You are on page 1of 2

Emrald James I.

San Luis
GED0105 Sec18

Ang Internet Bilang Espasyong Pulitikal


Ang tradisyonal na media gaya ng telebisyon, radyo at dyaryo ang karaniwang pinagmumulan ng
iba’t ibang balita sa bansa kung kaya nakasanayan na ng mamamayan na dito unang kumonsulta
tungkol sa mga isyu ng lipunan. Subalit, kapansin-pansin na ito ay nakapokus lamang sa
namamahayag at halos walang partisipasyon ang mamamayan sa talastasan ng impormasyon.
Dagdag pa, tila piling-pili lamang ang mga balitang ipinapahayag ng tradisyonal na media
kumpara sa napakaraming problemang kinakaharap ng bansa. Kapuna-puna rin ang pagkakaroon
ng pagkiling sa pagbabalita ng telebisyon at maging ng mga peryodiko. Ito marahil ang dahilan
kung bakit ang pagusbong ng social media ay nagbigay ng pagkakataon sa mga ordinaryong
Pilipino na lumahok sa mga usaping panlipunan. Dahil sa malayang paggamit at madaling akses
sa social media, dumarami ang bumabatay sa rekursong ito. Subalit, ayon kay Arao, dahil sa ang
social media ay bagong larangan, marami pang dapat matutuhan lalo na at pabago-bago ang
katangian ng paggamit nito. Dagdag pa, hindi maiiwasan na ang teknolohiya ay gamitin para sa
komersiyal at pansariling motibo sa halip na para sa ikabubuti ng mamamayan at panlipunang
pagbabago. Kaya naman dapat na matukoy kung paano hahamunin ng rekursong ito ang umiiral
na hindi makatarungang kalakaran at kalaunan ay makapag-ambag ng mga paraan upang
tuluyang mabigyan ng boses ang mga bagay at mga mamamayang naisasantabi sa lipunan.

Ang media ay malawak na lunsaran ng iba’t ibang klase ng impormasyon na kinakailangan ng


lipunan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Sa panahon kung saan laganap ang
paggamit ng teknolohiya, malaking tulong ito sa media upang mas mapadali ang pagkalap at
pagpapaabot ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng bansa. Subalit hindi na lamang nalilimita
ang lipunan sa print at broadcast media at bagkus, unti-unti nang naibibilang ang social media sa
mga tagapaghatid ng mahahalagang balita at detalye. Napakalaki ng nagiging epekto nito sa
pampolitika at panlipunang aspeto ng Pilipinas at dumarami na ang sumasandig sa paggamit nito
hindi lamang ang mga ordinaryong mamamayan kung hindi maging ang mga kilala at
maimpluwensiyang personalidad. Halimbawa na lamang ang political blogs, twitter at FB na
mismong mga politiko, mamamahayag at mga intelektwal ang aktibong gumagamit upang
iparating ang kanilang mensahe sa publiko. Hindi tulad sa tradisyonal na media, may puwang
para sa ordinaryong mamamayan na maging kabilang sa diskurso tungkol sa suliranin ng bansa.
Lumilikha ito ng malayang talastasan kung saan walang itinatakdang kuwalipikasyon o antas ng
pamumuhay, walang pinipiling oras at walang kinakailangang gastos upang makilahok. Ito rin
marahil ang dahilan kung bakit palaki nang palaki ang bilang ng mga netizens o yaong mga
aktibo sa social media. Nakapanghihikayat ito ng mga mamayan upang makibahagi sa mga isyu
ng bayan sa halip na maging pasibo lamang sa pakikinig at panonood.
Umiiral sa kasalukuyang panahon ang paggamit ng social media bilang tagapaghatid ng mga
balita at tagapamagitan ng talastasan. Makatutulong na maunawaan ang dahilan upang ang social
media ay maging daan ng aktibong partisipasyon ng masa o mga netizens, sa mga usapin sa
bansa. Sa ganitong dahilan, mahalaga na masuri ang pinanggagalingan ng datos at
impormasyong nakikita sa social media upang masiguro na tama at angkop ang mga balitang
matatanggap ng masa. Malaki ang papel ng mga balitang ito sa paghubog ng kamalayan at
pananaw ng mga tao kung kaya naman dapat isaalang-alang ang kredibilidad ng mga ito. Dapat
din na matukoy ang magiging epekto ng mga bagay na lumalabas sa social media sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng mamamayan lalo na iyong mga aktibo sa paggamit nito. Maaari itong
maging batayan ng kanilang desisyon at pagtindig kaya naman makabubuti na suriin ang hatid
nitong impormasyon. Higit pa rito, malaki ang kabuuang responsibilidad ng media sa
partisipasyon ng mamamayan sa lipunan. Ito ang siyang nagmumulat at naghahatid ng mga balita
sa loob at labas ng bansa kaya malaki ang ambag nito sa pagiging aktibo o pasibo ng lipunan sa
mga suliraning dapat tugunan. Mahalaga rin na masuri kung gaano ito kaepektibo sa pagsisiwalat
ng mga isyu nang sa gayon ay matukoy ang kalakasan at kahinaan nito bilang instrumento ng
pamamahayag.

Mula sa susing salik na pagbibigay-aliw, naging instrumento ang social media upang maging
lunsaran ng mga impormasyon. Dahil sa labis na pagsandig sa teknolohiya at internet kung saan
hindi hamak na mabilis ang daloy ng mga bagay at sa hindi maitatangging bentahe nito, malaki
na rin ang papel ng social media sa paghahatid ng balita. Ang patuloy na paglakas ng puwersa ng
internet ay hindi na nga mapipigilan pa kaya naman kailangan harapin ng mga peryodista at ng
tradisyonal na media ang hamon na makasabay sa makabagong paraan ng pagbabalita. Malinaw
na matatagpuan sa internet ang lahat ng klase ng impormasyon sapagkat mula sa pinakamalaki
hanggang sa pinakamaliit na detalye ay napakadaling matukoy gamit ito kaya rin naman posible
nang mapalutang ang mga impormasyong ito sa social media. Subalit, ito rin ang dahilan kung
kaya nagkakaroon ng tunggalian ng mga ideya sapagkat nahihirapan nang tukuyin ng publiko
kung alin ang mahalagang bagay doon sa hindi. Nariyan pa ang mga kuwestiyonableng bagay na
mula sa makabagong platapormang ito sapagkat walang kasiguraduhan na ang bawat detalye sa
social media ay sumailalim sa pag-aaral at sinuri ng mga dalubhasa kaya naman hindi maiiwasan
ang paglaganap ng misimpormasyon sa kasalukuyan.

You might also like