You are on page 1of 8

Multilinggwalismo: Salbabida ng Wikang Filipino at Mga Dayalekto, Bagong

Kahingian ng Globalisadong Mundo


ni David Michael M. San Juan(lahok na nagwagi ng Ikatlong Gantimpala
saGawad Surian sa Sanaysay-Gantimpalang Collantes 2008)
“Kayo’y nagkaisa upang ibigkis ang inang bayan sa Espanya gamit ang mga kwintas na rosas
ngunit ang totoo, iginagapos n’yo siya sa pamamagitan ng mga kadenang matibay pa sa
diyamante! Humihingi kayo ng pantay na karapatan, ng Hispanisasyon ng inyong mga pag-
uugali, at hindi ninyo mapagtantong ang inyong hinihingi ay pagpapatiwakal, ang pagkawasak
ng inyong pagkamamamayan, ang pagdurog sa inyong lupang tinubuan, ang pagpapataw ng
diktadura! Magiging ano kayo sa hinaharap? Isang bansang walang sariling diwa, bansang
walang laya, lahat ng taglay ninyo’y hiram lamang, pati na ang inyong mga depekto!
Nagmamakaawa kayong lukuban ng Hispanisasyon at ni hindi man lang kayo nahihiya!”
(Simoun sa nobelang “El Filibusterismo”)
Sandaantaong mahigit matapos ipahayag ni Jose Rizal ang kanyang tuligsa
saHispanisasyon ng mga
indio
sa wika at pag-uugali sa panahon ng kolonyalismongEspañol, narito’t gahum
o hegemonya naman ng Ingles ang kinakatunggali ngsambayanang
nakikibaka pa rin para sa isang bansang tunay na malaya at may sarilingwika.
Naglalayag pa rin sa maalong dagat ng ligalig at kawalang-katiyakan ang
wikangFilipino at mga katutubong dayalekto sa kasalukuyan. Sa halip na
itaguyod ang wikang sarili, muling humihiling ng “tanikalang matibay pa sa
diyamante” ang ilang Pilipinongnabubulagan at nagdudunung-dunungan. Muli
na naman nilang isasabak angsambayanan sa isang pagpapatiwakal. Binubura
ng ilang kongresistang may makitid naisip at pananaw ang mga tagumpay na
kinamtan ng pambansang kilusangnagtataguyod sa wikang pambansa at mga
wikang katutubo ng Pilipinas. Ilang hakbangna lamang at malapit nang
maisabatas ang kalagim-lagim na bangungot na tinatawagna
AN ACT TO STRENGTHEN AND ENHANCE THE USE OF ENGLISH AS THE
MEDIUM OF INSTRUCTION IN PHILIPPINE SCHOOLS
(House Bill/HB No. 4701).

Ipinasa na ito ngmga ignoranteng kongresista at inaantabayanan naman ang


magiging aksyon ng mgasenador ng republika. Nakalulungkot na katuwang
ng mga kongresista sa tusongkudeta kontra-Filipino ang pinakamataas na
lingkod-bayan na sinasabing nag-aral saisang pamantasan ni Uncle Sam.
Kung tutuusin, mas nauna pa nga siya sa kanila nangkanyang lagdaan ang
dokumentong tila isang sentensyang bitay sa wikang Filipino atmga wikang
bernakular, ang Executive Order/EO 210. Pagpuksa sa Filipino at
mgadayalekto pabor sa lalo pang pagpapatibay ng pangungunyapit at
paggamit ng wikangIngles sa edukasyon ang pangunahing layunin ng HB 4701
at EO 210
kaya mukhangpromotor, punong-kapural, tagapanguna at di lamang simpleng
katuwang angkasalukuyang okupador ng Palasyo
.
Kung magtatagumpay ang mga kabalyerong Amerikanista sa
gobyerno,malamang na magising tayo isang araw na burado’t lusaw nang
lahat ang mga dakilangpag-igpaw na kinamtan ng mahigit kalahating siglong
pakikibaka para sa wikangpambansa at mga wikang katutubo, sa malawak na
dagat ng Ingles na muling lulunod

