You are on page 1of 8

Suriin

Ang sanaysay ay anyo ng pagsasalaysay na mas maikli kumpara sa ibang


anyo nito tulad ng maikling kwento at nobela. Isang likas na katangiang ikinatampok
ng sanaysay ay ang tahas na paglalaman nito ng pananaw, pagsusuri, at opinyon ng
manunulat sa isang pangyayari o isyu na nakapukaw ng kanyang interes o
damdamin (Baello, Garcia, Valmonte, 1997). Narito ang isang uri ng sanaysay na
mahalagang pag-aralan sa pagpoproseso ng ating mga iniisip.

Replektibong Sanaysay

Sa pagtahak ng tao sa landas ng kanyang buhay sa araw-araw, may mga


suliranin o pagsubok siyang nararanasan na minsan ay kailangan niyang suriin o
iproseso upang mapagtagumpayan at dito makatutulong ang pagsulat ng
replektibong sanaysay.

Ang replektibong sanaysay o repleksyong papel (tinatawag ding Reflective


Paper o Contemplative Paper) ay isang pasulat na presentasyon ng kritikal na
repleksyon o pagbabalik-tanaw tungkol sa isang tiyak na paksa (Bernales et. al,
2017).

Ito ay naglalahad ng mga pangyayaring naganap na. Masining itong pagsulat na


may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa mga nangyayari sa buhay.
Ito ay isang pagsasanay sa pagninilay. Sa pamamagitan nito, nababatid natin ang
ating iniisip, damdamin o opinyon tungkol sa isang paksa, pangyayari, o tao at kung
paano naaapektuhan ang mga ito.

Nais iparating ng replektibong sanaysay ang pansariling karanasan at


natuklasan sa pananaliksik. Naglalayon din ito na maipabatid ang mga nakalap na
mga impormasyon at mailahad ang mga pilosopiya at karanasan ukol dito at kung
maaari ay ilalagay ang mga batayan o talasanggunian (brainly.ph/question).

Ang repleksyong papel ay isang sanaysay na nangangailangan ng mga


sumusunod: 1) Introduksyon 2) Katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong
nadarama at 3) Kongklusyon. Kadalasan, ginagamit ang unang panauhan (ako, tayo,
kami) sa repleksyong papel dahil nirerekord dito ang mga sariling kaisipan,
damdamin, at karanasan. Ito ay tala ng mga kaalaman at kamalayan hinggil sa isang
bagay. Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag-aanyaya ng self-reflection o
pagmumuni-muni. Ang repleksyong papel ay tala ng mga kaalaman hinggil sa isang
bagay. Kung gayon, ito ay isang interaksyon sa pagitan ng mga ideyang natanggap
mula sa labas (libro, lektyur, karanasang pampaaralan at iba pa at ng inyong
internal na pang-unawa at interpretasyon sa mga ideyang iyon.
(http//www.une.edu)

Binanggit sa aklat nina Bernales R. A. et. al. (2017) na si Maggie Mertens ay


nagbigay ng mga gabay sa pagsulat ng replektibong sanaysay:

1. Mga Kaisipan at Reaksyon. Kapag nagsusulat ng isang repleksyong papel


tungkol sa panitikan o sa karanasan, mahalagang isama ang iyong mga
saloobin at reaksyon sa binasa o karanasan. Maaari mong ilahad ipaliliwanag
mo ang iyong mga naging damdamin hinggil sa binasa o karanasan. Maaari
ka ring gumamit ng repleksyong papel sa pagsusuri sa iyong nabasa. Tulad
ng iba pang papel o sanaysay, nararapat na magtaglay ito ng kaisahan.
Tukuyin ang mga bahagi ng binasa o karanasang nagbigay ng inspirasyon sa
damdaming inilarawan sa repleksyong papel. Maaari ninyong isama ang
personal na karanasan ngunit huwag umasa sa mga ito, dapat naibatay ang
iyong mga reaksyon at repleksyon sa materyal na kung saan ay ang iyong
paksa.

