You are on page 1of 39

KABANATA I

LAYUNIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL

Ang mga websites na madalas gamitin ng mga mag-aaral sa pagkalap ng impormasyon

SULIRANIN:

1. Anu-ano ang madalas na gamitin sa pagkalap ng impormasyon?


2. Anu-ano ang katangian ng mga websites na mdalas na ginagamit ng mga mag-aaral?
3. Paano nakakatulong ang mga websites na ito sa pagkalap ng impormasyon?

Kahalagahan ng Pag-aaral:

Mahalaga na malaman ang katangian ng websayt na kalimitang ginagamit ng mga mag-aaral sa paggawa

ng takdang-aralin, presentasyon, at proyekto. Ng dahil sa mga ito ay nakakakuha tayo ng malinaw na

impormasyon at ideya na maaaring magamit pa sa susunod pang henerasyon. Matatatak sa ating mga

isipan ang imbensyon sa panahon ng modernisasyon. Makakakuha tayo ng karagdagang kaalaman sa

paggamit ng iba’t-ibang websayt. Napakahalaga na ating malaman na mabigyan tayo ng malayang

kaalaman at kaisipan lalo pa at ito ay ginagamit sa boung mundo. Binibigyan tayo ng kasanayan na

matuto para sa ating kinabukasan at inilalahad ang mga datos (detalye) na ating kakailanganin. Dito ay

Malaya tayong napapaunlad ang ating mga nalalaman sa tulong at gamit ng internet at websayt.

Mag-aaral: Mahalaga na malaman ng mga mag-aaral ang mga websayts na kalimitang ginagamit sa

paggawa ng mga takdang-aralin, presentasyon, at maging sa kanilang proyekto. Sa paggamit ng websayt

ay nakakakuha ang mag-aaral ng mga impormasyon at datos na kanilang kakailanganin sa kanilang pag-

aaral na gagawin. Sa pagkalap ng mga kabataan ng malinaw na impormasyon ay maaaring ang mga ideya

na ito ay magamit sa susunod pang mga henerasyon. Sa pamamagitan nito ay matatatak sa bawat isipan

ng mga mag-aaral ang imbensyon sa panahon ng modernization. Ito ay isang kagamitan na may layuning

1
magkaaron ng kaalaman ang mag-aaral patungkol kagamitan at katangian ng websayt.

Guro: Ang pananaliksik na ito ay may kaugnayan sa mga guro. Sa kadahilanang gumagamit at

nangangalap rin ng impormasyon o datos ang mga guro pagdating sa kanilang pagtuturo. Kailangan na

tumpak at tugma ang kanilang pag-aaralupang maisakatuparan nila na maintindihan sila nang kanilang

mag-aaral. Sa pamamagitan nito ay binibigyang kaalaman at kasanayan ang bawat mag-aaral na matuto

para sa kanilang kinabukasan kung saan ang mga natutunan ng mga mag-aaral na detalye mula sa guro

ay maging paraan at importansya para sa kanila. Nalalaman na napapaunlad ang kaalaman sa

paggamitlamang ng websayt.

Bilang mga mag-aaral at kasama ng lipunan, nabibilang na ang mga ito sa ika-21 siglo. May iba’t-

ibang mga bagong naglalabasang mga imbensyon na maaaring pagkuhanan ng mga impormasyon na

maaaring gamitin sa pag-aaral ng mga mag-aaral o estudyante, guro at iba pang mananaliksik.

Natuklasan rito ang mga iba’t-ibang websayt na madalas pagkuhanan ng impormasyon ng mga kabataan

sa kanilang pang araw-araw na pagpasok sa paaralan gayundin sa mga guro, ito ay ginagamit sa boung

mundo. Nalaman ng mga mananaliksik ang madalas na gamitin ng mga mag-aaral ng PNHS-MAIN Senior

High School sa pagkalap ng mga impormasyon. Ang mga websayt na ito ay nakakatulong sa kanilang mga

gawain sa pag-aaral katulad na lamang sa paggawa ng takdang-aralin sa bawat asignatura, proyekto, at

iba pang gawain. Ayon sa mga nabasa at nakalap na impormasyon ng mga mananaliksi. Malaki ang

naitulong ng internet sa mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Nagkaroon ng mas malawak na kaalaman

tungkol sa mga aralin na tinalakay sa loob ng paaralan. Mas nabibigyan ng bagong impormasyon at pag-

unawa ang mga mag-aaral sa gamit ng mga websayt. Dito ay hindi na kailangan pang bumili o manghiram

ng libro para lamang makagawa ng mga takdang aralin at proyekto. Halos lahat ng kailangan sa pagaaral

ay makikita agad agad sa paggamit ng websayt sa internet.

2
3
Sa theoritical framework na ito ay ipinapakita ang theorya ng pagkalap ng impormasyon na maaaring

makatulong sa mag-aaral na makakuka ng impormasyon na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Internet

and direktang pinagkukunan ngayon ng mga mag-aaral upang makakuha ng mga karagdagang kaalaman

at impormasyon na makakatulong sa kanilang pag-aaral. Sa modernong panahon ngayon ay di-direktang

nakakaapekto ang pagkalap ng impormasyon ang Libro. Ang libro ay nakakapagpalawak ng ating

bokabularyo, nakakapagpalawak ng ating kaalaman, at realiable sapagkat ang mga nakasulat dito ay

dumaan muna sa iba't iba at masugid na pagsususuri bago maipublish. Ngunit sa moderno na nga ang

ating panahon ay marami ng iba't ibang pwedeng mapagkunan ng impormasyon at kaalaman sa

madaling paraan at ito ay ang Website na direktang nakakaapekto sa pagkalap ng impormasyon. Una ang

website ay mas mabilis o madali ang pagkuha o pagkalap ng impormasyon, sapagkat isang pindot lamang

nito ay lalabas na agad ang impormasyong nais malaman. Ikalawa maraming makukuha o mapagkukunan

tulad na lamang WEB PAGE uniform resources locators (URL's) na nagtatapks sa .edu ay mula sa

institusyon ng edukasyon o akademika, ito ang kadalasang Web page na pinagkukunan ng impormasyon

ng mga mag-aaral. Ikatlo ito ang mas karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral, sapagkat ang website ay

mas madaling nakakapagbigay sa mga mag-aaral ng impormasyon dahil kahit na hindi sila pumunta sa

malayo at gumamit lang ng komputer at sa osang pindot lang sa mouse ay may makikita at makukuha na

ang mga mag-aaral ng ompormasyon at kaalaman patungkol sa kanilang pinag-aaralan. Ang WEB PAGE

uniform resources locators (URL's) na nagtatapos sa .edu, .gov, at .org ay ang kadalasang ginagamit ng

mga mag-aaral upang makakalap ng impormasyon. Sapagkat sa mga Web page na ito ay nakakapagbigay

ng tama at sapat na impkrmasyon ayon sa nais mong malaman. At gamit ang mga ito ay mas mapapadali

ang pagkalap natin ng mga impormasyong nais malaman. Gamit ang libro at website ay pareho itong

4
direktang nakakapagbigay ng karagdagang impormasyon at kaalaman para sa mga mag-aaral pati narin

sa mga nais maghanap ng impormasyon. Dahil kahit na sa alin sa dalawang ito ay mabibigyan kasagutan

ang mga tanong ng mga mag-aaral at mga naghahanap ng kasagutan sa kanilang tanong. Ngunit sa

modernong panahon ay di-direktang nagagamit ang libro sapagkat marami na ang pwedeng magamit

ngayon sa pagkuha ng impormasyon o kaalaman. Dahil sa moderno na ang ating panahon ay direktang

ginagamit na ng halos lahat sa atin ang website na mas makakapagbigay sa atin ng impormasyon o

kaalaman sa madaling paraan na hindi na natin kailangan pang maghanap ng libro at pumunta pa sa

malayong lugar para lamang makakuha ng impormasyon at kaalaman.

