2. Manood ng isang talumpati. Maaring humanap ng recording nito sa internet.
Ilarawan ang talumpati. Maaring gamitin ang mga sumusunod na gabay
Talumpati: Ulat sa mga Hakbang Laban sa COVID-19 at Mensahe ng
Pagtutulungan | VP Leni Robredo
a. Sino ang nagtalumpati? Ano ang kredensiyal niya bilang tagapagtalumpati?
Ang nagpahayag sa aking napanood na talumpati ay walang iba kundi si Leni Robredo, isang abogada na kalaunan ay naluklok bilang Congresswoman at sa kasalukuyan siya ang Bise- Presidente ng Republika ng Pilipinas. Mayroon siyang kapangyarihan na maghayag ng mga talumpati at tagubilin sa mga mamamayan ng bansang Pilipinas dahil siya ang Ikalawang Pinuno ng ating bansa at siya ang kaagapay ng pangulo upang pamahalaanan ng matiwasay ang bawat sulok ng Pilipinas lalo na ngayong panahon ng pandemya. Ito ay isa sa kaniyang mga gawain upang magbigay kaalaman at mensahe sa bawat mamamayan upang magkaroon ng maayos na relasyon sa pagitan ng gobyerno at ng mga mamamayan upang magsilbi itong sanib pwersa laban sa mga suliranin na kinakaharap ng ating bansa.
b. Ano ang paksa ng kanyang talumpati?
Ang naging paksa ng talumpati ng Bise- Presidente na si Leni Robredo ay mga datos galing sa Lancet Study ukol sa ranggo at kalagayan ng Pilipinas ngayong pandemya tulad ng mga paraan at kaugalian na maaring ipatupad upang maging isa ang Pilipinas sa mga ' Successfully Suppressed' o mga bansang nagtagumpay sa pamamahala ngayong pandemya kahit na walang pang inilalabas o rekomendasyon na gamot na maaaring gamitin upang malabanan ang sakit na covid-19
c. Paano dinebelop ng nagtatalumpati ang paksa? May mga naalala ka bang
bahagi o linya sa talumpati? Ano-ano ang mga ito? Sa aking masinsinang na pangingilatis at pakikinig sa mensahe at mga datos ng ating BisePresidente masasabi kong nadebelop niya ang paksa sa pamamagitan ng mga positibong pahayag at panghihikayat sa mga mamamayan na makiisa at sumunod sa bawat tagubilin na ilalabas ng ating gobyerno. Isa sa mga halimbawa ng mga positibong pahayag na kaniyang inihayag sa sarili niyang talumpati ay ang katagang “Humaharap ako sa inyo ngayon dahil naniniwala akong kaya din natin ito" sa bahaging ito ipinadama ng ating Bise- Presidente ang kaniyang paniniwala sa kakayahan at kabutihan ng mga Pilipino. Sa kalagitnaan ng kaniyang talumpati nakatulong ang mga halimbawa na kaniyang inihayag upang mas lalong maintindihan ang pangunahing paksa ng kaniyang ulat ukol sa mga paraan at gawain na maaring ipatupad ng gobyerno upang maisakatuparan ang nais na maging isa ang Pilipinas sa mga “Successfully Suppressed” na bansa ngayong pandemya. d. Ano ang masasabi mo sa paraan ng pagkakasulat ng talumpati? Base sa aking pakikinig at masinsinang pag-intindi sa mensahe ng ating Bise- Presidente masasabi kong ang kaniyang talumpati ay madaling intindihin, makatotohanan at punong- puno ng mga mapagkakatiwalaang datos. Sa kaniyang panayam nabigyang diin niya ang mga suliranin ng ating bansa at ano ang mga kaisipan tungkol sa mga paraan at kaugalian upang masugpo at agarang mabigyang aksyon ang mga ito. Hindi lamang siya nagbigay ng sariling pananaw kundi nagbigay din siya ng mga totoong datos na mapagkakatiwalaang bawat Pilipino.
e. Ano ang naobserbahan mong paraan ng pagtatalumpati tulad ng pagbigkas at
paggalaw? Habang pinagmamasdan kong maglahad ng talumumpati ang Ikalawang Pinuno ng Pilipinas napansin kong malumanay siyang magsalita at mayroong ngiti sa kaniyang mga labi, na nakatulong naman upang magkaroon ng kompyansa ang mga manonood at maintindihan ito ng maayos. Madiin din niyang binibigkas ang mga mahahalagang impormasyon at datos na kaniyang bibigkasin upang maglagak ng masidhing emosyon sa partikular na ulat, na nakatulong din upang matatak sa isipan ng mga tagapakinig at manonood ang mga mamahalagang detalye sa bawat bahagi ng panayam.
f. Saan idinaos ang talumpati?
