You are on page 1of 35

KABANATA 2

Pagpoproseso ng
Impormasyon para sa
Komunikasyon

openglobalrights.org
Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon

 Ang mga hanguan o batis ng


impormasyon ay makakategorya sa
tatlo:
 Primarya
 Sekondarya
 Hanguang elektroniko
Ang mga hanguang primarya (primary
sources)

 Ang mga hanguang primarya ay mga datos na


pawang orihinal na gawa ng isang mananaliksik na
maaaring gamitin para maging pokus o
pansuportang kaalaman sa isinusulat na papel.
 Ito rin ay nagbibigay ng direktang katibayan
tungkol sa paksa na iyong sinasaliksik. Ang mga
impormasyong makukuha sa primaryang
u
sanggunian ay galing sa mismong taong nakasaksi
learninglab.si.ed
ng pangyayari.
Ang mga hanguang primarya (primary
sources)

Mga Halimbawa:
• Mga pampublikong kasulatan o dokumento
tulad ng konstitusyon, batas-kautusan,
treaty o kontrata.
• Ang lahat ng orihinal na tala, katitikan sa
korte, sulat, journal at taalarawan o dayari.
learninglab.si.ed
u
• Rekord ng talumpati at mga larawan.
Ang mga hanguang sekondarya
(secondary sources)

 Ang hanguang sekondarya ay anumang


bagay na naglalarawan, nagsasalin o
nagsusuri ng impormasyon mula sa
primaryang sanggunian.
 Ito ay mga impormasyong galing sa iba o
nalaman lang dahil sa taong nakasaksi ng
pangyayari.
 
Ang mga hanguang sekondarya
(secondary sources)

Mga Halimbawa:
 Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopidya,
taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas;
 Mga nalathalang artikulo sa journal, magasin,
pahayagan, at newsletter;
 Mga tisis, disertasyon at pag-aaral ng fisibiliti,
nailathala man ang mga ito o hindi; at
 Mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba
pa.
Hanguang Elektroniko o Internet

 Maituturing ang internet ngayon bilang


isa sa pinakamalawak at pinakamabilis
na hanguan ng mga impormasyon o
datos. Sa isang pindot lamang ng daliri
ay may mayamang impormasyon ka
nang makukuha.
 Sa internet ay maaari ka ring magpadala
ng liham-elektroniko o e-mail sa alin
mang panig ng mundo.
morethanshipping.com
Hanguang Elektroniko o Internet

 Samakatwid, mas mainam ito kumpara


sa pagpapadala ng impormasyon sa
pamamagitan ng koreo na aabutin ng
ilang araw at sa pagpunta sa mga silid-
aklatan sa malalayong lugar.
 Kung ang internet ay maaaring
pagkunan ng impormasyon o datos,
nangangahulugan lamang na malaking
tulong ito sa pananaliksik.
morethanshipping.com
Narito ang ilang katanungan hinggil sa
paggamit ng hanguang elektroniko
a. Anong uri ng website ang iyong tinitingnan?

1. Ang .edu ay mula sa institusyon ng edukasyon o akademiko.


Halimbawa: http://www.university_of makati.edu

2. Ang .org ay nangangahulugang mula sa isang organisasyon.


Halimbawa: www.knightsofcolumbus.org

3. Ang .com ay mula sa komersyo o bisnes.


Halimbawa: www.yahoo.com

4. Ang .gov ay nangangahulugang mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan.


Halimbawa: www.makaticity.gov
Narito ang ilang katanungan hinggil sa
paggamit ng hanguang elektroniko

b. Sino ang may akda?


Mahalagang malaman kung sino ang may-akda ng isang impormasyon sa internet nang
sa gayo’y masuri kung ang impormasyon ay wasto at kumpleto. Kadalasan kasi ay kalakip ng
impormasyong isinulat ng may-akda ang kanilang mga kredensyal at kwalipikasyon. Kung
gayon, maaaring i-verify ang mga impormasyon hinggil sa kanilang pagkatao. Kung wala ito,
mahirap paniwalaan ang kanilang akda.
c. Ano ang layunin?
Alamin ang layunin ng may akda kung bakit naglunsad o naglabas ng website. Nais bang
magbahagi ng impormasyon o magbenta lamang ng produkto? Alalahaning napakaluwag ng
pagpasok ng mga impormasyon sa internet. Samakatuwid, maaari rin itong magamit sa
pagpapakalat ng maling propaganda at mga pansariling interes.
Narito ang ilang katanungan hinggil sa
paggamit ng hanguang elektroniko

d. Paano inilahad ang impormasyon?