5
6
Sa pagkalap namin ng impormasyon patungkol sa paksang aming pag-aaralan napagpasyahan namin

ngaming grupo na gamitin ang triangulation na patungkol sa Sources na aming pinagkunan ng

impormasyon upang mabigyan kasagutan ang aming mga katanungan patungkol sa qming paksang pag-

aaralan. Ang aming unang pinagtanungan ay ang mga mag-aaral na kung saan sila ang aming

pangunahing respondents para sa aming pag-aaral na gagawin. Ayon sa mga mag-aaral na aming

napagtanungan patungkol sa kung anong web page ang kanilang madalas na ginagamit bilang isang mag-

aaral ng grade 11 sa pagkalap ng impormasyon. Ayon sa mga ito ay mas madalas nilang gamitin ang WEB

PAGE na Youtube, scribd , at mga uniform resources locators (URL’s) na nagtatapos sa .edu, .gov, at .org.

Ilan lamang ang mga ito sa nakuhang impormasyon ng mga mananaliksik mula sa mga kalahok na

nasabi. Ayon sa mga mag-aaral na aming pinagtanungan sa tulong ng mga web page na ito ay mas madali

silang nakakapaghanap o nakakakuha ng impormasyon para sa kanilang mga takdang aralin para sa

kanilang mga asignatura. At sa pamamagitan ng web page na ito ay hindi na sila nahihirapang maghanap

ng pagkukuhanan ng impormasyon sapagkat sa isang pindot lang ay agad na nilang nakikita ang

impormasyong nais nilang malaman. Ang ikalawa at ang pinaka pinagkunan namin ng impormasykn para

sa aming pananaliksik ay ang journal o mga babasahin na may kaugnayan patungkol sa aming paksang

pag-aaralan. Ayon sa aming mga nabasang babasahin ang kadalasang ginagamit hindi lamang ng mga

mag-aaral ay ang WEB PAGE uniform resources locators (URL's) na nagtatapos sa .edu, .gov, at .org ang

pinaka mainam na gamitin upang makahanap o makakuha ng tama at sapat na impormasyon, sapagkat

ang mga web page na ito ay nakakapagbigay ng sapat na impormasyon na dapat mong malaman at

makuha. Sa mga web pages na ito ay hindi mo na kinakailangang maghanap ng librong may kaugnayan sa

iyong pag-aaralan, sapagkat gamit ang mga ito ay maaati ka nang makakuha ng impormasyon sa

madaling paraan. Ikatlo at huli naming pinagkunan ng impormasyo ay ang pagtatanung namin sa mga

Guro. Ayon sa mga guro ang website ay isang malaking tulong narin para sa kanila, sapagkat bukod sa

libro ay may iba na silang pwedeng mapagkunan ng impormasyon na maaari nilang magamit sa kanilang

7
pagtuturo. Dahil bago na nga ang henerasyon ngayon ay pinag-aaralan din muna ng mga guro kung

paano ito magagamit at makakakuha ng impormasyon. Sa pamamagitan ng pagkalap ng impormasyon sa

website ay may madali nilang napapahnawa sa mga mag-aaral ang mga nakapaloob sa mga aralin na

kanolang itinatalakay, sapagkat kaagad na nakakasunod ang mga mag-aaral nila at bumababaw ang mga

salitang malalalim sa website. Dahil sa website ay binabago ang tingin nilang mahihiral para sa mga

taong naghahanal ng impormasyon kaya mas binabawan nila ang mga salitang inilalagay nila dito upang

mas maunawaan ito lalo ng mga mananalik.

8
Sakop at Limitasyon

Ang mga mananaliksik ay isinagawa ang kanilang pananaliksik sa paaralan ng PNHS-MAIN Senior High

School patungkol sa mga katangian ng mga websayt na madalas gamitin sa pagkalap ng impormasyon o

datos.

9
KABANATA II

Kaugnay na Literatura

Ang websayt ay isang bunga ng makabagong teknolohiya na kung saan isa sa ginagamit

upang ang mga mag-aaral at ibang mananaliksik ay makapagkalap ng impormasyon. Gamit ang websayt

ay maraming makukuha ang mga mananaliksik ng mga impormasyong nais malaman at alamin.

Ayon kay Mayor kadam (2015) na ang world wide web ay libreng gamitin ng bawat isa. Kaya naman

maraming mga mananaliksik o ibang tao ang gumagamit ng websayt upang magkalap ng mga

impormasyon. Karamihan sa lahat ng tao ay tinatangkilik ang world wide web sa kadahilanang mabilis,

malawak at detalyado ang mga datos na nagmumula sa kompyuter. Ito ay sinangayunan na ang

kompyuter ay importanteng pinagkukunan ng pananaliksik (X.J Kennedy & Dana Gioia 2000). Ang

kompyuter ay isang likhang makabagong teknolohiya na pinaluluoban ng ibat ibang websayt na maaaring

makatulong sa pagkalap ng impormasyon. Dahil sa moderno na ang ating panahon at dahil sa

makabagong teknolohiya ay ito na ang karaniwang ginagamit upang mapadali at mapabilis ang

paghahanap ng impormasyon. Mula kay Pamela Deloatch (2015) karamihan sa mga bata ay gumagamit

ng website para sa kanilang paaralan. Para sa mga magulang maraming pwedeng pag pilian na iba pang

impormasyon. Sa oras man ng kanilang asignatura na kailangan ng pananaliksik. Kahit mapa

edukasyunal, balita at iba pang pwedeng kunin na impormasyon. Ito ay sinang-ayunan ni Egidija Juod

Seryete (2016) ayon sa kanya, marami din ang naging daluyan ng impormasyon hindi lamang para sa mga

estudyante kung di maging sa mga guro at magulang. Mapapadali na rin para sa mag-aaral na mas

pagbutihin pa ang pag-aaral dahil lahat ng impormasyon na hindi nakikita sa libro ay makikita na sa

websayt kung saan ang dapat nilang gawin ay basahin at unawain, upang Makita nila ang kanilang

hinahanap na mga datos na mahalaga. Ang pagkalap ng impormasyon sa websayt ay para sa lahat hindi

lamang samag-aaral o guro dahil kahit sino ay maaaring kumuha ng impormasyon sa websayt. Sa pag-

10
aaral ni Water’s (2013) maraming paraan para sa pagkuha ng impormasyon. Isa na dito ang internet sa

websayt na maaaring makapagbigay halimbawa ng sari-saring ideya. Sa makabagong teknolohiya, ang

signal sa mga mag-aaral kahit na anong pananaliksik kadalasan gamit ang google na ngogolekta ng mga

impormasyon (Meena shah,2011). Sa kaso ng edukasyon, ito ay madalas nakakatulong upang

makahanap ng mga websayt patungkol sa edukasyon bilang pangangalap ng impormasyon. Sa pahayag

na ito ay sumasang-ayon naman sina Edward and Richard c. Culyer (2012). Ang websayt ay isang

kagamitan sa pananaliksik upang makkakalap ng impormasyon. Dahil sa makabagong teknolohiya sa

ngayon ay halos lahat ng nanaliksik ay kumakalap ng mga impormasyon. Dahil sa pagmamadali ay

makakakalap kami ng mga detalye. Ayon nga kina X.J Kennedy and Dana (2000) , sa isang pagtype

lamang sa mouse ay kaagad ng makikita ang hindi mo nakita.

