You are on page 1of 2

Cerrero, Marc Allen P.

Sec_18
“Internet bilang instrumento sa pag unlad ng bansa”
Sa paglipas ng panahon, patuloy ang pag unlad ng teknolohiya sa ating bansa o maging sa
mundo at masasabi ko na ang internet ay isa sa dahilan sa patuloy na pag usbong ng teknolohiya
sa ating mundo. Sa kasalukuyan, ito ay naag sisilbing midyum upang mas mapadali ang
komunikasyon pati narin ang madaliang pag papalaganap ng impormasyon sa isang lugar. Dahil
dito mas lumalawak ang kaisipan ng tao patungkol sa mga adhikain pang politiko o maging sa
pang araw araw na buhay. Ang Internet ay nagbigay ng tulong sa maraming tao ngunit maari din
mag dulot ng hindi maganda kapag ito’y inabuso ng tao.
Sa patuloy na pag usbong ng internet sa ating bansa na kung saan laganap ang mga maling
impormasyon, crime, at iba pang klase ng pag abuso sa nasabing platform na nag re-resulta sa
negatibong epekto sa isang tao, bansa o maging sa bagay. Habang patuloy ang pag-laganap ng
internet sa ating bansa, dumarami din ang sakop nito kung dati ay pang komunikasyon at pag
laganap lamang ng impormasyon, ngayon ay isa na rin ang internet sa plataporma na pinag
hahaingan ng pang politikong adhikain. Sa pamamagitan ng mga social media flatforms kagaya
ng Facebook, twitter, at youtube nailalabas ng mamamayan ang kani kanilang saloobin, interest
at ideya patungkol sa pamumuno ng administrasyon. Sa pamamagitan din ng internet, nabubuo
ang mga kilusan na kung saan nag sisilbing boses upang makakuha ng antensyon mapa lokal o
internasyonal. Dahil sa patuloy na pag usbong nito, ang na sabing “gatekeeper” ng mga
impormasyon at balita ay nawawalan na ng bisa upang kontrolin ang mga impormasyon na
inilalatag ng ordinaryong tao. Dahil dito mas kinakailangan maging mas panuri at maging kritikal
sa paglaganap ng impormasyon ang mga mamamayan pati narin ang mga journalist at
mamamahayag. Ayon kay Ichimura isa ang pilipinas sa may mababang “trust rating” sa medya sa
mundo. Tumatayong 27% lamang ang “trust rating ng ating bansa. (Ichimura,2020) Nagiging isang
malaking bahala ang pag laganap ng maling impormasyon sa ating bansa, lalo na sa mga
mamamayan na mahina pag dating sa “reading comprehension” o di kaya sa mga tao na hindi
marunong kumilatis ng mga reliable source pag dating sa mga artikulo. Dahil dito, mas naipapakita
ang kahalagahan ng wika sa ibat ibang aspeto ng ating buhay lalo na pag dating sa politika. Sa
pamamagitan ng wika mas naiintindihan natin ang mga nais iparating o ipahiwatig ng mga
politikong tao, mas nakikilatis din natin na kung sila ba ay karapat dapat na mahalal sa kanilang
tinatakbong posisyon at dahil narin sa modernisasyon na kung dati ay pag bahay – bahay ang
kanilang paraan upang ligawan ang isang tao, ngayon ay gumagamit na rin sila ng social media
flatforms na masasabi kong mas malawak at mas epektibo sa panahon ngayon.
Kaakibat ng mga positibong bagay ang negatibo, kaya’t hindi dapat natin abusuhin ang
mga bagay na mayroon tayo bagkos dapat natin pag isipan Mabuti ang mga binibitawang salita at
pati narin ang pag gamit ng internet lalo na’t patuloy ang pag lawak nito. Inilunsad na ng
pamahalaan ang ilang batas patungkol sa “cybercrime law” na kung saan may naka abang na
parusa ang sino mang lalabag dito. Bilang isang estudyante o mamamayan ng sambayanang
Pilipino, hindi natin dapat tangkilikin ang mga maling impormasyon sa internet lalo na sa darating
na election ngayong Mayo. Kailangan mas maging kritikal at suriin Mabuti ang mga artikulong
binabasa ng sa ganon ay hindi tayo mabiktima ng maling impormasyon.

REFERENCES:
Ichimura, A. (1970, 1 januari). Looks Like Filipinos Are More Worried About Fake News

Coming From Politicians Than Media. Esquiremag.ph. Geraadpleegd op 29 maart 2022,

van https://www.esquiremag.ph/politics/news/filipinos-fake-news-politicians-reuters-

a00304-20200617

Ramota, CM ( n.d) Ang Internet Bilang Espasyong Pulitikal sa Pilipinas: Pakikilahok,

Pamamahala, at Protesta sa Cyberspace / Internet as a Political Space in the Philippines:

Participation, Governance, and Protest in the Cyberspace,

https://ejournals.ph/article.php?id=8037

You might also like