You are on page 1of 5

MODYUL 7

Filipino Bilang Larangan at Filipino sa Iba’t Ibang Larangan


Midya

Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nailalahad ang ugnayan ng wika at media.
2. Nasusuri ang kalagayan ng Wikang Filipino sa Media sa kasalukuyang panahon.
3. Nakapagbibigay ng suhestiyon kung paano mapauunlad pa ang Wikang Filipino
gamit ang Media.

Ano ang unang naiisip mo kapag nabasa o narinig mo ang mga sumusunod:
1. In the Service of the Filipino
__________________________________
2. Walang Kinikilingan. Walang pinoprotektahan. Serbisyong totoo lamang…
__________________________________
3. Broadcast Yourself.
__________________________________
4. Just Do It.
__________________________________
5. Love ko ‘to.
__________________________________

Wika at Midya

Ang Wikang Filipino ang pangunahing wika ng komunikasyon sa halos lahat ng


media ngayon sa Pilipinas. Mula sa print media hanggangang sa entertainment at
digital media, Wikang Filipino ang ginagamit. Ang midya ang nagtuturo na maging
malaya sa pagpapahayag. Ang pamamaraan sa pamamahayag sa wikang Filipino ay
maayos at malinaw na sadyang naiintindihan ng lahat, dahil sa konsistent na paggamit
nito.
Ang media ay binubuo ng iba’t ibang impormasyon na ipinaaabot sa maraming tao
sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ito ay tila ba Gatekeepers at Agenda Setters (Kurt
Lewin, 1974). Nagiging checkpoints ang media dahil sinasala nito ang mga bagay na
dapat ipaabot sa tao. Ang media rin ay agenda-setter sapagkat naitatakda nito ang
isyung nararapat pag-usapan.

MGA TUNGKULIN NG MEDIA


1. Makapagdulot ng aliw (escape to reality)
Nilalayon ng media na makapagbigay nang aliw sa mga tagatangkilik nito. Mula sa
mga awitin, panoorin, laro at iba pang gawain ay ginampanan ng media sa mga tao ito.

2. Ipalaganap ang kabatiran


Nilalayon din ng media ang makapagpalaganap ng kabatiran sa mga tao.
Halimbawa na lamang ditto ay ang eleksiyon. Malaki ang gampaning naiambag ng
media sa pagpapakilala ng mga taong nagnanais na umupo sa pwesto. Dahil sa media,
may pagkakataon ang mga botante upang makilala nila ang mga kandidatong hindi
man lamang nila nakaharap. Sa pamamagitan ng media, tila ba inilalapit nito ang mga
kandidato sa mga botante.
Hindi lamang sa panahon ng eleksiyon nagiging malaking kapakinabangan ang
media. Maging sa pagpili ng mga produkto, lugar na nais mong mapuntahan, gamot na
maaring maging lunas sa iba’t ibang uri ng sakit, sakit na maaring pumasok sa bansa,
at maging ang ulat ng panahon ay maaring malaman sa pamamagitan ng media.

3. Maging tagapagtaguyod ng kagalingang panlipunan


Layunin din ng media ang makapagtaguyod ng kagalingang panlipunan kung saan
hindi lamang isa ang makikinabang kundi ang lahat ng mga taong maaabot nito.

4. Maging tagapag-ugit ng kasaysayan


Sa pamamagitan ng media, naitatala ang bawat pangyayari sa mga tao. Dahil dito,
ang taong hindi pa ipinapanganak ngayon ay may pagkakataong malaman ang
mahahalagang pangyayari sa kahapon at kasalukuyan.

KLASIPIKASYON NG MIDYA AYON KAY RODMAN(2007)


Mayroong apat(4) na klasipikasyon ang midya kung saan, ang lahat
nang ito ay ginagamit sa pangaraw-araw na buhay ng mga tao.

1. Print Media
Maraming uri ng print media ang naipakalat na ng iba’t ibang manunulat hindi
lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Kabilang sa print
media ang mga aklat, diyaryo, magasin at iba pang mga lathalain.