Ang teksto ba ay pang-advertising o opinyon lamang? Alamin din kung may bias at
prejudice ang teksto.
e. Makatotohanan ba ang teksto?
Alamin kung opisyal o dokyumented ang teksto. Pag-aralan kung ang pagkakasulat ay
maayos o kung wasto ang baybay at gramatika. Subukan din kung ang website ay maaaring
ihalintulad o iugnay sa ibang website nang sa gayo’y maikumpara ito sa iba nang matimbang
kung ang tekstong laman nito ay wasto o hindi.
f. Ang impormasyon ba ay napapanahon?
Mainam kung ang impormasyon ay napapanahon. Marapat na nakalagay ang petsa ng
pinakahuling rebisyon ng akda nang sa gayon ay malaman kung ang akda ay bago o hindi.
PAGBABASA AT
PANANALIKSIK NG
IMPORMASYON

Pexels.com
PAGBABASA AT PANANALIKSIK NG IMPORMASYON

• Ang pagbasa ay isang proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa


mga salita (Anderson, 1998).
• Ayon naman kay Huffman (1998) ang pagbasa ay parang
pagtatanong na nakalimbag mula sa teksto at pagbabasa na may
pang-unawa na nagiging dahilan upang ang mga tanong ay
masagot.
• Samantala ang pananaliksik naman ay isang proseso sa pagkuha
ng mga impormasyon upang sa ganoon ay mas lalong
maintindihan ang bawat bagay.
Mga Layunin sa Pagbasa:

1) Nagbabasa upang maaliw.

2) Tumuklas ng mga bagong


kaalaman at maimbak ito.

3) Mabatid ang iba pang mga karanasan na


kapupulutan ng aral.

4) Mapaglakbay ang diwa sa mga lugar na


pinapangarap na marating.

5) Mapag-aralan ang mga kultura ng ibang lahi at


mabatid ang pagkakatulad at pagkakaiba sa
kulturang kinagisnan.
rappler.com
Apat na hakbang sa pagbasa na dapat tandaan ayon kay William S. Gray
na siyang kilala bilang ama ng pagbasa:

1. Persepsyon – ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag


na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.
2. Komprehensyon – ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na
simbolo o salita.
3. Reaksyon – ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng
kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at pagdama sa teksto.
4. Integrasyon – ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay o
paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong
karanasan sa tunay na buhay.
 
Ano ang teorya sa pagbasa?

Ang teorya sa pagbasa ay pananaw ukol sa pagbasa.


Ito ay nagtatangkang ipaliwanag ang mga proseso at
salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga
gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-
unawa sa mga ito (Singer at Ruddell, 1985).
Sa kasalukuyan, apat (4) ang popular na modelo,
teorya o pananaw tungkol sa pagbasa.
A. Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)

• Mga proponent ng teorya: Kenneth S. Goodman (1985) at Frank


Smith (1994).
• Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula
sa isipan ng mambabasang mayroon nang dating kaalaman at
karanasan. Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay
nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig
sabihin, ang pag-unawa ay batay sa kabuuang kahulugan ng
teksto. Ang impormasyon ay nagmumula sa dating kaalaman ng
mambabasa patungo sa teksto (Smith, 1994).
A. Teoryang Itaas – Pababa (Top-Down)

• Ayon kay Goodman (1967), ang pagbasa ay isang


saykolingguwistikong larong pahulaan (psycholinguistic
guessing game). Sa larong ito, ang mambabasa ay
nagsisilbing “taya” kung saan siya ay bumubuo ng sariling
hula, hinuha at haypotesis kaugnay ng tekstong binasa.
• Ang teoryang ito ay tinatawag ding inside-out model,
concept-driven model, at whole to part model (Goodman,
1985 at Smith 1994).
B. Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom-Up)

