You are on page 1of 6

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

Mga Hakbang ng Pananaliksik para sa Papel Pananaliksik

Kwarter 4- Modyul 8: Pangangalap ng Paunang Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag ng Tesis

Ang mga paunang impormasyong tinatawag sa Ingles na background information ay magbibigay ng ideya sa
mananaliksik kung bakit kailangang pag-aralan ang napiling paksa at gagabay sa pagpili ng papanigang pananaw sa
bubuoing pahayag ng tesis.

Mga Uri ng Datos


Depende sa layunin ng isang pananaliksik, maaaring ang datos na kinakailangan mo ay iyong nagsasalaysay o
naglalarawan o pareho. Ang mga datos na may ganitong kalikasan ay tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data.
Halimbawa ng mga qualitative data ay kulay, tekstura, lasa, damdamin, mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong na
paano at bakit.
Samantala, may mga pananaliksik ding nangangailangan ng datos na numerikal na ginamitan ng mga operasyong
matematikal. Ang mga datos na ito ay tinatawag na datos ng kailanan o quantitative data. Tumutukoy ang mga ito sa
dami o bilang ng mga bagay o sagot ng mga sinarbey o ininterbyung mga respondent. Maaari ding ang mga datos na ito
ay tumutukoy sa mga katangiang nabibilang o nasusukat. Halimbawa nito ay taas, bigat, edad, o grado ng mga mag-
aaral; average na halaga ng kinikita sa pagpapart-time job ng mga part-time students; dami ng mga babae at lalaki o
dami ng mga mag-aaral sa bawat baitang na sinarbey ng mananaliksik.

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement


Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral na ideya sulating pananaliksik. Isa itong matibay na
pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksa na handa niyang
patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensiya.

Kwarter 4- Modyul 9: Pagbuo ng Pansamantalang Balangkas at Konseptong Papel


Mababasa sa ibaba ang ilan pa sa mga kahalagahan ng pagbuo muna ng balangkas bago simulan ang pagsulat.
 Higit na nabibigyang-diin ang paksa
 Nakapagpapadali sa proseso ng pagsulat
 Nakatutukoy ng mahihinang argumento
 Nakatutulong maiwasan ang writer’s block

Pansamantalang Balangkas
I. Introduksiyon
A. Paunang kaalaman o Background sa Paggamit ng E-Textbook sa Silid- Aralan
B. Layunin ng Pag-aaral
C. Pahayag ng Tesis
D. Mga Tanong na Nais Sagutin ng Papel
E. Kahalagahan ng Pananaliksik
F. Lawak at Delimitasyon ng Papel

II. Mga Kaugnay na Literatura


A. Depinisyon ng E-Textbook
B. Maikling Kasaysayan ng E-Textbook
C. Mga Pormat ng E-Textbook
D. Pagkokompara ng E-Textbook sa mga Inimprentang Libro
E. Mga Naunang Pag-aaral Tungkol Paggamit ng E-Textbook

III. Metodolohiya
A. Obserbasyon
B. Dokumentasyon
C. Pag-iinterbyu sa mga Mag-aaral at Guro
D. Sintesis ng mga Nakalap na Datos

IV. Resulta
V. Kongklusyon at Rekomendasyon
VI. Bibliyograpiya
KONSEPTONG PAPEL
Ito ang magsisilbing proposal para sa gagawin mong pananaliksik.

Ayon kina Constantino at Zafra (2000), may apat na bahagi ang konseptong papel na binubuo ng rationale, layunin,
metodolohiya, at inaasahang output o resulta.
1. Rationale- Ito ang bahaging nagsasaad sa kasaysayan o dahilan kung bakit napiling talakayin ang isang paksa.
Mababasa rito ang kahalagahan at kabuluhan ng paksa.
2. Layunin- Dito naman mababasa ang hangarin o tunguhin ng pananaliksik base sa paksa.
3. Metodolohiya- Ilalahad dito ang pamamaraang gagamitin ng mananaliksik sa pangangalap ng datos gayundin ang
paraang gagamitin sa pagsusuri naman niya sa mga nakalap na impormasyon.
4. Inaasahang output o resulta- Dito ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pag-
aaral. Dahil patuloy pa rin ang pangangalap ng impormasyon ay maaaring magkaroon pa rin ng
pagbabago ang inaasahang resulta sa pinal na papel depende sa kalalabasan ng pagkalap ng datos.

Literature search kung saan ang mananaliksik ay naghahanap ng impormasyon o datos sa mga kagamitang nasa aklatan
at sa Internet.

