You are on page 1of 13

Pangalan: Iskor:

Iskedyul
Guro: Petsa:

PAKSA: Ang Pananaliksik

PANUTO: Mula sa mga konseptong natutuhan tungkol sa pananaliksik, sumulat ng


pangungusap upang makabuo ng sariling pagpapakahulugan nito sa
pamamagitan ng akrostik. Tiyaking nauugnay sa konsepto ng pananaliksik ang
mga nabuong pangungusap.

A-

L-

S-

I
K

-
Pangalan: Iskor:
Iskedyul
Guro: Petsa:

PAKSA: Bahagi ng Pananaliksik

PANUTO: Tukuyin kung saang kabanata ng pananaliksik makikita ang mga sumusunod.
Isulat sa patlang ang titik na nakalaan sa tamang sagot.

A. Ang Suliranin at ang Kaligiran Nito


B. Rebyu ng mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
C. Metodolohiya
D. Presentasyon, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos
E. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

1. Pupunta si Randy sa Zambales upang pag-aralan ang kultura ng mga Aeta.


Etnograpikong pag-aaral ang kanyang gagamitin.
2. Pinili ni Yanina ang mga kalahok sa kanyang pag-aaral sa pamamagitan ng isang
teknik. Inilagay niya sa loob ng isang kahon ang 50 mag-aaral. Bawat ikasampung
pangalan na kanyang mabubunot, nagiging kabilang sa kanyang mga respondente.
3. Isama ang edad bilang baryabol na nararapat bigyang pansin sa mga susunod pang
pag-aaral.
4. Gagawin ang pag-aaral na ito sa Lungsod ng Pasay na lalahukan lamang ng isang
daang respondente.
5. Sa pag-aaral na ito, ang bata ay tumutukoy sa mga bodyguard ng pulis.
6. Makikita sa talahanayan 4 na lubos na sinang-ayunan ng mga respondente ang
midya bilang pinakamaipluwensiyang salik na nakaapekto sa kanilang pag-uugali.
7. Sa pag-aaral ni Reyes na may pamagat na “Ang Baryasyon ng mga Salitang
Cebuano,” lumitaw na malaki ang kaugnayan ng mga salik-sosyal sa pagkakaroon
ng barayti ng wika sa Cebu.
8. Isang talatanungan ang gagamitin ni Enriquez sa kanyang pag-aaral na may pamagat
na “Ang Wikang Jejemon: Isang Pagsusuri.”
9. Batay sa mga natuklasan sa pag-aaral na ito, ang sosyal na dimensyon ang higit
na nakakaimpluwensiya sa tao sa pagkakaroon nito ng iba’t ibang kaparaanan sa
paggamit ng wika.
10. Gagamitin sa pag-aaral na ito ang pagkuha ng bahagdan o percentage, frequency
distribution, at mean.
Pangalan: Iskor:
Iskedyul
Guro: Petsa:

PAKSA: Sulating Pananaliksik

PANUTO: Sundin ang unang hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. A. Magtala ng mga paksa
na maaari mong pagpipilian.

1.

2.

3.

4.

5.

6.

B. Mula sa nailista, piliin ang tatlong pinakagusto mo. (Piliin ang paksang may maliit na
saklaw.)

1.

2.

3.
C. Ipa-tsek sa propesor at gawan ng maikling balangkas ang gagawing pananaliksik. (Isulat
sa hiwalay na papel.)

D. Gumawa ng pansamantala o tentatibong mga sanggunian.


PANGKATANG GAWAIN

PANUTO: 1. Maghanap ng mga halimbawang pananaliksik na may kaugnayan sa inyong


isasagawang pag-aaral at isagawa ang mga gawain sa ibaba.
2 . Isulat sa papel o kuwaderno ang mga nakuhang impormasyon ng pangkat.

I. ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

A. Panimula

1. Magsagawa ng pagsusuri o pag-aanalisa sa mga panimula ng mga ito.


​Pamagat ng pananaliksik at taon ng pagkakagawa
​Pangalan ng mga mananaliksik
​Pangunahing suliranin

2. Suriin ang panimula ayon sa sumusunod :


​Tiyak na paksa
​Mga kadahilan sa pagpili ng paksa
​Ang kahalagahan ng pag-aaral sa kasalukuyang panahon

3. Itala ang mga impormasyong makatutulong sa inyong isasagawang pag-aaral.

B. Paglalahad ng Suliranin
1. Itala ang pangkalahatang suliranin
2. Itala ang mga tiyak na suliranin

C. Kahalagahan ng Pag-aaral
1. Isulat ang pangkalahatang kahalagahan ng pag-aaral
2. Isulat ang mga nakinabang sa pag-aaral

D. Saklaw at Limitasyon
1 . Tukuyin ang saklaw at limitasyon ng pag-aaral

E. Batayang Teoretikal
1 . Itala ang mga teoryang pinagbatayan at ang taon ng pagkakalimbag ng mga ito.
F. Batayang Konseptwal
1. Itala ang mga inilagay ng mananaliksik sa mga sumusunod:
A. Input
B. Proseso
C. Awtput

II. REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

1. Sumulat ng pagpapaliwanag kung papaano ginamit ang mga kaugnay na literatura sa


pag-aaral.

2. Sumulat ng pagpapaliwanag kung ano ang naging kaugnayan ng mga kaugnay na pag-
aaral sa isinagawang pag-aaral.

III. PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK


1. Tukuyin ang mga sumusunod:
​Paraan ng Pananaliksik
​Lokal o Lugar ng Pananaliksik
​Mga Respondente
​Teknik na ginamit sa pagpili ng mga respondente
​Instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos
​Paglalapat Estadistika

IV. PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

1 . Isulat ang paraang ginamit sa paglalahad ng mga datos.

V. LAGOM NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

1. Isulat ang lagom ng mga natuklasan. Nasagot ba nito ang mga tiyak na suliraning
inilahad sa unang bahagi?
2. Isulat ang mga nabuong kongklusyon.
3. Isulat ang mga nabuong rekomendasyon.
Pangalan: Iskor:
Iskedyul
Guro: Petsa:

PANUTO: Basahin ang mga panuto sa bawat uri ng pagsusulit at lahat ng sagot ay isulat sa
patlang bago ang bawat bilang.

W – kung tanging unang pahayag ay tama


I - kung tanging ikalawang pahayag ay tama
K – kung ang dalawang pahayag ay tama
A – kung ang dalawang pahayag ay mali

1. Ang pananaliksik ay isa sa mga pangangailangan sa mga paaralan.


Nakabatay ito sa kultura ng pananaliksik ng mga nasabing paaralan.

2. Ang pananaliksik ay pagsusuri o pagsisiyasat sa isang suliranin.


Gumagamit ito ng pamamaraang pormal at sistematikong pagsusuri.

3. Ang pananaliksik ay binubuo ng apat na pangunahing katangian.


Isa sa mga katangiang sinasabi ay ang pagiging masusing pagsusuri.

4. Batay sa pamamaraan, ang pananaliksik ay may pitong uri.


Ang pag-aaral na Genetic ay kabilang sa pitong nabanggit.

5. Ang mananaliksik ay may malaking responsibilidad.


Hindi isyu sa pananaliksik ang pangongopya.

6. Batay sa layunin, may dalawang uri ang pananaliksik.


Isa na rito ay yaong pananaliksik na nagtataglay ng halaga.

7. Ang oras at panahon ay dapat isaalang-alang sa pagsasaliksik.


Kinakailangang may nakatakdang iskedyul sa pagsasagawa nito
8. Ang tahasang pag-angkin sa gawa ng iba ay isang uri ng pangongopya.
Ligtas naman sa usaping pangongopya ang paggaya sa pamagat ng iba.

9. Ang balangkas teoretikal ay mga kaisipang batay sa ideya ng mananaliksik.


Nagsisilbing batayang teorya naman ang balangkas konseptwal ng papel.

10. Makikita sa rasyonale ang penomenang bumabalot sa paksa ng pananaliksik.


Ito ay kabilang sa unang kabanata ng pananaliksik na suliranin at kaligiran.

You might also like