2. Buod. Ang pagsulat ng replekyong papel ay hindi simpleng pagbubuod ng


binasa o karanasan. Ang ideya ng repleksyong papel ay makasulat ng
sanaysay na naglalarawan sa iyong reaksyon at pagsusuri sa iyong nabasa o
karanasan. Gayunman, ito ay mas pormal kaysa journal entry kaya hindi
naangkop ang impormal na wika at anyo.

3. Organisasyon. Ang repleksyong papel ay kailangang maisaayos katulad ng


iba pang pormal na sanaysay. Maglaan ng introduksyon katulad halimbawa
ng paglalarawan ng iyong mga inaasahan bago magbasa o gawin ang isang
bagay. Ang katawan naman ng papel ay maaaring magpaliwanag sa mga
kongklusyong nabuo mo at kung bakit at paano, batay sa mga kongkretong
detalye mula sa pagbabasa o karanasan. Maaaring tapusin ang papel sa
pamamagitan ng pagbubuod ng iyong mga natamo mula sa binasa o
karanasan. Maaaring iugnay iyon sa iyong mga inilahad na inaaasahan o
humantong sa ibang kongklusyon ng binasa o karanasan kaugnay ng iyong
mga damdamin at reaksyon.

Ayon kay Moon (1999) (https//www.coursehero.com) may mga layunin kung


bakit kailangang magnilay o magkaroon ng repleksiyon. Nagninilay o nagkakaroon
tayo ng repleksiyon upang:
• Maproseso ang ating sariling pagkatuto.
• Magbalik-tanaw sa ilang bagay-sariling asal, mga nagawa, o produkto ng
inasal ng isang indibidwal mula sa ibang tao (halimbawa sanaysay, aklat,
pagpinta at iba pa).
• Makabuo ng teorya mula sa mga naobserbahan.
• Mapaunlad ang sarili.
• Magkaroon ng sariling desisyon at maresolba ang sariling suliranin.
• Mabigyan ang sarili ng kalakasan at kalayaan bilang isang indibidwal.
Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay

1. Panimula
Sa bahaging ito sinisimulan ang pagpapakilala sa paksa o gawain. Maaaring
ipahayag nang tuwiran o di tuwiran ang pangunahing paksa. Ang mahalaga ay
mabigyang panimula ang mahalagang bahagi ng buhay napupukaw sa interes ng
mambabasa.

2. Katawan
Katulad ng maikling kuwento, sa bahaging ito ay binibigyang-halaga ang
maigting na damdamin sa pangyayari. Ang katawan ng replektibong sanaysay ay
naglalaman ng malaking bahagi ng salaysay, obserbasyon, realisasyon, at
natutuhan. Ipinaliliwanag din dito kung anong mga bagay ang nais ng mga
manunulat na baguhin sa karanasan, kapaligiran o sistema.

3. Kongklusyon
Sa pagtatapos ng isang replektibong sanaysay, dapat mag-iwan ng isang
kakintalan sa mambabasa. Dito na mailalabas ng manunulat ang punto at
kahalagahan ng isinasalaysay niyang pangyayari o isyu at mga pananaw niya rito.
Dito na rin niya masasabi kung ano ang ambag ng kanyang naisulat sa pagpapabuti
ng katauhan at kaalaman para sa lahat.

Ayon kina Julian A. B. at Lontoc N. B. (2017), may mga dapat na isaalang-


alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay:

1. Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng sanaysay.