Ito ay nagpapatunay na ang websayt ay kinapapalooban ng maraming detalye o impormasyon na

pwedeng makuha at malaman kahit hindi na pumunta ng malayong lugar upang malaman at makita lang

ang isang bagay. Kaya naman maraming mag-aaral at mga guro pati na nang iba pang mananaliksik ang

tumatangkilik sa paggamit ng websayt. Sabi nga nina Vindollo & Buendia (2016) sa isa nilang sulatin na sa

panahon ngayon ang mga guro at mag-aaral ay gumagamit ng internet at malawakang websayt para sa

maraming dahilan. Ito ay kadalasang ginagamit ng mga mag-aaral upang nakakuha ng kasagutan sa mga

katanungan sa kanilang takdang aralin sa kanilang mga assignatura. Sa naging pag-aaral ni Shiela Allan

(2012) sa kanyang artikulo na nagsasabing ˝ may positibong epekto ang internet sa kakayahang makapag

komunikasyon at makakuha o makahanap ng mga impormasyon. Ito ay isang sandata ng mga mag-aaral

at gamit na pinapalawak ang kaalaman ng mga kabataan. Maraming mga tao ang bumabatikos sa

teknolohiya na nakakaapekto sa bawat mag-aaral. Iniisip ng iba na masama ang paggamit ng internet sa

kadahilanang mga lumalabas na hindi angkop sa mga kabataang gumagamit nito. Ngunit bilang mga

mag-aaral alam natin sa ating mga sarili ang kahalagahan ng internet sa ating

11
pag-aaral. Ito ay nagbibigay ng midyum na pagtanggap at pagkilala sa websayts, na nagbibigay at

naghahatid ng mga impormasyon, ito rin ay naging ganap ng kailangan ng mag-aaral. Ito ay naging ganap

ng internet at websayts sa bawat indibidwal upang sanayin at palawakin pa ang kanilang kaalaman sa

pagkalap ng mga datos o impormasyon. Ang bawat mag-aaral o indibidwal ay nabibigyan ng bagong

ideya at kasanayan sa paggamit ng iba't-ibang websayt. Ang epektibong websayt ay nakakatulong

manghikayat sa mga bagong mag-aaral at pamumuno sa mga pangangailangan ng isang estudyante,

Sandhya Rishikesh (2015). Ang mga institusyon ng matataas na antas ng edukasyon ay kailangan isa-

global ang daloy ng impormasyon ng matataas na antas ng edukasyon. Ang impormasyong ito ay dapat

dumaan sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa upang masiguro ang mga kalidad nito at matataas at

tapat sa pamamagitan nito ay maiingat ang kalidad ng isang websayt. Ang posibilidad na ang isang mag-

aaral ay mas matututo at magiging bihasa. Sa alin mang bahagi ng kanyang pag aaral na nais niyang pag-

aaralan at makakuha ng tamang impormasyon, hindi lang mag-aaral kasama na din ang mga magulang at

mga guro at iba pang aspeto ng tao na hindi nila makukuha ang mga makabagong impormasyon o

mapaluma sa mga nailimbag na mga libro. Ang mga websayt ay malaking tulong hindi lang sa mag-aaral

at iba't-ibang aspeto ng tao na nangangailangan ng mahahalagang datos na mahirap hanapin sa mga

mag-aaral o mambabasa. Ayon kay Mosuro, et al (1999), na ang mga websayt Uniform Resources

Locators (URLs) na nagtatapos sa .Edu, .Gov, at .Org na nagmula sa iba't-ibang institution na madalas

pagkunan ng impormasyon. Ang mga URLs na ito ay nakapagbibigay ng malaking tulong sa mga mag-

aaral, guro at iba pang mga mananaliksik upang makalap ng kasagutan sa kanilang mga pananaliksik. Sa

tulong ng mga web pages na ito ay maaaring matulungan ang mga mananaliksik upang makakuha ng

mga impormasyon para sa kanilang paghahanap ng kasagutan o pananaliksik. Makukuha ang mga

makabagong impormasyon o mapaluma sa mga nailimbag na mga libro. Ang mga websayt ay malaking

tulong hindi lang sa mag-aaral at iba't-ibang aspeto ng tao na nangangailangan ng mahahalagang datos

12
9

na mahirap hanapin sa mga mag-aaral o mambabasa. Mula sa pag-aaral ng More4kids (2007) na

inilalahad ang Discovery Education Streaming na kilala rin na ˝United Streaming" ay isang mahusay at

maaasahang educational website para sa mga homeschool family. Maraming magagandang gamit ito at

pinagkukuhanan nang naaayon sa panutong nagamit sa anumang homeschool lesson. Maraming mga

mananaliksik ang bumibisita sa websayt na ito, sa ibinahagi ng univesite de Fribourg(2006) na ang

http://moodle. Uni Fr.ch:/mod/resource/view.ph? Ay isang dokumento na pinepresenta kung paano mag

aacess ng course website na naghahanap ng libreng classes, maaaring mag log in sa kanilang system at

pumasok sa class page kung saan makikita ang kadalasang ginagamit ng mga guro sa kanilang pagtuturo.

Marami sa mga kabataan ang naghahanap ng mga tinalakay ng kanilang guro sa websayt na ito. Dito

nabibigyan ng pag-asa ang sinuman na makahanap ng inpormasyon at makapasok sa mga pages na

madalas kailangan ng bawat mag-aaral, nkapaloob ang detalye na may kaugnayan sa paaralan. Ibinahagi

rin ng univisioner (2016) na ang www.universitywritingcenter.com ay isang site kung saan sumusuporta

sa lahat ng mga estudyante, mga guro at iba't-ibang unibersidad sa buong mundo kasama ang mga

miyembro ng komunidad. Ayon kay Kao Collins(1989) ang Ink Tank na site ay isa sa mga nakahahalinang

wordpress site na pumipigil sa lahat ng mga humihinto para gumuwa ng mga gawain ng mga konektado

dito. Ito ay nagbibigay ng mga balhta mula sa industriya upang ipakita ang mga nkapaloob na malikhaing

paraan ng negosyo at ang mga pintor ng mga gumagamit ng ink jet sa kasalukuyan. Ito ay nakatutulong

ra lahat upang makapaghatid ng ng mga impormasyon sa sinuman. Ginagamit ito upang makapagsulat,

at ito rin ay maaaring ma download upang magamit ng iba . susulat ng halimbawa ng paksa ay

kinakailangan masuri o may nais iparating sana mga mambabasa . ito ay sinang-ayunan ng karamihan ay

sinang ayunan ni Brik start (2009). Ideya na mapalawak ang kanilang isipan at makakuha ng ibat-ibang