• Mga proponent ng teorya: Rudolf Flesch (1955), Philip B. Gough


(1985), at David La Berge at S. Jay Samuels (1985)
• Ito ay salungat sa teoryang top-down. Ito ay pananaw sa pagbasa
na naniniwalang ang pag-unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita
rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba pang
simbolo.
• Tinatawag itong teoryang ibaba-pataas o bottom-up na
nangangahulugang ang pag-unawa ng isang bagay ay nag-uumpisa
sa ibaba (bottom), ito ang teksto (reading text) at napupunta sa
itaas (up), sa utak ng mambabasa matapos maproseso sa tulong
ng mata at utak o isipan.
B. Teoryang Ibaba – Pataas (Bottom-Up)

• Ang kaisipang ito ay batay sa teoryang behaviorist at


sa paniniwalang ang utak ay isang blangkong papel o
tabula rasa.
• Ayon kay Smith (1994), ang impormasyon ay hindi
nagmumula sa mambabasa kundi sa teksto.
• Ang teoryang ito ay tinatawag ding data-driven
model o part to whole model. Ibig sabihin, higit na
umaasa ang mambabasa sa mga impormasyong nasa
teksto.
C. Teoryang Interaktibo

• Mga proponent ng teorya: David E. Rumelhart (1985); Rebecca


Barr, Marilyn Sadow, Camille Blachowicz (1990); at Robert Ruddell,
Robert Speaker (1985)
• Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat
ang proseso ng komprehensyon ay may dalawang direksyon
(McCormick, 1998). Sa paggamit ng dalawang paraan (bottom-up
at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at
ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala
ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
D. Teoryang Iskema (Schema)

• Mga proponent ng teorya: Richard Anderson at David Pearson (1984)


• Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o
memorya. Ito ay nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y
nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa kung ano ang alam na o
hindi alam ng mambabasa.
• Iskemata (schemata), ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak
ng tao (Anderson at Pearson, 1984). Ang dating kaalaman (iskema) ang
unang kailangan sa pag-unawa sa binasa upang maunawaan ang binasang
teksto. Ang iskema ay nadaragdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.
PANANALIKSIK

• Ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng mga


totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman.
Isinasagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano
ang nalalaman o napag-alaman na.
• Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan
ng pagpapatunay ng mga panukala (teorya) o mga
pamamaraan (sistema), at sa pagsubok sa mas mainam na
pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.
PANANALIKSIK

Ang isang pananaliksik ay mag iba’t-ibang katangain, ito ay ang


pagiging:
• Sistematiko
• Empirical
• Mapanuri
• Obhetibo, lohikal at walang pagkiling
• Akyureyt na imbestigasyon
• Matiyaga at hindi minamadali
• Nangangailan ng tapang
• Maingat na pagtatala at pag-uulat
Tatlong Yugto ng Pananaliksik sa Silid-Aklatan

Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog,


sangguniang aklat, bibliograpiya, indeks at hanguang
elektroniko o internet.
Yugto 2: Pagsusuri na kinasasangkutan ng browsing,
skimming at scanning ng mga aklat at artikulo at ng pagpili ng
citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay,
artikulo, computer printouts, at iba pang sanggunian.
UNANG YUGTO

• Ang unang yugto ay ang panimulang paghahanap. Maliban sa mga aklat na


nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting sumangguni rin sa mga magasin,
dyaryo, at iba pang babasahin.
• Kaugnay ng paghahanap ng mga kard katalog, kailangang batid ng isang
mananaliksik kung anong uri ng kard katalog ang kanyang kailangan at
hahanapin. Dahil nga sa kalawakan ng koleksyon ng mga libro, sadyang
inihanda ang isang tanging lugar sa aklatan na dapat na unang lapitan ng
mga mananaliksik. Sa ngayon, ang kard katalog ay hindi na lamang mga
kabinet na nakaayos ng alpabetikal kundi nakaprograma na rin ito sa mga
kompyuter (kung ang aklatan ay moderno na).
UNANG YUGTO

1. Kard ng Paksa (Subject Card) - ang dapat hanapin kung ang


malinaw pa lamang sa mananaliksik ay ang kanyang
paksang tatalakayin.
2. Kard ng Awtor (Author Card) - ang kailangang tingnan
kung ang mananaliksik ay may naiisip na agad na awtor na
awtoridad sa kanyang paksa.
3. Kard ng Pamagat (Title Card) - ang pinakalapitin ng mga
mananaliksik na hindi pa tukoy ang paksa o awtor na gusto
nilang saliksikin, kung kaya parang naghahanap pa sila ng
kanilang paksa sa mga librong pamilyar sa kanila.
IKALAWANG YUGTO