Kuha ang bidyo ng ulat o talumpati ni Bise- Presidente Leni Robredo sa kaniyang opisina o mas kilala sa pamosong pangalan nito na Office of the Vice-President (OVP). Ang Bidyo ng BisePresidente na aking napanood at napakinggan ay inilabas noong Setyembre 28 taong 2020. Ito ay nailibag din sa mga pahayagan tulad ng diyaryo at nailabas din sa ibat ibang social media platforms tulad Facebook, Youtube at iba pa.
g. Sino ang manonood ng talumpati?
Ang mga manonood ng nasabing Talumpati ng Bise-Presidente ay ang mga pribado at lokal na gobyerno pati na rin ang mga mamamayang Pilipino. Ang mga Pam-pribado at lokal na Gobyerno ay makapupulot ng mga estratehiyang makatutulong sa kanilang pamumuno sa kanilang mga nasasakupan at mabigyan sila ng kaalaman ukol sa kalagayan at datos mula sa Lancet Study na inilabas. Para din sa mga mamamayan ang talumpating ito upang magbigay kaalaman sa mga posibleng kaharapin ng bansa kaugnay ng paglaban nito sa pandemya, totoong kalagayan ng bansa, mga kaugalian at pamamaraan na maaring sundan ng mga mamamayan upang makiisa sa pagsugpo ng pandemya. h. Ano kaya ang layunin ng talumpati? Nagtagumpay kaya ang nagtatalumpati sa layuning ito? Kung Oo paano? Kung hindi bakit? Batay sa aking personal na interpretasyon ang layunin ng talumpati ay magbigay ng sapat kaalaman sa estado ng kalagayan ng bansang Pilipinas at ng buong mundo sa gitna ng pakikipaglaban nito sa pandemyang Covid-19 kasama na rin rito ang paglalahad ng mga kaisipan at estratehiya kaugnay ng pakikiisa sa mga pamamaraan ng gobyerno laban sa pandemya ng Covid-19 virus. Masasabi kong nagtagumpay ang nagtatalumpati sapagkat sa pakikinig at pagsisiyasat ko sa kaniyang mensahe lubos kong naunawaan ang bawat suliranin na kinakaharap ng ating bansa at kung ano ang mga epektibo at maayos na aksyon na maaaring ilapat sa mga ito dahil sa kaniyang mahinahon na pagpapahayag at punong-puno ng emosyon sa bawat mahahalagang impormasyon at datos na kung saan ay nahihikayat niya ang mamamayang Pilipino na maging mulat at makiisa.
i. Ano ang iba mo pang naobserbahan sa talumpati at nagtatalumpati?
Sa kaniyang talumpati ukol sa hakbang patungo sa pagsugpo ng Covid-19 virus sa ating bansa na aking napakinggan, kapansin-pansin din na sa kaniyang pahayag nakapaloob dito ang kaniyang mensahe ng pagtutulungan at pagbibigay ng pag-asa sa bawat Pilipinong makakanood o makaririnig ng kaniyang simpleng ulat. Sa kaniyang pag-uulat ukol sa kaniyang talumpati damang-dama ang kaniyang masidhing pagmamahal at pag-aalala sa kalagayan ng bansang Pilipinas at sa mga mamamayan nito. Pag-asa at lakas na loob ang nagiging pangunahing panamdam na maaaring mahinuha sa kaniyang mensahe ng pagkakaisa.
j. Website kung saan napanood ang video recording ng nagtatalumpati.