3 ng 39
sa sambayanan sa panibagong yugto ng Amerikanisasyon. Kailangan ng
Filipino at ngmga dayalekto ng mabisang salbabida upang makatawid sa
sanlibo’t isang daluyong ngkasalukuyan tungo sa maalwang bukas na
naghihintay sa kabilang pampang ngkasaysayan.
Basurang Argumento ng mga Amerikanista: Ingles daw ang wika
ngInformation and Communication Technology (ICT)
Kailangang ilantad ang kahungkagan at kabobohan ng mga
argumentonginilalako sa taumbayan ng mga Amerikanista sa gobyerno at
akademya, ng mga “nagmamakaawa nang wala munti mang hiya” na maging
Amerikano sa isip, sa salita atsa gawa, batay na rin sa mabalasik na panulat
ng ating pambansang bayani, upangmapigilan ang nakaambang
panunumbalik ng gahum ng Ingles. Mahalagangmapatunayang palso ang mga
argumentong pabor sa monolinggwalismong Inglesupang maitanghal ang
multilinggwalismong pabor sa Filipino at mga dayalekto.Konsiderasyong
ekonomiko ang binabanggit na dahilan ng EO 210 sa pagpapatibay ngIngles
bilang pangunahing wikang panturo batay sa isang bahagi ng panimula nito:
“...there is a need to develop the aptitude, competence and proficiency of our
students in the English language to maintain and improve their competitive
edge in emerging and fast-growing local and international industries,
particularly in the area of Information and Communication Technology.”
Nakakatawa at/o nakakatuwang isipin na bago pa lumitaw ang EO 210

ay maysagot na sa gayong kabobohan si Dr. Isagani R. Cruz (2001), isang


edukador at

8 ng 39
KWF na maipaliwanag sa taumbayan ang kabutihan ng multilinggwalismo
upangmalao’y matanggap nila ito. Sa kasalukuyan, patuloy na
umaalingawngaw angmataginting na tinig ng KWF para sa multilinggwalismo
gaya ng ipinahayag ngtagapangulo nito:
“It is time to foster respect for ALL languages especially endangered
languages, and to promote and protect them. Let us celebrate our linguistic
diversity with the peoples of the world.
Wika Mo. Wikang Filipino. Wika ng Mundo. Mahalaga!

(Nolasco 2008).Wasto at kapuri-puri ang paninindigan ng KWF at iba pang
samahang pangwikapabor sa multilinggwalismo kontra sa gahum ng Ingles,
sapagkat ganito rin ang trendsa globalisadong daigdig o sa mundong
sinasalanta ng globalisasyong ekonomiko nanoo’y pinangingibabawan ng
Estados Unidos lamang. Lipas na ang panahong iisangmakapangyarihang
bansa na lamang ang nakapagpapataw ng gahum sa buongsistemang
ekonomiko ng daigdig. Nagbabagong-anyo ang globalisasyon tungo sa
diaspora
ng dominasyong ekonomiko at lingguwistiko mula sa Estados Unidos tungo
saiba pang mga industriyalisadong bansa gaya ng Alemanya, Rusya at
Tsina.Katunayan, noong ika-16 ng Mayo 2007 ay pinagtibay ng
Pangkalahatang Asembliya ng United Nations ang isang resolusyong
nagsusulong sa multilinggwalismobilang paraan ng pagtataguyod,
pangangalaga at pagpapanatili sa dibersidad ng kulturaat wika sa buong
mundo

kasabay ng pagpapahayag sa taong 2008 bilang “Pandaigdigna Taon ng Mga


Wika.” Nauna pa rito’y naglabas ng opisyal na paninidigan ang United
NationsEducational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) pabor sa
multilinggwalismo

