You are on page 1of 3

agsulat ng Talasangunian

( Bibliography )
Ang araling ito ay nangangailangan ng kaalaman sa paggamit ng dilid-aklatan.
Darating ang oras na pagagawin kato ng isang sulating ng panalisik kaya mas mabuti
kung handa na kayo. Alam ng lahat na ang paggawa ng isang sulating pananliksik ay
hindi isang madaling gawain. Nangangailangan ito ng panahon at konsentrasyon.
Samaktwid, nararapat lamang na pag-ukulan ito ng maingat na pagsusuri.

Ang sulating pananaliksik ay isang paglalahad ng kinalabasan ng isang


pagtuklas at pagtatalakay ng mga bagay-bagay hango sa mga nakalap na impormasyon mula sa
mga
inilathala ng mga taong nagsaliksik at nag-aral tungkol sa iba't ibang paksa.

Mayroong mga hakbang na dapat sundin sa pagsulat ng sulating pananliksik.

Unang Hakbang: Pumili ng isang magandang paksa.

Ikalawang Hakbang: Suriin ang iyong paksa, siguraduhing hindi ito magiging malawak o
masaklaw.

Ikatlong Hakbang: Mangalap ng mga sapat na sanggunian na pagbabasehan ng paksang napili.

Ikaapat Hakbang: Gumawa ng balangkas ng paksang tatalakayin.

Ikalimang Hakbang: Ihanda na ang mga sangguniang magiging kapakipakinabang sa pagsulat


ng sulatin.

Ikaanim Hakbang: Gumawa ng talaan ng iba't ibang sanggunian tulad ng mga sumusunod:

a. aklat
b. artikulo
c. magasin
d. pryodiko

Gumawa ng pansamantalang talasanggunian. Sipiin ang awtor, pamagat, at mga tala ukol sa
paglilimbang, ang lugar,
ang mga naglimbag, taon ng paglimbag.

Ikapitong Hakbang: Mangalap na ng mga tala. Isulat ito ng organisado, malinaw, at may
kaisahan.
Ikawalong Hakbang: Suriing mabuti ang mga naitala at saka ito rebisahin.

Ikasiyam na Hakbang: Ihanda na ang talasanggunian.

Ang Talasanggunian o biblography ay ang bahagi ng isang pananaliksik o maging ng aklat na


nagpapakita ng talaan
mga aklat, journal,pahayagan, magasin, o website na pinagsanggunian o pingakunan ng
impormasyon.

Mahalgang magkaroon ng isang talasanggunian ng isang aklat o pananaliksik sapagkat ito ay isa
sa mga katibayan ng katotohanang
taglay ng binubuong pananaliksik o aklat. Ipinakita nito na ang nilalaman ng pananaliksik o aklat
ay hindi lamang mga pansariling
opinyon o gawa-gawa ng mananaliksik kundi mayroon talagang iba't-ibang basehang
nagpapatunay ng katumpakan o katiyakan ng mga
impormasyong nilalaman nito.

Sa pagsulat ng talasanggunian mahalagang makuha ang may-akda, pamagat ng aklat o artikulo,


lugar ng publikasyon,tagapaglathala, at
taon kung kailan ito nilathala.

Sa pagsulat ng isang talasanggunian ay isaalang-alang ang sumusunod:

1. Nakaayos ang mga ito nang paalpabeto.

2. Matatagpuan ito sa hulihang bahagi ng aklat o gawaing pananliksik.

3. Sa pagsulat, kinakailangang nakapasok ang ikalawa o sumusunod na linya ng


sanggunian.

4. Sa pagsulat ng pangalan ng may-akda, unang isulat ang apelyido sa langyan ng tuldok sa


dulo.

5. Isaalang-alang ang paggamit ng tamang bantas sa bawat bahagi. Ginagamit


ang tuldok para sa
pangalan at pamagat. Tutuldok pagkatapos ng lugar na pinaglathalaan. Kuwit pagkatapos
ng
tagapaglathala at tuldok pagkatapos ng taon.
Halimbawa:

 Kung isa lamang ang may-akda


Dayag, Alma M. PLUMA 4 Wika aaat Pagbasa Para sa Batang Pilipino.
Quezon City: Phoenix Publishing House, 2002.

 Kung dalawa ang may-akda Lontoc, Nestro S. at Ailene G. Baisa. Pluma II Wika at
Panitikan
Para sa Mataas na Paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing House, 2004.
(Paalala: Pansinin na sa pagsulat ng ikalawang pangalan ay isinusulat nang
buo at nauuna na ang unang pangalan kaysa sa apelyido.)

 Kung higit sa dalawa ang may-akda


Dayag, Alma M. et al. PLUma III Wika at Panitikan Para sa
Mataas na Paaralan. Quezon Cit y: Phoenix Publishing House, 2004.

You might also like