2. Isulat ito gamit ang unang panauhan ng panghalip. Tanggap nang gamitin ang
mga panghalip na ako, ko, at akin sapagkat ito ay kadalasang nakasalig sa
personal na karanasan.
3.Tandaan na bagama't nakabatay sa personal na karanasan, mahalagang
magtaglay ito ng patunay o patotoo batay sa iyong mga naobserbahan o
katotohanang nabasa hinggil sa paksa upang higit na maging mabisa at epektibo
ang pagkakasulat nito.
4. Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito, Tandaang ito ay kabilang sa
akademikong sulatin.
5. Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw at madaling
maunawaan ang gagawing pagpapaliwanag ng mga ideya o kaisipan upang
maipabatid ang mensahe sa mga babasa.
6. Sundin ang tamang estruktura o mga bahagi sa pagsulat ng sanaysay:
introduksiyon, katawan, at kongklusyon.
7. Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata.
Halimbawa ng Replektibong Sanaysay

Kalabang Hindi Nakikita


Ni: Nimfa G. Dalida

Maaga pa’y gumising na ako upang makinig ng balita kung may pagbabago
na sa sitwasyon ng buong bansa. Inaalam ko ang kalagayan ng mga “frontliners”,
mga OFW at mga kababayang katulad ko ay naapektuhan hinggil sa kalabang hindi
nakikita na kinatatakutan at nilalabanan ng buong mundo kaya dapa’t lang sundin
ang paalalang Stay Home, Save Lives!

Matapos kong mag-agahan ay inayos na ang ilang tanim na gulay sa likod


bahay na dati ay hindi ko binibigyang pansin. Napatingin ako sa paligid, tahimik at
walang ingay na nagdaraang sasakyan sa kalsada. Mag-iisang buwan na ring ganito
ang takbo at larawan ng buhay. Nalulungkot, nababahala sa nangyayari sa mundo.

Sa kabilang banda minsan napapaisip at nangingiti kapag nakikita ang


kagandahan, katahimikan ng paligid, nakakalanghap ng sariwang hangin, at
maaliwalas ang kalawakan, walang polusyon at magkakasama ang pamilya na ang
ilan ay noon pa lamang nadiskubre ang kahinaan at kalakasan ng bawat miyembro
na dulot ng lockdown, GCQ, ECQ at iba pang katawagan hinggil sa virus na ito na
nagpatigil sa pagiging abala ng mundo. Sa kabila ng banta ng kalabang hindi
nakikita, ang Covid 19, sama-sama ang sambayanan. Walang hindi makakaya na
laging napapatunayan kapag may mga suliranin at kalamidad na sumusubok sa
pagkakaisa ng sambayanan. ika nga sa awiting “Pagbangon” ni Judie Ann San Jose’
“isang bayan tayo’y aahon walang maiiwan sa pagbangon isang lakas, isang pag-
asa patungo sa bagong umaga’’ at sigaw ng sambayanan Heal as One. Kung
pagsubok man ito, may Panginoon na aalalay at hindi tayo pababayaan.

Marahil ay isa ka rin sa nakararanas ng kalungkutan dahil sa isa na namang


suliranin na kinakaharap ng bansa at nananalangin na dumating na ang panahon
na ito ay malunasan.

Isagawa

Gawain 1
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang halimbawa ng replektibong sanaysay.
Sagutin ang mga kaugnay na tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Tahimik na Martsa ng Tagumpay
ni Eshelle Dado
(ABM Student/Valenzuela National High School)

Nakaupo sa may beranda ng aming bahay naghihintay sa iaanunsiyo ng


presidente kung hanggang kailan ang “Community Quarantine”. Siyempre, isa ako
sa mga mag-aaral na nanalangin na matapos na ito dahil ang inaasam kong Araw
ng Pagtatapos ay malapit na. Matagal ko rin itong hinintay. Naalala ko pa ang unang
araw ko bilang isang mag-aaral sa ika-labing isang baitang, maaga kong inihanda
ang aking mga kagamitan sa kadahilanang ako ay nasasabik sa panibagong mukha
at yugto ng pag-aaral. Pagpasok ko pa lamang sa aming silid-aralan ramdam ko na
ang kagalakan sa bawat isa, nakikita ko rin na ang lahat ay may tinatagong talino
at husay, lahat ay hindi magkamayaw sa pagsagot at pagpapakitang gilas.
Inaasahan ko nang magiging mahirap ngunit masaya ang aking mga pagdadaanan
dito.

