You are on page 1of 12

BIONOT

E
BIONOTE
ay maituturing din na isang uri ng lagom na
ginagamit sa pagsulat ng personal profile
ng isang tao.
• Ayon kay Duenas at Suanz (2012), ito
ay tala sa buhay ng isang tao na
naglalaman ng buod ng kanyang
academic career na madalas ay
makikita sa mga journal, aklat, abstrak
ng mga sulating papel, web sites
atbp.
MGA BAGAY NA
DAPAT
ISAALANG-
ALANG SA
PAGSULAT NG
BIONOTE
1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin
sa resume, kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito
naman ay gagamitin para sa networking site, sikaping maisulat ito
sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o
detalye tungkol sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye
tungkol sa iyong mga interes. Itala rin ang iyong mga tagumpay
na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang ang
dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na
obhetibo ang pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga
payak na salita upangmadali itong maunawaan at makamit ang
totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa
maikli at tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit
na maging kawiliwili ito sa mga babasa, gayunman iwasang
maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito ang mismong
maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong
bionote. Maaring ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong
gamitin upang matiyak ang katumpakan at kaayusan nito.
Katangian ng
Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat
lamang ang mahahalagang impormasyon.
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging
gumagamit ng pangatlong panauhang pananaw kahit na ito pa ay
tungkol sa sarili. Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng
BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan.
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang
isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng bionote. Kung ang
target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang
hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng
balita at iba pang obhetibong sulatin, talagang inuuna ang
pinakamahalagang impormasyon sa bionote .
Pinakamahalagang
impormasyon

Mahalagang
impormasyon

Di – gaanong ahalagang
impormasyon
5. Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili
lamang ng mga kasanayan o katangian na angkop sa layunin ng bionote.
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante
,environmentalist at chef “. Kung ibig pumasok bilang guro sa
panitikan , halimbawa hindi na kailangan banggitin sa bionote ang
pagiging negosyante at chef.
6. Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD
halimbawa at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama
kung paminsan-minsa ay magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito
naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan o upang ipakita sa iba
ang kakayahan . Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.

You might also like