You are on page 1of 3

Pagpili Ng Hanguan (Sources) Ng Impormasyon

Ang dating pinagkukunan ng batis o imporamsyon sa mga nakalipas na panahon ay ang


silid-aklatan. Isa sa mga pinakamahalagang kasaysayan ng ating pagkatao ang silid-aklatan dahil
dito natin binuo ang ating sarili sa pagtuklas nang mga impormasyon o datos na ating kailanga sa
ating pananaliksik at sa araw araw na pamumuhay. Sa paglipas nang ilang taon, nagbago na ang
pamamaraan kung paano kumuha nang impormasyon dahil sa makabagong teknolohiya tulad ng
kompyuter, cellphone at ang paggamit ng internet. Isa sa mga pinakamahalagang bahagi nang
pagkuha nag mga datos o pananalikisik ay pangangalap nang impormasyon. Ang salitang “batis”
ay pinahahalintulad sa hanguan ng impormasyon dahil tulad ng isang batis dumadaloy ang
impormasyon papunta sa malaking populasyon upang magkaroon ng mas malawak na datos at
maibahagi sa mga ibang tao.
Narito ang iba-ibang paraan sa paghango ng batis ng impormasyon:
 Pagtatala- ang pagtatala ay makabuluhang impormasyon. Nagtatala ang isang mananaliksik
tungkol sa mga kaniyang nabasa, narinig, at obserbasyon sa narinig.
 Paggamit ng internet- kaalaman tunkol sa tamang pagtingin o ebalwasyon ng mga
impormsyon na nakuha sa internet upang ang isang pananaliksik ay magkaroon
ng kredibilidad.
 Debrief- pagkakaroon ng dikusyon hingil sa mga impormasyon na nakalap ng mga
mag-aaral. Pinangungunahan ito ng isang may awtoridad halimbawa na lang ay
isang guro na magbibigay gabay sa mga mag-aaral kung mayroon pa bang dapat
ayusin o baguhin sa mga impormasyon para sa pananaliksik. Makakatulong ang
graphic organizer upang malaman kung ang mga impormasyon bang nakalap ay
magkaugnat o hinndi.
 Mga koneksiyon- dapat malaman ng mananaliksik ang koneksiyon nito sa buhay upang
makatulong sa pag-unawa ng impormasyon at aral na makukuha habang
nagsasaliksik sa partikular na paksa.

(PAGTATALA) (PAGGAMIT NG (DEBRIEF) (KONEKSIYON)


Mga impormasyon INTERNET) Linaw ng Meron dapat
ay tinatala na
Para mapalawak impormasyon koneksiyon sa
ginagamitan ng mga tao.
ang impormasyon
internet
IBAT IBANG HANGUAN O BATIS NG IMPORMASYON

Pinakamahirap na desisyon sa isang mananliksik ay apgpili ng mga materyales na


pinagkukunaan ng datos o impormasyon na kukumpleto sa pananaliksik o pagsulat pang-
akademiko man o anong uri ng sulating papel (tula, pagsulat ng balita, at iba pa). maaari kang
kumuha ng mga impormasyon na iyong kakailanganin sa mga libro, artikulo, dyaryo, at iba pa.
isa ang internet sa pinakamabilis na pinagkukuhaan ng impormasyon.
Ang batis ay nahahati sa dalawa ang primary o pangunahing batis ng impormasyon at
sekondaryang batis ng impormasyon (Mosura, et al; 1999).
 Primaryang batis ng impormasyon- una nating pinupuntahan na tao o andyan sa pangyayari.
Halimbawa indibidwal o awtoridad, grupo o organisasyon tulad ng pamilya, at
pampublikong kasulatan.
 Sekondaryang batis ng impormasyon- mga aklat tulad ng diksyunaryo at yearbook, journal,
magazine at iba pa.
 Hanguang elektroniko- pumapasok sito ang salitang internet. Gumagamit ng teknolohiya.
maaaring magpadala ng liham-elektroniko o email. Meron kawastuhan ang
paggamit ng datos sa internet, a.) gaano kahalaga ang impormasyon nangaling sa
internet? b.)ano-ano ang sukatan ng kahalagahan nito?
Mga payo hingil sa bagay na ito:
 Anong uri ng website ang tinitignan?
 Pag natatapos ang URL o UNIFORM RESOURCES LOCATORS sa .edu ay
mual ito sa institusyon. Halimabawa http://www.pup.edu.ph
 .org mula sa isang organisasyon at .com mula sa komersyo. Halimabawa
http://knightsofcolumbus.org at http://www.youtube.com
 .gov ay mula sa sa sangay ng pamhalaan. Halimbawa
http://www.iloilocity.gov
 Sino may-akda?
 Importanti na malaman kung sino ang may-akda. Upang masuri ang
kredibilidad at kredential ng may-akda upang mas lalao pang palakasin ang
pagogong balido ng impormasyon.
 Ano ang layunin?
 Layunin ng may-akda kung bakit naglungsod o naglabas ng website. Kung
magbabahagi ba ng impormasyon o magbenta ng product. Kaylanagn din
malaam ang layunin dahil pwede ito magamit sa maling pamamaraan o
propaganda.
 Paano inolahad ang impormasyon?
 Ang teksto ba ay makakatotohanan o batay lamang sa opinion ng tao.
 Makatotohanan ba ang teksto?
 Pag-aralan kung ang pagsulat ay tama o wasto ang baybay at balarila.
Ikumpara ang isang website sa isa pang website upang mabatid o malaman
kung bawat isa ay magkatugma sa bawat isa o magkaiba.
 Ang impormasyon ba ay napapanahon?
 Dapat alamin kung ang teksto ay napapanahon. Dapat nakalagay ang petsa na
pinakhuling rebisyon ng akda upang malaman kung ang akda ba ay bago o
hindi.

You might also like