You are on page 1of 5

Pangangalap ng Datos - Filipino

1. PANGANGALAP NG MGA DATOS, IMPORMASYON AT SANGGUNIAN

2. Mga Hanguan ng Impormasyon o Datos Hanguan primarya (ayon kay Mosura, et al. 1999) a. Mga
indibidwal o awtoridad, b. Mga grupo o organisasyon, c. Mga kinagawiang kaugalian, d. Mga
pampublikong kasulatan o dokumento,

3. Hanguang Sekondarya a. Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook,


almanac at atlas, b. Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter, c. Mga tisis,
disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man, ang mga ito o hindi at, d. Mga monograp, manwal,
polyeto, manuskrito at iba pa.

4. Hanguang Elektroniko Sa internet ay maaari ka ring magpadala ng liham- electroniko o e-mail sa alin
mang panig ng mundo. Samakatwid, mas mainam ito kumpara sa pagpapadala ng impormasyon sa
pamamagitan ng koreo na aabutin ng ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-aklatan sa malalayong lugar
o kaya’y pangangalap ng mga datos gamit ang telepono.

5. Gaano kahalaga ang impormasyong manggagaling sa internet? Anu-ano ang sukatan ng kahalagahan
nito? a. Anong uri ng Wesite ang iyong tinitingnan? 1. Ang web page Uniform Resource Locators (URLs)
na nagtatapos sa .edu ay mula sa institusyun ng edukasyon o akademiko Halimbawa: www.dls-csb.edu
2.Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon at ang .com ay mula sa komersyo o bisnes.
Halimbawa: www.knightof columbus.org www.yahoo.com

6. 3. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan. Halimbawa:


www.makaticity.gov www.tourism.gov b. Sino ang may-akda? Mahalagang malaman kung sino ang may-
akda ng isang impormasyon sa internet nang sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at
kumlpeto. Kadalasan kasi ay walang kalakip ng impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga
kredensyal at kwalipikasyon.

7. c. Ano ang layunin? Alamin ang layunin ng may-akda kung bakit nagliunsad o naglabas ng website.
Nais bang magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto? d. Paano inilahad ang
impormasyon? Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung my bias at
prejudice ang teksto. e. Makatotohanan ba ang teksto? Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto.
Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung
ang website ay maaaring ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa iba
nang matimbang kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.

8. f. Ang impormasyon ba ay napapanahon? Marapat na nakalagay ang petsa ng pinakahuling rebisyon


ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi. Pangangalap nga mga Impormasyon
o Datos Una, tukuyin kung anong uri ng impormasyon o datos ang kailangan gayundin ang
klasipikasyon kung saan maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan. Halimbawa ng isang talaan sa
pangangalap ng datos: Tanong: Ano ang obsesyon?
9. a. Impormasyong hahanapin 1. pagkakaiba o pagkakatulad sa hilig, gusto at adiksyon 2. kailan
masasabi na may obsesyon b. Mga posibleng sanggunian 1. ensayklopedia, aklat sa medisina at
sikolohiya 2. mga artikulo at kolum sa pahayagan at magasin 3. mga artikulo sa mga propesyunal na
journal 4. panayam sa mga eksperto

10. May tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silid- aklatan. Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard
katalog, sangguniang aklat, bibliograpi, indeks at hanguang elektroniko o internet. Yugto 2: Pagsusuri na
kinasasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng citation
mula sa mga babasahin. Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay, artikulo, computer
prinouts at iba pang sanggunian.

11. Uri ng Kard katalog a. Kard ng Paksa – ang dapat hanapin kung ang malinaw pa lamang sa
mananaliksik ay ang kanyang paksang tatalakayin. Halimba: PHILIPPINE POETRY (FILIPINO) F PL
6165.4.R9 Rubin, Ligaya tiamson P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan 2000 Ligaya
tiamson-Rubin.- Manila: De La Salle UniversityPress, Inc. c2000 179 p. 23 cm ISBN 971-555-335-4 1.
Philippine poetry (Filipino). I. Title

12. b. Kard ng awtor – ang kailangang tingnan kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na
awtoridad sa kanyang paksa. Halimbawa: RUBIN, LT. F PL 6165.4.R9 Rubin, Ligaya Tiamson P11 Paano
Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan 2000 Ligaya, Tiamson-Rubin. - Manila: De La Salle
University Press, INC. c2000 179 p.23cm ISBN 971-555-355-4 1. Philippine poetry (Filipino). I. Title

13. c. Kard ng Pamagat – ang pinakalapitin ng mga mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na
gusto nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng kanilang paksa sa mga librong pamilyar
na sa iba. Halimbawa: Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay F PL 6165.4.R.9 Rubin, Ligaya
Tiamson P11 Paano Tumutula ang Isang Ina: Tula ng Buhay at Bayan 2000 Ligaya Tiamson-Rubin. –
Manila: De La Salle University Press, INC. c2000 179 p. 23cm ISBN 971-555-335-4 1. Philippine poetry
(Filipino). I. Title

