You are on page 1of 1

Mary Ann M.

Gacuan

Grade 9-Linnaeus

Reaksyon sa iba’t-ibang akusasyon laban sa media

Media ang pangunahing sanggunian ng masa tungkol sa mga araw-araw na nangyayari sa loob at labas ng bansa.
Sila ang nagbibigay ng balita sa mga mamamayan kaya nakamit nila ang tiwala ng mga Pilipino. Kailangan maging
pantay ang tingin ng mga mamamahayag sa bawat tao. Dapat wala silang pinapanigan at pinagtatakpan. Ito ang isa sa
naging isyu ng media sa panahon ngayon at dahil dito nakatanggap ang media ng iba’t-ibang akusasyon.

Sinasabi sa mga artikulong aking nabasa na lumalabas na ang media ay may pinapanigan at isa ito sa naging
paksa ng ating President-elect Duterte sa kanyang isinagawang conference. Nagulat ako ng aking mabasa ang tungkol sa
artikulong ito dahil sa nagkaroon ng hindi pantay na pagtingin ang media. Talaga naming hindi tama ang ginawa ng media
na maging hindi patas at magpabayad sa matataas na tao sa lipunan. Marami ang naniniwala sa kanila dahil ang media ang
nagsisilbing boses ng mga mamamayang Pilipino at dahil sa kanilang ginawa, malaki ang posibilidad na marami din ang
maniwala sa kanila lalo na yung mga taong hindi napakinggan o napanood ang conference ng ating President-elect.
Naniniwala ako na malinis ang nais iparating ng ating President-elect.

Talagang napakaimportante ng trabaho ng mga media. Bilang isang mag-aaral na mamamahayag, dapat na huwag
sumang-ayon sa mga iminumungkahi ng iba halimbawa na lamang ng nangyari sa media na tumanggap ng pera upang
hindi ipalabas sa publiko ang ibang impormasyon. Dapat na maging tapat sa trabahong ating ginagampanan hindi lamang
ang media kundi lahat ng mamamayan.

You might also like