You are on page 1of 14

WIKA AT

EDUKASYON,
WIKA AT MASS
MEDIA,
WIKA AT POLITIKA
LIDER:
TOLENTINO, CHARLENE G.
IKALAWANG LIDER:
ROMEN, MARIEL ANNE G.
SEKRETARYA:
DOMINGO, MICHELL C.
MIYEMBRO:
ASIO, AYA MARIZ P.
CADENILLA, JANA JOBELLE A.
CLATA, CHRISTINE L.
TADENA, LOVELY CAILE
TRINIDAD, MA. VICA

GURONG TAGAPAYO:
DR. JANET P. MATIAS
WIKA AT EDUKASYON
Ang edukasyon ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay. Sa pamamagitan

ng edukasyon, ang isang bayan nakakapaglikha ng mga mamamayan na alam ang mga problema

ng sariling bansa, alam ang mga kinakailangang solusyon, at may malasakit at tapang para

magtrabaho at magsakripisyo para sa kaligtasan ng kaniyang bayan. (Renato Constantino, 1966).

Dumating ang mga unang dayuhan sa ating mga isla noong Marso 16, 1521. At dumating

ang mga Amerikano naman noong Mayo 1, 1898. Nang ito ay mangyari, ang pagbabago sa ating

bayan ay sumunod. ("Philippine history," 2002) Ang mga dayuhan na ito ay sinakop tayo sa mga

iba’t-ibang paraan. Isa dito ay ang pagkikipagkaibigan sa mga pinuno ng bansa at kung hindi ito

natupad ay ginagamit ang pakikipagdigmaan (Langley &Hofilena, 1989). Para manatiling sakop

tayo, ginamit ang edukasyon. Ang edukasyonng Pilipinas at ng sistema nito ay ginamit bilang

instrument sa pagtalo sa mga pagtatanggol ng mga Pilipino at sa pagpatay ng anumang klaseng

nasyonalismo (Renato Constantino, 1966). Isa sa mga paraan para maisagawa ang ganitong plano

ay ang paggamit ng kapangyarihanng wika.

Ayon kay Antonio Isidro (1972), ang pinakamahalagang kasangkapan ng komunikasyon ay

ang wika. Ang wika ay ang dahilan kung bakit possible ang edukasyon. Ang wika ay paraan para

maipahayag ng tao ang kaniyang mga ideya at maimpluensya ang iba (Isidro, 1972). Alam ito ng

ating mga mananakop at ginamit nila ito para tuluyang sakupin ang bansa. Ang resulta ay ang

pagsakatuparan ng pagturo ng Ingles at ang paggamit ng dayuhang wika na ito para sa ating

edukayson.

Ang halaga ng wikang Ingles ay hindi maaring maliitin. Ito ay isa sa mga sikat o popular,

na wika sa ating mundo. Ito ang wika ng sining, ng agham at ng commerce. (Antonio Isidro, 1972)

Ito rin ang pamana sa atin ng Amerikano noong umalis sila.

Ang paggamit ng wikang Ingles sa pagtuturo ay isa sa mga kahinaan natin sa edukasyon ng

Pilipinas. Karamihan sa ating mga mag-aaral ay hindi naiintindihan kung ano ang itinuturo dahil

ito ay isang wika na hindi sila sanay salitain at gamitin. Hindi nasusundan ng mga estudyante ang

mga aralin dahil hindi nila naiintindihan ang sinasabi ng guro (Apilado, 2008) Ang mga Pilipino,

habang lumalaki, ay nagsasalita ng kanyang katutubong wika sa kaniyang kapaligiran at ang Ingles
ay naririnig at natutunan lamang tuwing siya ay nasa paaralan. Ang wika ay itinuturing na isa sa

mga nagpapahiwatig ng pag-unlad ng kaisipan. Kung alam natin ito, ang isang Pilipino ay binubuo

ang kaniyang paraan ng pag-iisip sa modelo ng kaniyang katutubong wika (Antonio Isidro, 1972).