• Ang ikalawang yugto ay ang pagsusuri ng mga nakuhang


impormasyon o datos. Kinakailangan na gamitin ang mga
kasanayang browsing, skimming, at scanning sa mga aklat at
artikulong posibleng magamit sa pagsulat ng pananaliksik.
• Sa bahaging ito, ang mga napiling impormasyon o datos ay
kailangang salain upang malaman kung magagamit ito, gayundin
ang dapat gawin sa mga sangguniang hindi makatutulong sa
pananaliksik.
Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa
pagsusuri ng mga nakalap na sanggunian.

1. Ano ang kaugnayan nito sa paksa?


Tiyaking ang mga impormasyon sa mga sanggunian ay
tumatalakay sa paksa ng pananaliksik.

2. Mapagkakatiwalaan ba ang may-akda at tagapaglathala?


Makabubuti kung ang sumulat ng mga sanggunian ay
mapagkakatiwalaan o mga awtoridad sa paksa. Tingnan kung may
sapat na kaalaman at karanasan ang mga akda sa kanyang paksang
sinusulat.
Gamitin ang mga sumusunod na gabay na tanong sa
pagsusuri ng mga nakalap na sanggunian.

3. Makatotohanan ba ito?
Ang pagiging makatotohanan ay hindi lamang
nasusukat sa may-akda. Ang totoo noon ay maaaring
kasinungalingan na ngayon. Hangga’t maaari ay
iwasan ang mga sangguniang limang taong mahigit
na sa tagal, maliban kung ang sanggunian ay isang
hanguang primarya.
IKATLONG YUGTO

• Ang ikatlong yugto ay ang pagbabasa at


pagtatala ng mga impormasyon o datos mula
sa mga napiling sanggunian. Mahalaga rito sa
ikatlong yugto ang pagsasagawa at
paghahanda ng mga tala ng impormasyon o
datos.
GAWAIN 1
Panuto: Basahin ang artikulong “Ang Pagsasa-Filipino ng mga Panoorin sa Daigdig ng Telebisyon,
Pagda-dub ng Anime, at Paglaganap ng Wikang Filipino sa Bawat Sulok ng Mundo: Mga Patunay na
‘Moog’ ng Pagka-Pilipino” gamit ang link na: https://ejournals.ph/article.php?id=8030. Pagkatapos ay
sagutin ang mga tanong ayon sa pagkakasunod-sunod sa ibaba.

Anong uri ng website ang iyong binasa?


 

Sino ang may-akda?

Ano ang layunin?

Paano inilahad ang impormasyon?


 

Makatotohanan ba ang teksto?


 

Ang impormasyon ba ay napapanahon?


 
GAWAIN 2

Panuto: Saliksikin at basahin ang pag-aaral na “Pamimilosopiya, Wika, at mga Baluktot na


Katuwiran: Tungo sa Pagpapayaman ng Wikang Pilosopikal sa Pilipinas” gamit ang link sa ibaba.
Pagkatapos ay ipaliwanag ang mga nilalaman ng tatlong Kalipunan ng mga Baluktot na Katwiran
na tinalakay rito.

Link:
https://www.academia.edu/download/61404104/Pamimilosopiya_Wika_at_Mga_Baluktot na_K201
91202-66982-nmu7eo.pdf

1. Manipulasyon ng Wika
2. Sikolohikal na panlilinlang

3. Lohikal na Panlilinlang
GAWAIN 3
Panuto: Magsaliksik ng isang napapanahong isyu tungkol sa edukasyon
gamit ang hanguan tulad ng pahayagan o telebisyon. Pagkatapos ay
sumulat ng isang reaksyong papel hinggil rito.
 
  Pagpupuntos sa gawain:
  Pamantayan Puntos

Kawastuhan ng impormasyon 50

Kaayusan ng mga salitang ginamit 25

Maayos na pagkakasulat ng reaksyong papel 25

Kabuoan 100
MARAMING SALAMAT!

You might also like