Kwarter 4- Modyul 10: Pangangalap ng Impormasyon at Pagbuo ng Bibliyograpiya


Bibliyograpiya o talasanggunian- Ito ay nagpapakita ng talaan ng mga aklat, dyornal, pahayagan, magasin, di nakalimbag
na batis katulad ng pelikula, programang pantelebisyon, dokumentaryo, at maging ang mga social media networking site
na pinagsanggunian o pinagkuhanan ng impormasyon.

May iba't ibang paraan sa pagsulat ng bibliyograpiya. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
APA o American Psychological Association
MLA o Modern Language Association
Chicago Manual of Style

Mga Uri o Anyo ng Tala


1. Direktang Sipi- Ginagamit ito kung isang bahagi lamang ng akda ang nais sipiin. Dapat lamang isipin na hindi
naman maganda kung sobrang haba ang direktang sisipiin.
2. Buod ng Tala- Ginagamit ito kung ang nais lámang gamitin ay ang pinakamahalagang ideya ng isang tala,
tinatawag din itong sinopsis.
3. Presi- Mula ito sa salitang Prances na precis na ang ibig sabihin ay pruned or cut down. Presi ang tawag kung ang
gagamitin ay ang buod ng isang tala. Sa paggamit ng presi, pinapanatili nito ang orihinal na ayos ng ideya at ang
punto de bista ng may-akda.
4. Sipi ng Sipi- Maaaring gamitin ang sinipi mula sa isang mahabang sipi. Ang ganitong uri ay ginagamitan din ng
panipi.
5. Hawig o Paraphrase- Isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang higit na payak na salita ng
mananaliksik.
6. Salin/Sariling Salin-Sa mga pagkakataong ang talâ ay nasa wikang banyaga, ginagamitan ito ng pagsasalin. Ito ay
ang paglilipat ng ideya mula sa isang wika tungo sa iba pang wika.

PAGSULAT NG PINAL NA BIBLIYOGRAPIYA


AKLAT:
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay aklat:
Tala tungkol sa may-akda
Tala tungkol sa pamagat
Tala tungkol sa publikasyon
Tala tungkol sa taon ng publikasyon

Narito ang mga paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya:


Chicago APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon (may-  Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon (may-
akda, pamagat, at tala ng publikasyon). Unahin ang akda, pamagat at tala ng publikasyon).
apelyido ng may-akda.  Unahin ang apelyido at sundan ng initials ng may-
 Isulat nang buo ang pamagat ng aklat maging ang akda.
subtitle.  Isulat ang taon ng publikasyon sa loob ng
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong pangkat ng parenthesis.
impormasyon.  Isulat nang buo ang pamagat ng aklat maging ang
 Paghiwalayin ng tutuldok ang lugar ng publikasyon subtitle.
at publisher. Paghiwalayin ng kuwit ang publisher  Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong pangkat ng
at taon ng publikasyon. impormasyon.
 Naka-italicize ang pamagat ng aklat.  Naka-italicize ang pamagat ng aklat.
 Ginagamitan ito ng hanging indention.  Ginagamitan ito ng hanging indention.

Kung isa lamang ang may-akda:


Chicago APA
Dayag, Alma M. Lakbay ng Lahing Pilipino 3. Quezon Dayag, A.M. (2014) Lakbay ng Lahing Pilipino 3.
City: Phoenix Publising House, 2014. Quezon City. Phoenix Publishing House.

Kung dalawa ang may-akda:


Chicago APA
Julian, Ailene B. at Nestor S. Lontoc. Lakbay ng Julian, A.B. & N.S. Lontoc (2015) Lakbay ng Lahing
Lahing Pilipino 4. Quezon City: Phoenix Publishing
Pilipino 4. Quezon City: Phoenix Publishing House.
House,
2015.
Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang pangalan ay Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang pangalan ay
isinusulat nang buo at nauuna na ang pangalan kaysa nauuna na ang initials ng pangalan kaysa sa apelyido.
sa apelyido.

Kung higit sa dalawa ang may-akda:


Chicago APA
Dayag, Alma M. et al. Pinagyamang Pluma 10. Julian, A.B. et al (2015) Lakbay ng Lahing Pilipino 4.
Quezon Quezon City: Phoenix Publishing House.
City: Phoenix Publishing House, 2015

Kung hindi nabanggit ang may-akda o anonymous ang nakalagay sa title page, ang pamagat na lamang ng aklat
ang isinusulat sa bibliyograpiya. Ang pamagat ang ginagamit sa alpabetisasyon.

