You are on page 1of 9

Ang Replektibong

Sanaysay: KAHULUGAN AT
KALIKASAN
Ano ang Replektibong Sanaysay?
Ang repleksyong sanaysay o repleksyong papel ay
isang pasulat na presentasyon ng kritikal na
repleksyon o pagmumuni-muni tungkol sa isang
tiyak na paksa.
 Ang repleksyong papel ay maaring isulat hinggil sa isang
itinakdang babasahin, sa isang lektyur o karanasan katulad ng
internship, volunteer experience, retreat and recollection o
educational tour.

 Kadalasan ang repleksyong papel ay naglalaman ng mga


reaksyon, damdamin at pagsusuri ng isang karanasan sa
napakapersonal na paraan, kaiba sa paraan ng pormal na
pananaliksik o mapanuring sanaysay. Ayon ni (Bernales &
Bernardino, 2013).
 Ang repleksyong papel ay hindi dayari o dyornal,
bagaman ang mga ito (dayari at dyornal) ay
maaaring gamiting paraan sa pagpoproseso ng mga
repleksyon bago isulat ang repleksyong papel. Ito ay
isang impormal na sanaysay, at kung gayon,
nangangailangan ng sumusunod:

 Introduksyon;

 Katawang malinaw at lohikal na naglalahad ng iyong


mga iniisip at/o nadarama; at

 Konklusyon
Introduksyon
Dito ilalapat ng manunulat ang gusto niyang ipabatid sa
katawan ng sanaysay, o kung anong ideya ang
tatalakayin sa sanaysay. Ang introduksyon ay dapat
maging simple ngunit detalyado at makakapukaw ng
interes ng mambabasa.
Katawan
Dito nakasaad ang lahat ng mga aral at opinyon na nais
ipabatid ng manunulat, kaloob nito ang paglalahad ng
interpretesyon at paggamit ng mga datos o ebidensya na
mapagpapatibay sa ideya ng manunulat. Sa katawan rin
nakaloob ang mga iba’t-ibang karanasan at sariling
pananaw ng manunulat sa isang kaganapan o paksa.
Konklusyon
Dito ang parte kung saan mailalahad ng manunulat ang
kabuuan ng kanyang replektibong sanaysay, maaring
maulit ang mga mahahalagang puntong nabanggit sa
katawan ng teksto. Higit sa lahat, sa konklusyon
maaaring ibatid ng manunulat ang kanyang matibay na
pananaw/karanasan sa naturang pangyayari.
 Ang repleksyong papel ay tala ng mga
kaalaman at kamalayan hinggil sa isang
bagay. Kung gayon, ito ay isang
interaksyon sa pagitan ng mga ideyang
natanggap mula sa labas (libro, lektyur,
karanasang pampaaralan, at iba pa) at
ng iyong internal na pag-unawa at
interpretasyon sa mga ideyang iyon.
 Higit sa lahat, ang repleksyong papel ay nag-
aanyaya ng self-reflection o pagmumuni-muni. Ang
kakayahang makapagmuni-muni ay isang
mahalagang personal at propesyonal na
katangian. Ang pagmumuni-muni sa kontekstong
ito ay kinapapalooban ng konstant na pagtatanong
hinggil sa mga sariling haka at ng kapasidad na
magsuri at magsintesays ng impormasyon upang
makalikha ng mga bagong panananaw at pag-
unawa. Ito ay isang patuloy na proseso na
humahantong sa komitment upang mapagbuti
ang isang pansarili o prosesyonal na gawain.

You might also like