You are on page 1of 2

POINTERS TO REVIEW

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Inihanda ni: G. Ronnel Sapinoso
➢ Ano ang PANANALIKSIK?
Isang sistematiko at siyentipikong paraan ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa,
at pagpapakahulugan ng mga datos batay sa pagpapatotoo ng haypotesis at imbensyong
nagawa ng tao.
MGA BAHAGI NG PANANALIKSIK
I. ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
a. PANIMULA O INTRODUKSYON - Ito ay isang maikling talataang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtalakay ng paksa ng pananaliksik.
b. PAGLALAHAD NG LAYUNIN O SULIRANIN - Inilalahad ang pangkalahatang layunin o
dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-aaral. Tinutukoy rin dito ang mga pangunahing
suliranin na nasa anyong patanong.
c. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL – Inilalahad ang signipikans ng gagawing pag-aaral.
d. SAKLAW AT LIMITASYON – tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik.
e. DEPENISYON NG TERMINOLOHIYA - Inililista rito ang mga salitang ginagamit sa pag-aaral.
Tanging mga katawagan, salita, o pariralang may espesyal na gamit o natatanging kahulugan
sa pag-aaaral ang bibigyan ng depinisyon.
II. KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
• Sa bahaging ito ng pananaliksik kinukuha natin ang mga pag-aaral na may kinalaman o kaugnayan
sa ginagawang pag-aaral sa paksa.
III. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
a. DISENYO NG PANANALIKSIK - Nililinaw sa bahaging ito kung anong uri ng pananaliksik.
b. RESPONDENTE - Tinutukoy dito ang respondent ng sarbey,kung ilan sila at bakit sila napili
c. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK - Inilalarawan dito ang paraang ginamit ng pananaliksik sa
pangangalap ng datos
d. TRITMENT NG MGA DATOS - Inilalarawan dito ang istatistikal na paraan na ginamit upang ang
numerical na datos ay mailarawan.
IV. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS
V. LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
a. LAGOM- Binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik na komprehensiong
tinalakay sa Kabanata III.
b. KONKLUSYON - Mga abstraksyon, implikasyon, interpretasyon, pangkalahatang pahayag, at/o
paglalahad batay sa datos at impormasyong nakalap ng mananaliksik
c. REKOMENDASYON - Mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o natuklasan sa
pananaliksik.

➢ KUWALITATIBO AT KUWANTITATIBONG PANANALIKSIK


Kuwalitatibo - Uri ng Pananaliksik na ang pangunahing layunin ay magsalaysay o maglarawan.
Kuwantitatibo - Uri ng Pananaliksik na nangangailangan at ginagamitan ng datos na numerical at operasyong
matematikal.

➢ PAGBUO NG BIBLIOGRAPIYA
Ito ang tawag sa prosesong ginagawa ng mga mananaliksik kung saan ay inilalagay ang batis (source)
ng mga kinuhang impormasyon sa iba’t ibang babasahin tulad ng aklat, dyornal o websayt na
komprehensibong nakaayos.
American Psychological Association Format o (APA Format) - Ang pormat (format) na karaniwang
sinusunod sa pagbuo ng bibliograpiya at reperensya.
LIBRO(AKLAT)
• Awtor(Last name,Initial of First Name.Middle Initial.)(Year). Title/Pamagat :subtitle.
Location:Publisher.
• Gumamit ng o.5 indention sa ikalawang linya at susunod.
HALIMBAWA:
Ang pamagat ng libro ay Alab na may subtitle na Wika at Panitikan sa mga Mag-aaral sa Junior High
School sa Isang Pribadong Unibersidad sa Lungsod ng Maynila. Ito ay sinulat ni Allan Jr. Clemente noong
2022 sa lungsod ng Manila ginawa, at nailimbag sa PLM Press.

HALIMBAWA:
Clemente,A.J.(2022).Alab: Wika at Panitikan sa mga Mag-aaral sa Junior High School sa Isang
Pribadong Unibersidad sa Lungsod ng Maynila. Lungsod ng Manila:PLM Press.
JOURNAL/DYORNAL
• Awtor(Last name,Initial of First Name.Middle Initial.)(Year,Month/Day). Title/Pamagat.peryodikal na
pamagat.Location:Publisher.volume,page/s.
• Gumamit ng o.5 indention sa ikalawang linya at susunod.
• Kapag isang pahina gamitin ang (p.) kapag dalawa o higit pa ay gamitin ang (pp.)
HALIMBAWA:
Sa journal na sinulat ni Ron R. Solis na may pamagat na Edukasyong Pilipino at may peryodikal na: Isang
Pagpapanibago ng Edukasyon sa Filipinas Batay sa Isang Makabayang Pilosopiya. Ito ay ginawa noong Mayo
5, 2020 sa Taguig at nailimbag sa AAIS Press na may volume na 4 mula pahina 10-50

Solis,R.R.(2020,Mayo 5).Edukasyong Pilipino. Isang Pagpapanibago ng Edukasyon sa Filipinas Batay


sa Isang Makabayang Pilosopiya.Taguig:AAIS Press.v.4,pp.10-50.

WEBSITE/WEBSAYT
• Awtor(Last name,Initial of First Name.Middle Initial.)(Year,Month/Day). Title/Pamagat .peryodikal na
pamagat. Retrieved from website(link).
HALIMBAWA:
Isang babasahin na may pamagat na: Ang kahalagahan ng Bitamina sa Katawan mula sa websayt na
www.kalusugan.com/bitaminasaatingkatawan/. Ang peryodikal na pamagat ay: Epekto ng Bitamina sa ating
Kalusugan. Ito ay sinulat ni Marjo G. Moran noong ika-8 ng Setyembre taon 2022.

Moran,M.G.(2022,Setyembre 8). Ang kahalagahan ng Bitamina sa Katawan. Epekto ng Bitamina sa


ating Kalusugan. Retrieved from website www.kalusugan.com/bitaminasaatingkatawan/.

➢ KONSEPTONG PAPEL - Ang nagsisilbing proposal para sa gagawing pananaliksik.


➢ Mga Bahaging bumubuo: Rationale, Layunin, Metodolohiya at Inaasahang Awtput.

You might also like