Chicago APA
The Plight of Filipino Teachers. Cavite City: Grayson The Plight of Filipino Teachers (1998) Cavite City:
Publishing House, 1998. Grayson Publishing House.

PERYODIKAL- Tumutukoy ito sa anumang publikasyon na lumalabas nang regular.


Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay peryodikal:
Tala tungkol sa may-akda
Tala tungkol sa pamagat ng artikulo
Tala tungkol sa publikasyon na kinabibilangan ng:
 Pangalan ng peryodiko
 Bilang ng bolyum
 Bilang ng isyu
 Petsa
 Mga pahina ng buong artikulo

Narito ang mga paraan ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa peryodikal:


Chicago APA
 Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon (may-  Ihanay ang tatlong pangkat ng impormasyon (may-
akda, pamagat, at tala ng publikasyon). Unahin ang akda, pamagat, at tala ng publikasyon).
apelyido ng may-akda.  Unahin ang apelyido at sundan ng initials ng may-
 Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong pangkat ng akda.
impormasyon.  Isulat ang taon ng publikasyon sa loob ng
 Ilagay sa panipi ang pamagat ng artikulo. parenthesis.
 Naka-italicize ang pamagat ng peryodikal.  Isulat nang buo ang pamagat.
 Nakaparentesis ang taon at petsa. Inilalagay rin ang  Paghiwalayin ng tuldok ang tatlong pangkat ng
tomo o volume at bilang ng isyu. Kung minsan hindi impormasyon.
nakalagay ang tomo at bilang.  Naka-italicize ang pamagat ng peryodikal.
 Inilalagay din ang tomo o volume at bilang ng isyu
at paghiwalayin ito ng kuwit.
 Ginagamitan ito ng hanging indention.
 Journal- Ito ang peryodikal na lumalabas sa akademikong komunidad
Chicago APA
Del Rosario, Mary Grace G. “Wikang Filipino.” Del Rosario, M.G. (2010) Wikang Filipino. Phoenix
Phoenix Publishing House EJ Forum: 1:16
Publishing House EJ Forum (Agosto 2010): 1:16

 Magasin- Ito ang peryodikal para sa publiko


Chicago APA
Bennet, Dahl D. “Coming Clean” Working Mom, Bennet, D. D. (2012, October) Coming Clean. Working
October 2012,107 Mom, 107.
Ilagay na lamang ang buong petsa ng publiksayon sa halip na tomo at bilang.

 Pahayagan- Ito ang peryodikal na araw-araw lumalabas.


Chicago APA
Beigas, Leifbilly. “Publiko kinokondisyon na sa Beigas, L. (2015, October 19) Publiko kinokondisyon
disqualification ni Poe?” Bandera, 19 October na
2015,2 sa disqualification ni Poe?. Bandera, p. 2

REFERENCE
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay reference:
Pamagat ng artikulo o reference
Bilang ng edisyon o taon ng publikasyon

DI NAKALATHALANG SANGGUNIAN
Narito ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di-nakalathala:
May-akda
Pamagat
Anyo ng manuskrito
Tala tungkol sa pinagmulan at lokasyon ng sanggunian
Petsa ng pagkasulat

 Manuskrito
Chicago APA
Del Rosario, Adrian Paolo. “Harmful Effects of Del Rosario, A.D. (2008) Harmful Effects of Computer
Computer Games to Teenage Students.” Di- Games to Teenage Students (Di- nakalimbag na
nakalimbag na manuskrito. Nasa pag-iingat ng manuskrito) De La Salle University, Dasmarinas.
may-akda. 2008.

DI LIMBAG NA BATIS
Makikita sa ibaba ang mga impormasyong isinasama sa bibliyograpiya kung ang sanggunian ay di nakalimbag na batis:
 Pelikula
 Manunulat, director, o prodyuser
 Pamagat
 Pangunahing artista
 Kompanyang nag-prodyus
 Taon ng pagpapalabas

Chicago APA
Quintos, Rory B., director. Anak. Kasama sina Vilma Quintos, R. B. (director). (2000) Anak (pelikula).
Santos at Claudine Barreto. Star Cinema, 2000. Philippines: Star Cinema.