Sa unang quarter pa lamang ng klase, kitang-kita ko na, na kaming lahat ay


nagtitiyaga at patuloy na nagsusunog ng kilay upang makukuha ng mataas na
marka. Ngunit bago ko makuha iyon, marami akong pinagdadaanang pagsubok at
hirap. Nagkaroon kami ng pagsusulit sa isa sa aming mga asignatura, nawala sa
aking isip ang mag-aral dahil sa labis na atensyong inilaan ko sa mga di
makabuluhang bagay gaya ng paggamit ng cellphone. Umasaa ako sa aking “stock
knowledge” kaya ako’y nakakuha ng mababang marka, dahil sa pangyayaring iyon,
mayroon akong natutuhan gaya ng huwag ipagsawalang bahala ang pag-aaral bago
sumapit ang pagsusulit at alamin ang limitasyon sa paggamit ng mga gadget.

Lumipas ang mga araw at buwan, mas lalong humirap ang aking mga
pinagdaanan, nagpatong-patong ang mga gawain, may mga presentasyon kaming
dapat paghandaan sa iba’t ibang asignatura, mayroon ding mga biglaang pagsusulit,
nakaabang na mga aralin at dumagdag pa ang mga tungkulin at responsibilidad ko
bilang presidente ng aming klase. Dedikasyon at motibasyon mula sa aking mga
kaibigan at pamilya ang naging sandata ko laban sa puyat, pawis at pagod sa unang
taon ko bilang isang senior high school student na nagbigay sa akin ng karangalan.

Sa aking pangalawa at panghuling taon, may mga bago na namang


asignaturang kailangang pag-aralan. Ibang-iba talaga ang senior high school, mas
tumindi ang mga naging pagsubok na kinaharap ko, mas dumami ang mga gawain
at presentasyon at mas humirap ang mga aralin, dumating pa sa punto na papasok
ako ng walang sapat na tulog at pahinga ngunit dahil sa kagustuhan kong
makapagtapos ng may mataas na marka at mga parangal, hindi ako sumuko at
patuloy na lumaban, ngunit sa kabilang banda, natutuhan ko rin na balansehin ang
oras sa pag-aaral, sarili, kaibigan at pamilya.

Hindi ko makakalimutan ang mga makabuluhang diskusyon naming sa isa sa


aming mga signatura, ukol sa marka, tinalakay namin ang kasabihan “ang marka
ay mga numero lamang”, bawat isa sa amin ay nagpahayag ng kanilang mga saloobin
at opinyon ukol dito. Natuwa naman ako dahil ito ay isang magandang senyales na
ang lahat ay interesado at gustong makinig, Lahat kami ay nasiyahan at natuto.
Dahil sa diskusyong ito, marami akong natutuhan, ang grado o marka ay hindi
numero lamang ito ay representasyon at resulta ng iyong pagtitiyaga, dedikasyon at
paghihirap, hindi dapat tayo masanay sa kaisipang ito, dahil kung tayo ay
makukulong sa kasabihang ito hindi natin matatamasa ang pag-unlad dahil ang
silid para sa pag-unlad ang pinagmamalaki at pinakamagandang silid na dapat
mong pasukin, parati nating naisin ang ikakaunlad at ikakabuti ng bawat isa.
Nalalapit na ang aming pagtatapos, ngunit nagkaroon ng hindi inaasahang
pangyayari, humarap sa isang malaking pagsubok ang buong bansa at dahil hindi
ito natuloy, naudlot ang aming kagalakan at napuno ng kalungkutan ang bawat isa,
dahil ang pagtatapos ang pinakahihintay ng lahat. Ako rin ay dumaan din sa labis
na pagkadismaya at kalungkutan dahil sa mga pangyayari, ngunit kahit di man kami
makapagmartsa, nakapagsuot ng toga, nakakanta ng awitin para sa aming
pagtatapos at nakaakyat sa entablado para sabitan ng medalya, may natitira pa ring
kagalakan at tuwa sa akin, dahil ako ay pinarangalan bilang with highest honor at
nakamtan ko ang aking mga minimithi. Mahirap man ang naging karanasan ko gaya
ng aking inaasahan, hindi ko ito makakalimutan. Ang sarap din ng pakiramdam na
matapos kayong magdiskusyon sa ginagawang pananaliksik ay may katatagan
kayong haharap sa panel upang idepensa ang naturang gawa. Ika nga ni Betong
“Amazing”. Marami itong naituro sa akin, na dadalhin at tatandaan ko hindi lamang
sa pagtuntong sa kolehiyo kundi pati na rin sa laban ng buhay. Masaya ang aking
puso dahil lalo akong nahubog na maging isang mabuti, matatag at
mapagkumbabang tao. Habang buhay kong karangalan ang aking mga natutunan
ngayon sa tahimik na martsa ng tagumpay.