impormasyon. Malaking tulong rin ang websayt sa mga mag-aaral ng Sto.Nino patungkol sa sasaliksiking

paksa. Pamela Deloatch kung saan ang websayt ay mabisa at

13
10

maasahan. Ito ay isang paraan upang makakuha ng sapat na impormasyon mula sa mga kalahok. Ang

epektibong websayt ay nakakatulong manghikayat sa bagong mag-aaral at pamumuno sa mga.ang

impormasyong iyo isang estudyante Sandhya rishikesh (2015). Ang mga institution ng matataas na antas

ng edkasyon ay kailangan isa-global ang daloy ng impormasyon. Ang impormasyong matataas ay isang

antas ng Pilipino. Ang impormasyong ito ay dapat dumaan sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa

upang masiguro ang mga kalidad na may tapat at respeto sa websayt. Ang posibilidad na ang isang mag-

aaral ay matututo at maging bihasa. Sa alinmang bahagi ng kanyang pag-aaral na nais matuto maging

bihasa. Sa alinmang mag-aaral na matuto. Sa pagwawakas ng tungkol sa madalas naming pananaliksik ay

tungkol sa madalas na ginagamit na websayt. Ang pag-aaral na aming isinagawa ay ang paraan ng

paghahanap ng mga libro at artikulo na may kaugnayan sa paksa. Nakapaloob po rito ang kahulugan ng

websayt at kahalagahan nito. Makikita natin ang websayts na nakalagay dito ay ang layuning mag-aral.

Lumilipas na ang panahon at hindi natin napapansin ang pagbabago ng ating pangangailangan na

nagdulot upang makagawa ang mga tao ng modernong teknolohiya at makabagong mekanismo na ating

ginagamit ngayon at magagamit pa sa susunod. Alam natin na ang kompyuter ay isang uri ng mekanismo

ng dalawa. Dito naiimbak at nagtatagal ang mga datos o impormasyon kung kayat dito ang ibat-ibang

websayt na madalas gamitin ng mga mag-aaral at layunin ng mga ito kung paano nila pinakilala sa buong

mundo.

14
KABANATA III

METODOLOHIYA

I. PANIMULA

Sa panimula ng pag-aaral na ito , gumagamit ang mga mananaliksik ng ilang babasahin katulad na

lamang ng libro , artikulo sa websayt at thesis na mayroong kaugnayan sa pag-aaral na isinagawa

patungkol sa kung anu-ano ang mga madalas na websayt ang ginagamit upang makakalap ng

impormasyon. Ang babasahin na ito ay makakatulong sa mga mananaliksik upang maumpisahan ang

pananaliksik sa pag-aaral. Mas napapadali ang pag-aaral ng mga mananaliksik sa paggamit ng mga libro,

artikulo sa websayt at thesis sa pagkakaroon ng karagdagang kaalaman patungkol sa paksang pinag-

aaralan. Ang kabanatang ito ay nagbibigay impormasyon sa kwalitibong pananaliksik na ito. Ang

kwalitibong pananaliksik na ito ay napili upang malaman at madetermina ang mga kadalasang ginagamit

na websayts. Ang sampling teknik ay naglalarawan ng pagkakasunod-sunod at paano nakakatulong ang

mga websayt na madalas gamitin. Ang mga datos na nakolekta at naanalisa ay nakapalupang malamna

osob din kabanatang ito. Ang mga mananaliksik ay gagawa ng paaan upang magkaroon ng impormasyon.

II. PHASE 1 (PAGKALAP NG DATOS)

Ang pagkalap ng datos ay nagsimula sa paghahanap ng mga mananaliksik ng mga impormasyon sa

aklatan at pinagsama-sama mga mahahalagang bagay kagaya ng citation at iba pa. Gumawa rin ng

permiso sa aming ginawang survey para mas maging mabisa ang aming mga datos. Ang survey ay

ibinigay ng mga mananaliksik sa mga kalahok naming mga mag-aaral para mas malaman naming kung

ano ba talaga ang madalas nilang gamiting websayt para sa pagkuha ng impomasyon. Ang survey ay

ibinigay ng mga mananaliksik sa mga kalahok naming mga mag-aaralpara mas malaman naming kung

15
ano ba talaga ang madalas nilang gianagamit na websayt para sa pagkuha ng impormasyon. Ang survey

ay nagmula sa ibat-ibang mag-aaral ng Sto.Niño at PNHS MAING SENIOR HIGH SCHOOL.

Napagdesisyunan ng mga mananaliksik na ang bilang ng mga kalahok sa pananaliksik ay 38 lamang,

upang hindi masyadong marami at hindi rin mahirapan ang mga mananaliksik. Ang pakikipag-survey ng

mga mananaliksik ay pagkatapos ng klase upang hindi makaabala sa kahit sinong guro at mga mag-aaral.

Ang mga dokumento na sinagutan ng mga mag-aaral sa Sto.Niño at PNHS MAIN ay nakatulong upang

matukoy ng mga mananaliksik kung ano ba talaga ang pinaka ginagamit na websayt para sa pag-aaral.

III. PHASE II (PANANALIKSIK NG DATOS)

Gumamit ang mga mananalisk ng survey form at fgd para malaman kung ano ba talaga ang mga

katangian ng mga websayt na madalas gamitin sa pagkalap ng impormasyon. Bago simulan ang

pagpapasagot sa mga nakilahok ay kinausap muna ang mga kalahok kung papayag ba ito masagutan ang

survey form at fgd. Matapos sagutan ng mga kalahok mga datos na galling sa mananaliksik ay pinagsama-

sama ito ng mga mananaliksik upang makuha ang sagot ng bawat isa. Ang mga mananaliksik ay

nagkaroon ng gabay upang malaman ang mga dapat gawin at unahin sa pangunahing paglilikom ng datos

at iba pang impormasyon. Gumawa rin ng balangkas para sa listahan ng mga datos sa gagawing

pagsasanay. Sa pasalitang pagbasa ng naglalaman ng mga sumusunod. Ang katanungan ay ginawa ng

mga mananaliksik at ito ay pinakamahalagang kasangkapan na gianagamit sa pag-aaral sa tulong ng lahat

ng mga kalahok.

IV. PHASE III (PAGTUTUNGHAY NG MGA DATOS)

Pagkatapos naming ipavalidate ang nagawang tseklist at FGD. Napagpasyahan ng mga mananaliksik na

pasagutan sa mga napiling mga kalahok ang nagawang katanungan para sa kanila. Matapos nilang

16
masagutan ang mga ito ay binilang ng mga mananaliksik ang dami ng sumang-ayon at Di-sumang-ayon at

sa FGD na kung saan ay pinagsama-sama ang mga naging sagot ng mga napiling kalahok.

V. SAMPLING TEKNIK

Ang pananaliksik ay base sa purposive sampling teknik. Ang alternatibong paggamit ng

probability sampling ay hindi konsiderado dahil sa limitadong oras at pinagkukunan. Ang

proseso ay nagpapatuloy hanggang sa makuha ng mga kalahok sa pag-aaral. Sa

pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga kalahok ay makakabuo at mapapaangat ang

partisipasyon patungkol sa survey. Upang malaman ang epektibong survey ay base sa

kanilang mga nakuhang mga kalahok, ay kadalasang nagagamit sa loob ng pananaliksik .

