng Cache Publishing House, 1991

2. Dayag, Alma M., Lontoc, Nestor S., Del Rosario, Mary Grace G. Julian, Ailene B.,
Marasigan, Emily M. Pinagyamang Pluma 9, Phoenix Publishing House Quezon
City 2014

3. EJ Forum p. 3 Volume 1 Number 25, Bayle, Alison Grace C. “Thank You, Titser”

Facebook: aaribe@facebook.com 8
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

4. Peralejo, Paula Things to Do in Nuvali Laguna http://www.paulatheexplorer.com/

5. Tarog, Jerold :Henera Luna” Kasama si John Arcilla. Quantum Films.(2015,


September 9)

Facebook: aaribe@facebook.com 9
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

PERFORMANCE TASK
Isa kang bagong mananaliksik ng isang lokal na pahayagan sa inyong lungsod o
lalawigan. Bilang iyong unang assignment ay binigyan ka ng ionyong patnugot ng isang
mapanghamong Gawain, ang pagsasagawa ng pananaliksik ukol sa isang
napapanahong paksa. Ngayon makikita at masusubok ang husay at kahandaan mo
bilang isang mananaliksik. Isa-isa mong natutuhan ang mga bahagi ng pananaliksik at
isa-isa mo ring nabuo ang mga naunang bahagi nito. Sa pagkakataong ito hand aka na
sa pagsulat ng pinal na papel.
 Maaring ito nakasulat kamay para sa mga HARD COPY (Modular). Maari ding
printed. Ilagay itong sa short bond paper.
 Ang halimbawa ng sulating pananaliksik ay aking ibibigay maghintay lamang
sa aking hudyat. Inaasahang ang bawat isa ay aktibo sa kani-kanilang FB
Messenger upang makita ang halimbawa. I-pm lamang ako kung may
katanungan. Iwasang magtanong sa aking gagawing GROUP CHAT para sa
FILIPINO upang maiwasang matabunan ang aking ibibigay na mga
impormasyon. Sa GC ko na rin ibibigay angt format.   

PAMANTAYAN SA SULATING
PANANALIKSIK

Facebook: aaribe@facebook.com 10
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.
MODYUL 6 FILIPINO 11-IKALAWANG SEMESTRE

Facebook: aaribe@facebook.com 11
Cellphone Number: 09059358756
JET MONTESSORI
MODYUL 6 SCHOOL OF RAMON, INC.

You might also like