Ayon sa pananaliksik ukol sa unang at pangalawang wika, Ang mga bata ay kinakailanganng 12

na taon lang para matutunan ang L1 or ang unang wika, Ang mga binata/dalaga o nakakatandang

bata ay mas magaling matuto ng L2 o ang pangalawang wika. Ito ay dahil mas marami silang

karanasan at ang “mental maturity” nila ay mas mataas kaysa sa mga mas bata. Ang pag-uunlad

ng mga “skills” ng bata ay mas epektibo kung ang pagtuturo ay ginawa sa L1 kaysa L2. (Dutcher,

1994). Kung totoo ito, magiging mahirap magturo ng wikang Ingles at lalo na magturo ng iba pang

asignatura sa wikang banyaga na ito. Ang isang halimbawa na magpapatunay ng lahat ng ito ay

isang proficiency test ginawa noong 1998 para sa iba’t-ibang grupong high school graduates sa

Metro Manila.

Alam natin na ginamit ang wikang Ingles para tuluyang kontrolado tayo. Ginamit ito sa

paraan ng paggamit ng wikang Ingles sa ating edukasyon para maipahayag nila ang kanilang ideya

at maimpluensya tayo sa kahulihan gamit ang wikang Ingles. tayo ang tagapagmana ng literatura

at kultura ng mga bansa na wikang Ingles ang pangunahing wika nila (Isidro, 1972), lalo na ang

Estados Unidos. Sa opinion ni Renato Constantino at Antonio Isidro, ang wika ay may relasyon sa

nasyonalismo ng mga mamamayan ng isang bansa. Ginamit ang wikang Ingles ating edukasyon

para mawala ang mga ideya ng nasyonalismo sa ating mga puso at pag-iisip at para kontrolado

ang ating pag-iisip (Constantino, 1966). Ayon sa kasaysayan, ang wika ay isang simbolo ng paglaya

ng isang bansa mula sa kanilang mananakop. Ang halimbawa dito ay ang paggamit muli ng mga

Koreano ng kanilang katutubong wika nang pinaalis nila ang mga Hapon sa kanilang bansa. Ang

Pilipinas ay hindi nakakaiba dito ngunit tayo lamang ang kumapit sa dayuhang wika kahit malaya

na tayo. Sa opinyon ni Quezon, hindi tayo magkakaisa hangga’t walang sinasalitang parehong

wika. (Isidro,1972).

Malaki ang ginagampanan ng ng wika sa pambansang kaunlaran. Isang mahalagang

instrument ang wika sa komunikasyon, nagkakaroon ng kakayahang kumuha at makapagbahagi

ng kaalaman; mithiin at nararamdaman sa halos lahat ng aspeto ng pag-aaral at sa ating pang-

araw-araw na pamumuhay. Nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na


paghahatid ng mga ideya sa ibang tao sa pamamagitan ng wika. Kinakailangang maging mahusay

ang isang indibidwal sa pagsasanay ng wika upang magamit ito ng maayos. Marami ang nagsikap

at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad ang wikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na

ito na gamitin ang WEikiang Filipino bilang wikang panturo o midyum sa edukasyon. Ano ang

kahalagahan ng wikang Filipino sa edukasyon? Ito ba ay isang instrument tungo sa kaunlaran at

kalagayang panlipunan ng isang bansa? Malaki ang tungkulin ng wikang pambansa sa panturo at

pagkatuto ng bawat isa.

Itinaguyod ni Manuel L. Quezon na magkaroon tayo ng saliring wikang pambansa, ngunit

magpahanggang ngayon hindi pa rin natin masasabing lubos nga ang pagpapahalagang ibinibigay

natin dito. Sa katunayan, usapan parin hanggang ngayin kung may kakayahan nga ba ang wikang

Filipino na makipagsabayan sa iba pang global na wikang ng mundo.