KRAYTERYA

a) Babae o lalaki

b) 15 na taong gulang pataas

c) Gumagamit ng websayts sa pagkalap ng impormasyon gamit ang cellphone at kompyuter

d) 2 oras pataas na gumagamit ng cellphone at kompyuter sa paghahanap ng impormasyon

VI. INSTRUMENTASYON

Sa pamamagitan ng tseklist o lisatahan ng mga gagawin, ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng

gabay upang malaman ang mga dapat ng gawin at unahin sa pangunahing paglilikom ng datos at iba

17
pang imporamsyon. Una na rito ay ang paglikaha ng palatanungan o kwestyunaryo para sa mga mag-

aaral na magiging tagapag-sagot sa pagsusuring nabanggit. Gumawa rin ng balangkas para sa lisatahan

ng mga datos sa gagawing pagsasanay. Sa pasalitang pagbasa na naglalaman ng mga sumusunod. Ang

katanungan ay ginawa ng mga mananaliksik at ito ay pinakamahalagang kasangkapan na ginamit sa pag-

aaral sa tulong ng lahat ng mga kalahok sa mga tuntunin. Sa pamamagitan ng pamamahagi ng mga

katanungan, ang mga mananaliksik ay nangalap ng mahalagang datos na kinakailangan sa pag-aaral o

pwedeng gamitin na datos sa kahalagahan ng pagkalap ng impormasyon. Ang mga nilalaman sa mga

tanong sa pagsisiyasat ang lahat ay tungkol sa kahalagahan at importansiya ng pagkalap ng impormasyon

sa websayt na nakakatulong sa edukasyon at pang araw-araw na pag-aaral.

KWESTYUNARYO

Para sa mga datos ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang hanay ng likert scale na

palatanungan na kinakailangan ng impormasyon at sagot tungkol sa mga pahayag na tumutukoy sa paksa

sa ilalim ng pag-aaral.

PAKIKINAYAM

Ang pakikinayam ay ginamit ng mga mananaliksik sa mga kalahok upang makakuha ng

impormasyon na kinakailangan sa ibinigay na pag-aaral. Ito ay para madagdagan ang pangunahing

pinagmumulan ng datos na ang palatanungan na maaaring malinaw na pagpapaliwanag. Ito ay pwedeng

talakayin na ang madalas na ginagamit wensayt ng mga estudyante o mag-aaral na tumutukoy sa paksa

ng pag-aaral.

GINAMIT SA PAG-AARAL

Narito ang mga kalakip na halimbawa ng survey na ipinasasagot sa mga mag-aaral ng PNHS-MAIN at

Sto.Niño para sa purposive sampling.

18
Mga tanong sa FGD:

Mananaliksik: sa iyong palagay mabisa bang gamitin ang websayt sa pagkalap ng impormasyon/ datos?

Bakit?

Kalahok 1: oo dahil sa mga websayt ay maaaring agad-agad nating makukuha ang impormasyon.

Kalahok 2: opo dahil madali lang mahanap ang impormasyon at maraming pwedeng makalap.

Kalahok 5: mabisa ito sapagkat mas napapalawak nito ang pagkalap ng impormasyon.

Mananaliksik : anu-ano ang mga websayt o web pages ang iyong madalas gamitin?

Kalahok 2: ang mga websayt na madalas kong gamitin ay rappler, youtube, prezi, at facebook.

Kalahok 3: yung madalas kong gamiting web pages ay yung mga web pages na nagtatapos po sa .

edu.com at .org.com.

Kalahok 5: ano po yung facebook at youtube.

Mananaliksik : naibibigay ba o nakikita mo ba ang iyong hinahanap na impormasyon gamit ang websayt?

Sa paanong paraan?

Kalahok 1: oo, dahil isang type mo lang ay lalabas na ang iba’t-ibang paliwanag o impormasyon ang nais

kong malaman.

Kalahok 3: opo, halimbawa kapag may report, pwede ka dito maghanap ng mga kahulugan ng salita na

may kaugnay sa irereport mo.

Kalahok 5: oo lalo na sa pananaliksik nakakatulong ito upang mas maalawak pa ang kaalaman na

nalalaman natin.

19
Mananaliksik :anu-ano ang mga katangian ng websayt o web pages na ito kung bakit ito ang iyong

ginagamit? isa-isahin

Kalahok 2: makabuluhan, espisipik, at maraming impormasyong makukuha.

Kalahok 3: maaasahan at tama ang mga impormasyon.

Kalahok 4: katiwa-tiwala ang mga author atb updated.

Mananaliksik : pagkatapos mong gumamit ng websayt para manaliksik sa iyong asignatura, may nabago

ba o nadagdag sa iyong kaalaman?

Kalahok 1: opo, nadagdagan ang kaalaman ko. Malaking tulong ang websayt pero mayroong ibang

websayt ang di maaasahan.

Kalahok 5: oo, napatunayan ang dapat patunayan. Naitama ko ang impormasyong aking nalalaman na

mali po pala.

Kalahok 4: oo, bukod sa nalaman ko na ang ibigsabihin ay nadagdagan pa ang aking nalalaman.

20
KABANATA IV

PAGPIPRISENTA NG DATOS

Tsart 1.1 Bar graph Ng kalimitang Websayt ng mga Mag-aaral

5
4.5
4
3.5
3
Bilang ng Kalahok na Sumagot

2.5
2
1.5
1
0.5
0
be k er d t r i ia e
oo pl ib er la ez ar
tu cr
l
ho pr ed sh
yo
u c eb ra
p s ea sc o p -
fa en
c
le yc
l i de
sc
i
og c sl
go en
k na
wa
a la
m

Mga websayt na nasabi

21
Tsart 1.2: katangian Ng Websayt

Katangian Ng Websayt Indikasyon Ng Websayt


Mabilis ang pagkalap ng impormasyon  Malawak ang mga detalye at datos.
 Nagbibigay impormasyon
Napapanahon  Makatotohanan at mabisa sa pag-aaral
Akma sa pag-aaral  Maraming pinagkukunang impormasyon
Organisado ang mga ideya  Maayos ang pagkakasunod –sunod ng

datos/detalye
Maasahan at katiwa-tiwala  Nakakahikayat at siksik ang mga detalye ng

impormasyon.

Samantala,sa tsart 1.2 mabibigyang pansin ang mga pangunahing katangian ng

websayts.Ayon sa isinagawang surbey ng mga mananaliksik patungkol sa websayts, ito ay kadalasang

napapanahon kung saan ang mga kalahok ay naghahanap ng mga mahahalagang impormasyon na

magagamit sa pag-aaral. Ikalawa ay akma sa pag-aaral kung saan makakakita ang lahat ng ibat-ibang

sources at websayts na maaaring magamit. Mapapatunayan dito na sa pagpapakita lamang ng ibat –

ibang katangian ng websayt ay napakahalaga nito at gamitin palagi pagdating sa mga mag-aaral na

patuloy na gumagamit ng websatys para sa kanilang mga aktibidad. Dito ay ating malalaman na

napakaimportante nito pagdating sa panagangalap ng mga mag-aaral at guro ng kanilang mga gawain na

kailangan na matapos.

