You are on page 1of 20

ANG

REPLEKTIBONG
SANAYSAY:
KAHULUGAN AT
KALIKASAN
 Ang replektibong sanaysay o
repleksyong papel (tinatawag
ding Reflective Paper o
Comtemplative Paper) ay
isang pasulat na
presentasyon ng kritikal na
repleksyon o pagmumuni-
muni tungkol sa isang tiyak
na paksa.
 Ang repleksyong papel ay hindi
dayari o dyornal, bagaman ang
mga ito (dayari o dyornal) ay
maaaring gamiting paraan sa
pagpoproseso ng mga
repleksyon bago isulat ang
repleksyong papel. Ito ay isang
impormal na sanaysay, at kung
gayon, nangangailangan ng
sumusunod:
 1. Introduksyon;
 2. Katawang malinaw at
lohikal na naglalahad ng
iyong mga iniisip at/o
nadarama; at
 3. Konklusyon
 Kadalasan, ginagamit ang unang
panauhan (ako, tayo, kami) sa
repleksyong papel dahil nirerekord
dito ang mga sariling kaisipan,
damdamin at karanasan. Tandaan
lamang na maaaring kailanganin ng
in-text references kung gumamit ng
mga ideya ng ibang tao, at kung
gayon, ang sanggunian ay
kailangang maitala sa katapusan.
 Itoay isang interaksyon sa
pagitan ng mga ideyang
natanggap mula sa labas (libro,
lektyur, karanasang
pampaaralan, at iba pa) at ng
iyong internal na pag-unawa at
interpretasyon sa mga ideyang
iyon.
ANG PAGSULAT NG
REPLEKTIBONG SANAYSAY

 1.Mga iniisip at Reaksyon.


Maaari mong ilahad at
ipaliwanag ang iyong mga
damdamin hinggil sa
binasa o karanasan.
 2.Buod. Ang ideyang
repleksyong papel ay makasulat
ng isang sanaysay na
naglalarawan ng mga reaksyon
at pagsusuri ng isang binasa o
iba pang karanasan, higit na
pormal ito kaysa dyornal entri,
kaya hindi angkop ang impormal
na wika at anyo.
 3.Organisasyon. Maglaan ng
introduksyon, katulad halimbawa
ng paglalarawan ng iyong mga
inaasahan bago magbasa o
gawin ang isang bagay. Ang
katawan naman ng papel ay
maaaring magpaliwanag sa mga
kongklusyong nabuo mo at kung
bakit at paano, batay sa mga
konkretong detalye mula sa
pagbabasa o karanasan.
 Tapusinang repleksyong sanaysay
sa katulad na masining na talatang
naglalahad ng imaheng vividly
graphic na nag-aanyaya sa
mambabasa sa karagdagang
introspeksyon. Bilang kongklusyon,
maaaring i-shift ang pokus sa
mambabasa sa pamamagitan ng
paglalahad ng personal na inquiry
kung paanong ang paksa ay
nakaapekto sa kanyang pag-iisip sa
intelektwal o emosyonal na lebel.
Narito naman ang gabay para
sa repleksyong papel
1. Bigyan ng pansin ang
panahong saklaw ng
repleksyon.
2. Mula sa saklaw na panahon,
maaaring pansinin at pagmuni-
munihan ang mga sumusunod:
A. Mga konsepto o aralin na
lubhang sinasang-ayunan o
tunututulan;
B. Mga gawain sa klase, mga
pinanood, pinarinig, at iba pa
na lubusang nakaapekto o
nakapagpaisip.
C. Mga leksyon, konsepto, at
iba pa na lubos na nakapukaw
ng interes at nais saliksikin o
aralin pa;
D. Mga leksyon, at iba pa na
agad na nahanapan ng
paglalapat sa sariling mga
karanasan.
3. Isa hanggang dalawang pahina
lamang ang repleksyong papel.
4. Dahil sa hindi mahaba ang
repleksyong papel, inaasahang
hindi na magpapaligoy-ligoy pa.
5. Maaaring gumamit ng wikang
pormal o kombersasyonal, basta
tiyaking malinaw kung ano ang
mga puntong pagmumulan ng
replekyon at masusuportahan ito
ng mga konkretong paliwanag.
6. Malaking tulong din ang
pagbibigay ng mga halimbawa
o aplikasyon ng mga
konseptong natutunan sa
klase. Dito papasok ang
kaalaman sa context o
intertext.
7. Laging isaisip na ito ay
papel na gagraduhan sa talas
ng inyong pagmumuni-muni
8. Bagama’t personal na
gawin ang repleksyong papel,
hindi ibig sabihin na maaari
nang balewalain ang mga
tuntunin ng gramatika,
wastong baybay at
pagbabantas.
9. Ipaloob ang sarili sa micro
at macro na lebel ng pagtingin
sa mga konseptong tinalakay
sa papel. Maaaring magsimula
sa pagpapaliwanag sa sariling
karanasan, pagkatapos ay sa
mga napag-aralan o nabasa.
10. Kung gagamit ng mga
impormasyong salin mula sa
mga website, libro, panayam,
at iba pa, siguruhing
mababanggit sa papel ang
mga naging sanggunian.
(maaaring sa huling bahagi o
sa katawan mismo ng papel).
11. Magpasa sa tamang oras
at tamang lugar. Ito ay
itinakda ng guro nang may
sapat na pag-aabiso, kaya
walang dahilan para hindi ito
magampanan.
12. Maaaring maglagay ng
pamagat na angkop sa
ginawang repleksyong papel.

You might also like