Isinaad sa Artikulo XIV, Seksyon 6 na ang Wikang Pambansa ay Filipino. Samanatalang

nalilinang, ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at

sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring

ipasya ng ng Kongreso, dapat magsagawa ng hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at

puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at

bilang wika ng pagtuturo sa sistemng pang-edukasyon.

Mahalaga ang wikang Filipino sa pagkaunawa ng mga mag-aaral sapagkat mas malaki ang

naitutulong nito sa intelektwalisasyonat anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa

proseso ng edukasyon. Mas maipapahayag nila ang kanilang sariling opinion, damdami sa isang

isyu o usapin sa kanilang pinag-aaralan. Nakatutulong ang paggamit ng wikang Filipino tungo sa

mabilis na pagkaunawa ng mag-aaral.

Patuloy na gumagawa ng mga hakbangin at puspusang itaguyod pa sa mga paaralan ang

Wikang Filipino bilang midyum ng pagtutro.


WIKA AT MASS MEDIA

Sa mundong ating ginagalawan, hindi natin maiiwasan ang pagusbong ng mga

makabagong salita at iba’t-ibang mga bagay lalo na sa ating sariling wika. Dahil sa mas lalong pag-

usbong ng mass media ay unti-unti na nating nakakalimutan ang ating sariling wika at tila

napalitan na ito ng mga makabagong linggwahe gaya na lamang ng Jejemon, Gay lingo at iba pa.

Ang mass media ay pinakamaimpluwensya at masasabi ring pinakamakapangyarihang

institusyon sa ating lipunan. Ang mass media ay isa ring malaking industriya mapa-radyo man,

telebisyon o sa pahayagan. Ang media ang pangunahing daluyan ng pambansang wika o ang

popular nitong bersiyon, Kolokyal Tagalog, Filipino, at Taglish.

Sa kabilang banda, ang mas pragmatikong usapin ang pagpapalaganap ng media ng

kolokyal na pambansang wika ay hindi na dahil sa pagmamahal ng una sa huli. Mas atas pa ng

pangangailangan ng higit na kahit ng media –isa sa mga huling negosyong nilinaw ng konstitusyon

na paraan sa mga Pilipino lamang –ang motibasyon ng pagtangkilik ng negosyong media sa

wikang pambansa.

Bilang isang Pilipino, mahalagang gamitin at tangkilikin ang ang sariling atin at mas

linangin at mas pausbungin sa iba’t-ibang panitikan dahil ito ang kumakatawan at sumisimbulo

sa ating pagka-pilipino. Tinatawag rin na pangmasang-media o pangmadlng media. Malaki ang

impluwensiya ng Mass Media sa lipunan. Ito rin ay isang malaking industriya at kinikilala bilang

ikaapat na estado (fourth state) kasunod ng tatlong bansang demokratiko. Dahil na rin sa

makabagong teknolohiya, mas napapadali na ang paggamit ng Mass Media. Kasama sa sangay

nito ang pahayagan, radio at telebisyon. Ito rin ang ginagawang libangan, pinagkukunan ng balita

at dahilan ng pagsikat ng ilan.

Ayon kay Marshall Mcluhan, hinuhubog na tayo mismong mass media. Kailangang-

kailangan na natin ito sa ating buhay. Mass media rin ang dahilan kung bakit mas napapalawak

pa natin ang ating kaalaman tungkol sa teknolohiya. Sa tulong ng balita, pahayagan, magasin at

iba pang sangay nito ay mas updated na tayo sa kung ano ang mga makabagong kagamitan o

gadgets.
Radyo ang pinakamura kumpara sa telebisyon o iba pang media gadet. Maaari din itong

umandar o gumana gamit lamang ang baterya. Tipikal itong ginagamit sa paraan sa mga baryo o

mga lugar na hindi abot ng elektrisidad. Ang mga drayber ng taxi ay madalas nakikinig dito, pati

na rin sa pribadong sasakyan, mga restawran, mga tindahan, at maging sa mga opisina upang

making ng balita, musika, o programang panradyo sa AM at FM. Samakatuwid, pangmadla talaga

ang radyo.