Tsart 1.3 Aytem ng Katangian na Madalas Ginagamit sa Pagkalap ng Impormasyon

Mga impormasyong kailangan Mga datos na nakuha pamamaraan

Ang paggamitng websayt ay nakakatulong  17 na mga kalahok ang Ang mga mananaliksik ay

22
sa paggawa ng proyekto at takdang-aralin. lubusang sumsang-ayon. gagamit ng isang

 5 na kalahok ang bahagyang pamamaraan na tsart

sumang-ayon. upang masukat kung

 2 kalahok ang sumng-ayon. gaano ngaba


Nagagamit/ginagamit ng mga mag-aaral  8 na kalahok ang lubhang

ang kanilang oras para makapag-aral sumasang-ayon.

gamit ang websayt .  5 na kalahok ang bahagyang

sumasang-ayon.

 5 na kalahok ang sumang-ayon.

 1 kalahok ang hindi sumasang-

ayon.

 6 kalahok ang bahagyang di

sumasang-ayon.

 1 kalahok ang hindi sumang-

ayon.

 15 na mga kalahok ang lubusang

Nakakakuha ng ibat-ibang impormasyon sumasang-ayon.

gamit ang websayt.  5 kalahok ang bahagyang

sumasang-ayon.

 4 na kalahok ang sumasang-ayon.


Mas napapalawak ang kaalaman ng mag-  10 mga kalahok ang lubusang

aaral gamit ang websayt sa pagkalap ng sumasang-ayon.

impormasyon  9 na kalahok ang

Bahgyang sumasang-ayon.

 5 kalahok ang sumang-ayon.

23
Nagdudulot ng malaking impak ang  10 kalahok ang lubusang

stratehiyang pangangalap ng sumasang-ayon.

impormasyon.  8 na kalahok ang sumaang-ayon.


Aytem 1: *Oo mas mabisa ang internet dahil may

Sa iyong palagay mabisa bang gamitin ang ibat-ibang impormasyon at datos na

websayt sa pagkalap ng impormasyon? mabilis makahanap sa mabilis lamang na

Bakit? oras ng mga mag-aaral.Mayroon ring ibat-

ibang barayti na maaring pagpilian sa

mabilisang pagkalap ng mga datos at

marami pang iba.


Aytem 2: *Ang madalas na ginagamit ng mga mag-

Anu-ano ang mga websayts at webpage aaral ay inquirer.net , rappler , philstar ,

sang iyong madalas gamitin? Isa-isahin. artikulo , edu.com , org.com ,

youtube.com , physicsclassroom ,

slideshare at tumblr.

24
Aytem 3: *Oo, dahil ang pagpindot lamang ng mga

Naibibigay ba o nakikita mo ba ang iyong kalahok ay nahahanap agad nila ang

hinahanap na impormasyon gamit ang kanilang hinahanap at mayroon rin itong

websayt? Sa paanong paraan? Ipaliwanag. pagpipilian na may kaugnayan sa kanilang

pinag-aaralan.Maari ring makahanap ng

mga kahulugan para sa mga keywords na

malalim ang salita.

Aytem 4: Ang katangian ng mga websayts na ito ay

Anu-ano ang mga katangian ng websayts mabilis , napapanahon , mahusay , akma

o webpages na ito kung bakit ito ang sa pag-aaral , katiwa-tiwala ang

iyong ginamit ? Isa-isahin. impormasyong nakukuha , mayroong mga

larawan at bidyo , maasahan , relevant ,

maraming impormasyon , mabilis ang

server ng websayts , organisado ang mga

ideya at medaling makukuha ang mga

impormasyon.

25
Aytem 5: *Pagkatapos gumamit ng websayt ay

Pagkatapos mong gumamit ng websayts marami ang nabago at nadagdag sa

para manaliksik sa iyong asignatura,may kaalaman ng mga kalahok at mas

nabago ba sa iyong kaalaman? Anu-ano at lumalawak pa ang kanilang

Paano? Ipaliwanag kaalaman.Nabibigyan din ng kasagutan

ang mga katanungan ng mga mag-aaral.

*Nabago nito ang kaalaman ng mga mag-

aaral na ang gamit ng websayt ay napaka-

laking resources ng kanyang na kayang

punan at salungat sa libro , modyul at iba

pa.

Tanong Lubusang Bahagyang Sumasang- Hindi Bahagyang Hindi

26
sumasang- sumasang- ayon lubusang hindi sumasang-

ayon ayon sumasang- sumasang- ayon

ayon ayon
1.Ang paggamit ng 24 1 0 5 8 0

websayt ay

nakakatulong sa

paggawa ng

proyekto at takdang

aralin.
2. 8 15 8 4 2 1

nagagamit/ginagamit

ng mga mag-aaral

ang kanilang oras

para makapag-aral

gamit ang websayt.


3. Nakakakuha ng 22 11 4 1 2 0

iba’t-ibang

impormasyon gamit

ang websayt ng

impormasyon.
4. Mas napapalawak 15 14 7 0 1 1

ang kaalaman ng

mga mag-aaral gamit

ang websayt sa

pagkalap ng

impormasyon.

27
5. Nagdudulot ng 13 14 1 0 0 0

malaking impak ang

stratehiyang

pangangalap ng

impormasyon gamit

ang websayt sa

kaalaman ng mga

mananaliksik.

Sa tsart 1.1 na makikita mula sa itaas ay ipinapakita nito ang naging resulta sa isinagawang serbey ng

mga mananaliksik. Mula sa mga ibinigay na puntos ng mga kalahok na napili ay hinati ng mga

mananaliksik ang mga puntos na ito batay sa binigyang pansin ng mga kalahok ayon sa pahayag na

ibinigay ng mga mananaliksik. Ang layunin ng mga mananaliksik ay makuha ang tamang bilang ng puntos

na ibinigay ng mga kalahok upang mas maipakita ng maayos at malinaw ang naging resulta ng surbey na

isinagawa ng mga mananaliksik.

Mula sa talahanayan na ito ipinapakita ng unang row ang mga ibinigay na puntos nang mga kalahok.

Kung saan mayroong 24 na nagbigay ng kanilang puntos sa lubusang sumasang-ayon sa pahayag na ang

paggamit ng websayt ay nakakatulong sa paggawa ng proyekto at takdang aralin. Ngunit sa kabila ng mga

sumang-ayon na ito ay mayroong ilan na salungat na sagot sa pahayag na ito, kung saan mayroong

limang hindi lubusang sumasang-ayon at walong bahagyang hindi sumasang-ayon. Sa kabila ng sagot ng

mga kalahok na hindi sumang-ayon sa pahayag ay bahagyang mas marami parin ang mga kalahok na

nagsasabing sumasang-ayon sila sa pahayag na ibinigay ng mga mananaliksik. Ito rin ay nagpapatunay na

maraming sumasang-ayon na kalahok na ang paggamit ng websayt ay nakakatulong sa paggawa ng

proyekto at takdang aralin.

28
Mula sa ikalawang row ng talahanayan ipinapakita ang mga puntos na ibinigay ng mga kalahok kung saan

ipinapakita nito na mayroong walong sumasang-ayon, labing limang bahagyang sumasang-ayon at walo

naman sa lubusang sumasang-ayon sa pahayag na nagagamit o ginagamit ng mga mag-aaral ang kanilang

oras para makapag-aral gamit ang websayt. Ngunit mayroong ilang kalahok na salungat sa pagsang-ayon

ng ilang kalahok, sapagkat mayroong isang hindi sumasang-ayon, dalawang bahagyang hindi sumasang-

ayon at apat naman ang lubusang hindi sumasang-ayon. Sa kabila ng mga sagot ng mga kalahok na hindi

sumasang-ayon sa pahayag na ginawa ng mga mananaliksik ay marami parin ang mga kalahok na

sumasang-ayon patungkol sa pahayag na ibinigay. Ipinapakita nito na marami sa mga kalahok na

naniniwala na ang mga mag-aaral ay ginagamit o nagagamit ang kanilang oras para makapag-aral gamit

ang websayt.