9 ng 39
(2003). Ayon sa nasabing dokumento,
“Studies have shown that, in many cases,instruction in the mother tongue is
beneficial to language competencies in the first language, achievement in
other subject areas, and second language learning.”
Ibinatayng UNESCO ang ganitong paninindigan sa pananaliksik nina N.
Dutcher at G.R. Tucker(1997) at S. Mehrotra (1998) na pawang pinondohan
ng World Bank, isang entidad napangunahing nagsusulong ng globalisasyon
sa ekonomya. Pinakamahalagangkonklusyon ng pananaliksik nina Dutcher at
Tucker ang napatunayang bisa ng unangwika ng bata bilang wikang panturo
sa maagang bahagi ng pag-aaal. Ipinaliwanagnilang mahalaga ang unang
wika sa panimulang pagtuturo ng pagbasa, sa pag-unawang paksang-aralin
at bilang matibay na pundasyon sa pagkatuto ng pangalawang wika.Sa antas
lokal, napatunayang balido ang konklusyon nina Dutcher at Tucker
kungsusuriin ang matagumpay na paggamit ng unang wika bilang
pangunahing wikangpanturo sa Lubuagan, Kalinga. Sa pagsusulit sa
kakayahan sa pagbasa ng mga nasaikatlong baitang ng elementarya na
saklaw ng 2006 National Achievement Test (NAT),nanguna ang Lubuagan –
sa 10 distrito sa dibisyon ng Kalinga – sa English (76.5%) atFilipino (76.44%)
dahil “...ang unang wika ay siyang ginamit na midyum ng pagtuturosa
naturang eskuwelahan, kahit sa
science at math
” (Nolasco 2007). Akmang-akma itosa mga tinuran ni Mehrotra:
“...students learn to read more quickly when taught in their mother tongue.
Second, students who have learned to read in their mother tongue learn to
read in a second language more quickly than those who are first taught to
read in the second language. Third, in terms of academic learning skills as
well, students taught to read in their mother tongue acquire such skills more
quickly.”

10 ng 39
Batay sa isang posisyong papel (c.2003) ng Sanggunian sa Filipino
(SANGFIL),Pambansang Samahan ng mga Tagamasid-Tagapagtaguyod ng
Filipino (PASATAF),Pambansang Samahan sa Wika (PSW), Unyon ng mga
Manunulat sa Pilipinas (UMPIL),Pamantasang Normal ng Pilipinas, Unibersidad
ng Pilipinas, Pamantasang Ateneo deManila at Pamantasang De La Salle,
napatunayan na sa isang eksperimento sa Iloilonoong dekada 1960 ang “mas
mabilis at mabisang matuto” ng mga kabataang Pilipinosa sariling wika.
Wikang Filipino at Mga Dayalekto: Wika ng Sambayanan
Ano nga ba ang sariling wika ng mga Pilipino? Walang iba kundi ang
wikangFilipino at ang mga katutubong dayalekto, aminin man o hindi,
tanggapin man o hinding mga kabalyerong maka-Ingles. Gamit ang wikang
Ingles, ipinahayag ng pangulo ngMiriam College na si Dr. Patricia Licuanan sa
isang
forum
(2007) na may mahigit 150wikang sinasalita sa Pilipinas. Aniya, 99% ng mga
tahanan sa Pilipinas ay nagsasalita ngFilipino o Tagalog bilang una o
pangalawang wika (ayon sa datos ng isang pambansang
census
)

habang tinatayang 30,000 lamang ang nagsasalita ng Ingles bilang unang


wikana karamihan pa’y mga Amerikanong nakatira sa bansa. Samakatwid,
mas malaki pa rinang porsyento ng gumagamit ng Filipino at ng mga
dayalekto bilang unang wika at/owika ng komunikasyon. Ayon naman kay
Vivencio R. Jose (1996), sa maraming lugar saMindanao, “bukod sa Filipino
ay sabay-sabay na ginagamit ang Iloko, Cebuano,Hiligaynon at Waray...”
Malamang na ang Filipino at ang mga wikain ay kapwa rin

20 ng 39
pamamagitan ng paggamit sa unang wika bilang pangunahing wikang panturo mula
pre-school
hanggang
Grade VI.
Sa antas sekundarya, Filipino at Ingles naman angipinapanukala ng KWF na maging
pangunahing wika ng pagtuturo, habang magiging “pantulong na midyum o hiwalay na
asignatura” naman ang unang wika at rehiyunal na
lingua franca
.

