You are on page 1of 6

ANG PAGPAPAUNLAD ng isang bayan sa kaniyang sariling wika ay mayroong tiyak at malaking epekto sa

kasalukuyang ekonomiya nito.

Ngunit ano nga ba ang kaugnayan ng wikang pambansa sa kasalukuyang ekonomiya ng bansa?

Sa naganap na isang pulong, na pinamagatang “Pagpaplanong Pang-wika, Pagpaplanong Pang-


ekonomiya” noong Agosto 18 sa AMV-College of Accountancy multi-purpose hall, ang tanong na ito ang
naging sentro ng talakayan ng mga eksperto sa wika at ekonomiya.

Ang panauhing pandangal ng nasabing pangyayari ay si Jose Laderas Santos, tagapangulo ng Komisyon
sa Wikang Filipino (KWF), kasama ang dalawa pang mga komisyoner ng KWF na sina Bernard Macinas
mula Bicol at Vilma Tacbad mula Pampanga.

Kinatawan naman ni Tereso Tullao, guro ng ekonomiks sa De la Salle University, ang diskursong pang-
ekonomiya. Bagaman hindi nakarating, nagpadala ito ng kinatawan upang ipahayag ang kaniyang panig.

Ang pumalit kay Tullao na si Christopher Cabuhay, isang mag-aaral ng ekonomiks sa La Salle, ang
nagsaad ng reyalidad na hindi na maiwasan ang paggamit ng Ingles sa pakikipagtalastasan sa mundo ng
ekonomiya.

“Ang wika ay isang pamamaraan ng paggawa ng transaksiyon. Dito, hindi tayo makagagawa ng kahit
anong transaksiyon kung hindi tayo magkakaintindihan dahil lahat ng nangyayari sa ating ekonomiya ay
nakabase sa ating pagkakaintindihan. Kung papansinin naman talaga natin, ang programang pang-
ekonomiko pati ang mga batas ay nakalimbag at nakasalin sa Ingles,” ani Cabuhay.

Ibinahagi rin niya na ang Ingles at Filipino ay hindi magkaaway kung hindi magkatulong sa pagpapatakbo
ng ekonomiya. Inilatag niya ang mahalagang papel ng Ingles sa mundo ng ekonomiya tulad ng pang-
unawa ng mga konseptong abstract, paggamit ng mga paraang holistiko, pag-aayos ng mga simbolo, at
pagtatrabaho sa mga dayuhang kompaniya.

READ
Nagbibingi-bingihan, nagbubulag-bulagan

“Kapag walang transaksiyon, walang ekonomiya at kung isiipin natin, kung walang lipunan, walang
transaksiyon, wala tayong ekonomiya. . . Ang susunod na pangunahing papel ng wika ay bilang isang
instrumento sa globalisasiyon tungo sa mga panlipunang layunin o mga social objectives,” ani Cabuhay.

Ibinahagi rin niya na isang importanteng salik sa paglago ng ekonomiya ay ang paggamit ng wika na
maiintindihan ng mga maralita at sa ating bansa at wikang Filipino ang kailangan na gamitin sa
pakikipagtalastasan upang mahikayat ang mas maraming tao na sumali sa mga transaksiyon ng
ekonomiya.

Wika: Sandata para sa kaunlaran

Binigyang-diin naman ni Santos ang kahalagahan ng wikang pambansa sa mga araw-araw na gawain ng
mga Pilipino.

“Ako’y tinanggap dahil sa wika. Sa mahabang paglakad ng panahon, natuto akong magsulat. Nagsulat
ako ng komiks, ano ang aking inilapit sa ama ng industriya ng komiks? Wika. Sabi ko matututo akong
magsulat ng komiks bigyan niyo lang ako ng manuskrito, gagamitin ko ang wika. Ako ay natanggap at
nakapagsulat at namuhay. Ano ang ginamit? Wika,” aniya.

Dagdag niya na ang paggamit niya ng wikang Filipino ang naging paraan upang mailuklok siya sa
posisyon ng tagapangulo ng KWF noong 2008 ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Bukod sa pagiging sandata ang wika, binigyang-kahulugan ni Santos ang wika bilang “kaluluwa ng ating
pagkatao at isang biyaya.” Ito, ayon sa kaniya, ang natutunan niya kay Carlo J. Caparas, isang kilalang
manunulat ng Filipino komiks.

Idiniin din ni Santos na ang mahusay na paggamit sa wika ay magdadala sa tao sa rurok ng tagumpay.

“Ang sinuman na gumagamit ng wika ng mahusay ay nakatitiyak ng katuparan ng ating pangarap.


