You are on page 1of 3

1 FILIPINO SA PILING LARANGAN

PAGSULAT NG BIONOTE

Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa


pagsulat ng personal profile ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong
talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o kaya ng kathambuhay o
katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit ito
ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa
kanilang aklat na Academic Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa
buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang academic career na
madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga sulating
papel, websites, at iba pa.

Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang


kagaya ng mga ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin.
Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita
sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng bionote na
maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.

Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:


1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa
resume, kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay
gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5)
hanggang anim (6) na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye
tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga
interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay
marami, piliin lamang ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo
ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita
upang madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong
maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging
kawili-wili ito sa mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito.
Tandaan na ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang
katumpakan at kaayusan nito.

https://www.buzzle.com/articles/how-to-write-a-short-bio-on-
yourself.html.

Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag
,koordineytor at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”
2 FILIPINO SA PILING LARANGAN

Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary


and Secondary Education magna cum laude at ng Master of Arts in Teaching
Filipino Language and Literature sa Philippine Normal University . Nakapagturo
siya ng Filipino sa loob ng dalawampu’t limang taon at nakapanglingkod bilang
homeroom chairman , koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at Assistant
principal for Academics sa St. Paul College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba’t
ibang kumperensyang pangguro sa iba’t ibang bansa tulad ng Amerika ,
Singapore ,China ( Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang
natutuhan niya sa mga kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa
kanyang pagbabahagi ng kaalaman at kasanayan sa pagiging trainer-facilitator
ng mga seminar-workshop na pangguro sa iba’t ibang panig ng bansa.

Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools ,


Colleges , and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing
pambata gayundin sa mga magasin at journal na pangguro. Subalit ang itinuturing
niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa Maykapal ay ang
pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa
pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino.

Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:


Pangalan ng may-akda , kursong natapos (graduate at post-graduate)
,karangalang makamit, trabaho bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga
kumperensyang nadaluhan,kontibyutor ,angkop na kasanayan , akreditor ,
manunulat at iba pa.

Katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang
ang mahahalagang impormasyon,
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng
pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman.
Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong
pamantasan .
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-
alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang target na
mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang hulmahin ang
bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang
obhetibong sulatin, talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa
bionote .
3 FILIPINO SA PILING LARANGAN

PINAKAMAHALAGANG IMPORMASYON

MAHALAGANG IMPORMASYON

DI-GAANONG
MAHALAGANG
IMPORMASYON

5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang


ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at
chef “.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na
kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD
halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung
paminsan-minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay
kailangan upang matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba ang
kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.

https://www.slideshare.net/CookiesAlajar/bionote-80249815

You might also like