Sa ilalim ng ganitong kalakaran, masusunod ang natural na batas sapagkatuto ng


ikalawang wika: alalaon baga’y kailangan munang patibayin ang unangwika na siyang
magiging pundasyon ng lahat ng pagkatuto. Nilulutas ng ganitongkompromiso ang
problema ng mga rehiyong di Tagalog sa sabay-sabay na paggamit ngdayalekto, Filipino
at Ingles mula pa sa unang taon ng kanilang pag-aaral. Mabibigyanng sapat na panahong
“magpakadalubhasa” sa unang wika ang mga estudyantengmula sa mga rehiyong di
Tagalog bago isabak sa edukasyong bilinggwal/multilinggwal.Makabuluhang ikampanya
rin ang pagsasanib ng panukalang-batas ni KinatawanGuinigundo at ng HB 1138 o
Batas na Nagtatakda ng Filipino bilang Opisyal na Wika ng Pagtuturo sa mga Paaralan
na akda naman ni Kinatawan Liza Maza ng Gabriela Party-list.

Sa gayong paraan, kapwa mapalalakas ang wikang Filipino at mga dayalekto sabansa
habang hindi napapabayaan o naisasantabi ang wikang Ingles at iba pangwikang
dayuhan.Sa pagsasanay naman ng mga guro ng/sa Filipino, na isa
sapinakamahahalagang komponent ng pagpapaunlad sa wikang pambansa, kapuri-
puriang papel ng KWF at mga pambansang samahang pangwika na walang-sawa
sapagsasagawa ng mga rehiyunal at pambansang seminar, seminar-worksyap at mga
forum
sa layuning mapaghusay ang paraan ng pagtuturo ng/sa Filipino. Nakatutuwang

21 ng 39
sa mga pambansang seminar-worksyap na nadaluhan ko ay may kinatawan ang
halosbawat rehiyon ng Pilipinas. Malayo na talaga ang narating ng Filipino at lalo
pangmalayo ang mararating nito kung tuluy-tuloy nating panghahawakan ang
mganakamtang tagumpay at lalo pang magsusumikap ang mga mamamayan
sapagtataguyod ng mga programang pabor sa Filipino.Makatutulong ang pagkakaloob
ng mas maraming iskolarsyip sa mga gustongmag-
major
sa Filipino, gayundin sa mga nais kumuha ng master at doktorado sa wikangFilipino.
Karaniwan, dehado ang mga
major
sa Filipino pagdating sa iskolarsyip dahilang prayoridad ay Agham, Matematika at Ingles.
Kailangang tratuhing kapantay ng ibapang asignatura ang Filipino lalo na pagdating sa
pondo ng iskolarsyip para sa mgamagiging guro at sa mga gurong kumukuha ng pag-
aaral sa antas gradwado.Para mapanatili ang multilinggwal na bentahe ng mga Pilipino,
maaaring tularanng iba pang paaralan ang eksperimental na
offering
ng Department of Linguistics ng UPng mga asignatura sa Cebuano. Katunayan, nahuhuli
pa nga ang Pilipinas sa ganitonglarangan sapagkat sa isang unibersidad sa Asya
Pasipiko ay matagal nang nakatala angIlokano bilang isang asignaturang
elective.
Sa isang talakayan naming mgamagkakaklase sa paaralang gradwado, napag-usapan
ang pagkakaroon ngkaragdagang asignatura para sa mga
major
sa Filipino. Isa sa mga kamag-aral namingmaalam sa Hiligaynon at Cebuano ang
nagmungkahing magkaroon ng karagdagangtatlong yunit ukol sa isang gamiting
dayalekto na ituturo na parang
foreign language.
Lahat kami (na karamiha’y taal na Tagalog) ay sumang-ayon sa panukala bagamatkung
tutuusi’y magiging karagdagang pahirap ito sa amin. Humantong pa nga ang