14. Sa ikalawang yugto, pagsusuri ng mga nakuhang impormasyon o datos ang dapat isagawa. Gamitn
ang mga nakasanayang browsing, skimming at scanning sa mga aklat at artikulong posibleng magamit sa
pagsulat ng pananaliksik. Ang mga sumusunod ay gabay na tanong sa pagsusuri ng nakalap na
sanggunian: a. Ano ang kaugnayan nito sa paksa? Tiyaking ang mga impormasyon sa sanggunian ay
tumatalakay sa paksa ng pananaliksik. Maggamit mo ba ang aklat sa sayaw na pamana ng mgfa dayuhan
halimbawa sa paksang katutubong sayaw?

15. b. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala? Gaano kahalaga ang impormasyong


makukuha ukol sa pag-awit mula sa akdang isinulat ng isang mananayaw? c. Makatotohanan ba ito? Ang
pagiging makatotohanan ay hindi lamang nasusukat sa may-akda. Ang ikatlong yugto ay ang
pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos mula sa mga napiling sangguniang.

16. Interbyu: Kahulugan, Layunin at Kahalagahan Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskukrso ng
dalawang tao o ng isang pangkat at isang indibidwal – ang una’y interbyuwer at ang ikalawa’y
interbyuwi. Ang interbyu ay maaring itinatakda – ang petsa, araw, oras at lugar – at maaring namang
hindi depende sa abeylabiliti ng dalawang panig. Itinatakda man o hindi, masusi ang ginagawang
paghahanda bago ganapin ang interbyu. Ang layunin ng interbyu ay makakuha ng mga
mapanghahawakang mahahalagang impormasyon mula sa interbyuwi hinggil sa isang tiyak na paksa.
Mangyari pa, upang maging matibay ang impormasyon,

17. kailangang maging maingat sa pagpili ng interbyuwi.Samakatwid, mas awtoridad, mas dalubhasa,
mas mabuti. Sa pananaliksik, ang interbyu ay isang napakamakabuluhang paraan ng pagkuha ng mga
impormasyon na magagamit sa pagsulat ng papel- pampananaliksik. Isa rin itong mabisang paraan ng
pagbe-verify ng mga datos o impormasyong nakalap sa mga nakasulat na hanguan at isang pagkakataon
upang maapdeyt ang mga impormasyon o datos tungkol sa mga makabagong debelopment hinggil sa
isang larangan o tiyak na paksa na maaaring hindi pa nalathala. Bukod sa nabanggit na, ang mga nakalap
na impormasyon o datos sa interbyu ay maaari ring magsilbing suporta sa mga impormasyong first-hand
mula sa iba’t ibang hanguan o sorses.

18. Pagpili ng Interbyuwi Ang sa mga pangunahing konsiderasyon sa pagpili ng taong iinterbyuwin ay ang
awtoriti ng interbyuwi hinggil sa paksa ng pananaliksik. Ang mga ispesipik na katangiang dapat taglayin
ng isang taong iinterbyuwin, kung gayon, ang sumunod. a. May malawak na kaalaman. May sapat ba
siyang kaalaman sa paksa ng pananaliksik? May awtoriti ba siya upang magbigay nng mga hinihinging
datos o impormasyon. b. Relayabol. Maaaring maibigay ng interbyuwi ang mga impormasyong kailangan
ngunit kalimitan, hindi lahat ng impormasyon ay angkop sa ginagawang pananaliksik.

19. May mga dahilan kung bakit may mga pagkakataong hindi maaaring panghawakan ang mga datos o
impormasyong naibigay ng interbyuwi. Samakatwid, kailangang isaalang-alang ang mga sumusunod na
tanong: 1. Siya ba ay makatotohanan? Maaari bang paniwalaan ang kanyang mga pahayag? 2.
Makatwiran ba ang kanyang pananaw? Kalimitan, may mga sariling pananaw ang interbyuwi na nagiging
dahilan upang maging biased ang kanyang mga ipinahahayag. Kailangang maging maingat at palamasid,
kung gayon. c. Abeylabol. Gaano man katalino ang interbyuwi, hindi iyon magkakaroon ng silbi kapag
hindi tumutugma ang kanyang iskedyul sa mga interbyuwer.

20. Kadalasan, ang mga interbyuwing bantog, awtoridad at dalubhasa ay mga taong mahirap kunan ng
pahayag dahil na rin sa pagiging abala. Minsan ang kalikasan ng pananaliksik ay mangangailangan ng
interbyu hindi lamang sa isang tao. Sa ganitong pagkakataon, kailangang maglaan ng sapat na panahon
upang ang lahat ng dapat interbyuhin ay makunan ng datos o impormasyong kinakailangan.