APAT NA KATEGORYA O URI NG MASS MEDIA

1. PRINT MEDIA – una itong ginamit sa mga kilusang repormista. Malaki ang papel na

ginagampanan ng mga pahayagan sa panahon ng mga propagandista tulad ni Jose Rizal

at Graciano Lopez Jaena. Ito ang gumanyak sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga

kolonyalismong kastila. Ipinakikita nito ang kapangyarihan ng mass media; ito’y upang

pumukaw sa masa. Ilang halimbawa nito ang aklat, magasin, diyaryo at iba pang lathalain.

2. BROADCAST MEDIA – radio at telebisyon.

3. DIGITAL MIDEA – kompyuter at internet sa kasalukuyan, ang mga ito ay ginagamit sa iba’t-

ibang tungkulin. Ang pangunahing gamit nito ay para sa komunikasyon sa paraan ng

electronic mail o face-to-face chat. Ito rin ay ginagamit sa negosyo para sa kanilang

advertisement.

4. ENTERTAINMENT MEDIA – mga sine, karamihan ng mga sineng ginagawa ay para sa pera

lamang. Ito ang dahilan kung bakit pauli-ulit ang mga pangyayari –kadalasan ito’y tungkol

sa mga love teams. Kaunti lamang ang mga sineng may kahalagahan sa lipunan. Maging

layunin ng mga negosyo na kumita ng malaking halaga at nakalilimutan na ang kalidad ng

mga sine.

PAPEL NA GINAGAMPANAN NG MASS MEDIA

1. GATEKEEPERS – terminong sosyolohikal na binuo ni Kurt Lewin (1974). Media ang may

kakayahang kontrolin ang anumang impormasyong nais iparating sa mga tao. Media ang

nagsisilbing checkpoint na nagsasala ng mga impormasyon bago pa man ito tuluyang

tuluyang maipaabot sa mga tao.


2. AGENDA SETTERS – gawi ng media at kakayahan nitong magtakda kung aling isyu ang

nararapat na pag-usapan. Nagsisilbi ito bilang tagapag-organisa ng mga paksang usapin

na kakagatin ng higit na malaking bilang ng mga tao.

3. MEDIA LITERACY – kakayahan ng isang indibidwal na maunawaan at magamit nang

mahusay ang isang tiyak na midyum na kanyang nalalaman.

4. PAMANTAYAN NG LITERACY – nararapat na nalalaman ang lumikha na nilalaman ng

media ng kanyang nalalaman; kung ano ang layunin nito, kung ano ang epekto nito sa

nakararami, at kung paano ito nag-e-ebolb hanggang sa kasalukuyang panahon.

MGA TEORYA

1. LIMITED-EFFECTS THEORY – ang mga tao ang pipili ng kanilang tatangkilikin at kakaunti

lamang ang impluwensiya ng media rito.

2. CLASS DOMINANT THEORY – nirereplika ng media ang mga kaisipan at paniniwala ng mga

elite na namamay-ari ng korporasyon.

3. CULTURALIST – ang mga tao ang gumagawa ng kanilang pagkakaintindi at paniniwala sa

mga mensahe na nakukuha nila sa media.

4. SELEKTIBONG PANANAW – pananaw kung saan ang iba’t-ibang tao kung saan nakikitaan

ng pekulyaridad sa kanilang nasasaisip. Batay ito sa mga sumusunod na komponent;

Pamilyang pinagmulan, Personal na interes, at Edukasyon.