1. Ilarawan ang naramdaman ng may-akda sa panibagong yugto ng kanyang pag-


aaral.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga pangyayari na kakikitaan ng pagiging positibo ng sumulat?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

3. Isa-isahin ang mga karanasan ng may akda sa pagtatamo ng tagumpay?

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

4. Ipaliwanag ang kahulugan ng pamagat na Tahimik na Martsa ng Tagumpay.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

5. Taglay ba ng akda ang katangian ng mahusay na replektibong sanaysay?


Patunayan.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
Gawain 2
Panuto: Magbigay ng tatlong mahahalagang kaisipang nakuha mula sa binasang
teksto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Kaisipan 1
Kaisipan 2
Kaisipan 3

Gawain 3
Panuto: Magsaliksik ng isang halimbawa ng replektibong sanaysay sa internet.
Isulat ang buod gamit ang tatlong bahagi ng sanaysay. Ilahad din ang kaisipan
o mensaheng nakapaloob dito. Gumamit ng sagutang papel.

Pamagat
Sanggunian
Panimula

Katawan

Wakas

Kaisipan/Mensahe

Gawain 4
Panuto: Bumuo ng isang replektibong sanaysay na may kaugnayan sa iyong mga
karanasan sa pag-aaral o mga pangyayari sa buhay. Sikaping maging maikli
ngunit malaman at makabuluhan na may pagsasaalang-alang sa layunin at mga
hakbang sa pagbuo ang iyong susulatin. Lapatan ito ng makatawag pansing
pamagat. Gumamit ng sagutang papel.
Rubrik Sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay

Mga
Krayterya 10 8 5
Maayos ang Hindi maayos ang
Mahusay ang mga pagkakasunod- organisasyon at
ideya, may mabisang sunod ng ideya, hindi malinaw ang
Organisasyon panimula buod at may angkop na panimula at
kongklusyon simula at kongklusyon
kongklusyon
Makikita ang May mga ilang Mababaw at walang
kahusayan sa mga paglalahad na hindi gaanong halaga ang
Nilalaman karanasang inilahad na kailangan nilalaman
sa akda.
Napakahusay ang Mahusay ang Kailangang isaayos
paggamit ng wika paggamit ng wika, dahil may mga
walang mali sa maayos ang pangungusap na
Paggamit ng gramatika, baybay at gramatika ngunit mali ang
wika gamit ng bantas, may may kakulangan sa gramatika, baybay
mayamang bantas at bantas
bokabularyo
Malinis ngunit Medyo mahirap
Malinis at maayos ang hindi maayos ang basahin at hindi
Presentasyon pagkakasulat ng talata pagkakasulat ng gaanong malinis
talata. ang pagkakasulat
ng talata

You might also like