Mula sa ikatlong row makikita ang pahayag na nakakakuha ng iba't ibang impormasyon gamit ang

websayt. At sa pahayag na ito ay makikita rin sa katabing row ang mga puntos na ibinigay ng mga

kalahok, kung saan may dalawang bahagyang hindi sumasang-ayon at isang hindi lubusang sumasang-

ayon. Sa kabila ng mga kalahok na hindi sumasang-ayon ay makikita sa ikatlong row ng talahanayan na

marami pa rin ang sumasang-ayon sa pahayag kung saan may apat na mga kalahok ang nagbibigay

puntos sa sumasang-ayon, at labing isang mga kalahok ang bahagyang sumasang-ayon at dalawang pu't

dalawa naman ang lubusang sumasang-ayon. Ayon sa mga kalahok na nagbigay puntos ay marami ang

sumasang-ayon na nakakakuha ng iba't-ibang impormasyon gamit ang websayt.

Mula sa ika-apat na row ng talahanayan ay ipinapakita ang mga binigay na puntos ng mga kalahok sa

pahayag na mas napapalawak ang kaalaman ng mag-aaral gamit ang websayt sa pagkalap ng

impormasyon. Sa pahayag na ito ay may mga kalahok na nagbigay ng kanilang puntos. Sa talahanayan ay

makikita na mayroong isang hindi sumasang-ayon at isang bahagyang hindi sumasang ayon. At ang ilan

sa mga kalahok ay ibinigay ang kanilang puntos sa pagsang-ayon kung saan mayroong pitong kalahok na

29
sumasang-ayon at labing lima naman sa lubusang sumasang-ayon. Sa talahanayan na ito makikita na

marami sa kalahok ang nagbigay ng kanilang puntos sa pagsang-ayon na gamit ang websayt mas

napapalawak ang kaalaman ng mag-aaral sa pangangalap ng impormasyon.

Mula sa huling row ng talahanayan ipinapakita ang binigay na puntos ng mga mananaliksik. Ipinapakita

sa talahanayan na mayroong labing-isang kalahok na nagbigay ng kanilang mga puntos sa sang-ayon,

labing apat na puntos sa bahagyang sumasang-ayon at labing tatlo naman sa lubusang sumasang-ayon

na mga kalahok sa pahayag na nagdudulot ng malaking impak ang stratehiyang pangangalap ng

impormasyon gamit ang websayt sa kaalaman ng mga mananaliksik o nananaliksik. Mula huling row ng

talahanayan makikita na walang kalahok ang nagbigay ng kanilang puntos sa hindi sumasang-ayon sa

Pascale hayag na ibimigay. Makikita na ayon sa mga kalahok ang stratehiyang pqngangalap ng

impormasyon sa websayt ay may malaking impak sa kaalaman ng mga mananaliksik.

Gamit ang tsart 1.1 ay nalaman ng mga mananaliksik kung ano ang pananaw ng mga kalahok patungkol

sa websayt. Gamit ang frequency ng likert scale ay nakuha ng mga mananaliksik ang pangkalahatang

puntos na ibinigay ng mga kalahok batay sa mga pahayag na ibinigay ng mga mananaliksik na ginawa ng

mga mananaliksik. Sa pamamagitan ng tsart 1.1 ay mas napapakita ng mga mananaliksik ng malinaw ang

naging resulta sa ginawang serbey.

KABANATA V

KONKLUSYON AT PAGLALAGOM REKOMENDASYON

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng lagom, konlusyon, at rekomendasyon ng buong pag-aaral.

SULIRANIN:

30
1. Anu-ano ang mga websayt na madalas ginagamit sa pagkalap ng impormasyon?
2. Anu-ano ang mga katangian ng mga websayt sa pagkalap ng impormasiyon?
3. Paano nakakatulong ang websayt sa paghahanap ng impormasiyon?

Lagom:

Ang websayt ay isang mabisang pinagkunan ng mga impormasyon dahil maraming ibat

ibang ideya mula sa mga eksperto ang pwedeng pagbantayan sa pagkalap ng impormasyon. Ang madalas

gamitin na websayt ay base sa ibinibigay nitong detalye mula sa lahat. Nakahanap ng sapat na

impormasyon dahil sa mabilis ang pagloload ng internet at mabisa ito sa mga websites sa kompyuter

kung saan napapalawak nito ang kaalaman ng mga miyembrong kasali ng lalo na ang may kaugnayan sa

pag-aaral na isinagawa ng mga mananliksik.

KONKLUSYON:

1. Ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa mga kalahok at Ang madalas na ginagamit ng mga mag-aaral

ay inquirer.net , rappler , philstar , artikulo , edu.com , org.com , youtube.com , physicsclassroom ,

slideshare at tumblr.

2. Ang mga kalahok mula sa ibat- ibang strand ng PNHS MAIN at STO.NINO ay nagbigay ng mga katangian

ng websayts na mabilis ang serbisyo ang nakukuha sa pagkalap ng mga datos. Nakapaloob sa websayts

ang pagbibigay ng makatotohanan na impormasyon na magagamit ng lahat sa anumang pag-aaral.

3. Mabisa ang paggamit ng websayts dahil ito ay nakakatulong upang mapabilis na makuha at makita ng

mga nanaliksik at gumagamit ang kanilang kailangan na mahanap. Mayroon itong mga ibat-ibang

katangian na wala sa iba na magagamit sa pagkalap ng mga impormasyon. Mas kinikilala ito dahil sa

napapabilis na matagpuan agad ang kanilang hinahanap sa simpleng paglagay lamang ng salita.

Nahuhubog nito na magkaroon ng kaalaman ang mag-aaral sa paggamit ng websayt na may kinalaman sa

31
kanilang pag-aaral. Nabibigyang layunin nito na masagot ang mga katanungan ng mag-aaral upang

maipresenta ng maayos ang kanilang mga detalye na nakalap sa websayt.

REKOMENDASYON

Upang maging mas malawak at mapaganda ang pag-aaral na ito nang mga

mananaliksik tungkol sa websayt ay nag-isip ang mga mananaliksik ng iba pang rekomendasyon na

maaari pang pag-aralan:

1. Pag-aralan kung paano nakakaimpluwensiya ang websayt para gamitin sa pagkalap ng impormasyon.

2. Pag-aralan ang nagging basehan kung bakit tinawag ang websayt na katiwa-tiwala.

3. Pag-aralan kung gaano kaepektibo ang websayt sa pagkalap ng impormasyon.

4. Pag-aralan ang iba pang tungkol sa websayt maliban sa katangian nito.

APPENDIX

Mga Tanong sa FGD:

Mananaliksik: Sa iyong palagay mabisa bang gamitin ang websayt sa pagkuha/pagkalap ng

impormasyon?