SULIRANING WIKANG PANG-MEDIA

 PAGPAPLANONG PANGWIKANG DIKSYUNARYO

a. Leksikograpiya ang sining ng pagbuo ng diksyunaryo

b. Encyclopedic, linguistic, diachronic, synchronic, restricted, general, momlingual,

bilingual ana diksyunaryo.

c. Big Dictionary (40,000 salita o higit pa), Medium (hindi bababa o hihigit pa sa 40,000

na salita), Small (hindi hihigit sa 4,000 na salita), Glosaryo (mas mababa sa 4,000 na

salita).
TATLONG (3) OBSERBASYON UKOL SA KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO SA ATING

MEDIA NGAYON

1. Filipino na ang pangunahing wika ng media ngayon

a. Broadsheetsat tabloid

b. Radyo

c. Telebisyon

d. Pelikula

e. Sa kagustuhang urbanisado at sopistikado ay gumamit ng Ingles o taglish sa mga

titulo o sa mga diyalogo.

2. Karaniwang ginagamit ng Filipino sa media bilang wika ng impormasyonat aliwan lamang.

a. Hindi ninanais ng media ang maipalaganap ang wikang pambansa kundi upang

maabot nito ang pinakamalawak na antas ng manonood at tagapakinig

b. Nakatuon sa aliw, entertainment,mainit na tsismis at mababang lebel ng usapan

c. Wikang Filipino- impormal ang tono at maas mahaba ang katangiang artistiko

3. May kakaibang kontribusyon ang Indie films sa wikang Filipino- nagagawa ng mga

prodyuser na gumawa ng sarili nilang pelikula para maipahayag ang kanilang sariling

bersiyon at pananaw tungkol sa lipunan at pagkataong Pilipino nang hindi

pinapakailamanan ng mga prodyuser na ang hangad lamang ay kumita sa takilya.

May dalawang kontribusiyon ang Indie Films sa wikang Filipino;

a. Tinutuklas at binubusisi ng mga Indie film ang maraming reyalidad na itinago ng mga

komersyal, nabuksan din nito ang mga salita na kaugnay ng mga reyalidad na iyon, at

gayo’y napapayaman ang wikang Filipino.

b. Mahalaga ang epekto ng Indie film sa wikang Filipino ay paggamit dito sa pelikula ng

hindi lang makatotohanan kung lalo’t higit mapagmuni at mapanuri.


POP CULTURE

WIKA, KULTURA AT MEDIA

 Nagsisilbing pangunahing instrument ng lipunan ang wika tungo sa mobilisaasyon ng mgja

impormasyon

 Ang wika ay behikulo para makisangkot at makibahagi ang mga tao sa mga gawaing

lipunan upang matamo ang instrumental at sentimental na pangangailangan nito.

 Mahalaga sa isang tao ang maging maalam sa kanyang wikang ginagamit upang magamit

ito sa paraang tiyak at planado.

 Hindi maitatanggi na marami sa kasalukuyang panahon ang may kakulangan sa

kawastuhan at kahusayan sa paggamilyt ng mga teknikal na wikang pang-media

IMPLUWENSIYA NG MEDIA

 Naghahalo ang salitang Ingles at Filipino, na magiging dahilang ng pagkabuo ng mga

bagong salita

 Nagiging bahagi ng bokabularyong Filipino

 Maraming salita nang nabuo sa tanging mga aktibo lang sa social media ang nakaiintindi

 Maraming salita na ang hindi na ginagamit, napalitan, nabago at umusbong

Kabilang sa English Oxford Dictionary (June 2015 update) “40 na salita na hango sa

paggamitng mga pinoy” –Danica Salazar. Ilan sa mga halimbawa nito ay presidentiable, barkada,

balikbayan, halo-halo KKB, gimmick, carnap, bahala na, baon, highblood, kikay kit, mabuhay,

kuya, pulutan, suki, utang na loob atbp.

“walang masama sa pag-usbong ng mga salita na wala pang linaw na kahulugan sa

diksyunaryo basta nagagamit ito sa komunikasyon.” –Virgilio Almario.

PAGLALAGOM

 Ang pagbuo ng isang diksyunaryo ay isang mabisang hakbang tungo sa

pagpapalawak, pagmomodernisa at pagpapaintelektuwalisa ang mga media.