2. Broadcast Media
Mayroon namang dalawang(2) uri ng broadcast media. Isa na ang radyo kung saan,
kinagiliwan itong gamitin ng mga taong nais makapangalap ng iba’t ibang impormasyon
sa kabila ng kanilang kaabalahan. Marami ang tumangkilik ng radyo dahil sa hindi
lamang ito
nakapagbibigay aliw kundi sa pamamagitan nito, nalalaman ng mga tao maging nasa
malayong lugar ang mga pangyayaring hindi nakikita ng kanyang mga mata mula sa
ibang lugar.
Isa pag uri ng broadcast media na sadyang tinangkilik din naman ng nakararami ay
ang telebisyon. Dito, hindi lamang naririnig ang mga balita, drama, o awit na nais ng
mga tagapakinig kundi bagkus, higit itong nakaaaliw dahil hindi lamang naririnig ang
pahayag kundi nakikita pa. Sabay na naririnig at nakikita ng taong tumatangkilik nito
ang impormasyong nais o kailangan niyang makalap.

3. Digital Media
Kung nakaaliw ang broadcast media sa pamamagitan ng radyo at telebisyon,
masasabi nating higit na nakaaliw sa tagatangkilik ang digital media. Sadyang
napakalawak ng naaabot ng digital media. Sa pamamagitan nito, tila ba nagiging
napakalapit ng Europa o Amerika sa Pilipinas o saan mang bahagi ng daigdig. Dahil
dito, hindi man natabunan ng lubos ang pagtangkilik ng mga tao sa dalawang naunang
bahagi ng media, masasabi naman nating ito na marahil ang higit na nakalalamang
kung pagtangkilik ang pag-uusapan. Sa pamamagitan lamang ng maliit na kompyuter o
cellphone, idagdag pa ang malakas na sagap nang internet, maaari mo ng makausap
ang
iyong mahal sa buhay na nasa malayong lugar, dito man sa Pilipinas o sa ibayong
dagat.

4. Entertainment Media
Marahil, isa na rin sa hindi maitatatwang katotohanan, ang entertainment media ay
nag-ambag din ng kamalayan ng mga tao. Sadya namang napakarami na ring pelikula
at larong pang-video ang napanood at patuloy na tinatangkilik ng mga tao.

Bukod pa sa apat(4) na klasipikasyon ng media, marahil ay hindi na rin magtatagal


at madaragdagan pa ito ng ilan pang mga bagay na maaring magamit ng mga tao sa
pagkalap ng iba’t ibang impormasyon. Ngunit gaya nang nabanggit sa pasimula ng
akdang ito, ang media ay sinasabing gatekeeper at agenda-setter. Ano ba ang dapat na
salain ng media? Kung may iba’t ibang tungkulun at gampanin ang media sa
tagatangkilik nito, paano niya ito maisasakatuparan? Tama ang iyong kasagutan. Ito ay
sa pamamagitan ng wika.

Kung wika ang gamit ng media sa paghahayag ng mga impormasyon, ano naman
ang papel ng media sa pagpapalaganap ng wikang Filipino?
1. Ang wika ay ginagamit ng media sa pagbibigay ng impormasyon at depinisyon.
2. Ang wika ay ginagamit ng media upang lumikha ng mga konstruksiyon ng
realidad.
3. Ang wika ay ginagamit ng media upang magpahayag ng mga pananaw na
magpapanatili sa status quo.
4. Ang media ay likas na selektibo.
5. Symbolic Violence-Hegemonhy
6. Ang media ay posibleng konteksto ng pagbabago sa wika.

MABUTING DULOT NG MEDIA SA BANSA

1. Nagiging instrument ng pagtulong sa kapwa.


Isang mabuting halimbawa sa ginampanan ng media sa pagtulong sa kapwa ay
noong panahon ng matinding bagyo sa panahon ng Bagyong Ondoy at Bagyong
Yolanda. Sa pamamagitan ng media, naihatid hindi lamang sa mga lugar ng
ating bansang may kapasidad na tumulong ang impormasyon ng
pangangailangan ng mga nasalanta kundi maging sa ibang bansa. Dahil sa
media, mabilis na naipahahatid ang tulong sa mga nangangailangan.