Walang sinuman na gumamit ng wika sa pinakamahusay na paraan ang nabigo. Ang pinakamagagaling
na tao sa buong mundo at ang pinakamagagaling na tao sa bawat bansa, tiyak po ay mahusay na
gumamit ng wika,” ani Santos.

READ

Tatlong alumni, pinarangalan ng 'Q' award

Ayon sa isang komisyoner na si Macinas, ang wika ay sumisimbolo ng ating lahi at kultura.

“Tunay na mahalaga ang papel na ginagampanan ng wika [dahil] ito ay nagsisilbing simbolo ng lahi,
kultura ng bansa at sumasagisag na ang bansa ay malaya. Ang bawat bansa ay may sariling wika na
ginagamit upang magsilbing daan tungo sa landas ng pagkakaisa, pagkakaunawaan at pagmamahal,” ani
Macinas.

Filipino laban sa Ingles

Para naman kay Tacbad, bagaman Ingles ang wika ng komersyo, hindi pa rin ito ang susi sa kaunlaran ng
bansa.

Pinagtibay niya ang kaniyang paniniwalang ito sa pagbibigay ng mga halimbawa ng mga bansang
mayayaman gaya ng Japan, Thailand, at Hong Kong na maunlad bagaman hindi naman sinasanto ang
wikang Ingles.

“Ang Japan ang isa sa pinakamayamang bansa sapagkat ginagamit nila ang wikang sarili. Hindi ginamit ng
Japan para umunlad ang wikang Ingles,” ani Tacbad.

Ibinahagi rin niya ang isang parirala tungkol sa pagpapalakas ng wikang Filipino mula sa sanaysay ni
Conrado de Quiros na nagsasabing ang pagnanais natin palakasin ang wikang Filipino ay hindi
nagsasantabi sa pagnanais din na palakasin ang wikang Ingles ngunit bilang pangalawang lengguwahe
lamang.

https://varsitarian.net/filipino/20110826/pagpapaunlad_ng_wika_nakatutulong_sa_ekonomiya
WIKA SA EDUKASYON AT SA LIPUNAN? WIKANG PAMBANSA SA PAG-UNLAD NG BANSA

anonymous

Anonymous This person has chosen to hide his/her identity.

Makulay ang kasaysayan ng ating wika, tulad ng kasaysayan ng ating lahi. Bukod sa pagiging makulay,
mahaba rin ang panahong iniukol sa paglinang nito hanggang sa marating ang kasalukuyang kalagayan.
Tulad ng ating mga dakilang PiIipino na katakut-takot na luhang tumulo, pawis na tumigis at dugong
dumanak bago sila ganap na nagtagumpay sa kanilang pakikibaka laban sa mga dayuhang
kapangyarihang sumakop sa atin. Mayroon na nga tayong sariling wika, ngunit tayo ba’y ganap nang
malaya? Iyan ang mahalagang tanong.

Kung ang pagbabatayan ng kalayaan ay ang paglaya sa_pananakop ng mg dayuhan, maaari nating
sabihin “Oo”. Katunayan, dalawa pa nga ang naging petsa ng pagdiriwang ng araw ng ating paglaya -
Hulyo 4 noong una at Hunyo 12 nitong huli. Ngayon may baJlak na naman ang ating mga mambabatas
na ibalik na muli sa Hulyo 4. Kaya ang tanong, kailan ba talagang ganap tayong lumaya?

Kayhaba ng ating pagkabilanggo sa dayuhang kapangyarihan. Mahigit na tatlong dantaon sa kamay ng


Kastilang bumusabos sa atin at yumurak sa dangal ng ating pagkalahi, humigit-kumulang na 50 taon sa
pananakop ng Amerikano at tatlong taon sa mga Hapones. Kaawa-awang Iahing Pilipino! Ito marahil ang
dahilan kung bakit hindi makabitiw sa dayuhang impluho. Patuloy pa ring nakakulong sa hawla ng
kolonyalismo ang damdami't kaisipang Pilipino. Kailangan natin ngayon ay magisip bilang Pilipino,
magsalita sa wikang Filipino at gumawa para sa sambayanang Pilipino.