22 ng 39
aming usapan sa pagmumungkahi ng isang
Bachelor in Education, major in Philippine Languages
(bukod pa sa
major in Filipino
). Kapag naging popular na angmultilinggwalismong pinapangarap ng KWF, malamang
na magkaroon na nga nggayong bukod na
major.
Sa matamang pag-aaral ukol sa at pagsasakatuparan ng mgaganitong mungkahing
hakbang, bukod pa sa mga umiiral na aktibidad, madalingmaisasabalikat at magiging
ganap ang pag-unlad ng wikang Filipino at mga dayalektona siyang magiging tulay sa
pagtawid natin sa ganap na multilinggwalismong lagpas pasa simpleng pag-aaral ng
Ingles lamang.
Multilinggwalismo: Trend sa Mundo
Kakatwa sa unang pagsipat ngunit positibo at paborable sa wikang Filipino atmga
dayalekto ang isang aspekto ng globalisasyon. Hindi ko pinupuri ang buongsistemang
tinatawag na globalisasyon at hinding-hindi ko ito pupurihin kailanmansapagkat
naniniwala akong malaki ang pinsalang naidulot ng walang-rendang
globalisasyong ekonomiko
sa mga industriyang Pilipino. Ito ang salarin sa pagbahang mga produktong imported na
naging dahilan ng pagkalugi ng maraming katutubongindustriya na humantong sa
pagkatanggal sa trabaho ng napakaraming Pilipino. Salotang globalisasyong ekonomiko
sa sambayanang naghihikahos sapagkat pinapatay nitoang mga pinagkukunan ng
kabuhayan ng mga mamamayan. Gayunman, kinikilala koang positibong epekto ng
globalisasyong kultural
. Dahil sa globalisasyong kultural,nagkaroon ng interes ang nakararaming bansa na pag-
aralan ang kultura ng iba pangbansa. Nagsisikhay ang mga mamamayan ng daigdig na
unawain at pakibagayan ang

29 ng 39
Hamon at Kahingian ng Globalisadong Mundo
Sa paglaganap ng multilinggwalismo sa buong mundo, magkakaroon ng bentahe
angFilipino sapagkat marami-rami na rin itong binhing sumisibol sa iba’t ibang panig
ngmundo. Sinasalita at pinag-aaralan na ito ng mga dayuhan kaya nararapat lamang
nalalo nating itaguyod ang paggamit at pagtuturo ng Filipino. Kapag napagbuti natin
angpagtuturo ng/sa Filipino, mas mabisa na nating matututuhan ang iba pang mga
wikangdayuhan gaya ng Ingles. Hindi tayo dapat makuntento sa monolinggwalismong
Inglessapagkat kung tutuusin, maaaring dumating ang panahon na ibang wika na ang
maging
lingua franca
ng daigdig, gaya ng Mandarin. Kung ganap nating napatibay ang atingsariling wika,
madali tayong makaaangkop sa gayong sitwasyon sapagkat magagamitnating matibay
na tulay ang inang wika sa pag-aaral ng anumang pangalawang wika.Kung pababayaan
nating muling manumbalik ang monolinggwistikong gahum ng Ingles,muli tayong
magsisimula sa wala kapag nabago ang
lingua franca
ng mundo.Mas mabuti ang multilinggwalismo kaysa monolinggwalismo kaya’t dapat
natingsagkaan ang anumang pagtatangka na ibalik at patibayin ang gahum ng
Ingles.Panahon nang sumandig tayo sa ating wikang pambansa gaya ng mga mauunlad
nabayan at gamitin itong tulay sa mas mabisang pagkatuto ng di lamang isa kundi
maramipang dayuhang wikang sinasalita ng daigdig.Dapat tayong matuto sa karanasan
ng mga Europeo na nakakita ng maramingoportunidad sa multilinggwalismo.
Kasalukuyan nilang isinusulong at pinopondohan angmultilinggwalismo sa paaralan,
pamahalaan at iba pang sektor ng lipunan di lamangdahil sa konsiderasyong pangkultura
kundi pati sa pang-ekonomya. Mas malaki nga

30 ng 39
naman ang tsansa ng isang bagito na mapasok sa trabaho kung mas maraming
wikasiyang alam, bukod pa sa Ingles na pangkaraniwan na lamang. Sa mas malawak
napagtanaw, kahingian ng globalisasyon ang multilinggwalismo. Hindi totoong
Ingleslamang ang pinapaboran ng globalisasyon. Kung tutuusin, biktima ng globalisasyon
angIngles sapagkat mula nang umarangkada ito, napilitan ang mayorya ng mga bansa
namag-aral ng Ingles kaya’t naging pangkaraniwang kasanayan na lamang
angpagsasalita ng wikang ito gaya ng kakayahang gumamit ng kompyuter (Jutta
Limbachet al.: 2008).

