You are on page 1of 4

FILIPINO

Ang Sining ng Paglalahad


 salitang pranses na essayer=“sumubok” o “tangkilikin”.
 Sa kaanyuan at kayarian nito, ang ideya o ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ay
inilalahad nang mabisa at maayos upang makapagtalastas, makalibang at
makapaglarawan ng isang bagay o makuha ng anumang pagbabago.

 nagsimula na rin ito sa Asya sa pangunguna ni Confucius na sumulat ng Analects at ni
Lao-Tzu na sumulat naman ng Tao Te Ching
 Noon namang ika-14 na dantaon, nakilala ni Yushida Kenko ng Hapon na may katha ng
“Tsurezuregusa” o “Mga Sanaysay sa Katamaran.
 Francis Bacon-Ang sanaysay ay isang kasangkapan upang isatinig ang maikling
pagbubulay-bulay at komentaryo sa buhay.
 Paquito Badayos-Naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at makatwirang
paghahanay ng kaisipan.
-Naglalahad din ito ng mga personal at pansariling pananaw ng manunulat tungkolo sa
isang paksa.
 Alejandro Abadilla-Ang isang sanaysay ay nangangahulugang nakasulat na karanasan ng
isang sanay sa pagsasalaysay.
-Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang pagpapahayag ng may-akda sa kanyang
sariling pananaw.
-Kailangan pumili ng angkop na pananalita, sariling estilo o pamamaraan ng may akda
 Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino-isang detalyado at komprehensibong
pagpapaliwanag ng isang bagay, pook, o ideya.
 Jose Arrogante sa kanyang aklat na Filipino Pangkolehiyo:- Kasiningan, Kakayahan, at
Kasanayan sa Komunikasyon, Sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository
writing.

 Ito ay hindi
 nagsasalaysay ng isang kuwento.
 naglalarawan ng isang bagay.
 nagpapahayag ng paninindigan.
Ito ay isang pagpapaliwanag na obhetibo.

 Malimit na paggamitan nito ay


 Pagbibigay-kahulugan
 Pagsunod sa panuto
 Pangulong-tudling
 Suring-basa
 Ulat
 Balita
 Sanaysay
 ELEMENTO
 Sapat na kaalaman o impormasyon sa paksang tinatalakay.
 Ganap na pagpapaliwanag sa buong kahulugan.
 Malinaw at maayos na pagpapahayag
 Paggamit ng larawan, balangkas, at iba pang pantulong upang madali
ang pag-unawa sa ipinaliwanag.
 Walang pagkiling na pagpapaliwanag ng anumang bagay na
nasasaklaw ng tao.
 DALAWANG URI NG SANAYSAY
 1.Pormal- Ito ay nagbibigay ng patalastas sa isaang maayos at bunga
ng isang maingat na pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa’y
tinatawag din itong impersonal o siyentipiko sapagkat ito’y binabasa
upang makakuha ng impormasyon.
Ex. Global warming sa Pilipinas
 Impormal- Tinatawag din itong pamilyar o personal, at nag bibigay-
diin sa isang estilong nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay
naglalarawan ng pakahulugan ng may akda sa isang pangyayari sa
buhay,at naglalahad nnd kanyang pala-palagay.
Ex. Ikaw? Saan patungo.
 Labindalawang natatanging uri ng sanaysay:
 Nagsasalaysay
 Naglalarawan
 Mapag-isi o di praktikal
 Kritikal o mapanuri
 Didaktiko o nangangaral
 Nagpapaalala
 Editoryal
 Maka siyentipiko
 Sosyo-politikal
 Sanaysay pang kalikasan
 Sanaysay na bumbalangkas sa isang tauhan
 Mapadili-dili o Replektibo
 Tatlong bahagi ng Sanaysay
 Panimula- dapat ay nakatatawag ng pansin o nakapupukaw ng
damdamin ng mambabasa.
 Katawan- pinakanilalaman ng akda ay kinakailangang maging
mayamaman sa kaisipan at kaisahan ng mga detalye.
 Wakas- karaniwang nababasa ang pangkalahatang impresyon ng may
akda o kongklusyon ng sumulat
REPLEKTIBONG SANAYSAY
 MICHAEL STANFORD-Isa sa mga tiyak na uri ng sanaysay na may kinalaman sa
introspeksiyon na pagsasanay.
-Pagbabahagi ng mga bagay na naisip, nararamdaman, at damdamin hingil sa isang
paksa.
 Maihahalintulad sa:
Journal : Nangangailangan ng pagtala ng mga kaisipan at kaisipan sa isang paksa o
pangyayari.
Academic Portfolio : Nagkakaroon ng malalim na pagsusuri ang may akda kung
paano siya umunlad bilang tao kaugnay ng paksa.
 Ang replektibong sanaysay ay kadalasang nakabatay sa karanasan kaya mula sa
nilalaman nito ay masasalim ang pagkatao ng manunulat.
 Kori Morgan, guro mula sa West Virginia University at University of Akron-ang
replektibong sanaysay ay nagpapakita ng personal na paglago ng isang tao mula sa isang
mahalagang karanasan o pangyayari.

 Mga Dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay.


 Magkaroon ng isang tiyak na paksa o tesis na iikutan ng nilalaman ng
sanaysay.
 Isulat ito gamit ang unang panauhang panghalip. Tanggap na gamitin
na ang mga panghalip na ako, ko at akin.
 Tandaan na bagama't nakabatay sa personal na karanasan,
mahalagang magtaglay ito patunay o patotoo.
 Gumamit ng mga pormal na salita sa pagsulat nito. Tandaan na ito ay
kabilang sa akademikong sulatin.
 Gumamit ng tekstong naglalahad sa pagsulat nito. Gawing malinaw
at madaling maunawaan ang gagawaing pagpapahayag ng mga ideya
o kaispan.
 Sundin ang tamang estruktura o mga bahagin sa pagsulat ng
sanaysay. Introduksiyon, katawan at konklusiyon.
 Gawing kohikal at organisado ang pagkasulat ng mga talata
 Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
 Introdaksyon-makakapukaw ng atensyon
-quotazion, tanong, anekdota, karansan at ba pa
 Katawan-Maglagay ng mga obhetibong datos batay sa iyong
naobserbahan o naranasan para mapatibay ang iyong paliwanag.
Makatutulong nang malaki kung gagamit ng mga
mapagkatiwalaang mga sanggunian. Sa bahagi ring ito makikita o
isusulat ang iyong mga napagnilay-nilayan o mga natutuhan
 Kongklusyon-Muling banggitin ang tesis o ang pangunahing paksa
ng sanaysay.

You might also like