You are on page 1of 3

Bartolo, Paul Luigi C.

SEC 18

“Kaunlaran gamit ang Internet”

Isa sa makabagong plataporma na ginagamit ng madaming mamamayan ngaun ay ang internet na


kung saan ginagamit ito upang makapag bahagi at masabe ang kani kanilang mga saloobin o
gusting sabhin. Ito rin naman ngayon ang nagsisilbing daan para makipag komunika ang mga tao
ngaun at makakalap ng maraming impormasyon. Pero ano nga ba ang gamit neto patungkol sa
pampulitikog usapin? Sa papel na ito dito natin malalaman kung paano ba ito ginagamit para
mapaunlad ang bansa. Ang internet ang nagsisilbing daan para makapag hikayat ng marami ang
mga nasa politika.

Hindi natin maikakaila na sa panahon ngayon marami nang mamamayan ngayon ang may access
sa internet, marahil ito ay makabagong daan para mas madaling makakalap ng impormasyon at
makapag bahagi ang isang tao. At dahil sa paglaganap nito pati mga nasa politiko at mga
tumatakbo ay gumagamit narin neto upang makapag hayag sila nang kanilang mga layunin at
mga plataporma nang sa gayo’y makakalap sila ng maraming suporta galing sa mga publiko.
Ayon sa (The Asia Foundation, 2016) libreng makakapag advertise ang mga tumatakbo at may
Kalayaan silang maipahayag ang kanilang mga advocacy gamit lamang ang social media at may
Kalayaan ding makapag salita ang mga mamamayan gamit neto. Hindi natin maikakaila kung
gaano na kalaganap ang social media ngayon marami ng sites ang pwedeng gamitin para
makapag hayag katulad na lamang ng Facebook, Twitter, Youtube at marami pang iba. Gayon
din naman gamit ang internet maaari din itong maging daluyan para magkaisa ang iisang bansa
at mapagbuklod buklod nito ang mga layunin ng mga tao dahil may Kalayaan kang mamili ng
iyong iboboto maaari kayong magkaisa upang mas lumakas pa ang pwersa ng inyong binubuong
organisasyon na makatutulong para kayo ay maging isa. Sa panahon ngayon ito ay nangyayari
kapag malapit na ang halalan hindi natin maiitatangi na marami nang organisasyon ngayon sa
social media ang nag kakaisa upang suportahan ang kanilang kandidato, pero dahil nga iba iba
ang pananaw ng mga tao marami narin sa internet ang nag aaway away na hindi natin naman
maiiwasan. Isang malaking daan nga ang internet para sa mga tumatakbo sa politika pero dahil
nga masyadong malawak ang mundo na ito hindi rin maiiwasan ang pag aabuso ng mga tao
gamit ang mga social media platforms, dahil dito marami nang mga fake news na lumalabas kaya
naman ang ibang mga tao ay nahuhulog o nalilito pagdating sa mga nakikita nila sa internet kaya
marapat lamang na gamitin ito sa tama at wag gamitin sa ikasisira ng isang tao o institusyon.
Ayon kay (Bernardo, 2021) sinasabe na nilalapastangan na nang iba ang iisang privacy ng isang
tao, isa ito sa mga halimbawa nang maling paggamit ng social media lalo na’t mag malapit na
ang botohan marapatin lamang wag gawin ito at gamitin ito sa tama kaya’t mahalaga talaga na
bumabase tayo sa matibay na resources ng sa gayo’y hindi tayo napepeke at nalilito.
Hingil sa mga nasusulat marami nang gumagamit ng social media at marami naring mamamayan
ang may access dito, at dahil napakalawak na ng internet nagagawa na nang mga tao ang gusto
nilang gawi kaya naman marami na sakanila ang nahuhumaling na gumamit neto. Kaya naman
pati ang mga tumatakbo sa politika ay ginagamit narin ito upang mangampanya, ginagamit nila
ito para makapag advertise at maipahayag nila ang kanilang mga saloobin at pananaw na
makatutulong para maka hakot nang suporta para sa mga tao. Para naman sa mga ordinaryong
tao marapatin lamang sana na gamitin ito sa tama at huwag gamitin sa mali na katulad na lamang
ng pagpapayahag nang maling impormasyon na makasisira isa reputasyon ng isang tao dahil
pwede naman ito gamitin para magkaisa para sa ikauunlad ng iisang bansa. At gawin natin ang
internet bilang isang platform para magkaisa at maghikayat ng marami para sa ikauunlad ng
bansa.
“REFERENCES”
Bernardo, R. M. (2021, August 7). Kailangan Ba Natin Ang Social Media? Philstar.com.
Retrieved March 30, 2022, from https://www.philstar.com/pang-masa/punto-
mo/2021/08/08/2118478/kailangan-ba-natin-ang-social-media
Social Media: A game changer in Philippine elections. The Asia Foundation. (2016, May 5).
Retrieved March 29, 2022, from https://asiafoundation.org/2016/04/27/social-media-a-game-
changer-in-philippine-elections/

You might also like