0% found this document useful (0 votes)
2K views2 pages

Pagsulat NG Abstrak

Ang abstrak ay isang maikling buod ng isang akademikong sulatin na naglalaman ng konteksto, layunin, metodolohiya, resulta at kongklusyon nito. May tatlong uri ng abstrak: deskriptibo para sa kwalitatibong pananaliksik, impormatibo para sa kwantitatibong pananaliksik at kritikal na nagbibigay ng ebalwasyon sa isang pananaliksik. Mahalaga itong bahagi upang maipakita ang ganda ng buong akda at mahikayat ang mambabasa.

Uploaded by

Francinne Martin
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Pagsulat ng Abstrak

Mahalagang bahagi ang abstrak ng mga akdemikong sulatin lalo na sa papel-pampananaliksik.

Sa pagsulat nito kailangang sundin ang mga proseso na kinakailangan upang makabuo ng

abstrak. Ang abstrak ay mula sa salitang Latin na abstractus na nangangahulugang drawn away.o

extract from (Harper, 2016). Sa modernong panahon at pag-aaral, ginagamit ang abstrak bilang

buod ng mga akademikong sulatin na kadalasang makikita sa panimula o introduksiyon ng pag-

aaral. Ito ay naglalaman ng kaligiran ng pag-aaral, saklaw, pamamaraang ginamit, resulta, at

kongklusyon (Koopman, 1997). Madalas din itong nakikita sa proposal ng isang proyekto.

Layunin ng abstrak na maipakita ang ganda ng kabuuan ng pananaliksik at mahikayat ang

mambabasa na ituloy ang pagbabaa ng artikulo. Mauuri bilang deskriptibo, impormatibo, at

kritikal ang abstrak. Sa uring deskriptibo, inilatarawan nito sa mga mambabasa ang mga

pangunahing ideya ng teksto. Binibigyang-pansin ang kaligiran, layunin, at paksa ng papel at

hindi pa ang pamamaraan, resulta, at kongklusyon (The University of Adelaide 2014). Nauukol

ang uring ito sa mga kuwalitatibong pananaliksik at karaniwang ginagamit sa mga disiplinang

agham panlipunan, mga sanaysay sa sikolohiya, at humanidades.

Sa uring impormatibo, ipinahahayag sa mga mambabasa ang mahahalagang punto ng teksto,

nilalagom dito ang kaligiran, layunin, paksa, metodolohiya, resulta, at kongklusyon ng papel

(The University of Adelaide 2014). Karaniwan itong ginagamit sa larangan ng inhenyeriya, ulat

sa sikolohiya, at agham. Ang impormatibong abstrak ay nauukol sa kuwantitatibong

pananaliksik.

Sa uring kritikal , sinusuri at binibigyang ebalwasyon nito ang kabuluhan, kasapatan at

katumpakan ng isang pananaliksik. Ito ang pinakamahabang uri ng abstrak at maihahalintulad sa

isang rebyu.
Mahalagang tandaan na sa pamamagitan ng abstrak, malalaman na ng mambabasa ang kabuoang

nitalaman ng teksto. Kinakailangan lamang ang maingat na pagkuha ng mahahalagang

impormasyon sa teksto upang makabuo ng buod na siyang magiging abstrak.

You might also like