 Maituturing na isang pafsulong pagsulong na pasukin ang media. Sa

pamamagitan nito, mapopormalisa ang mga teknikal na terminong pang-

media na siyang tutulong para maintelektuwalisa. Kung nagagawa ng taga-

media na ihangad ang kalidad ng impormasyon at antas ng kritikal na

talakayan, mas malaki ang maiaambag ng media sa pagbuo ng bansa sa

pamamagitan ng isang wika.

 Ang media na ginagamit ng wikang Filipino ay nagiging matibay na haligi n

gating demokrasiya.

 Buhay ang wika kapag nakasasabay ito at nababay sa panahon.

 Wika ang nagbubuklod sa mga tao. Luma man o bago man ang salita, dapat

hindi makalimuta ang respeto sa paggamit nito at ang naiambag sa nakalipas

na panahon.

WIKA AT POLITIKA

WIKANG FILIPINO SA POLITIKA AT BATAS

Ang layunin ng pagtalakay ay upang matukoy ang kalagayan ng Wikang Filipino sa Politika at

Batas.

“Ang wika ay nagsisilbing instrumento ng pagkontrol sa kamay ng mga makapangyarihan, at

instrumento naman ng pakikibagay o pag-iwas at pagtutol sa parte ng mga biktima ng

kapangyarihan.” –Politika ng Wika, Wika ng Politika.

POLITIKA

a. Mas madalas gamitin ang Pambansang Wika sa usaping politikal. (Constantino, 2005).

b. Ang wika ay may kakayahang magkontrol at baguhin ang isip at damdamin ng tao.

c. Ang wika ay makapagbubuklod sa mamamayan.


d. 50 million (estimated) na mga Pilipino ang nakapagsasalita ng Tagalog (2000).

e. Ang wika ay pasaporte sa sirkulasyon ng kapangyarihan (De Quiros).

f. Ang wika ay humahati sa mga tao (Randolf David).

g. Walang matayog, mahirap o abstraktong kaisipan na hindi maaaring ihayag sa sariling

wika.

h. Ayon naman kay Ralph Recto, Wika ng pagbabago; Ang wika ay tulay sa pamahalaan

at mamamayan.

Ang batas ay katipunan ng mga alituntunin sa pag-aasal na nag-uutos o nagbabawal sa

isang partikular na aspekto ng pamumuhay. “Ang kawalang-muwang sa batas ay hindi katwiran

ng sinuman sa di-pagtupad sa mga ito.” –Artikulo 3, ng Kodigo Sibil.

May tatlong (3) sangay na itinatag ng Saligang-Batas 1987;

a. Sangay na Lehislatibo

b. Sangay na Ehekutibo

c. Sangay na Panghukuman

Nakasaad rin sa Artikulo XIV, Sekyon 6, “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa

Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na

maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang

ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na

komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang- edukasyon.”

Kautusang Tagapagpaganap 335. Nag-aatas na gamitin ang Filipino sa mga opisyal na

korespondensiya, komunikasyon at transaksiyon sa pamahalaan.

Panukalang Batas Sa Senado Blg. 855 ni Sen. Jinggoy Estrada.

Panukalang Batas Sa Senado Blg. 2639 ni Sen. Manuel Lapid.

Panukalang Batas sa Senado Blg. 1770 at 1859 ni Sen. Mirriam Defensor Santiago.
DepEd Order No. 74, series of 2009 Mother Tongue-Based Multilingual Education (MLE)

Selebrasyon ng Wikang Pambansa K-12 Curriculum.

Panahon ni Pang. Arroyo Executive Order 210 “An Act Strengthening English as the

Medium of Instruction”

HUKUMAN 2004- naghain ng proposal si Noli de Castro na isalin sa wikang Filipino ang

ginagawang pagdinig sa loob ng korte sa bansa Drakula vs Donato - desisyon sa korte na nakasulat

sa Wikang Filipino (Justice Barredo) English-Filipino Legal Dictionary Ipinalimbag ng U.P.

