You are on page 1of 3

FAR EASTERN UNIVERSITY

GENERAL EDUCATION

Francis Russell Mago Prof. Gina Luna


BS HRM CULMGT SA blg. 1
GED0105 Sec – 18

“Gamitin Bilang Instrumento ang mga Makabagong Teknolohiya para din sa Makabagong
Kaalaman”

Tesis na pahayag: Dapat natin na pagtuunan ng pansin o bigyan halaga ang mga importanteng
materyales sa pag susuri upang mas maging matibay ating mga nakukuhang kaalaman at nababago
din oras oras ang ating pananaw sa buhay.
Sa mga nakalipas na panahon ay nag iiba at nag babago na ang ating mga pangangailangan,
isa na doon ang pag susuri o pag hahanap ng mga impomasyon na nag mula noon sa mga libro at
nag mula sa mga guro na nag turo satin noon, ngunit habang lumilipas ang panahon at nasusundan
na ng mga makabagong teknolohiya gaya ng mga telebisyon, radio at iba’t iba pang mga kagamitan
na maaaring makakuha ng impormasyon ang mga taga panood at taga pakinig hanggang napunta
na sa social midea, internet, na kadalasan na natin ginagamit sa henerasyon natin ngayon. Kaya
mas dapat natin na pagtuunan ng pansin o bigyan halaga ang mga importanteng materyales
sa pag susuri upang mas maging matibay ating mga nakukuhang kaalaman at nababago din
oras oras ang ating pananaw sa buhay na hindi natin kadalasan na maaring makita o mabasa sa
libro.
Marami-rami na di ang naging kontribyusyon ng internet o social media sa pag aaral sa
panahong ngayon ay higit na nagiging epektibo ang pagagawa ng ating mga pagsusuri o tinatawag
nating “research” sa gawa ng madami tayong puwedeng mapagkuhanan ng mga impormasyon at
kaalaman sa iba’t iba ding pamamaraan. Maaari tayong makakuha sa mga artikulo, blogging na
makikita din sa social media dahil madami na din ang bilang ng mga plataporma sa social media
para sa pag popost ng mga blog, gaya ng linked in, weeby, tumblr at para naman sa video blog
mayroon din websites gaya ng youtube, facebook, tiktok, Instagram at twitter at madami pa na
puwedeng pag bahagian ng impormasyon mula sa ating sariling kaalaman na maaari nating
maipahatid sa mga manonood at tagapakinig. Kamukha nito ang pag iimpluwensiya sa mga tao
upang mahikayat sila na makinig sa ating kaalaman ngunit maaari din masuri kung totoo ba ang
mga ito sa pamamagitan din ng internet kung hindi ka ganon kabilis mag tiwala sa mga source na
napagkukuhanan mo maari mo nalang hanapin sa internet kung tunay at ligtas ba na sundin ang
kaalaman na ito.

1
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

Isa din sa mga kadahilanan kung bakit mas ginagamit na ang internet o social media bilang
materyales sa pag susuri sa manahon ngayon dahil mas mabilis din mahanap kung ano ang iyong
ninanais na malaman o intindihin, ita-type mo lamang at maaari mo na makita ang hinahanap,
hindi katulad ng pag hahanap sa aklat ng mga kaalaman ay kailangan mo pa na mag basa pa ng
mahaba at mas matindi ang pag tututok sa pag babasa upang mahanap ang ninais na hanapin, at
hindi maipagkakaila na mas madami talagang mapagkukuhanan sa internet kung ikukumpara sa
libero o aklat dahil maaari ka din makakuha ng kaalaman mula sa mga inilathala ng mga manunulat
sa ibat ibang bahagi ng mundo.
Hindi man natin napapansin pero kung ating kikilatisin ay makikita natin na naaabuso o
mas nagagamit na ang internet himbis na ang mga libro kaya ang mga kabataan sa henerasyon
ngayon ay mas pinipili nalang na dumepende sa internet at hindi na nasanay ang mga kabataan sa
pag babasa ng libro. Gayon pa man dahil sa kapangyarihan ng internet o social media ay mas
nasasanay na tayo makahagip ng mga kaalaman mula sa mga posts at mas nagiging malawak ang
mga pananaw ng mga taong gumagamit ng internet ngayon at mas nagkakaroon ng panibagong
kaisipan mula sa mga pagsusuri o research na nakikita sa internet.

2
FAR EASTERN UNIVERSITY
GENERAL EDUCATION

References:

Kahalagahan ng internet SA Edukasyon. ChynnAlerto. (2018, October 22). Retrieved


March 31, 2022, from https://chynnalerto.home.blog/kahalagahan-ng-internet-sa-
edukasyon/

You might also like