21. Mga Hakbangin sa Pormal na Interbyu Sina Arrogante, et al. (1983) ay nagbigfay ng ilang tagubilin na
dapat tandaan bago mag-interbyu, sa takdang oras, sa oras ng pag-uusap at pagkatapos ng pag-uusap. a.
Bago Mag-interbyu 1. Tiyakin muna ang layunin ng interbyu. 2. Pumili ng interbyuwing nagtataglay ng
mga katangiang natalakay. 3. Itakda ang interbyu. Alamin ang abeylabiliti at preperd na lugar at oras ng
interbyuwi. ng sulat. (Pansinin ang halimbawang sulat na nasa Apendiks).

22. b. Sa Takdang Oras 1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras sa napagkasunduang lugar. 2.
Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay. 3. Maging masigla at magtiwala sa sarili. c. Sa Oras ng
Pag-uusap 1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong na sinasagot lamang
ng oo at hindi. 2. Magpakita ng kawilihan sa interbyu. 3. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng
inetrbyuwi. 4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas din sa
paglihis sa paksa ng interbyu.

23. 5. Makinig nang mabuti. 6. Itala ang mga kinakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-
pansin g paraan. 7. Huwag makipagtalo sa interbyuwi. 8. Maging magalang sa kabuuan ng interbyu. d.
Pagkatapos ng Pag-uusap 1. Huwag pabigla-bigla sa pagtapos ng interbyu. 2. Iayos kapagdaka ang mga
datos o impormasyong naitala. 3. Kung nakateyp ang interbyu, itranskrayb agad iyon. (Pansinin ang
transkip ng isang interbyu na nasa Apendiks).

24. 4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kawastuhan ng tuwirang sinabi ing interbyuwi, makipagkita o
makipag-ugnayan agad sa kanya nang sa gayo’y maliwanagan at nang maiwasang mamis-quote ang
interbyuwi. 5. Hangga’t maaari, bigyan ang interbyuwi ng kopya ng transkip ng interbyu o ng awtput ng
interbyu.

25. Ang Sarbey-Kwestyoneyr Ayon kay Good (1963), ang kwestyoneyr o talatanungan ay listahan ng mga
planado at pasulat na tanong kaugnay ng isang tiyak na paksa, naglalaman ng mga espasyong
pagsasagutan ng mga respondente at inihanda para sagutan ng maraming respondente. Ang
kwestyoneyr ay isang set ng mga tanong na kapag nasagutan nang maayos ng kailangang bilang ng
piniling respondente ay magbibigay ng mga impormasyong kailangan upang makumpleto ang isang
pananaliksik.(Calderon at Gonzales, 1993). Ang kwestyoneyr ang pinakamabisa at pinakamadaling
instrumento ng sarbey.

26. Mga Adbentahe at Disadbentahe ng Kwestyoneyr Mga Adbentahe: a. Ang kwestyoneyr ay madaling
gawin. b. Ang distribusyon nito ay madali at hindi magastos. c. Ang mga sagot ng mga respondente ay
madaling itabyuleyt. d. Ang mga sagot ng respondente ay malaya. e. Maaaring magbigay ng mga
kumpidensyal na impormasyon ang mga respondente. f. Maaaring sagutan ng mga respondente ang
kwestyoneyr sa oras na gusto nila. g. Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondente.

27. Mga Disadbentahe: a. Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat o mga
ilitereyt. b. Maaaring makalimutang sagutan o sadyang hindi sagutan ng ilang respondente ang
kwestyoneyr. Mangangailangan pa ito ng pagpapaalala o follow-up ng mananaliksik. c. Maaaring
magbigay ng mga maling impormasyon ang respondente, sinasadya man o hindi. d. Maaaring hindi
sagutan o masagutan ng respondente ang ilang aytem sa kwestyoneyr. e. Maaaring hindi maintindihan
ng respondente ang ilang katanungan sa kwestyoneyr. f. Maaaring maging napakalimitado ng
pagpipiliang- sagot ng mga respondente at ang kanyang tunay na sagot ay wala sa pagpipilian.

28. Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr a. Simulan ito sa isang talatang magpapakilala sa
mananaliksik, layunin ng pagsasarbey, kahalagahan nang matapat at akyureyt na sagot ng mga
respondente, takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik ang nasagutang kwestyoneyr,
garantiya ng anonimiti, pagsasalamat at iba pang makatutulong sa paghikayat sa respondente ng
kooperasyon. b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon. c. Tiyaking tama ang gramar ng lahat
ng pahayag sa kwestyoneyr. d. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan. e. Itala ang lahat ng
posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
29. f. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik. g. Iayos ang mga tanong sa lohikal
na pagkakasunod- sunod. h. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kumpidensyal na sagot
o mga nakahihiyang impormasyon. i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong. j.
Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang. Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa
ng mga pagpipilian. k. Panatilihing anonimus ang mga respondente.

You might also like