Kalahok 1: ahmmm….. Oo, dahil ang pagkuha ng mga impormasyon na galling sa ibat-ibang websayt ay

nakakaulong upang mas lumawak pa ang mga … impormasyon o kaalaman ng pananaliksik

32
Kalahok 2: Oo, nagiging mabilis ang paghahanap ng info….. maraming barayti ng info na makukuha.

Kalahok 3: Mabisa ang paggamit ng websayt dahil sa pamamagitan nito may makukuha na maaaring

makatutulong sa datos.

Kalahok 4: Oo, sapagkat magaling malaman ang websayt sa pagkuha/pagkalapng karaniwang mahirap

hanapin kapag walang net.

Kalahok 5:Oo,dahil sapaggamit ng websayt dito na dedetalye ang lahat ng impormasyong nakuha.

Kalahok6 : Oo,dahil madali lang mahanap ang impormasyon at maraming pwedeng makalap.

Kalahok 7:Oo, dahil malawak mas maraming impormasyon o datos ang makukuha at madali.

Mananaliksik: Anu-ano ang mga websayt at webpages ang iyong madalas gaamitin?

Kalahok 1: scribd, Youtube

Kalahok 2: Google scholar, Science buddies, Science alert

Kalahok 3:encyclopedia, Science alert

Kalahok 4: youtube, encyclopedia

Kalahok 5: edu .com, org.com.

Kalahok 6: scribd

Kalahok 7: inquirer.com,rappler, philstar

Mananaliksik: naibibigay ba o nakikita ma ba ang iyong hinahanap na impormasyon gamit ang websayt?

Sa paanong paraan ?

Kalahok 1: Oo, dahil sa mga websayt ay dito naoorganize ang impormasyon na pinili.

33
Kalahok 2: Oo, halimbawa na lang ng.. ano.. kapag may report , pwede ka dito maghanap o kaya

kahulugan ng mga salita naman…

Kalahok 3: Oo, dahil konting pindot lamang sa iyong gamit ay mabilis na magrerespond ito pabalik..

Kalahok 4: Oo, lalo na sa pananliksik kasi.. hmmmn .. nakakatulong ito upang mas mapalawak pa an

gating kaalaman.

Kalahok 5: Oo, kasi sa pamamagitan ng pagtatype madaling lalabas ang impormasyong aking hinahanap

at ang ibang ugnay na pag-aaral…

Kalahok 6: Oo, sa paraan ng pagasasaliksik ng mga keywords na iyong gagamitin.

Kalahok 7: Oo, sa mga websayt ay makikita and be happy to them ang hinahanap mo.

Mananaliksik: anu-ano ang mga katangian ng websayt na ito kung bakit ito ang iyong ginagamit?

Kalahok 1: maraming impormasyon,updated, mabilis ang servise

Kalahok 2: tama ang mga info.

Kalahok 3: kumpleto ang mga detalye at impormasyon na aking nahanap

Kalahok 4:Ahm… bukod sa madaling maopoen ang google, pinapakita ang nmga posibleng maging sagot

sa katanungan.

Kalahok 5: lagi po siyang updated atsyaka napakarami niyang mga impormasyon na maari pong magamit.

Kalahok 6: nakakahikayat ito ng iba na para bang maasahan talaga pagdating sa mga detalye.

Mananaliksik: pagkatapos mong gumamit ng websayt para manaliksik sa iyong asignatura, may nabago

bas a iyong kaalaman?

34
Kalahok 1: Ahm.. opo.. mas lumawak pa ang aking kaalaman pagdating sa pagsasaliksik ng mga

impormasyon.

Kalahok 2: Oo, kasi hindi ko na kailangan pang humanap ng iba pang libro, artikulo, o diurnal upang

mahanap ang kailangang impormasyon dahil sa pamamagitan ng websayt.. ay mas madaki ang mangalap

ng impormasyon at reperensya o sanggunian upang maiwasan ang panggagaya.

Kalahok 3: Oo, dahil kasi malinaw na naipahayag ang mga impormasyon at kadalasan ay eksperto ang

mga sumusulat nito.

Kalahok 4: Oo, nagbabago ng bahagya.. kahit papaano naman ay mayroong panibagong impormasyong

ibinibigay ang paggamit ng website.

Kalahok 5:Oo, kasi mas nagiging updated pa ako sa lahat ng oras.

Kalahok 6: Oo, sapagkat may pagkakataon na nahihirapan akong maghanap sa iba pero kapag website

ako naghahanap napapadali na lamang ang mga gawain ko.

Kalahok 7: Oo, .. kasi nagkaroon ako ng kaalaman ngayon na higit pa sa mga nakaraang taon.

35
36
BIBLIOGRAPHY

37
 http://www.giffordprimaryschool.co.uk/learning-websites-used-at-school/
 http://www.edudemic.com/the-25-best-school-websites/
 http://www.schoolwebsite.co.uk/
 https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fus.intoautos.com%2Fsearch%3Fs_pt

%3Dsource2%26s_it%3Daolsem%26s_chn%3D9%26q%3Dused

%2Bwebsite&h=ATMYEomb49s6e9FMW5fr06iIa4bnHQg436-akQg2euHOS-

cpBGTNAs5RbTIqh63wnrTxRbfGgGbo_I2ivKfIukooxWygHm32Rs_YNPs6MlDyfxAbs6WiQjFMD4VtT

R0goxPDF5w&s=1
 http://rich-page.com/google-analytics/google-analytics-reports/
 https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fwww.info.com%2FStudy%2520Website%3Fcb

%3D11%26cmp%3D5328%26gclid

%3DCjwKEAiAn7HEBRDHwNqitoWqsQcSJAADWmI2LV7wML_hQQynumPlTaSR5N7lWLQDunYfz6T

kdbySTBoCSzXw_wcB&h=ATN6if1LcIt0NQ5RV8qBVQkYlcc0QdqN6B1tUtyYfel6U0Q_8VokJ0Wq7jSz

lgtayJnHC-knJM37twk08x0StnVx_BUw0emBFj5sXKbDGNmLJHXu2NkL_HoZDnoMoJt2C-

Ow44w&s=1
 http://earthlybody.com/school-website-thesis-documentation
 http://www.info.com/Used%20Websites?cb=11&cmp=5312&gclid=CjwKE
 AiA2abEBRCdx7PqqunM1CYSJABf3qvahzwzChTtAcNGBr3dshyZ8CroW8Tf0
 4V6mQLhd4jkOhoCpNLw_wcB
 https://l.facebook.com/l.php?u=https%3A%2F%2Fwww.slideshare.net%2Fmobile

%2FRegHineElago%2Fthesis-fil2a&h=ATPhTkq6PK9hLBWNItDvBxNHvU-
owMMVLI94rz0P1hLOLAkom6uGplIJ6W0fkae2pgjC_GGnain46OlfLFumZrd8UsnSsmQf2MtoxivalQ

P0I9zSCLVeql8K98-fO7IR4Ld2_iE&s=1
 https://l.facebook.com/l.php?u=http%3A%2F%2Fearthlybody.com%2Fschool-website-thesis-

documentation&h=ATOFc031rt6Yju84q_GnWyh_dstejPTGXU-tWWkM-

JNljWweicWdvGNgffSvGOGFsKY_Yfkl6hvtcZBmodhCxZ5Q4WBdLelVKSMl9H3L40zLpEGwPCRYLHBz

pOtDDeHP2NeCpeduNU&s=1

38
39

You might also like