Hindi sapat na kilalanin lamang natin ating sarili, kung sino at ano tayong talaga, Ang ganap na paglaya
ng ating kamalayan ay ng kasinghalaga ng ating kalayaang pang-ekonomiya at pangkabuhayan. Sapagkat
hanggang tayo'y hindi nagsisikap na mapalaya ang ating diwa sa mga impluho ng paniniwalang kolonyal
na iniwan sa atin ng mga dayuhang panginoon, hindi tayo magiging ganap na Pilipino. Ang totoo, ito
marahil ang nagiging sagabal sa pag-unlad. Hindi tayo makahulagpos sa kaisipang kolonyal; lagi tayong
alipin ng diwa at salaping kanlurarun. Maaaring hindi lamang ito pagkahilig at paghanga sa anumang
dayuhan at paghamak sa anumang sariling atin kung di lubusang pagkawasak at pagkahati na rin ng ating
pagkabuklud-buklod. Bukod sa ating mithiing paglaya sa kolonya1ismo, kailangang lumaya rin tayo sa
umiiral na rehyonalismo. Sikapin nating matanggal ang mahigpit na pagkakabuhol sa pangkat na ating
kinabibilangan. Sa gayon ang mamayaning kaisipan ay "Atin ito" sa halip na ~'Amin ito". Kayong mga
kabataan ang magsisilbing patnubay sa pagtatamo ng adhikaing ito. Kayong mga kabataan na siyang
itinuring na pag-asa ng kinabukasan. Ang wika ni Simon, ang pangunahing tauhan sa walang kamatayang
nobela ni Jose Rizal, ang El Filibusterimos - ''Habang ang bayan ay may sariling wika, taglay niya ang
kalayaan pagkat ang wika ang siyang diwa ng bayan. Ang wikang banyaga kailanman ay di magiging
pangkalahatang wika ng isang bansa. Ang bawat isa'y nakalilimot na kapag pansamantalang pinanatili ng
isang bayan ang kanyang wika, pansamantala rin niyang pinanatili ang kanyang kalayaan".

Nakahihiyang isipin na kung minsan nagaaral tayo ng wikang dayuhan upang sila' y maunawaan at kung
sila naman ang may nais na makipag-unawaan sa atin, tayo pa rin ang nag-aaral ng kanilang wika.
Sinasabing ang wika ang isang haligi ng matatag na pagkamakabansa. Ang tanong ko' y ito - '' Kailangan
pa ba nating hiramin ang naturang haligi'?"

Wika ang ginagamit natin upang malayang_ maipabayag ang ating iniisip at nadarama. Subalit bawat
laya ay may katumbas na hangganan. Totoo ngang Malaya tayong makakapagpahayag sa pamamagitan
ng wikang salita o pasulat. Datapwat hanggang saan ang kalayaang ito? Paano tayo nagsasalita at
nagsusulat? Nakasusugat ba tayo ng damdamin ng ating kapwa? Nakabubuwag ba tayo ng isang
paniniwala? Nakasisira ba tayo ng isang umiiral na pagtitiwala at paninindigan?

Ang tunay na Kalayaan ay mababakas sa angking katatagan ng isang bansa sampu ng sambayanang
nalulukob nito. Masasabing tunay na tayong Malaya kung kaya na nating tumayo sa sariling paa at di na
kailangang umasa sa tu!ong ng ibang bansa at kung kaya na nating magpasiya para sa ating sarili pagkat
mayroon tayong sambayanang marunong manindigan. Anong halaga ng kalayaan kund hindi natin alam
gamitin ang mga biyayang idinudulot nito? Ano rin ang halaga ng wika kung hindi naman natin aktwal na
ginagamit sa malayang pagpapahayag ng ating mga mithiin at pangarap? Habang tayo ay nagsusumiksik
sa paggamit ng wikang dayuhan patuloy pa ring nakabilanggo ang ating puso at diwa. Hindi natin ganap
na maipahahayag ang ating kaisipang Pilipino, damdaming Pilipino sa wikang Filipino. Mahirap
manatiling bilanggo sa isang hawlang tayo rin ang lumikha, sapagkat kailangang tayo rin ang sumira sa
hawlang ito upang tayo'y maging lubusang malaya.

Ang wikang Pambansa ang kaluluwa ng lahi, kaya marapat lamang na atin itong mahalin at ikarangal. ang
kaluluwa ng lahi ikarangal. Sa pamamagitan ng sariling wika nakakadalangin tayo sa Diyos, nakakausap
natin ang bayan at naipahahayag natin agn bawat tibok ng puso at bawat tilamsik ng diwa. Pagsikapan
nating mapaunlad ang wikang pambansang Filipino na magiging tagapamansag ng kabihasnan,
kabuhayan, sining, panitikan at agham ng ating bansang sinilangan. Kapag narrating na natin ang antas
na ito, sadyang sumapit na ang bukang-liwayway ng tunay na kalayaang ating pinapangarap.
Kaya ang sagot sa tanong kung bakit mahalaga ang pagkakaroon natin ng wikang pambansa ay dahil ito
ay susi ng ating kalayaan.

30, Jul 2018, 17:53 PM (PH time)

https://www.buhayofw.com/ano-kahalagahan-ng-pagkakaroon-ng-wikang-pambansa-para-sa-pag-
unlad-ng-5b5ee02f2a487#.XjQaMCURWrE

You might also like