Hindi na sapat ngayon ang pagsasalita ng Ingles, sapagkat sa tindi ngkumpetisyon sa


pagitan ng mga bansa, mas madaling makapagbebenta ng mgaprodukto ang isang
bansa sa isa pang bansa kung may kaalaman siya sa kultura at lalopa sa wika ng
bansang katransaksyon. Kung gayon, malinaw na sa globalisadongmundo, mas
makasusungkit ng kwarta at oportunidad ang tao o bansang multilinggwalkaysa sa
pangkaraniwang monolinggwal lamang. Sa halip na magpalunod sa gahum ngIngles,
kailangan tayong mangunyapit at sumandig sa multinggwalismo at makisabaysa takbo
ng mundo na sa panahong ito ng globalisasyon ay naghahawan ng daan tungosa “...isang
bagong lingguwistikong kaayusan kung saan sabay-sabay na dinedebelopang
pandaigdigang wika, pambansa o rehiyunal na wika at lokal na wika” (Patrocinio
Villafuerte at Rolando Bernales: 2008).Kailangang kontrahin ng mga makabayan ang
mapanlunod na daluyong ng mgakabalyerong Amerikanista sa gobyerno na walang ibang
nasa isip kundi paslangin angating wikang pambansa. Kailangang matutuhan nating
wasakin ang “diyamantengtanikala” ng Amerikanisasyon sa panahon ng globalisasyon.
Kailangan nating isapuso’t
31 ng 39
isaisip na ang tunay na kaunlaran ng bayan ay makakamit, pangunahin, sapamamagitan
ng pagsandig sa sarili. Dapat nating iwasiwas ang bandila ngmultilinggwalismo sa
Pilipinas laban sa monolinggwistikong gahum ng Ingles. Saganitong paraan, hindi lamang
natin maisasalba ang ating wikang Filipino at mgadayalekto, kundi makapaghahatid pa
tayo ng mas maraming oportunidad sa atingbansa, sa kabila ng matinding kumpetisyong
dulot ng globalisasyon.Habang pinayayaman at nililinang natin ang Filipino at mga
dayalekto, masmadaling magkakaintindihan ang lahat ng sektor sa ating lipunan:
negosyante,siyentista, lingkod-bayan, pangkat minorya, magsasaka, manggagawa... Sa
pagsasalitaat paggamit ng isang wikang pambansa, mas magiging mas mabilis at
epektibo anganumang proyekto ng gobyerno. Wala nang away at di pagkakaunawaan
dahil mabilismagkaintindihan sa usapan. Sa pag-unlad ng ating bayan, mas maraming
dayuhan angmaaakit na mag-aral ng ating wika. Habang pinagbubuti natin ang pagtuturo
ng/saFilipino, lalo nating napatitibay ang tulay na magagamit natin sa pag-aaral ng
mgawikang dayuhan. Habang dumarami ang wikang dayuhan na ating natututuhan,
masdumarami ang oportunidad na ating maaaring makamtan. Kung gayo’y di lamang
natinnaisalba ang ating pagkakakilanlan, maaabot pa natin ang minimithing
kaunlaranhabang nagiging tulay rin tayo ng pagkakaunawaan at kapayapaan sa pagitan
ng mgabansang magkakaiba ang wika at kultura.Sa ganitong diwa, panahon nang isigaw
natin mula Aparri hanggang saZamboanga: mas maraming wika, mas maganda! Sulong
multilinggwalismo! SulongFilipino! Wika mo, wikang Filipino, wika ng mundo, mahalaga!

You might also like