2. Paglaganap ng turismo.
Sa pamamagitan din ng media, naipapakilala ang mga lugar n gating bansa sa
iba’t ibang panig ng mundo. Dahil dito, dumarami ang mga turistang pumupunta
o bumibisita sa ating bansa. Nagkakaroon ng hanap-buhay ang mga taong nasa
paligid ng mga lugar kung saan ang mga turista ay nangangailangan.
3. Napapadali at napapalawak ang pagsuporta o paglaban sa isang isyu o causes.
Nagkakaroon ng pagkakataon ang mga tao na maging kabahagi ng isang
talakayin o aktibidad sa ating bansa. Sa pamamagitan ng media, mabilis na
naisasakatuparan ang bawat balakin ng mga tao.

4. Nagbibigy ng malaking tulong sa paglutas ng krimen.


Isang halimbawa ay ang kaso ni Mark Dizon na nakapatay ng sampung tao
kasama na ang limang Pilipino. Ang pinakanaging instrument ng mga pulis sa
pagtugis ng naturang suspek ay ang Facebook kung saan dalawang beses itong
nakulong.

5. Nakakatulong sa iba’t ibang larangan tulad ng agham, matematika, edukasyon,


sining at literature.
Napapabilis ng media ang pagsasaliksik hindi lamang ng mga magaaral kundi
nang mga guro na rin.

6. Nakapagbibigay ng walang kupas na aliw.


7. Nagpageekspres ng kani-kaniyang emosyon o opinion sa iba’t ibang bagay.

8. Mas madaling transaksiyon sa pagbili ng iba’t ibang produkto sa loob man o labas
ng bansa.

1. Napapadali ang paghanap sa mga nawawalang tao, bagay o hayop.

2. Mabilis na pagkalat ng impormasyon at mga balita.

3. Napapanatili ang koneksiyon sa mga mahal sa buhay lalo na iyong mga nasa
malalayong lugar.

MABUTING DULOT NG MIDYA SA WIKA

Dahil sa midya, unti-unting naipakilala sa buong kapuluan ang opisyal na wikang


dapat gamitin hindi lamang sa mga paaralan kundi maging sa mga tanggapan. Dahil din
sa midya, mas malimit na naririnig ng mundo ang wikang iniingatan at
pinangangalagaan ng lahing kayumanggi.
Sa broadcast media gaya ng radyo, Filipino rin ang wikang ginagamit upang
maghatid ng impormasyon sa iba’t ibang rehiyon. Maging sa pangunahing programa sa
telebisyon, Filipino rin ang wikang ginagamit.
Naaabot na rin maging sa ibang bansa ang mga kapwa Pilipino gamit ang mga
programang may tatak pinoy sa telebisyon gaya ng TFC (The Filipino Channel)
Ibang antas naman ang kabutihang idinulot ng entertainment media sa pamamagitan
ng indie film.

Mga Millenial na Salita


Ang mga taong ipinanganak sa pagitan ng 1981 hanggang 1996, ay tinatawag na
mga millennial . Samantalang ang mga ipinanganak sa pagitan ng 1995-2012 ay
tinatawag na Post Millenial. At ang mga ipinanganak sa pagitan ng 2013-2025 ay
tinatawag na Generation Alpha.
Madaling makasabay sa pag-usbong ng makabagong teknolohiya ang mga
millennials. Katunayan nito, lahat ng uri ng social media ay mayroon silang account,
mahilig mag-selfie, at mag-post ng kung ano-ano.
Masasalamin din sa kultura nila ang pagiging malaya, na kung saan, naipapahayag
nila ang kanilang ideya, saloobin, at paniniwala sa sariling pamamaraan. Tunay ngang,
ang mga millennial ay hindi natin mapipigilan sa kanilang sariling pag-unlad sapagkat,
sila’y naka-depende sa mga nauuso at napapanahong pangyayari sa lipunan.
Ang mga millennial ay kakikitaan ng pagiging malikhain lalo, na sa paggamit ng mga
kakaibang salita na mayroong kahulugan. Naging bahagi na ito ng kanilang pang-araw-
araw na buhay. Kahit sa pakikipag-usap nila sa kanilang mga magulang, guro, at
kaibigan ay lagi nila itong nagagamit bilang midyum ng kanilang pakikipagtalastasan.

You might also like