 Programa sa Telebisyon at Radyo


 Pamagat ng segment, serye, o programa
 Prodyuser, director, manunulat, o artista
 Broadcasting corporation
 petsa

Chicago APA
Soho, Jessica. “Mathinik na Bulilit.” Kapuso Mo, Soho, J. (October 18, 2015) Mathinik na Bulilit.
Jessica Kapuso
Soho. Jessica Soho, tagapagdaloy ng programa. Mo, Jessica Soho. Quezon City: GMA.
GMA7, October 18, 2015.
 Web Site
 May-akda
 Petsa ng publikasyon
 Pamagat ng artikulo
 Pinanggalingang URL

Chicago APA
Clinton, Jerome W. “The Tragedy of Sohrab and Rostam.” Clinton, J.W. (2014, December 5). The Tragedy of Sohrab
December 5, 2014, galing sa http://www.heritage and Rostam. galing sa http://www.heritage
institute.com/zoroastrianism/sahnameh institute.com/zoroastrianism/sahnameh

 Blog
 May-akda (kung hindi nakalagay ang pangalan ng may-akda maaaring screen name lamang ang ilagay)
 Petsa ng publikasyon (naka-parentesis)
 Pamagat ng artikulo (Pansining hindi naka-italicize)
 Pinanggalingang URL

Chicago APA
Kahayon, Lisa. “Masbate Travel Diary.” Scenestealer Kahayon, L. (2015, October 14). Masbate Travel
(blog) October 14, 2015 (8:39 a.m.) Diary.Scenestealer.galing sa
http://www.lissakahayon.com/ http://www.lissakahayon.com/

Kwarter 4- Modyul 11: Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik

Organisasyon ng Papel
1. Kronolohikal- Ginagamit ang prinsipyong ito kung ang datos o impormasyon ay ayon sa pagkakasunod-sunod ng
pangyayari. Kung ang iyong paksa ay naglalahad ng proseso o pangyayari o maging kasaysayan.
2. Heyograpikal o batay sa espasyo- Ginagamit ito kung ipakikita at ipaliliwanag ang lokasyon, lugar, o iba pang
paggamit ng espasyo
3. Komparatibo- Ginagamit kapag nais ipaliwanag o ipakita ang pagkakatulad at/o ang pagkakaiba ng dalawang bagay,
tao, prinsipyo, o kaisipan.
4. Sanhi/Bunga- Ginagamit kung nais bigyang-diin ang sanhi at bunga o sanhi o bunga ng isang paksang sinisiyasat.
Maaaring alam na sanhi at sisiyasatin ang bunga, o kaya ay alam na ang bunga at sisiyasatin naman ang sanhi.
5. Pagsusuri- Ang prinsipyong ito ay ginagamit kung nais ipakita ang paghihimay-himay ng isang buong kaisipan.

Pagsulat ng Burador
Sa wikang Ingles ang burador ay tinatawag na draft. Hindi pa ito pinal at maaari pang magpasok ng mga ideyang
iyong naiisip habang isinusulat o nirerebisa ang iyong papel. Nabubuo ito sa pamamagitan ng pagsasama-sama at pag-
uugnay-ugnay ng mga nakalap na talâ. Ang borador ay ibinabatay sa panghuling balangkas.

Pagsulat ng Pinal na Sulating Pananaliksik


Tandaang may tatlong bahagi ang sulating pananaliksik: ang introduksiyon, katawan, at kongklusyon. Mas
maikli ang introduksiyon at kongklusyon kaysa katawan, sapagkat ang katawan ay binubuo ng mga bahaging
tumatalakay sa iba't ibang kaisipan.

1. Introduksiyon
Ang introduksiyon ay maaaring maglaman ng sumusunod: maikling kaligiran ng paksa, layunin ng
mananaliksik, pahayag ng tesis o thesis statement, kahalagahan ng paksa o kahalagahan ng pagsasagawa ng
pananaliksik, at saklaw at limitasyon ng pananaliksik.
2. Katawan
Ang organisasyon ng mga ideya sa katawan ng iyong papel ay batay sa paghahati-hati ng mga ideya sa
iyong panghuling balangkas. Kung kaya't marapat lang na tiyaking nasa pinakamainam na ayos ang mga ideya sa
iyong panghuling balangkas upang hindi ka mahirapan sa pagsulat ng iyong papel ng pananaliksik. Sa pagsulat ng
katawan ng sulating pananaliksik, ipinapayong ayusin ang iyong mga ideya sa paraang makapagpapahatid ng
kahalagahan ng aralin.
3. Kongklusyon
Ang pagsulat ng kongklusyon ay paglalagom at pagdidiin ng ideya. Samakatwid, hindi na natin ito
makikitaan ng mga panibagong ideya o datos. Bagkus ito ay nagpapahayag ng sintesis, ebalwasyon, o paghatol
ng mananaliksik sa mga impormasyon at datos na kanyang nakalap na maaaring sumuporta o hindi sa kanyang
pahayag ng tesis o thesis statement na nakasaad sa introduksiyon.
GOD BLESS!!!!

You might also like