You are on page 1of 2

Panimula/Kaligiran

Sa patuloy na modernisasyon na nagaganap sa henerasyon ngayon, hindi mapagkakaila na


maraming pagbabago ang naidulot nito sa paraan ng pamumuhay ng tao. Isa sa naging produkto ng
modernisasyon ang mga makabagong teknolohiya na may nag-aambag sa pagpapadali sa pang-araw-
araw na pamumuhay. Masasabing ang social media ay isa sa mga naging produkto ng makabagong
teknolohiya. Ang social media nagbigay ng plataporma na maaring gamitin ng isang indibidwal upang
maipahayag ang kanilang sarili. Ilan sa mga pinakabanyag na social media sites ay ang Facebook, Twitter,
Snapchat, Instagram, at Tumblr. Dagdag pa rito, sa pamamagitan ng social media nagkaroon ng isang
malaking plataporma ang henerasyon ngayon para sa komunikasyon, paghagilap at pag anunsyo ng
balita, edukasyon, entertainment, etc.

Ayon sa isinagawang pag-aaral ng TalkWalker ngayong taong 2019 sa statistiko ng paggamit ng


social media sa Pilipinas, ang mga nasa edad 18-24 ang pinakamalaking porsyento, 52.7%, na gumagamit
ng social media sa Pilipinas. Pasok sa mga edad na ito ay mga estdyante, lalo na ang mga nasa kolehiyo.
Hindi maipagkakaila na mga istudyante ang dalubhasang gumagamit ng social media sapagkat malaki ang
naiiaambag nito sa larangan ng edukasyon. Dagdag pa rito, ayon pa kay Graciyal (2018), “social media
has become an inevitable part of modern life”, dahil sa modernisasyon nitong dala pinapadali ang
madaming aspeto sa pamamaraan ng pamumuhay. Higit sa lahat, binibigyan ng social media ang
karamihan ng boses para maiparinig ang saloobin sa karamihan at ng plataporma para magsanay ng
kanilang kalayaan sa pananalita.

Mabilis ng naikakalat at naipararating ang mga balita at mga opinion ngayon sa pamamagitan ng
social media kung ikukumpra sa mga naunang mga henerasyon. Ngunit ang pamamaraan kung paano
tinatanggap ang balita o nagbibigay saloobin sa mga balita sa social media ay may mabuti at masamang
epekto. Sa pamamagitan ng social media naging iba na ang pamamaraan kung paano nakikipagkuminika
at kumilos ang mga tao. Hindi tulad sa harap-harapang pagbibigay ng saloobin at opinion na kung saan
may mga kaugalian at asal na sinusunod na nagbibigay limitasyon sa isang indibidwal, mas malaya ang
isang indibidwal na nakakapabigay ng kanyang opinion sa social media. Ang pagsasanay ng kalayaan sa
pananalita sa social media ay laging nagdudulot ng maganda at masamang epekto sapagkat ito ay isang
plataporma na bukas para sa lahat.

Mungkahing Titulo o Pamagat


Ang isasagawang pag-aaral na ito na ay pinamagatang, “Kalayaan sa Pananalita ng mga
Estudyante ng Legal Management ng De La Salle Lipa at ang Epekto nito sa Social Media: Isang
Konseptong Papel” sapagkat nais ng mga mananaliksik malaman kung ano ang epekto sa social media ng
pagsasanay ng kalayaan ng pananalita ng mga estudyante sa platapormang ito. Ang paksang ito ang
napili ng mga mananaliksik sapagkat napapanahon ang paksang ito dahil sa social media na madalas
isinasagawa ang pagsasanay ng kalayaan sa pananalita lalo na ng mga estudyanteng nasa kolehiyo, tulad
ng nabanggit sa panimula.

Ito ang napiling paksa ng mga mananaliksik sapagkat bukas ang isipan ang mga estudyante ng
mga Legal Management ng De La Salle Lipa sa mga isyu na natatalakay sa social media. Ang
demograpikong ito rin ay hasa sa pagdating sa pagbibigay ng mga opinyon dahil sa larangan ng kanilang
kurso. Bukod pa rito, ninais ng mga mananaliksik na paliitin ang numero ng mga respondente sa
magiging pag-aaral para madali ang pagkalap ng impormasyon. Dagdag pa rito, nais ng mga mananaliksik
na mabigyang linaw kung bakit may iba’t ibang epekto ang kalayaan ng pananalita sa social media.

You might also like