You are on page 1of 3

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

SENIOR HIGH SCHOOL

ASIGNATURA: FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)


BAITANG/ SEKSYON: BAITANG 12 (HUMSS 12, ABM 12)
PETSA: MARSO 15-22, 2024

BANGHAY-ARALIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang kalikasan, layunin at paraan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng
sulating ginagamit sa pag-aaral sa iba’t ibang larangan
PAMANTAYANG PAGGANAP: Nasusuri ang kahulugan at kalikasan ng pagsulat ng iba’t ibang anyo ng sulatin
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO: Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) Layunin (b) Gamit (c)
Katangian (d) Anyo

I. MGA TIYAK NA LAYUNIN: 1. Natutukoy ang kahulugan at kabuluhan ng panukalang proyekto.


2. Nakapaglalahad ang mga mag-aaral ng reyalistikong mungkahi para sa
panlipunang pangangailangan batay sa panukalang proyekto.
3. Nakasusulat ng organisado, orihinal at kapani-paniwalang sulatin.
II. NILALAMAN
Paksa:  Panukalang Proyekto
Sanggunian:  Teresa P. Mingo, PhD (2020) FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK) Unang
Edisyon
 Most Essential Learning Competencies(MELC), CS_FA11/12WG-0p-r-93
Materyales:  Laptop, PowerPoint Presentation, Module, Book/Internet, Marker
Values:  Kooperasyon
III. PAMAMARAAN
 Katahimikan
 Pagdarasal
PANIMULA:
 Pangangasiwa sa silid-aralan
 Pagtatala ng Liban sa Klase
 Ano-ano ang pinagkakaiba ng mga akademikong sulatin na bionote, agenda at
BALIK-TANAW:
katitikan ng pulong?
Letter to Myself

Panuto: Sa ikaapat na bahagi ng papel, isulat ang iyong mga mithiin at layunin sa buhay.
Maging malaya sa pagpapahayag ng pangarap at saloobin. Maaari ring magbahagi ng
MOTIBASYON: mga karanasan sa nakaraan na nais ipagpatuloy o baguhin.

(Pagkatapos ng itinakdang oras para sa pagsulat, hihikayatin ng guro ang ilang mag-
aaral para sa pagbabahagi, pagkatapos ay ipatatago ito sa lalagyang maaaring balikan
makalipas ang ilang taon o panahon)
DISKUSYON: Panukalang Proyekto
 Personal profile ng isang tao
 higit na maikli kompara sa mga autobiography at biography
BASIC EDUCATION DEPARTMENT
 Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic Writing for
Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng
buod ng kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga
journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.
 Ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga
ito upang ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin
 Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging “Tungkol sa Iyong Sarili” na
makikita sa mga social network o digital communication sites
Mga bagay na dapat tandaan sa pagsulat ng Bionote
1. Sikaping maisulat lamang ito sa nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa
networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na
pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa
iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin
ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang
ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang
madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang
iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
5. Ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawiliwili ito sa
mga babasa, gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na ito
ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring ipabasa
muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at
kaayusan nito.
IV. EBALWASYON Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Tukuyin at isulat ang TAMA kung wasto
ang inilalarawan ng pahayag at MALI naman kung hindi.

1. Ang bionote ay higit na maikli kompara sa mga autobiography at biography.


2. Ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng kanyang
academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat,
abstrak ng mga sulating papel, websites, at iba pa.
3. Sikaping maisulat ang bionote nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa
networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na
pangungusap.
4. Gumamit ng mga payak na salita upang madali itong maunawaan at makamit ang
totoong layunin nitong maipakilala ang iyong sarili sa iba sa maikli at tuwirang
paraan.
5. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol sa
iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin
ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang
ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
BASIC EDUCATION DEPARTMENT

Indibidwal na Gawain

V. APLIKASYON Panuto: Gumawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga mahahalagang pangyayari sa


iyong buhay at gawing gabay ito sa pagsulat ng iyong bionote.

Panuto: Bumuo ng bionote ng iyong iniidolo. Isulat ito sa papel at maging handa sa
VI. TAKDANG-ARALIN
pagbabahagi sa klase.

Inihanda ni: Sinuri ni:


G. Jhon Kerl F. de Guzman Bb. Arlene T. Menorca
Student Intern Guro

Iwinasto ni: Nirekomenda ni:


Bb. Dianne Christia M. Vega, LPT G. Wyndell S. Gaspan III
Tagapangasiwang Pang-akademiko Principal, Basic Education

You might also like