MGA SULIRANING KINAKAHARAP POLITIKA

1. Walang maayos na programa ang pamahalaan tungkol sa paggamit ng Wikang Filipino.

2. Kakulangan sa political will ng mga mambabatas.

MGA SULIRANING KINAKAHARAP BATAS

Ang mga intelektuwal na tao, sikat at may mataas na katungkulan sa lipunan ay hindi

sanay sa paggamit ng Wikang Filipino (1). Kulang sa mga aklat o tekstong mababasa na nakasulat

sa Wikang Filipino. Ang mga mambabatas, lalo na ang mga nasa hukuman ay hindi sanay gumamit

ng Wikang Filipino (2). Ang mga desisyon, direktibo, proklamasyon, batas at mga panukalang

batas ay nakasulat sa Wikang Ingles (3). Paglilimita sa anumang palabas na maaaring magpakita

ng antas ng lipunan gamit ang Wikang Pambansa (4).


REPERENSIYA

[1] Cruz, I. R. (2010). 21st century trends, issues and challenges in Philippine education. (pp.

167-169). Mandaluyong City: National Bookstore.

[2] Constantino, R. (1966).The Filipinos in the Philippines. (pp. 1-27). Quezon City: Malaya Books

Inc.

[3]Apilado, D. B., &Nolasco, R. D. M. (2008). A history of paradox: some notes on Philippine

public education in the 20th century. In A. Bernardo (Ed.), The Paradox of Philippine Education

and Education Reform: Social Science Perspective (pp. 89-98,133-145). Quezon City: Philippine

Social Science Council.

[4] Isidro, A. (1972). Principles of education. (pp. 44-84).

[5] Langley, A., Alcantara, S., &Hofilena, J. D. (1989). The story of the Philippines. (pp. 41-43, 52-

53). World Book House.

[6] The 1987 Constitution of the Republic of the Philippines

[7]Philippine history. (2002). Retrieved November 27, 2011 from

http://pinas.dlsu.edu.ph/history/history.html

[8]History of the Philippine educational system. (n.d.). Retrieved November 30, 2011 from

http://www.etravelpilipinas.com/about_philippines/philippine_education.htm

[9]Education during the Spanish regime and its colonial effects to the Filipinos. (n.d.). Retrieved

from

http://www.etravelpilipinas.com/about_philippines/Education_during_the_Spanish_Regime.ht

[10]American government gave importance to education in the Philippines. (n.d.). Retrieved

November 30, 2011 from http://www.etravelpilipinas.com


[11]Dutcher, N. in collaboration with Tucker, R. (1994). The use of first and second languages in

education: A review of international experience. Pacific Islands Discussion Paper Series No.1.

Washington D.C.: The World Bank.

[12] Okata, S. (2009). Philippines from 1900-1915. Retrieved from

http://philippines1900.tumblr.com/post/263314340/thomasites

[13] Thomasites. (2011, November 4).

[14] History of the system of education in the Philippines. (2011). Retrieved from

http://www.scribd.com/doc/4941120/History-of-Education-in-the-Philippines

[15] Department of education (Philippines). (2011, November 13).

http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=6753:papel-na-

ginagampanan-ng-wika-sa-edukasyon-4527&catid=90&Itemid=1267

http://www.google.com/amps/s/janjerlene.wordpress.com/2016/09/23/gamit-ang -wika-sa-

mass-media/amp/

http://prezi.com/m/pmgtx4ctfn7m/wika-ng-mass-media/

http://isyungpangwika.wordpress..com/category/wika-sa-mass-media/

http://www.scribd.com/doc/99080335/Wika-at-Mass-Media

http://prezi.com/m/c31op0io9nw-/wika-at-mass-media/

https://pahayagan101.wordpress.com/wikaatmassmedia/

http://www.google.com/amp/s/umtcshsabm1.wordpress.com/2016/09/22/aralin-1-wikang-

filipino-at-mass-media/amp/

https://www.slideshare.net/MaribelUchi1/ang-wikang-filipino-sa-politika-at-batas

You might also like