Ito ang Website o Link kung saan mapapanood at mapapakinggan ang buong bidyo ng Talumpati ng ating Bise-Presidente na si Leni Robredo na mayroong Pamagat na " Ulat sa mga Hakbang Laban sa Covid- 19 at Mensahe ng Pagtutulungan " https://youtu.be/jp4xEEwPGfY 3. Nagpaplano ka ng isang okasyon sa iyong paaralan o pamayanan. Isa sa mga gawain ang pagtatalumpati ng isang piling panauhin.
a. Anong okasyon ang naiisip mong idaos sa iyong paaralan o pamayanan?
Ang unang okasyon na pumasok sa aking isipan na kung saan ito ay aming taunang ipinagdiriwang ay ang “World teachers Day” may pandemya man o wala sinisiguro ng aming paaralan na ito ay ang aming maipagdiwang. Ang “World Teachers Day” o Araw ng mga Guro ay ipinagdiriwang tuwing oktubre 5 bilang pagbibigay pagkilala, pagpapahalaga at pagpupugay sa mga guro na itinuturing natin bilang pangalawang magulang ng mga mag-aaral sa paaralan. Bukod sa ating mga magulang ang mga guro ang nagsisilbing taga-paghubog ng ugali at pagkatao ng mga mag aaral.
b. Sino ang gusto mong imbitahan para sa magtatalumpati?
Kung ako ang tatanungin ang nais kong imbitahin upang magtalumpati sa idadaos na pagdiriwang ng “World Teachers Day”sa aming paaralan ay si Engr. Romar Y. Magat na isang mag-aaral na nakapagtapos sa San Matias National High School taong 2010 na nagkamit ng karangalan bilang valedictorian. Ngayon ay isa ng ganap at lisensyadong engineer. Siya ang napili kong imbitahan upang magtalumpati sa idaraos na selebrasyon ng “World Teachers Day” upang magbigay ng pasasalamat at pagpupugay sa mga guro ng San Matias National High School. At upang patunayan sa na ang San Matias National High School ay talagang home of the champions sapagkat sila ang tulay sa pag-abot ng mga pangarap ng isang mag -aaral.
c. Saan angkop na idaos ang talumpati?
Ang talumpati ay naaangkop na idaos sa conference room ng San Matias National High School kasabay ng pagdiriwang sa World Teachers Day o Araw ng mga Guro. d. Sino ang iimbitahan mo para makinig ng talumpati? Ang mga imbitado sa pagdaraos ng nasabing talumpati ay ang ating mahal na Punong Guro, mga guro ng San Matias National High School mula sa ibat- ibang departamento at maging ang mga mag- aaral ng San Matias High School ay inaasahang dadalo sa nasabing selebrasyon.
e. Ano ang ibibigay mong paksa sa kaniya?
Kung ako ang magbibigay ng paksa sa panauhin para sa kanyang talumpati, Ang magiging paksa ng kanyang talumpati ay nakapatungkol sa paglalahad ng kanyang mga naging karanasan bilang isang estudyante sa San Matias National High School tulad ng karanasan niya sa kanyang mga naging guro sa sekondarya. Isa rin sa magiging paksa ng kanyang talumpati ay ang pagbibigay ng pasasalamat at pagkilala sa mga kabayanihan ng mga guro sapagkat sila ang nagsisilbing pangalawang magulang at makabagong bayani na humuhubog sa ating magkaroon ng maliwanag na kinabukasan. Ilalahad niya rin dito kung ano-ano ang mga pagsubok na kinaharap niya sa pag abot ng kanyang pangarap bilang isang engineer ng saganon ito ay magsisilbing inspirasyon sa mag aaral ng San Matias National High School maging ang mga guro nito
f. Ano ang magiging layunin ng kaniyang talumpati?
Ang magiging layunin ng kanyang talumpati ay ipabatid ang kaniyang taos-pusong pasasalamat at pagkilala sa mga guro ngayong World Teachers Day. Sa kanyang talumpati ay bibigyan niya ng diin na ang pagiging isang guro ay hindi madali at hindi rin ito itinuturing bilang isang trabaho o propesyon bagkus ito ay isang tungkulin sa bayan na kinakailangan ng dedikasyon. Layunin ng kanyang talumpati na imulat ang isipan ng mga mag aaral at mahalin nila ng lubos ang kanilang mga guro sapagkat kung wala sila ay walang mag-aaral ang matututo at matagumpay sa buhay.